Share

UNO

Elaxi POV*

"Bilisan niyo ang pagkilos!" Wika ng isang kawal-bampira sa mga aliping nagtitimpla ng kanilang mga inumin.

Pag-iyak,pagtangis at paghihirap ng mga aliping katulad ko ang halos naririnig ko sa bawat araw na dumarating at lumilipas. Sa tingin ko habang-buhay na nga talaga kaming makukulong sa bangungot na ito.

"Anak,bakit ka tulala" tanong ni Ina at tinignan ang direksyon kung saan ako nakatingin.

"Batid kong nais mo silang tulungan,pero nak! Bago ang iba sarili mo muna"wika ni ina at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.Napa-isip ako kung tama ba si ina o mali.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa ng marinig kong nagsisisigaw si Bon patungo kay ama at hingal na hingal pa ito.

"Mang Grego,may-y tao na namang nahuling tumatakas"saad nito habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Anong parusa ang ipapataw sa kanya?"tanong ko naman.

Sasagot pa sana siya ng marinig namin ang tapak ng mga kabayo.....ang tagapagbalita ng mga bampira ay paparating.

"Mag-sikinig kayong lahat! Isang alipin ang nagtangkang tumakas at ngayon ay nasa kamay na ng mga kawal. Utos ng hari na lahat ng alipin ay dadalo sa pagpaparusang ito. Ang sino mang hindi dadalo sa pagpaparusang gaganapin ay paparusahin din ng kamatayan"anunsyo ng tagapagbalita.

Nanginig sa takot ang ilan sa mga ito. At ang iba naman ay nangangamba.

"Sandali!" Tutol ko sa tagabalita.

Napatingin naman lahat ng tao at bampirang naririto.

"Hindi ba't masama para sa mga bata ang masaksihan ang pagpaslang sa isang nilalang? Lalo na't kauri namin ito!?- walang paghihinayang na mungkahi ko.

"Isa ka lamang alipin binibini! Wala kang karapatang magmungkahi ng anumang opinyon" inis na wika ng tagabalita.

Sasagot pa sana ako ng pigilan ako ng aking ama sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso.

"Paumanhin Ginoo,ang aking anak ay makati lamang ang dila"saad ni ama.

"Sabihin mo sa iyong anak na mag-ingat sa pananalita! Baka kaparusahan din ang aabutin niya"saad muli ng tagabalita at pinatakbo ang kabayo nito.

"Sana mahulog ka sa kabayo"bulong ko sa aking sarili.

Tumingin naman ng masama ang aking ama sa akin at nagtungo ito sa loob ng aming munting tahanan. Alam ko na ang ibig-sabihin ng tingi na iyon kaya sumunod na lamang ako sa kanya.

"Napakatigas ng ulo mong bata ka!"galit na wika ni ama habang siya ay nakatalikod mula sa akin.

"Ama,hindi ba't tama lamang ang aking sinabi? Nais ko lang protektahan ang mga batang naririto" pagmamatigas sa wika ko.

"Ang ginagawa mong iyan ay magpapahamak sa iyo at sa lahat ng naririto! Elaxi,ang buhay mo ay kasing halaga ng bilang ng limpak-limpak na ginto."paliwanag ni ama pero wala akong naintindihan.

"Ama wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi mo" saad ko at hinarap ang aking ama.

"Elaxi, para sa akin ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kaya mangako ka na kahit na ano mang mangyari,manatili ka lang sa aking likuran at poprotekahan kita." Sambit muli ni ama pagkatapos ay lumabas na ito sa aming tahanan.

Sa matagal na panahon kaming naririto paulit-ulit kong naririnig ang salitang iyon galing sa aking ama. Pero ni minsan hindi ko naiintindihan sinubukan kong alamin kung ano ang ibig sabihin nito pero kahit isang paliwanag ay walang sinabi si ama. alam ko, batid ko na mayroon siyang tinatago sa akin at sana balang araw ay malaman ko ito. Sana.

Grego POV*

"Tuna'y ngang napakaganda mo aking sinta". Wika ko sa aking butihing minamahal.

"Sana'y maging makaganda at kapalaran nating dalawa mahal ko,sana'y mamuhay tayong dalawa sampu ng ating mga anak sa mga darating pang-panahon."

