(Yuki POV)
Ngunit dahil sa ginawa ko, biglang nawalan ako ng masisilungan. Naging masama ang paningin sa akin ng lipunan. May bahay-ampunan na tumangap sa akin. Pilit nilang ikinukubli ang krimen na ginawa ko, ngunit may mga labi akong naririnig na patuloy parin ako kinukundena sa aking ginawa. Pero dahil nga sa ginawa ko, nagustuhan ko bigla ang binigay na prihibeliyo sa akin. Walang batang gustong makipaglaro sa akin, kaya muli ko na naman natagpuan ang aking sarili, mag-isa at nagsusulat ng kwentong magpapalaya ng kalooban ko.
Sa tuwina kasi di ko rin mapigilang sabihin sa sarili ko na isa akong mamatay tao. Pinatay ko ang sarili kong ama.
Ang mga sinusulat ko, walang sino man ang nakakapagbasa noon dahil itinatago ko ng husto. Di ko gustong mabasa nila ang aking likha. Nang isang araw may dalawang bata akong naabutan na binabasa nila ang sinusulat ko. Kagagaling ko lang sa kusina para hugasan ang pinagkainan namin at yun ang tu
(Dahlia POV)Lumapit na sa amin ng tuluyan si Mr. Venal.“Sinabi ko naman sa iyo Miss Dahlia di mo na kailangan mag-undergo sa interview. We agree kanina na nakuha mo na ang trabaho. Plus, ngayon ka mismo magsisimula.” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko.“Sir Venal.” Awat bigla ni Miss Lilith. Ngunit ngumiti lang din si Sir Venal kay Miss Lilith. “Yun na din ang sinabi ni Master Dryzen.”“Sigurado ka?”“Miss Lilith kailan pa ako naging di sigurado sa sinabi ko? At responsibilidad mong ipaalam sa kanya ang mga gagawin niya. Miss Dahlia, ikaw lang naman ang magsisilbing taga-linis sa opisina ni Master Dryzen.” Lalong lumaki ang mga mata ni Miss Lilith ng marinig yun. Ako? Di ko alam ang nangyayari kung bakit parang dismayado nga si Miss Lilith sa narinig niya.“Ibig lang sabihin, hawak mo siya Miss Lilith.”Napap
Chapter 50 Make Him a Tea(Venal POV)Agad na yumuko ang mga kasamahan kong tauhan ng dumating si Master Dryzen. Kakalabas lang kanina ni Miss Dahlia at ibig sabihin nag-cross ang landas nila kanina. Yun kung napansin nga niya si Miss Dahlia, dahil base sa nakikita ko sa kanyang mukha, di maganda ang kinalabasan ng conference.Di ko lang inaasahan ng pinalipad niya sa harapan ko ang hawak niyang mga papel.Oo, ganyan ka-maldito ang princippi ng mga dragon.“Wag mo sa akin sasabihin na hindi mo siya nakumbinsi tangapin ang kontrata.” Alam kong para sa akin ang sinabi niya. Agad siyang sumalpak sa upuan, at isinandal ang likuran niya saka ipinikit ang kanyang mga mata. Ibig lang sabihin napansin niya ang presensya nga ni Miss Dahlia sa kompanya niya.Walang nais na pumulot ng mga nagkalat na mga papel. At pati ang mga kasamahan niya kanina, nakatayo sa tabi at nangangamoy ang takot ni
(Dahlia POV)Agad na hinanap ko ang anino ng boss namin, hangang sa tumama ang paningin ko sa isang nilalang na biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mga mata niya… Ang auwra nito… Sobrang nakakaramdam talaga ako ng kakaibang pakiramdam.At hindi ko inaasahan na magkakatagpo kami ulit ng misteryosong lalaki sa opisina ng boss namin. Kagaya ba ni Sir Venal ang katayuan niya sa kompanyang ito?Ngumisi ito sa akin na kaagad kong ikinalunok laway. Sa totoo lang mabibitawan ko sana ang hawak kong tray. Di man lang sa akin sinabi ni Sir Venal kung ano ba ang hitsura ng boss namin.Nanginginig man ang buo kong katawan dahil sa presensya ng misteryosong lalaki, nagawa ko parin ngumiti ng pilit dito. Alam kong kahit paano naalala niya ang isang kagaya ko diba?“Hello.” Tanging nakuha kong salita at bahagyang na nga akong lumapit dito. “Hindi sa akin sinabi ni Sir Ve
(Venal POV)Natagpuan ko nga si Miss Dahlia sa bodega, ngunit bakas sa kanyang mukha na hindi ito nahihirapan sa kanyang ginagawa. Ipinatong nito ang isang kahon sa mataas na shelf, ng biglang mawawalan sana siya ng balanse, at ako na ang humawak sa hagdan na ginagamit nito. Nakahinga siya ng malalim na hindi nga natuloy na mahulog siya.“Maraming salamat Sir Venal. Napaka-timing po talaga ng pagdating ninyo.” Ikinababa na rin niya sa hagdan. “Ayos na ata ang pagkaka-ayos ko ng lugar na’to.”“Wala man lang sa inyong tumulong Miss Dahlia?”“Uhmmm. Lahat sila may ginagawa. Pero mas maganda nga magtrabaho na mag-isa lang diba? At sanay ako riyan.”Sabagay may punto din si Miss Dahlia.“Matagal ka pa ba dito?“Medyo. May aayusin pa ako sa bandang doon. Sinilip ko kanina, parang kailangan ko mag-overtime dahil sinabi lang naman ni Miss Lilith na kailangan ko
