Share

Chapter Five

"What?" Blangko ang mukhang untag ni Daecon kay Bianca nang maramdaman niya ang mahinang paghila nito sa suot niyang leather jacket.

Kasalukuyan silang nasa airport dahil ngayon ang alis niya patungo sa Mystic Shadow. Isang teritoryo sa kanluran kung saan siya ipinadala ng CAU para sa bagong misyon.

"Hindi ba talaga ako p'wedeng sumama roon?" Mahina at nakayukong tanong ni Bianca kay Daecon.

Daecon released a deep sigh. Ilang beses na ba siyang tinanong ni Bianca kung p'wede itong sumamasa sa kanya? At, ilang beses na rin ba niyang sinabi ritong hindi p'wede dahil masyadong delikado ang lugar na pupuntahan niya. Mystic Shadow ain't just an ordinary territory dahil halos napapalibutan ito ng kuta ng mga rogues o ng mga rebeldeng taong-lobo.

At, iyon ang dahilan kung bakit humingi na ng tulong sa CAU ang alpha ng Mystic Shadow.

Hinawakan niya ang baba nito at itinaas ang mukha para magkapantay ang mga paningin nila. "How many times do I have to tell that I can't, Bianca?" Sersoyong tanong niya sa babaeng biglang umulap ang mga mata. "Masyadong delikado ang misyong ito at hindi ko p'wedeng ipagsapalaran ang kaligtasan mo. You understand me, right?" Dugtong ni Daecon sa malumanay na tinig na parang nakikipag-usap sa sampong taong gulang na bata.

Bakas na bakas din sa mukha ni Bianca ang pagtutol pero alam nitong wala itong magagawa dahil nakapagpasya na si Daecon.

"Kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko, eh." Hirit pa rin ni Bianca na bahagyang ngumuso.

Napailing si Daecon. Bakit ba hindi nauubusan ng kakulitan ang babaeng ito? "My answer is still NO, Bianca. Stop trying already." He said. Brows furrowed.

"Eh, paano ka? Ano'ng kakainin mo roon?" Ayaw pa rin paawat na tanong ni Bianca.

Nagba-baka sakali siyang magbago ang isip ni Daecon kapag naisip nitong wala itong kakainin sa pupuntahan nito. Alam niyang hindi kumakain ng luto ng iba si Daecon kaya iyon ang naisip niyang dahilan para makasama sa Mystic Shadow Territory.

"I'll try to adjust." Maikling tugon ni Daecon bago sinulyapan ang suot na relong pambisig.

Ilang minuto na lang at kailangan na niyang pumasok sa loob kaya bago pa siya maubusan ng oras at ng pasensiya kay Bianca ay kailangan na niyang makausap ito ng maayos na sa totoo lang ay ilang beses na niyang ginawa.

"Pero——"

"Be good, okay?" Putol niya sa sasabihin nito. "I'll be away for a couple of months and I'm not sure if how long will I be there. I already asked Kuya Priam and Kuya Caelan to look after you while I'm away. Wait for me till I get back. You can stay in HQ if you want. And, just please stay away from trouble, Bianca. Baka kung saan-saang karera ka na naman isama ni Ate Bona. Umayos ka!" Mahabang litanya ni Daecon kay Bianca na napalabi na lang.

Mukhang wala na talaga siyang magagawa. Hindi na talaga magbabago ang pasya nito. Nalulungkot man dahil ito ang unang pagkakataong malalayo sila ni Daecon sa isa't-isa na hindi alam kung hanggang kailan  ay wala nang maisip i-dahilan si Bianca.

"Ang dami mo namang sinabi." Sabi ni Bianca na sinundan ng irap. "Basta mag-ingat ka roon, ha. And, don't forget to call me everyday." Bilin niya.

"I will.' Deacon answered. His lips curved a little for a smile. "Tandaan mo lahat ng bilin ko sa iyo, ha? Turuan mo na lang nang turuang magluto si Ate Bona. Huwag ka lang sumama sa kanya kapag may karera siyang pupuntahan. Baka pagbalik ko, bali-bali na ang katawan mo. Ang liit at ang payat mo pa naman."

Nalukot ang mukha ni Bianca. "Wow, ha...ipinamukha mo talaga ang size ko——both body and height?!" Asik niya sa lalaking natawa lang.

Natigil sila sa pag-uusap nang biglang umalingawngaw sa loob ng terminal ang boses ng isang babae. Tinatawag na nito ang susunod na flight.

