LINZEI POV:
"I-I'm... "
Bago ko pa man sabihin ang aking pangalan sa lalaking nagngangalang Jack Krean.
Bigla na lang may eeksena sa aming dalawa. Napalayo rin sa aking direksyon si Jack or Sir Jack. Hindi ko alam ang itatawag sa kaniya.
Kaya nakaramdam ako ng pagkaginhawa sa paghinga, hindi katulad kanina na sobrang naninikip ang aking dibdib dahil sa kaniyang paglapit.
Napalingon din ako sa aking likuran. Nakita ko ang isang lalaki na kakalabas pa lang sa kotse. Hindi siya ganon kalayuan sa aking height. Makapal ang buhok nito at medyo mahaba. May earring din na itim na maliit kaso iisa lang at nasa kaliwang bahagi ng kaniyang tainga.
Nakasuot siya ng puting t-shirt at trouser. Ang pang-apak naman niya ay Nike na sapatos. Magkaiba sila ng kulay nitong si Sir Jack.
"Hoy Jack! Sino 'yan? Shota mo?" Patanong na wika ng lala
JACK'S POV:"What's happening here?" Tanong ko sa mga nagkukumpulan na mga katao. Nakipagsiksikan pa ako para lang makapunta sa pinaka-main point ng eksena.Akala mo ay may concert sa labas ng bar ko. Hindi pa naman oras ng bukasan nito.Nakita ko ang isang lalaki na mataba pero ang braso at dibdib ay masasabi kong malaman pa sa malaman. Araw-araw ata itong nasa gym para magpalaki ng mga braso pero nakalimutan na paliitin din ang t'yan na akala mo ay may dinadalang bata.Nakahawak ito sa kwelyo ng lalaking hindi ko kilala. Naka-business attire ang lalaki habang nakataas ang kilay sa kaharap niya.Napansin ko na hindi pa nagsisimula ang labanan sa pagitan nila.Panigurado na mga customer ko ang mga itong nanonood at sila ay nag-aabang na sa pagbukas ng bar, kaso nga lang may dalawang kotse ang magkakasalpukan.Nainis ang lalaking masboy na
JACK'S POV:"So, let's start," panimula ko sa babaeng ito. Maaga pa naman at ang oras ng bukas nitong bookstore ay alas otso ng umaga. "Anong dahilan mo at gusto mong pumasok sa bookstore ko? Aside from the payment. Don't give me a lie reasons, I can sense it." Tanong ko sa kaniya at binantaan na rin para alam niya kung ano ba ang kaya kong gawin.Hanggang ngayon ang suot niya ay pang-lalaki. Wala naman sa aking kaso 'yon. Mas maganda ngang ganon para walang lumandi sa kaniya na mga malanding lalaki. Pupunta lang sa bookstore para magbasa ng kaunti saka kapag wala ng umaaligid sa librarian, gagawin nila ang pakay nila.Hindi ko magawang bigyan ng leksyon ang mga 'yon, dahil hindi ko pa nahuhuli. Hanggang tingin na lang ako sa mga mini camera na nakakalat sa bookstore.Kaya alam ko ang mga ginagawa ng mga empleyado ko at kayang-kaya ko itong isiwalat sa pulis kung maging dehado ako sa kanila.&
JACK'S POV:Alas n'webe na ako nakarating sa A.J.Y. Academy. Hanggang ngayon wala pa ring pinagbago ang paaralan. Ang uniform ay ganon at ganon pa rin.Violet with blue highlights. At logo ng isang bungo na pinalilibutan ng cobra. Representing the color of Yuazzer eyes. Pero ni isa sa mga ito ay wala pang violet na kulay ng mata. Hindi na nasundan pa ng mga ninuno nila.At kung magkataon man na mangyari man 'yon, siya na ang pinakamalakas. Sabi-sabi lang ng mga matatanda."You're here. Akala namin hindi ka makakapunta. You know, we just meet last last day and never talk." Nakangiting wika ni Ze.Ang tanging palatandaan lang kung sino si Aze at Ace ay ang nunal nitong si Aze sa kaniyang ilong. Hindi naman malaki pero kita pa rin.Magkasingtangkad lang sila at ang porma nila ay parehas lang din. Nakasimpleng polo shirt lang sila na hindi makapal at naka-maong s
