Share

CHAPTER 9

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo. Pagmulat ng mata ko'y likuran ng isang lalaking walang suot na pangitaas ang tumambad sa akin.

"Kendrick," mabilis niya akong lumingon at may kinuhang baso ng tubig at gamot bago umayos ng upo, upang makita ako at inabot iyon sa akin.

"Drink this," Agad ko naman iyong tinanggap at ininom. Pasimple kong sinilip ang katawan ko at napabuntong hininga. Tumayo na siya at inilapag ang ininuman ko sa gilid.

"Why?" I started to ask.

"Huh?" mukhang malalim ang iniisip niya.

"Bakit hindi mo ginawa? I gave you permission."

"Kasi hindi tama, we don't even have any relationship at hindi pa tayo matagal na magkakilala. Mataas ang respeto ko sa'yo at alam ko ang limitasyon ko. Hinding hindi ko gagawin ang bagay na 'yon sa'yo, unless we both love each other." Hindi na ako nagsalita at bumangon nalang. Suot ko ang t-shirt niya kaya wala siyang pang itaas na suot.

Tulala akong nagshower, matapos ay nagbihis lang ako at lumabas narin. Naabutan ko pa si Kendrick sa kusina, he's cooking breakfast. Nalinis narin niya ang mga kalat na ginawa ko kagabi. Nakahalukipkip ko itong pinanood bago ako tumikhim na kinalingon niya.

"Are you hungry? Wait lang ah, malapit na." Hindi ako sumagot, wala ako sa mood na umupo at hawak ang cellphone ko. I checked my instagram, and checked Luhennce' story. Mas lalo akong nawala sa mood ng makita kong magkahawak nilang kamay ang nasa IG story niya. Meron breakfast nila, na may caption na 'Cooked by My future wife, I'm so lucky'

Meron ding stolen pictures ni Clarisse na abala sa pagluluto and so on. Habang tumatagal ang pagtitingin ko ay pabilis ng pabilis ang pagshift ko hanggang sa binalik ko na 'yon at binaba na ang phone ko sa inis.

That Clarisse, kung wala siya---dapat kahit papano ngayon unti-unti ko ng napapabalik sa akin si Luhennce.

Napakalaki niyang bara sa aming dalawa. Be ready Clarisse, you'll feel my pain too.

"Heto na, sana magustuhan mo." Napalingon ako sa nilapag ni Kendrick at ng maamoy ko 'yon, ay bigla akong napaayos ng upo.

"You know how to cook!" He chuckled.

"Of course madame," Hindi ko pinansin ang sinabi niya, at mabilis nang kumuha ng pagkain. Marami akong kumain, hindi naman kasi ako diet, kaya lang kahit marami akong kumain...hindi ako tumataba.

Naramdaman kong walang balak si Kendrick na sumabay, kaya nilingon ko ito.

"Where are you going?"

"Uuwi na," natigilan ako.

"Kumain ka na muna."

"Hindi na, sa bahay nalang. Sige mam, alis na ako." Mam? Kanina madame arrgh! Is that a sarcasm?

Hinayaan ko nalang siyang umalis ngunit hindi pa man yata siya nakakalimang hakbang, ay tumayo rin ako at sumunod sa kaniya hanggang sa pintuan.

"Thanks," I said, in a monotone voice. Nilingon niya ako dahil doon at saka ngumiti bago tumango.

"If you need me, if you want me to do something...just tell me. Nasa shop lang ako o nasa bahay." Tumango ako at hinatid siya ng tingin.

Pagkaalis ni Kendrick ay tumawag si Sab and I told her nothing happened. Habang kumakain ay may naisip akong idea. Isang ngisi ang pinakawalan ko bago kinuha ang phone ko.

To Sab:

Can you find me someone? A guy perhaps, attractive, charismatic and hot. The cassanova type, and maybe a sex god too.

From Sab:

Are you going to make me find you a fuck buddy?

To sab:

Lol, no. Just do it.

Nakangisi kong binaba ang phone ko. After kumain ay nagpalit lang ako ng suit at kinuha ang susi ng motor ko. I'm going to the head quarter, Meast emailed me about something and I have to clarify him that.