(Dahlia POV)Pero napansin ko na hindi talaga ako pinapatawad ng mga tindera ay dahil ba sa kasama kong… Halata namang napakayaman. Kailangan ko pa bang magtaka? Baka nga pinapatungan pa ng mga tindera. Hay naku. Pero hayaan na nga natin ang gustong gawin ni Sir Venal, kasi simula nga ng nakilala ko siya, swerte ang dinadala nito sa akin.“Dahlia, boyfriend mo ba ang kasama mo?” Bulong sa akin ng tindera na may tuwa sa kanyang mukha. “Mukhang elegante ha. Saan mo napulot?”Mga taong ‘to. Sana nga napupulot na lang ang lalaki na katulad ni Sir Venal para wala ngang mga single mom at hindi man lang inaalagaan ng maayos ng asawa nilang lalaki.“Hindi ho. Katrabaho ka lang siya.” Tangi ko na agad para itigil na ang issue.“Meron ka nang trabaho?!” Napatango ako. Alam nilang ang edukasyon ko galing lang sa bahay-ampunan. “Saan? Parang nakahuli
(Yuki POV)“Yuki…” At kaagad akong napalingon sa direksyon kung saan nangaling ang pamiliar na boses. Si Kuya Kai na kakarating pa lang. “Anong problema?”Kaagad naman may luhang lumabas sa aking mga mata. Nakakatakot din pala kapag hindi makatarungan ang idadahilan mo sa nangyayari.“Kuya, minamaliit nila ako. Pinagloloko… Yung ginawa nilang tsaa, kahit katiting hindi tumugma sa tsaang nabibili sa tindahang ito. Ang amoy, napakalayo sa amoy ng paborito nating tsaa.” Reklamo ko at lumapit ako sa kanya, saka niyakap ito. Ngunit hindi niya ibinalik ang yakap, bagkus mas ginusto nitong kumalas at lumapit sa sofa. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako kinumfort muna.Ang mga mata ni Kuya Kai ay abalang pinagmasdan ang bawat sulok ng lugar. Ang mga sirang instrumento, ang mga basura kong nagkalat at ang hitsura ng paligid.“Hindi parin ako makapagsulat ng maayos Kuya Kai.” Amin ko sa kanya. “At sana hindi ka madismaya sa akin. Parang may kulang pa kasi. Bukod sa lugar na ito, kailangan
(Yuki POV)“Gusto niyo pa talagang itulak ko kayo isa-isa?!” Wala akong pakialam kung nasa presensya namin si Cedrick. Kahit siya walang karapatan na galawin ako.Nang aktong lalapit na ako sa nagbibingi-bingihan kong tauhan, humarang na si Cedrick Ma sa harapan ko. Ngumisi siya sa akin.“Miss Yuki, alam nila ang kanilang ginagawa. Hindi mangyayari ang gusto mo. Mahigpit na ipinagbabawal ni Master Kai ang pagpapakaladkad sa taong yun. Pilitin siya na pumunta dito at igawa ka ng inuming yun.”“Tss. Wag na wag kang haharang sa harapan ko! Kapatid ako ni Kuya Kai at utusan ka lang niya! Saka ngayon ko lang narinig na nagkaroon bigla ng exception. Baka nakakalimutan mo, walang pakialam si Kuya Kai kahit sino man ang pakaladkarin ko sa aking harapan! Hoy! Ano pa ang tinutunganga niyo dyan. Secretary lang siya ng kapatid ko. Alam niyo ang mangyayari sa inyo kapag sinaktan ko ang aking sarili kung hindi niyo ako susundin! Simpleng iyak ko lang buhay niyo ang siyang kapalit! Wag niyong hintay
(Yuki POV)“Fine. But let’s have a deal first, Cedrick. Sasama ako sa inyo ngayon ng bukal sa loob ko, ngunit bukas na bukas ang nais kong kaladkarin ninyo sa harapan ko ay ang may-ari ng teashop na’to at ang gumagawa ng paborito naming tsaa ni Kuya Kai. Kapag hindi mo yan nagawa, humanda ka na sa pagharap kay Kuya Kai. Sisirain ko ang pangalan mo sa kanya!”“Miss Yuki, sumasakit na talaga ang ulo ko sa inyo. Para saan ang sinasabi ninyo at pananakot? Hindi ako matakutin, kaya itigil niyo na yan. Tsk. Saka kailangan ko pa ba ulitin dahil nakalimutan mo ang sinabi ni Master Kai mismo? Siya mismo ang bumitaw ng salitang, walang sino man ang gagalaw kay Miss Dahlia, kung siya ang nais mong ipakaladkad dahil walang ibang gumagawa ng paborito mong tsaa kundi siya at wala nang iba pa.”Natigilan ako.“Miss Dahlia?” At talagang nirerespeto na niya ang pangalan ng babaing yun. “Tama ba ang naririnig ko Secretary Ma? Pangalan ng isang babae? At ayaw pagalawin ni Kuya Kai?”“Klaradong narinig