Share

Chapter Four

"Ready na ba lahat?" Tanong ni Jean kay Jessica at Bona.

Naghanda sila ng ilang putahe para sa kaunting salo-salo. Aalis si Jean kinabukasan para sa bagong misyon. Si Daecon naman ay sa makalawa aalis kasunod si Alec na kailangan na munang bumalik sa East Branch ng hunters cavalry.

"Luto na ang kare-kare ko!" Puno ng pagmamalaking sagot ni Bona.

Napatingin sina Jean at Jessica sa malaking bowl na nasa harap ni Bona kung saan nakalagay ang kare-kareng parang maayos naman ang pagkakaluto. Mukhang sineryoso nga talaga nito ang sinabi nitong makikinig itong mabuti kay Bianca.

"Wow, Ate Bona!" Tuwang bulalas ni Bianca na nakisilip din sa luto ni Bona. "Seems like you really made it right this time." Nangingiting sabi nito bago ibinalik ang atensiyon sa pag-aayos ng ginawa nitong salad.

Pinaghalong ubas, pipino, mais at carrots, cutted in cubes. Mayroon iyong cube cut  ding cheese na may mayonnaise at condensed milk. Nakahanda na rin ang lettuce na nakalagay sa hindi kalakihang tray.

"Itong si Jean lang naman ang walang tiyagang turuan ako, eh." Ani ni Bona at inirapan pa ang katabing si Jean. "Wow! Mukhang masarap iyan, bunso, ah." Puna nito sa salad na ginawa ni Bianca.

Matagal nang umuungot si Bona kay Jean na turuan ito  ng huli na magluto pero dahil nga mahirap turuan ang babae ay sumuko ito kalaunan. Gusto ni Bona na matutong magluto pero mukhang ayaw rito ng kusina kaya kahit anong turo ang gawin dito ay palagi iyong nauuwi sa disaster.

"Paborito ito ni Deacon, Ate Bona." Masayang sabi ni Bianca bago binuhat ang malaking bowl na may lamang salad.

"Alam namin." Naiiling na sabi ni Jessica. "At saka, kambing yata iyang si Daecon at hindi lobo, eh. Mas madalas ko pang nakikitang ngumunguya ng mga dahon na kagaya niyang inihanda mo kaysa karne." Dugtong pa nito at inginuso ang mga lettuce.

Siguradong si Daecon lang ang masisiyahan sa mga dahon at si Caelan na kagaya ng alpha ng Frostwood ay may lahi rin yatang kambing.

Natawa si Bianca. "Karne talaga ang nature naming nga taong-lobo pero mas gusto ni Daecon ng gulay. It took him years of practice tho." Turan nito bago humakbang na palabas ng kusina. "Ilalabas ko muna ito. Babalikan ko pa iyang chicken curry." Paalam nito sa tatlong hunters na sabay pang nagkibit-balikat.

"Ang hindi ko talaga magawang sakyan ay ang sobrang pagkahilig ni Daecon sa mangga." Maasim ang mukhang sabi ng  Jean. "Buti sana kung hinog ang trip kainin pero anak ng tinapa—hilaw na mangga? Urgh!" Disgutong-disgusto na dugtong pa nito.

"True!" Sang-ayon ni Jessica na sinabayan pa ng tango. "Palagay ko'y sawang-sawa na ang sikmura ko sa mangga dahil kay Daecon. Hindi ko na gugustuhing paglihian iyan." Nakangiwing sabi pa.

Jean raised her left brow. "Bago ka mag-ilusyong maglihi, maghanap ka muna ng bubuntis sa iyo." Turan nitong ikinasimangot ni Jessica.

"Gaga ka! Masyado kang kontrabida." Asik nito kay Jean. "Pero parang mas gusto ko na lang palang magpakabanal. Magmadre kaya ako? What d'you think, girls?" Tila nag-iisip na sabi nito at nangingislap ang mga matang tumingala sa kulay puting kisame na para bang nandoon ang sagot sa tanong nito.

Bagsak ang balikat na nagkatinginan sina Jean at Bona at sabay pang napailing. Nasiraan na naman ng bait ang kaibigan nila.

"Hindi ka tatanggapin kahit sa entrance pa lang ng kumbento, Ate Jess." Sabad ni Bianca na kasalukuyang papasok na sa kusina.

Umismid si Jessica. "At, bakit naman hindi, aber nga?!" She asked. Brows furrowed.

"Papasok ka pa lang sa gate, unti-unti ka nang umuusok dahil ang isip mo nasa mga asawa mo kuno." Tugon ni Bianca.

Muling napaisip si Jessica pagkuwa'y tumango na para bang napagtanto nitong tama nga sinasabi ni Bianca.

