Share

CHAPTER 1

If only tears could heal the pain I'm feeling right now, I'll spend my whole life crying cause I know I'll stay in love with him for the rest of my life, even knowing he might never fall for me again.

Everyone blamed me for hurting Luhennce. Lahat ng nakakaalam, galit sa'kin, sinisisi ako at tinatawag ng kung ano-ano. And I know, I deserved it. Hindi ko sila masisisi, hindi ako pwedeng magalit. 

Wala akong karapatang magalit.

Ganun naman talaga diba? Pag ikaw ang dahilan, ikaw na talaga ang may kasalanan. Kapag ikaw nagkamali, ikaw sisisihin at pagsasalitaan ng masasakit na salita. Kahit hindi nila alam ang buong istorya, basta kung ano narinig nila they will stick with it and they will hate you. Na para bang ni minsan hindi ka nila nagustuhan, na para bang ni minsan wala kang nagawa para sa kanila.

When everything's alright, do good and they will forget about it isang araw lang limot na nila 'yon, pero isang pagkakamali lang ang magawa mo without even knowing your reason, 'yung kaisa isang pagkakamali na iyon ang maaalala nila araw araw at umaabot pa ng taon, na para bang ni minsan wala kang nagawang tama, na parang ang sama sama mo na.

Mavis, August, Meast---they have no idea about it. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa'min ni Luhennce. Hindi ko sinabi sa kanilang nagkaroon ako ng boyfriend, they didn't know that I've been through a lot after our break up. Hindi ko na sinabi pa sa kanila dahil wala narin namang mangyayari. Tanging si Sabria lang ang nakakaalam ng lahat.

I was walking without any direction, holding a bottle of beer that serves as my companion, crying...because that was all I could do when everyone's not with me. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanila ang pag-iyak ko. They met me as Amanda, the happy go lucky, the one who loves to get wasted, to get drunk, and a bitch.

For all those years, Walang gabing hindi ako umiyak. Not because of regret, but because of pain. Pain because he easily gave up without even knowing everything.

Ramdam ko ang pagvibrate ng phone ko, ngunit hindi ko 'yun kailanman tiningnan. I just keep on walking, and drinking. Muli nanaman akong nasupalpal ng katotohanan pero palagi ko ring iniisip na meron parin, kahit konti...meron parin siyang nararamdaman para sa'kin.

Natagpuan ko ang sarili sa madalas kong puntahan kapag gusto kong magpahinga.

It was a bridge, umupo ako sa dulo noon at hinayaang bumagsak ang mga paa ko sa tubig. The lake seems calm, the night wind was cold. Nilapag ko ang bote ng beer sa gilid ko bago hinayaan ang sariling mahiga roon. With my feet still on the water, I closed my eyes. Hoping it would help me to rest, just an hour...gusto ko munang matulog.

"Jusko Amanda!" Marahan akong napamulat ng marinig ang boses ni Sab. I saw her standing and looking at me. Umupo ako at hinarap siyang hinihintay akong magpaliwanag.

"I was just resting,"

"And you choose to be alone again? Sinasabi ko na nga ba at dito ka nanaman pupunta! Tinatawagan ako ni Mavis kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag namin, I just told her you're sleeping! My goodness! Ano bang nangyari?!" Walang buhay akong natulala sa kawalan bago natawa sa sarili.

"It's our first time to see each other after 5 years. Pinamukha niya sa aking wala na talaga siyang nararamdaman."

"He loved you, hindi mo rin siya masisisi Amanda." Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili.

"Tara na, uwi na tayo."

"Once is enough Amanda, I don't think it's right to stick with your plan."

"I am not going to back out just because he made me feel like he hates me." Bahagya akong huminto sa paglalakad, Sabria remained behind me, watching me walk, watching how I am trying to ease the pain so tomorrow I will have the courage  to feel it again.

"Sabria~"

"Hmmm?" She hummed, softly.

"Give me the details of his everyday sched."

"A-ano?"

"Simula bukas, palagi na niya akong makikita, araw araw palagi niya akong makikita."