Nagising ako dahil sa panaginip na iyon. Isang panaginip mula sa nakaraan.

"Grego anong nangyayari sayo?"tanong naman ni Callista.

"Napanaginipan ko na naman siya. Natatakot ako paano pag..."putol na sambit ko.

"Hindi! Hindi mangyayari ang nais mong sabihin! Walang sinuman ang makakalam,wala"wika ni Callista at niyaya muli akong matulog.

Sana'y wala ngang makakaalam ng katotohanan. Upang maging ligtas ang aking pamilya.

Huminga ako ng malalim at muling bumalik sa pagkakahiga.

Elaxi POV*

Nagising ako dahil sa malakas na pagsigaw ni ama marahil ay nananaginip na naman ito. Kaya agad akong tumayo upang gisingin siya ngunit huli na ako.

Naabutan ko sila ni inang nag-uusap. Kaya minabuti kong pakinggan ito.

"Grego anong nangyayari sayo?"tanong ni ina

"Napanaginipan ko na naman siya. Natatakot ako paano pag..."putol na sambit ni ama dahil biglaan na nalang nagsalita si ina

"Hindi! Hindi mangyayari ang nais mong sabihin! Walang sinuman ang makakalam,wala"magaang wika ni ina ngunit sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang ito ay batid kong may bahid ito ng pagka-kaba.

Anong lihim ang tinatago ni Ina at ama? May kinalaman ba ito sa akin o isa sa mga kapatid ko? Bakit pakiramdam ko may ibig-sabihin lahat ng binibilin sa akin ni ama?. Mas lalong nadaragdagan ang "bakit at kung ano" sa aking isipan.

Sasali pa sana ako sa kanilang usupan nais kong ipaintindi nila ang lahat pero nakita kong bumalik sa sila sa pagkakahiga at  muli silang natulog. Alam kong pagod sila sa pagtatrabaho kayat minabuti ko naring bumalik sa aking higaan.

Mula sa aking higaan tanaw ko ang kalangitan. Umaga man o gabi,nababalutan parin ito ng kadiliman. Napaisip ako kung ano bang itsura sa labas ng Vamparian. Kung ano ang itsura ng langit at kung ano ang makikita dito bukod sa kadilimang natatanaw ko ngayon.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata pagkatapos kong pagmasdan ang mapait na kawalan ngunit tila may tumatawag sa aking pangalan mula sa labas. Nilibot ko ang paligid gamit ang aking mga mata ngunit ni isang bakas ng tao o bampira ay wala akong nakita maliban na lamang sa tinig na hindi ko mabatid kung tinig ng ginoo o binibini.

Tumayo at lumabas,sinundan ko ang tinig na ito. At ito at nanggagaling malapit sa palasyo.

"Sinong tumatawag sa pangalan ko?"mahinang sambit ko.

Papahakbang na sana ako patungo roon ng makarinig ako ng kaluskos mula sa aking tambayan. Tumigil na ang tinig na tumatawag sa akin kaya tinahak ko na lamang ang daan patungo sa malaking puno kung saan ako tumatambay. Pagkarating ko doon ay tumigil na rin ang pagkalukos ng kung ano mang nilala ito. Ngunit naramdaman ko ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat. Parang mayroong tumatakbo-takbo sa aking paligid.

"Sino ka!"sambit ko ngunit nanatili ang malakas na hangin.

"Huwag mo na akong takutin,matagal na akong takot"dagdag ko pa ng biglang may humawak sa aking noo,itinutok niya ang matutulis nitong kuko sa aking leeg at hinawakan ang dalawang kamay ko gamit ang isang kamay niya.

Para akong nawalan ng kaluluwa sa mga oras na ito dahil ni isang bahagi ng katawan ko ay hindi makagalaw.

Ito na ba ang katapusan ko?

Hindi ko inisip na sa lupain ng Vamparian ako mamamatay. Ayaw kong dito mismo sa kinatatayuan kong malagutan ng hininga at dito maubos ang aking dugo. 

Napapikit ako sa sobrang kaba hindi ko mapigilang mapaluha. At ramdam ko na rin ang pagdabog ng aking puso, habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalakas at bumibilis.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Villaresis
Unlock please....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status