He knows, missions aren't my priority kaya mas kokonti ang binibigay niya sa'kin. Sumali lang naman ako for fun, yeah kahit delikado, katuwaan lang 'to para sa akin. At isa pa, dahil din kay Mavis, but I know deep inside me...mahal ko rin naman ang trabahong 'to.

After the long talk with him ay umalis narin ako. Biting my lips, I send Luhenncw couple of messaging. I greeted him goodmorning. Offering him a coffee, or somewhere to relax since it's Sunday.

Like nothing happened last night. Na parang wala kaming pinagtalunan. I secretly tracked them, magkasama sila ngayon. I don't care kung magmukha akong stalker ngayon. I just want to see how he treats her. Kung mas better ba 'yon sa kung paano niya ako ituring noon.

Pumasok sila sa isang jewerly shop. I saw how Clarisse shook her head, but Luhennce insisted to buy her necklace. I bit my lower lip, feeling envious of her. Kasabay pa nito ang narinig kong kantang tumutugtog ngayon sa isang speaker sa kabilang department store.

'That should be me' pakiramdam ko, ako 'yung kumakanta. Nakakarelate ang nararamdaman ko sa lyrics nito. Parang sinasaksak ang dibdib ko sa napapanood at sa kantang ngayon, ay rinig na rinig ko. Marahan at pasekreto kong pinahi ang kumawalang luha sa mata ko. Pinagpatuloy ko ang pagmamasid sa kanila.

At walang oras na hindi ako, nasasaktan. I stepped out, kung masaya sila, sisirain ko ang kasiyahan nila ngayon. Buburahin ko ang mga ngiti nila sa labi.

Taas noo ko silang nilapitan, noong una ay hindi pa nila ako napapansin.

"Hi!" Halos mapatalon silang dalawa ng bigla akong nagsalita. I was between them now with a smile on my face.

"Amanda ano nanaman bang kailangan mo?" Mariing tanong ni Luhennce at sumulyap kay Clarisse na tila naghihingi ng pasensya.

"Wala naman, meron kasi akong 3 tickets for cinema. Sayang naman kasi solo lang ako...actually apat to eh, but since dalawa lang kayong kakilala ko na nakita ko rito. Mind if I invite you two? Let's watch movie." Nakangiti at excited na sabi ko habang naglilipat lipat ang tingin ko sa kanila. Clarisse seems not fine with it and intimidated again on my presence. Mukhang naiilang din siya pero wala akong pakialam. Sana nga'y mag walk out na siya para masolo ko si Luhennce. Hindi ko maiwasang mapangisi sa isip ko.

"Hindi kami mahilig manood ng movie in public. Kaya mo nang mag-isang manuod."

"How rude, Clarisse look at your boyfriend. He's still bitter to me...samahan niyo na ako please! Hindi ko kayo guguluhin." Pinakita ko sa kaniya ang most encouraging face I could ever make her see. I know she's softie and a loser. I can get her yes, I'm really pretentious and manipulative. Kung gugustuhin ko, makakaya ko silang paikutin na dalawa sa mga palad ko.

"Samahan na natin siya, hun." Hun, that's our endearment! How dare sge to call what's mine that way! I greeted my teeth silently. Gustong gusto kong pilipitin ang leeg ng babaeng 'to.

"Fine," Mariin akong tiningnan ni Luhennce, bago inakbayan si Clarisse at nauna na sa akin. Ngumisi ako at agad ng sumunod sa kanila. Habang papasok sa Cinema ay pilit kong kinwekwento si Clarisse para hindi sila makapag moment ni Luhennce.

"So how long have you been a teacher in Dastan?"

"2 years,"

"Really?! Teaching is really your passion huh."

"Hun, you want chips and drinks?" Tanong ni Luhennce kay Clarisse na tila wala ako roon. May kumirot sa dibdib ko ngunit pinilit kong isawalang bahala 'yon.

"Kahit pop corn nalang hun saka cola, si Amanda baka gusto niya." Malunanay na sabi nito.