"Amanda?! That's obssession! Lalo lang magagalit sa'yo 'yung tao!"

"I don't want him to be with other woman, babakudan ko lang at the same time pipilitin kong mahalin ulit ako." Siguro nga wala na ang respeto ko sa sarili ko, and I am willing to lose it just to get him back to me.

"Amanda that's not you." I know, I am the 'Amanda' who never begged for love.  But after losing the love, that Amanda lost herself too...and the worst part is...it's her entire fault.

Hindi na nakipagtalo pa si Sab sa akin. One thing that I like about her is that, no matter how she wants me to stop at the end of the day she will still support my craziness. She will still spoil and tolerate me.

I was walking with my face high, everyone is greeting me and I was just giving them nods. Mabuti nalang at walang masyadong binibigay na mission sa akin si Meast, kasama ako sa naghahanda sa laban namin sa underground mafia king.

I should be terrified, walang kasiguraduhan ang mga buhay namin sa kaniya, pero wala sa isip ko ang bagay na 'yon. I made my day busy first, I received Sabria's email about Luhennce' schedule.

After lunch ay saka ko kinuha ang lunch boxes na naglalaman ng mga niluto ko at nagmadaling umalis.

I've texted him, even called him but not answering. Alam niya bang ako 'yun? Busy ba siya? Or hindi lang sumasagot ng mga unregistered number?

Sinubukan ko pa siyang hawakan  holding the lunch boxes pero hindi parin sumasagot. Pumara ako ng taxi at iniwan ang kotse ko sa harap ng building. Dumeretso ako sa Dastan at sinubukan siyang hanapin, some students are looking at me, mabuti nalang suot ko ang sunglasses ko. I was about to enter inside the University when my eyes settled on a restaurant  near Dastan. Medyo nasa harap ito ng Dastan, sa kabilang kalsada. I feel like my heart jumped upon seeing him, ngunit ng makita kung sino ang kasama niya ay bigla akong nakaramdam ng inis at sakit.

Bakit sila magkasama ng babaeng 'yan? What are they? Gustuhin ko mang lumapit ngunit hindi pwede. Not now that the girl he's with is that Mitsuika.

Hindi niya pwedeng malaman na magkakilala kami ni Luhennce.

Umatras ako at naghintay sa kotse ko. Nang makitang maghiwalay na sila ay saka ako lumabas, bitbit parin ang mga lunch box.

Mabilis ang ginawa kong paglalakad palapit sa lalaking nakasuot ng reading glasses ngunit seryosong seryoso ang mukha.

"Luhennce!" He didn't stop, like he didn't heard me.

"Luhennce wait!" Mabilis ko siyang hinawakan sa braso para pigilan pero automatiko niya iyong nawaksi para mabitawan ko siya.

May mga napapatingin na sa amin kaya mas nakita ko ang pagtagis ng bagang niya, habang galit na galit akong nilingon. Naroroon ang pagpipigil niya na murahin ako dahil nasa harap kami ng school kung saan siya nagtuturo.

"What are you doing here?" Mariin niyang tanong.

"I brought you lunch, nagluto ako kanina para sabay tayo kumain."

"Nakakakain na ako kaya itapon mo nalang 'yan." Akmang aalis na siya ulit ng muli ko siyang pigilan.

"Luhennce, kahit sayo nalang! Kahit hindi na tayo sabay...just take these."

"Pwede ba Amanda?! Stop with your bullshits! Wag mo na akong guluhin pa dahil sanay na akong wala ka! " Ramdam ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko, pero hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya, I remained firm together with my emotion.

"Edi sasanayin ulit kita na nandito ako, sasanayin kita hanggang sa tanggapin mo ulit ako, I can be a dust in your eyes na kahit pumikit ka mararamdaman mo parin ako."

"Tigilan mo na ako bago pa ako mawalan ng respeto sa'yo bilang tao! Dahil konting konti nalang Amanda! Makakalimutan ko ng babae ka at masasapak na kita!"