JACK'S POV:Isang buwan na ang nakakalipas magmula ng imbitahan at dalhin ako ng dalawa sa sariling bar ko.Hindi na muli silang nag-abala pa sa akin. Kinausap lang nila ako para sa misyon na gusto nilang gawin ko, kapalit ng pagtulong sa nawawalang bagay na pagmamay-ari ng pamilya ko.Isa na rin 'yun malaking tulong sa akin. Baka sakaling mas mapabilis ang paghahanap ko sa letcheng kahon na 'yon. At malaman ko na kung ano ba ang kahalagahan no'n sa aming pamilya.Maski ako ay na-ko-curious sa laman. Ano kayang meron?Sa loob din ng isang buwan na 'yon nakikilala ko na nang mabuti ang empleyado ko. Magaling siya at kitang-kita ko sa mini camera kung paano niya banatan ang mga kalalakihan na nambabastos kapag naglilinis siya ng mga libro.Ginagawa niya talaga ang lahat para sa pamilya na kailangan siya. Nasa kaniya na talaga nakaatang ang lahat. Dahil siya ang
LINZIE'S POV:"I'm waiting." Bungad sa akin ni Sir saka hinila ako sa loob ng opisina niya. Itinuro niya pa ang nag-iisang upuan at sinenyasan na umupo. Wala na rin akong nagawa kundi ang sundin siya.Maski siya ay malayang umupo sa upuan na para talaga sa kaniya. Nilagay niya pa ang dalawa niyang palad na nakayukom sa may baba niya at seryoso akong tiningnan.Tama nga ang sinabi niya kagabi na pupunta siya sa bookstore para malaman ang sagot ko sa alok niya. Isang alok na malaki ang impact sa akin.'Yun nga lang dumating siya rito ng mga hapon na at malapit na akong magsara. Hindi ko aakalain na ang dami talagang customer dito.Kahit na gano'n man ang business owner, ang mga customer naman ay patuloy na naglalaan ng oras para magbasa o hindi kaya ay magbili na lang.Noong mga panahon na nagpunta ako rito, wala pang katao-tao. Iilan pa lang ang nalagi rito. K
LINZIE'S POV:"Your dad? Wow." Hindi makapaniwala niyang komento. Hindi niya aakalain na sa likod ng mga paghuli ay may isang tao ang nasa likod nito.Subalit hindi ganon kakilala ang pangalan niya. Ilang taon lang 'yon, ilang taon lang naging bantog sa mamamayan ang pangalan ng aking Tatay hanggang sa mawala na. Wala na rin nakaalala sa sinapit niya at hindi man lang inaalala ang kaniyang ginawa sa bansa.Pero hindi naman 'yon ang problema sa akin. Mas mabuti na 'yon na walang nakakaalam sa pamilya namin, maganda na ang malayo sa alalahanin."Yes po, pero matagal na po nangyari 'yon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit siya nakatakas?"Nagtataka pa rin talaga ako sa mga nangyayari. Sa pagkakaalam ko malakas ang seguridad sa underworld. Walang sinuman sa mga bilanggo ang makakatakas hanggat wala pa sa oras at panahon ng kanilang paglaya.May naturang
KINABUKASAN(8AM)JACK'S POV:"Anong meron na naman d'yan sa mukha mo at nakabusangot ka?" Inis na singhal ko sa lalaking ito na kakapasok pa lang sa kwarto ko.Kapag nagkikita kami naaasiwa na agad ako sa pagmumukha niya. Kung noon ayos lang sa akin na makita siya araw-araw para may mapaglabasan ako ng inis at galit ko.Pero ngayon... ayoko na. Ayoko na talaga.Hindi man niya aminin sa akin, kahit na sa sarili niya ay lalaki siya. Ang kilos naman niya kapag kasama ako ay parang bakla na umaalam pa sa totoong nararamdaman niya.Minsan ay napapaisip na lang ako na may gusto sa akin ang lalaking ito at ginagawa lang na dahilan na takot siya magsolo sa kama niya.Napansin kong napanguso naman si Froyd sa aking harapan at mabilis na lumapit sa akin.He spread his arm side by side and ready to hug me when I po
LINZIE'S POV:"Thank you for coming, Ma'am and Sir. Please comeback if you have free time." Nakangiti kong pagpapaalam sa mag-syota na ngiti na lang din ang tugon.Hinawakan pa ng lalaki ang balikat ng babae para makalabas sila nang sabay sa pintuan. Napahalumbaba na lang ako habang pinagmamasdan ang pagiging malambing ng lalaki sa gf niya.Mahal na mahal talaga ng lalaki ang babae, akalain mo na binili talaga ang pinakamahal na libro sa bookstore na ito. 'Yun nga lang hindi ko maalala kung ano ba ang binili nito, sa pagkakaalam ko ay rare book na lang 'yun at international pa.At saka mahaba, medyo mahirap akong makaalala patungkol dito.Pero napalayo ang aking mukha sa pinto. Nakaalis na rin ang mag-syota kaso ang pumasok naman ang may-ari na naka-formal suit.Businessman na businessman talaga ang dating. At ang kaniyang paglalakad ay parang nag-mo-model la