"Huh? Ako? Yes of course!" Hindi ako pinansin ni Luhennce at umalis saglit. Bahagya akong lumapit kay Clarisse.

"So matagal na kayo?"

"Hindi pa naman, nanligaw muna siya sa'kin."

"Woah really?! He's still the same Luhennce. Matagal siyang nanligaw?"

"Hmm, mga 6 months...nagkita kasi kami sa isang shop noon actually. Doon kami nagkakilala and that time, hindi pa siya teacher sa Dastan. Then nung sagutin ko siya, nag apply siya sa Dastan, para magkasama kami." I rolled my eyes in the back of my mind.

"Sorry I'm late!" Nanigas ako ng makarinig ng boses sa likuran ko. Mukhang bagong ligo ito at magulo ang medyo may kahabaan niyang buhok, wearing simply v-neck shirt and ripped black jeans. Sa itsura niya, malamang maraming babaeng magkakandarapa. He's a dropped dead gorgeous man that girls could die for. Even luhennce might be get insecure with him. Hindi mo maiisip na napakainosente niya, kasi sa itsura niya ang lakas lakas ng dating niya at isip mo'y marami ng babaeng napaiyak.

Ginulo pa niya ang buhok niya at marahang pinuyod ang tuktok noon bago ngumiti sa akin na kinasimangot ko. Nilingon ko si Clarisse na sumulyap din kay Kendrick.

I leaned closer to him, to ask.

"What the hell are you doing here?"

"Sab sent me, hindi raw kasi siya makapunta kaya ako nalang." Sab napaka wrong timing! Nakita ko naring paparating si Luhennce kaya napaayos ako ng tayo. Napalingon si Luhennce kay Kendrick at sa'kin ngunit saglit lang 'yon bago nilingon si Clarisse.

"Uh, where's mine Luhennce?" Tanong ko kay Luhennce. Bahagya niya akong nilingon.

"Wala kang binigay sa'kin, na pambili." My lips parted because of what he said. How dare him! Napapapadyak ako ng paa ko sa inis at napahalukipkip.

"Gusto mo ng popcorn saka drinks?" Nilingon ko si Kendrick and I rolled my eyes. Naiinis ako tangina!

"Go on," babayaran ko nalang mamaya. Agad naman siyang bumili at napailing nalang ako ng may mga babaeng nagsilapitan kay Kendrick at nagpapicture, ang gago masyadong generous.

He can really get girls' attention, unlike Luhennce. Si luhennce kasi, kahit gwapo...hindi lapitin ng babae.

Sumimangot ako lalo at padabog na nilapitan si Kendrick. I am pushing the girls away from him at sinasamaan aki ng mga tingin ng naitutulak ko.

"Hey what's your problem!?" I breathed out and gritted my teeth, sinamaan ko siya ng tingin habang hinaharangan si Kendrick.

"You! You! And you! Stay away from my guy! Flirts!"

"Bakit ba?! Ang epal mo ah hindi ko naman 'yata niya girlfriend." Mataray na sabi nito at pinandilatan ko siya ng mata.

"Should I ask you the same question?girlfriend ka ba niya ha?! Get the fuck lost and stay the fuck away from my guy!" I gave an emphasis the word my guy to make it clear what I mean. Napapadyak ang mga ito papalayo. Na kinataas ng kilay ko at inis na nilingon si Kendrick na sunod sunod na napalunok.

"Ang tagal mo! Kung pumunta ka lang dito to entertain your fans, sana umuwi ka nalang." Gigil na sabi ko at mabilis siyang tinalikuran. Alam kong pinapanood kami nila Luhennce at mas naiinis ako.

"Hey I'm sorry," paghabol sa'kin ni Kendrick pero hindi ko na pinansin. Inis na inis ako at baka mapahiya lang siya sakin. Nakapasok narin kami after ng nakakabwisit na pila. The movie was romance genre. Restricted and for adults only, kaya naman walang mga bata at teen agers ang naririto, karamihan couples.

Fifty shades of grey to be exact.