Mabilis na siyang naglakad papalayo, leaving me stiffed and hurting. Hindi ko man ipakita sa kaniya pero sa loob loob ko, dinudurog ako ng mga salita niya. Kumuyom ang kamao ko saka padabog na bumalik sa kotse. Mahigpit ang kapit ko sa manibela at gustong gusto ko nang pagsusuntukin lahat ng nakikita ko.

I won't give up Luhennce, mas matatanggap ko pang saktan mo ako ng pisikal...pero hindi mo ako mapapatigil.

I eat my lunch alone, like the usual. Matapos ay nagmaneho ako pauwi at tinapon ang natira sa basurahan. I texted my secretary to take charge and cancel all of my appointments. Kung alam ko lang, hindi ko na muna sana tinanggap ang kompanya ni Daddy para pamahalaan ko.

I need to fix my personal issues that they have no idea about. Nagbihis lang ako ng simpleng short at gray na sando, with my nike white shoes and I drove off to August' place.

Wala pa rito si Mitsuika at si August ang naabutan ko.

"What is it again Amanda?" Binatukan ko naman.

"Tigilan mo ako August tatambay lang ako!"

"Mukha bang tambayan itong bahay ko?"

"Oo kasi mukha ka namang tambay." Kumunot ang noo niya sa'kin pero hindi sa paraang galit siya kaya natawa ako.

"I really love your place, nakakarelax!"

"Pag nakita ka ni Mitsui, away nanaman kayo." Natawa ako ulit.

"I love to see her pissed, ang lakas ng angas eh."

"Ano ba kasing pinagsasabi mo dun?" Lumapit na siya sa akin at sumalampak sa single couch niya habang kandong ang kaniyang laptop.

"Wala naman, inaasar ko lang."

"Lakas ng amats mo." Ngumisi ako bago saglit na pumikit.

"August, how did you do that?"

"Alin?"

"To move on over things that you can't have."

"Acceptance," simpleng sagot niya but he really made his sense. He's right, acceptance...and I don't know how to accept that's why until now I can't move on.

"Don't tell me nagmomove on ka?! Nag boyfriend ka na? May nagkamaling pumatol?"

"Gago! Maganda naman ako ah! Muntik ka na ngang mainlove!" Natatawang sabi ko na kinangiwi niya.

I don't know why but he really have the vibes of  a guy bestfriend. Masarap siyang maging kaibigan, pero siguro mas masarap siyang maging kasintahan. Hindi lang talaga ako nahulog sa kaniya. Kahit isang beses, wala akong naramdaman na mas higit pa kesa sa pagiging kaibigan.

Umalis din ako agad upang hindi kami magpang abot ni Mitsuika. Mabilis akong nagmaneho papunta sa address ni Luhennce at mabilis na umakyat sa floor kung nasaan ang unit niya. Alam kong wala pa ito roon kaya naupo muna ako sa likod ng kanyang pinto at sumandal para maghintay.

Pinagtitinginan na ako ng ibang may-ari ng mga unit na naririto sa t'wing dumarating sila ngunit hindi ko 'yon pinansin.

I closed my eyes and rested my back against the door.

"What the hell are you doing again!?" Isang galit na boses ang nakapagpamulat sa akin at nakapag paayos ng upo.

"Nakauwi ka na pala! Sorry nakaharang ako...akala ko kasi mamaya ka pa."

Hindi niya ako pinansin at binuksan na ang pinto ng unit niya at akmang papasok na roon ng pigilan ko siya.

"Pwede ba akong pumasok?"

"I don't entertain bitches." Mariin na sabi niya at malakas akong pinagbagsakan ng pinto.

Naghihina akong napabalik sa pagkakaupo bago tiningnan ang dala kong meryenda na binili ko nalang sa shop ni Dexie kanina.

I bought his favorites, but I didn't had a chance to give it. Pinakatitigan ko iyon bago muling sumandal at pumikit. I badly want to cry but I can't. I just bit my lips to stop myself from crying cause that is not what I want right now.

All I want is for him to love me again, like how he loved me most, like how he loved me more than anything else in this world.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status