Masyadong nahihilig si Jessica pati si Jean sa mga drama series. Halos lahat yata ng mga bidang lalaki sa mga napapanood ng mga ito ay asawa ng dalawa.

"Sabagay,..." Tumatangong sabi ni Jessica bago nakangiting dumampot ng burritos at isinubo. "Tama ka, bunso. Okay na pala ako sa pagiging kaakit-akit at maalindog na hunter." Ani pa nito sa pagitan ng pagnguya.

Dinampot ni Jean ang bowl na may lamang lechon kawali at inilagay sa tray kasama ang sarsang ginawa rin nito.

"Hay, naku...tara na nga. Baka mga lasing na ang dadatnan natin sa dining hall kapag hindi pa tayo lumabas." Anito.

Natawa si Bianca. "Nagrereklamo na nga si Kuya Austin. Gutom na raw siya." Sabi ni Bianca at dinampot na rin ang niluto nitong chicken curry. "Ate Jess, pakidala naman niyang pica-pica, please. Kanina pa iyan hinihintay ni Kuya Ezra, eh." Baling nito sa kay Jessica na kaagad namang tumango.

"Tara lets!" Excited na sabi ni Bona. Halatang gustong-gusto na nito ipatikim sa mga kasama ang luto nitong kare-kare.

Sabay-sabay na silang humakbang palabas ng kusina dala ang mga pagkaing inihanda. Pagkarating nila sa dining room ay nadatnan nilang nakatayo si Alec sa tabi ni Akila habang ang isang paa ay nakapatong sa upuan.  Hawak nito ang gitara na nakapatong naman sa tuhod ng lalaki.

Nagkatinginan ang apat na babae. Katulad ng inaasahan ay tahimik na tahimik ang buong paligid. Maging si Akila na madalas na pasimuno ng ingay ay tumahimik.

Alec closed his eyes as he strummed his guitar and started to sing. The room filled with his cold voice that was full of unbearable pain.

Lookin' back

On the memory of

The dance we shared

Beneath the stars above

For a moment

All the world was right

How could I have known

That you'd ever say goodbye?

And now, I'm glad I didn't know

The way it all would end

The way it all would go

Our lives are better left to chance

I could have missed the pain

But I'da had to miss

The dance

Tahimik na tahimik ang lahat hanggang sa matapos si Alec sa pagkanta. Tumayo ito ng tuwid at humakbang patungo sa isang bahagi ng dining room para itabi ang gitara. Maging sina Priam at Caelan ay wala ring imik. Parehong nakasandal ang dalawang lalaki sa upuan habang may hawak na bote ng beer.

"Ay, ayan na!" Out of the blue na sabi ni Austin sa malakas na boses. "Kakain na tayo. Gutom na gutom na ako." Ani pa nito at pinagkiskis ang mga palad.

"Palagi ka namang gutom." Ezra said without even taking a glance at Austin.

"Oo nga." Gatong ni Akila. "Hindi ko nga maalala kung may sandali bang natigil ka sa pagnguya, Austin." Patuloy nito bago dumampot ng lechon kawali at isinubo.

Ngumisi si Austin. "Food is life, bro... " He answered.

"Pagkain na lang ang asawahin mo." Muling turan ni Akila.

Austin rolled his eyes ang grinned at Akila. "Palibhasa para ka lang nanunungkit ng damit sa sampayan kung magpalit ng babae." Buwelta nito kay Akila na tumawa lang.

"Kumain na tayo. Tama na ang daldal."

It was Jean na umupo na sa upuang nasa kanan ni Caelan.

"Mabuti pa nga. The night is still young." Sang-ayon ni Zypher. "Let's have some fun after we eat." Yaya nito.

"Game!"

"Shoot!"

Halos magkasabay na sang-ayon nina Akila at Alec. Nakangiti na uli si Alec. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito.

"Oy, tikman n'yo ang niluto kong kare-kare, mga hambog!" Nagmamalaking sabi ni Bona na nakatayo pa rin.

Tila may dumaang anghel na biglang tumahimik ang lahat. Nagkatinginan pa sina Tobias at Zachary bago nagmamadaling kumuha ng lechon kawali at chicken curry. Si Austin naman ay walang pakialam na inabala ang sarili sa pagkain na parang walang narinig. Ganoon din ang ginawa ng iba pa.

Napasimangot si Bona at nameyawang. "Ah, ganoon?!" Ani nito sa mga kasamang abalang-abala na sa pagkain. Napatingin ito kina Priam at Caelan na parehong kanin pa lang ang laman ng mga plato. Kaagad na ngumiti ng maluwag si Bona at nangingislap ang mga matang dinampot ang bowl na may lamang kare-kare. "Here...lalagyan ko na ang mga plato ninyo." Ani nito sa dalawang biglang namutla.

