Share

Chapter 3 Her Little Wish

(Dahlia POV)

Pagdating ko sa kinatatayuan ni Grandma, napayakap ako ulit sa kanya.

May kaliitan na din kasi ang katawan niya.

“Dahlia naman, wala pa akong pangkabaong para i-pain mo na ako kay kamatayan.”

Narealize na ata ni Grandma.

Napangiti na lamang ako sa kanya. Kahit hindi niya nakikita.

“Saka ayoko pang iwan ang napakaganda kong apo.”

Nambula pa ang Grandma ko.

Sa nakikita ko sa kanya masayahin naman siyang matanda. Ngunit marami ang nagsabing napaka-sungit nito noon, bago pa man niya inampon.

“Apo-apuhan po Grandma.”

“Oh sige, binabawi ko. Di ka nga maganda. Binabawi ko.”

“Sorry Grandma.” Medyo natatawa ako sa tampo ni Grandma.

“Sadyang yung katawan ko mas gugustuhin atang sagipin yung sombrero niyo.”

“Natural minsan sa tao ang kumilos na hindi nag-iisip. Ang utak Dahlia, ginagamit yan parati.”

Saka mahinang natawa sa akin si Grandma.

Matandang to, kahit ang mean, di ko parin hahayaan na mamatay na lang ng basta-basta.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pinasilong ako nito sa tahanan niya, kahit di naman ako nito ka-ano-ano.

Marami ang nagsabi sa akin, na aalilain lang ako nito, ngunit marami rin ang nagkamali.

Tinuring niya akong anak higit pa sa mga apo niya.

Kaya ata nagrerebelde ang kanyang mga apo.

“Di ko alam kung sino ang nagligtas sa akin. Ano ba sila? Tao o mga nilalang na—.”

“Ayan ka na naman Grandma sa mga kathang-isip mo. Mabuti na lang Grandma mabibilis silang kumilos para saklolohan tayo.”

“Sa sobrang bilis nila parang hindi na nga sila mga tao, Dahlia.”

Si Grandma talaga. Pero malaki ang naitutulong ng kathang-isip niya sa ginagawa kong kwento. Feeling ko nga talagang magkadugo kaming dalawa.

“Ang masama Grandma, di man lang ako nakapagpa-salamat. Nasaktan ko pa ata yung nagligtas sa akin.” Napabuntong hininga ako.

“Di ko man lang nasuklian ng maayos ang pagligtas niya sa akin. Kamuntik na din siyang madisgrasya sa ginawa niya.”

At di ko naman maaring sabihin kay Grandma yung nangyari na nawala ang first kiss ko.

Saka di naman yun talaga masasabing first kiss diba?

Hangang sa muli ngang napa-berde ang traffic light.

Naglakad na kami papunta sa kabilang kalsada.

At napatakbo ng tuluyang pumatak ang ulan.

Buti na lang malapit na kami sa tapat ng bus stop. Saka nakikita kong parating na ito.

“Grandma, good timing talaga tayo.”

Ikinatigil na ng bus sa tapat namin.

Naunang nagsipasok yung ilang naghihintay din at kami itong nagpahuli.

Si Grandma lang ang sasakay.

Binati ko ang driver na siyang kilala nga ako. Kapitbahay lang namin. Dating kaibigan ni Granpa, asawa ni Grandma.

“Uncle Bert alam niyo na kung saan si Grandma i-hihinto.”

Saka binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Itinago ang takot at kaba na nangyari kanina.

Para na din kay Grandma, na bulag na nga. Kahit paano ayokong mabalot ulit siya ng takot.

Minsan ang mga mata natin ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng takot sa mundong ito. Isa ding dahilan kung bakit nalulungkot tayo. Nagiging sakim at mapanakit dahil sa nakikita.

“Aba naman di mo sasamahan ang Grandma mo?”

“Sayang naman Uncle Bert. Magiging libre pa ang isang upuan mo riyan para sa akin.”

Napakindat ako dahil nga libreng sakay ito para kay Grandma.

Napakamot si Uncle Bert sa kanyang leeg.

“Twenty minutes Grandma nasa bahay na ako. Wag kayong mag-alala sa akin.”

Paalam ko ng mai-upo ko ito ng maayos sa tabi ni Uncle Bert.

Sanay na si Grandma sa ayos naming ito.

“Oy bata ka. Wala ka pang kabaong kaya mag-iingat ka ha. Maari ka namang sumabay na ah?”

“Hindi. Alam niyo naman ang buhay manunulat Grandma, kailangan magmasid sa paligid. Pera din yun. Kapag tuluyan na nga akong naging isang sikat na manunulat. Sige na po. Naka-abala na ako masyado. Uncle Bert, si Grandma ko, ha.”

Saka lumabas na ako at napakaway na lamang sa kanila.

May ngiti sa labi ko di na nga makita ni Grandma.

Atleast marealize ng mga tao, dapat palaging ngumingiti. Kahit nagmimistulan na ngang baliw.

Di naman pinagbabawal na ngumiti diba?

Nakaalis na ang bus.

Nagsimula na din ako maglakad.

Sayang ng pamasahe ko at maari ko pa itong idagdag sa pinag-iipunan naming pambili ng lupang kinakatayuan ng teashop ng pamilya ni Grandma. Kung hindi mawawala yun na pinagkikitaan namin at pinagkukunan ng pang gastos pang-araw-araw.  

Binuksan ko ang payong dahil napakalakas na ng ulan.

Malamig. Medyo giniginaw na ako.

Nang matigilan ako kasi naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Dahlia, hinding-hindi na magkakatagpo ang katulad mo sa isang kagaya niya. Pasalamat ka na lang na nailigtas ka ng isang lalaking di niya inalala ang sarili na baka madamay pa siyang maaksidente.

Pero natigilan ako…

Plus, yung sinabi ni Grandma na ang bibilis nila kumilos. Lalo na yung lalaking parang hangin na di ko namalayan sumulpot sa tabi ko at hinila ako para maka-iwas sa paparating na sasakyan.

Ngunit talagang nakita ko na siya bago pa man mangyari ang aksidente. Malayo pa ang sasakyan nila.

Paanong agad siyang nakalabas?! At niligtas ako?

Napailing na lamang ako.

Ibang klase talaga ang isipan ko. Ang lawak ng imagination. Worst, napaka-wild.

Utak ng isang manunulat di mo talaga inaasahan na makakagawa siya ng kwentong di mo aakalain.

Dear readers,

I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness.  Arigato.

EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.

EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.

Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.

[Tagalog Complete]

  1. Taming the Dangerous CEO [Tagalog]
  2. The Devilish Billionaire [Tagalog]
  3. Doctor Alucard Treasure [Tagalog]
  4. Fated to Marry the Devil [Tagalog]

[Ongoing]

  1. Nine Months [Tagalog]
  2. Taming the Dangerous CEO II [Tagalog]
  3. The Devilish Billionaire II [Tagalog]
  4. Alpha King Checkmate [Tagalog]

Sincerely with gratitude,

Death Wish.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status