Katabi ni Luhennce si Clarisse sa kaliwang seat, habang ako sa kanan niya at sa kanan ko'y si Kendrick.

"Galit ka? Sorry na." Argh! Naiirita na ako sa kaniya. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, gusto kong alisin 'yun, pero nagustuhan ko ang init na nagmumula sa kamay niya kaya hinayaan ko nalang. I breathed out and notice that Luhennce, hand was now wrap on his girl's shoulder. Pasimple akong sumandal at unti-untung pinagdikit ang balikat namin, ng maramdaman niya 'yon, he shrugged his shoulder kaya nalayo ko ng konti ang sarili ko at napasimangot.

Nakakainis! I didn't enjoyed watching cause I am busy watching Luhennce. Hindi binitawan ni Kendrick ang kamay ko at tahimik itong nanuod sa tabi ko.

"So cold," pagpaparinig ko kay Luhennce, ngunit binigay nito ang jacket na suot kay Clarisse at niyakap ito. Naginit ang sulok ng mga mata ko at hinayaan ang sarili na lamigin. Maya maya'y Isang mainit na braso ang yumakap sa akin, hinila niya ako pasandal sa katawan niya. And at that point, I let myself...hinayaan kong sumandal ako sa kaniya, to share his warmth. May kumawalang luha sa mga mata ko na agad kong tinuyo at pinilit ang sariling manuod.

I can hear Kendrick's calm breathing, and it's calming me too.

He's eating pop corn at nagulat ako ng sinubukan niya akong subuan. Tinanggap ko iyon at marahang ngumuya while watching.

"Still cold?" He asked, umiling ako at inayos ang pagkakasandal sa kaniya. Napansin kong napalingon sa amin si Luhennce at ng tingnan ko ito'y napaiwas din siya agad ng tingin.

Natapos ang movie na nasira ang plano ko. I should've make Clarisse walk out, but I didn't.

"Uh, thanks Amanda!" Clarisse told me, pagkalabas namin ng cinema.

Ngumiti ako sa kaniya ng tipid, while deep in me...I'm raging mad.

"So, boyfriend mo ba siya?" Tanong nito and Luhennce didn't even bother to look at me.

"No, we're friends." Pagtanggi ko of course.

"Why?! Bagay kayo."

"Talaga?!" Pagsingit ni Kendrick at pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.

"Yup! Diba hun?" Nilingon ni Luhennce si Clarisse bago ako, at si Kendrick.

"No they're not. Amanda doesn't deserve a guy like him." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, habang si Kendrick ay humigpit ang hawak sa kamay ko. Clarisse were shocked about his man's answer.

Bakit Luhennce? Sino ba ang dapat sa akin? Ikaw?

"She deserve someone like her, at alam ni Amanda kung anong klaseng lalaki ang tinutukoy ko."

"That's very offensive Luhennce,"

"Not sorry, let's go hun." Inakbayan na nito si Clarisse pero nilingon pa ako nito ulit.

"Oh, and thanks..sa treat." Sarkastiko na sabi nito at tuluyan ng umalis. Napapadyak ako sa inis habang nangingilid ang luha sa galit at sakit.

Marahas kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Kendrick at nagmadaling naglakad palayo.

"A-amanda sandali! Galit ka parin ba?"

"You ruined my plan!" Nabigla siya sa gigil kong pagsigaw. Nakakaagaw na kami ng attention at nakikita kong napapahiya na siya.

"I-I didn't know, pinapunta l-lang ako ni S-sab as her s-subsitute hindi ko naman alam na may kasama k---"

"Sana umalis ka nalang diba?! Hindi ka na sana sumama! Nakita mo ng may kasama ako sana hindi ka nalang lumapit! Sinabi ko naman sa'yo diba! At sinabi mo rin na kapag kailangan kita! Itext kita! Nagtext ba ako sa'yo ha?!" Galit na galit na tanong ko at talagang pinagtitinginan na kami.

"I-I'm sorry...wag ka ng magalit." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya ba siya tinalikuran.

Mas lalo lamang akong nainis ng makita kung gaano siya katransparent. I could easily know that he's hurt. Damn it!


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status