"Bona—"

"Masarap iyan, Caelan. Inayos ko na ang luto ko this time." Putol ni Bon sa sasabihin ni Caelan. "Trust me..."

"Last time I checked, sinabi mo rin iyan sa amin, Bona."   Turan ni Jessica sa pagitan ng pagnguya. "At, lahat kami ay pumila sa comfort room. Speaking of that, I think we need an extra comfort room. Two is not enough. We need another one." Patuloy nito.

Bona hissed. "Shut up, Jess!" She exclaimed and turned her eyes to Priam and Caelan.

"Ate Bona, nasaan ang bagoong na inabot ko sa iyo kanina?" Tanong ni Bianca na nakaupo sa tabi ni Daecon.

Wala namang pakialam sa paligid ang alpha ng Frostwood na abala na sa pagkain ng salad na ginawa ni Bianca at chicken curry.

"Ah, iyon ba?" Ani ni Bona. "Inilagay ko lahat sa kare-kare. Bakit?" Nakangiting sabi pa ng babae.

Biglang napatigil ang lahat sa pagkain at tila iisa ang matang lumipad ang paningin sa gawi ni Priam na kasalukuyang hindi na maipinta ang mukha.

"Tubig!" Sabi ni Akila. "Bilis, bigyan n'yo ng tubig si Priam!"

"Gatas yata dapat." Tarantang sabi naman ni Jessica. "Teka, kukuha ako."

Kanya-kanyang tayo ang lahat at hindi malaman ang gagawin. Kung lalapit ba sila kay Priam na putlang-putla ang mukha habang iniihit ng ubo o hindi.  Nag-aalangan ang mga ito na lumapit sa alpha ng Darkwood na halos magdungtong na ang mga kilay habang panay ang ubo. Baka ihagis sila nito palabas ng headquarter. Mahirap na!

Dinampot naman ni Tobias ang malaking tray na nakapatong sa isang tabi at ipinaypay kay Priam na pinagpawisan ng malapot kahit nakabukas ang aircon.

"Ito, tubig!"

'"Gatas, Priam...uminom ka!"

Habang nagkakagulo ang lahat ay napangiwi naman si Bona na biglang napaupo at kinagat ang hintuturo.

"Patay!" Bulong nito.

"Fuck you, Bona!" Singasing si Priam nang makabawi sa pagkabigla dahil sa sobrang alat ng kare-kareng kinain nito.

Napatili naman si Bona at kaagad na tumayo para humandang tumakbo palabas. "Hindi ko sinadya, Priam. Akala ko kasi, lahat iyon ay ilalagay sa kare-kare, eh." Paliwanag nito habang halos magbuhol ang mga paa dahil sa mabilis na pagtakbo.

Napasunod naman si Caelan sa dalawang naghahabulan palabas ng HQ habang naiiling. Dapat talaga huwag nang palapitin sa kusina si Bona at huwag nang paglutuin. Hayaan na lang itong manood ng anime na kinalolokohan nito.

Nang mawala sa paningin ng lahat sina Bona at Priam ay tila walang nangyaring muling bumalik sa pagkain ang lahat. Sanay na ang mga ito sa ganoong senaryo. Buti na nga lang, si Priam lang ang nabiktima ng luto ni Bona ngayon. Dati ay halos lahat sila hanggang sa natuto na silang umiwas sa mga palpak na luto ng babae.

"Gusto ko pa?" Tanong ni Bianca kay Deacon at akmang muling kukuha ng salad pero pinigilan ito ng lalaki.

"No." Daecon said in a serious tone. Tumayo ito at hinawakan ang kamay ni Bianca. "Come with me." Ani nito bago hinila ang babae palabas ng dining room.

Dinala ni Daecon si Bianca sa balkonaheng nasa labas lang ng dining room at pinagmasdan ang bilog na buwan. Sumandal ito sa isang poste at tahimik na humalukipkip.

Takang pinagmasdan ni Bianca ang lalaki. Napakunot ang noo niya nang mapansing panay ang buntong-hininga nito.

"What's wrong, Daecon?" Tanong niya.

Ilang sandali pang umiral ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago tuluyang nagsalita si Daecon.

"I'm leaving for a new mission the day after tomorrow."

Umangat ang kilay ni Bianca. "So?" Untag niya. "Kasama mo naman uli ako, 'di ba? " tanong niya.

Sanay naman siyang nagkakaroon ng mission si Daecon sa malayo. At, palagi naman siyang kasama nito. So, what's new with that?

"No. I'm not gonna bring you this time..."


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status