"Oh, aalis na ako." Seryosong sabi ni Daecon kay Bianca na kaagad namang tumango.

"Yeah..." Tugon ni Bianca na may bahagyang ngiti sa mga labi na hindi umabot sa mga mata nito. "Ingat ka roon, ha. Bumalik kang buo." Bilin niya bago inayos ang kwelyo ng suot nitong leather jacket na nakapa-ibabaw sa kulay puting T-shirt.

Daecon chuckled. "Aye, aye, Captain!" He answered and pulled Bianca for a hug. "Huwag kang magpasaway, ha." Bulong ni Daecon.

He closed his eyes as Bianca hugged him to. Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang binitawan ni Daecon si Bianca. Inilayo niya ang katawan sa babae at ngumiti. "Aalis na ako." Paalam niya bago yumuko para gawaran ng magaang halik sa ulo si Bianca.

"Ingat..."

MYSTIC SHADOW TERRITORY, WEST MIDLAND.

"Welcome to our humble territory, Alpha Daecon!" Salubong ng lalaking sa tingin ni Daecon ay nasa edad singkwenta na o lagpas pa. Si Atticus Khan. Ang alpha ng Mystic Shadow.

Malago ang balbas nito na halos tumakip sa kalahati ng mukha ng lalaki. Bakas sa mukha ng lalaki ang hindi maitagong saya habang naglalakad palapit sa kanya.

Sinundo si Daecon ng isang lalaki sa airport kanina na nagpakilalang beta ng Mystic Shadow.

Daecon nodded. "Thank you, Alpha Atticus." Tugon niya. "And, it's nice to meet you and your beta." Dugtong niya habang pasimpleng inikot ang paningin sa paligid.

Mystic Shadow's pack house looks elegant. Dumako ang mga mata niya sa pabilog na hagdang may nakalatag pang kulay pulang karpet. Agaw-pansin din ang railings nitong halatang pinagbuhusan ng pera ng mga Khan. Unang tingin pa lang ay alam na kaagad ni Daecon na tunay na ginto ang nakalagay sa bulaklak na desinyo sa railings. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ni Daecon ang tila nagmamalaking mga chandelier na nakasabit sa mataas na kisame ng pack house. Isa lang ang masasabi ni Daecon.

Mukhang sa dahil sa dami ng pera ng mga Khan ay wala nang mapaglagyan ang mga ito kaya ang iba ay inubos sa magarbong pack house.

Ilang sandali pa ay naroon na sila sa opisina ni Atticus sa ikalawang palapag ng pack house. Magkaharap silang nakaupo ng matandang lalaki at nakapagitan sa kanila ang mesa nito.

"Pasensiya na sa paghihintay, Alpha Daecon." Turan ng kaharap ni Daecon. "Delayed daw kasi ng kalahating oras ang flight ng makakasama mo sa misyon kaya sana maintindihan mo." Dugtong pa nito bago inabot ang mamahaling tobacco na nakapatong sa ashtray at isinalpak sa bibig nito bago sinindihan.

Kumuyom ang mga kamay ni Daecon na nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita dahil sa pagka-iritang nagsimulang umahon sa dibdib niya. Ayaw niya pa naman sa lahat na pinaghihintay siya. At, idagdag pa ang matapang na amoy ng usok ng tabacco ni Atticus na halos pumuno sa opisina nito.

"It's okay." Walang emosyong tugon niyang hindi mapigilang mapabuga ng hangin at ipinasyang tumahimik na lang.

Maya-maya pa ay binasag ang sunod-sunod na katok ang katahimikan sa loob ng opisina ng alpha ng Mystic Shadow. Mabuti na lang at hindi niya isinama si Bianca. Mukhang hindi maayos kausap ang matandang Khan.

"Come in..." Ani ni Atticus sa kumakatok.

Bumukas ang pinto at mula roon ay sumungaw ang mukha ng beta na sumundo kay Daecon sa airport kanina ngunit hindi ito ang nakaagaw ng pansin niya kundi ang nakatayo sa likod nito.

A tall and elegant woman is standing behind the beta's back. Nakasuot ito ng kulay puting bestida na halos umabot sa sakong ang haba habang ang kulay ginto at mahabang buhok ay malayang nakasabog.

Titig na titig si Daecon sa babaeng ubod ng tamis na nakangiti habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila. Napakurap lamang siya nang biglang magsalita si Atticus. Bakas ang tuwa sa boses ng alpha ng Mystic Shadow.

"Zoe, finally!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status