(Venal POV)
We arrived at the location where the auction is about to begin.
Ngunit di naman ito mag-uumpisa kung wala pa nga si Dryzen, kundi patay sila. May pagkakaabalahang trabaho na naman ako.
Wag silang tanga na dagdagan pa ang trabaho ko.
Sinalubong kami ng malalaking payong. Dahil bumuhos na nga ang malakas na ulan.
Agad ko naman kinuha sa isang tauhan ang coat ni Master Dryzen. Tinulungan ko itong ma-isuot sa kanya.
Agad kaming pumasok sa gusali.
Nakareserve na ang upuan sa unahan para sa kanya.
Sa unahan siya nauupo para makita ng maigi ang item. In case gusto niyang bilhin at maging isa sa mga collection na naman niya.
Ngunit halos lahat naman ng auction na pinuntahan namin, karamihan siya ang bumibili.
Wala siyang paki-alam kung magkano nang halaga ang inaabot ng isang bagay.
He sits like a king.
Tipong nasa sarili siyang palasyo at yuyuko ang lahat sa kanya.
Nanahimik ang ilang negosyante sa pagdating niya. Ang ilan dismayado sa presensya namin dahil alam nilang di nila kailangan na makipag-matigasan sa isang Dryzen Storm.
The Auction is all about the fossil na nahukay at ang pinagsasabi nilang artifacts ng mga dragon at dinosaurs. Kaagad naman nalalaman ni Master Dryzen sa isang titigan kung totoo ang artifacts o hindi. Kaya kung peke lang naman, hindi niya ito pinapansin. Ngunit naiinis ito dahil pakiramdam niya nagsasayang siya ng oras.
Saka hinahayaan niya ang ilang negosyante na makapag bid.
Kapag nakita niya ang isang bagay na totoo at merong malaking halaga…
Makukuha at makukuha niya ito.
Gaya ng sinabi ko, hindi niya iniinda ang halaga. Kapag ginusto niyang maging kanya… Kanya.
Unang isinalang buto ng mga pinaniniwalaang dinosaurs.
Napangisi lamang si Master Dryzen. Ngunit tinanguan parin niya ako na ako nga ang gumagawa ng bidding. Malinaw ang utos niya sa akin, makuha ang bagay na pinag-iinteresan niya.
We win the first item.
Minsan ang mga bagay na nakukuha ni Master Dryzen, iniisip ko na lang magpapatayo ata siya ng isang museum. Musika sa kanya ang palakpakan ng kamay sa tuwing siya ang nanalo.
May dumating na isang negosyante ngunit di naman namin pinansin.
Sumunod na isinalang mga buto ulit.
Gusto niyang kunin ko ulit kaya nakuha namin.
Anong gagawin niya sa mga bagay na yan?
Marami pa ang sumunod.
Mayroon naman na tinangihan si Master Dryzen. At natuwa ang nanalo dahil nakuha niya ang bagay.
Kahit tuso si Master Dryzen, pumalakpak siya sa mga nanalong negosyante.
Pinakahuling item na hinihintay niya, ang isang kwintas na kanina binasa nga ng tagapagsalita ang description nito. Alam kong kanina pa niya ito hinihintay.
A necklace made of a bloody stone, ruby.
Mas mataas ang halaga ng diamante kesa dito. Ngunit lahat ng mga mamahaling bato, wala siyang papalampasin, lalo na kung alam niyang hindi ito peke.
Napatango siya sa akin.
Ako ang nag-umpisa ng bid sa napakataas na halaga para matapos kaagad ang programang ito.
Lahat nagulat sa halagang binigay ko. Walang sino man ang gustong tumaas ulit ng numero nila.
Ngunit…
Nagkakamali ako.
Itinaas ng isang negosyante na kanina lang kakarating pa lang nito ang numero niya.
Napangisi ito kay Master Dryzen. Nagkatitigan sila.
Ako na lamang ang napabuntong hininga.
Nagkakamali ang negosyanteng yun sa ginawa niya.
Napasenyas ako sa isang assistant na kunin ang impormasyon ng negosyanteng yun.
Muli kong itinaas ang halaga.
Pero hindi nga ito nagpapatalo.
Hangang si Master Dryzen na ang umiling sa akin. Ibig lang sabihin, itigil ang ginagawa ko.
Kaya sa huli nanalo ang matandang matabang negosyante.
Marami ang nagsipalakpakan sa tapang na ipinakita nito.
Tumayo na si Master Dryzen.
Palapit na ako sa kanya ng, siya mismo ang lumapit sa negosyante. Nakikamay na merong ngiti sa labi.
Ngiti ng isang tuso na binabati ang parating na kamatayan ng negosyante.
Lihim kong ipinikit ang aking mga mata.
Sinabi ko sa mga ninuno ko na…
Susubukan kong di masyado maging tuso si Master Dryzen sa pangangalaga ko.
Ngunit ano ito?
May susunod na naman ata sa sekretarya niya kanina.
“All is well sir. The item was destined for you.”
“I am so honor to beat you, Mr. Storm.” Saka sila nakikamay sa isat-isa.
Anong binabalak ngayon ni Master Dryzen?
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Venal POV) Naghihintay na sa labasan ang sasakyan. Patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pumasok na si Master Dryzen sa sasakyan matapos pirmahan nito ang dokumento na kailangang bayaran sa auction na ito. Sa tabi ng driver niya, ako naupo. Nakita ko sa salamin na isinandal ni Master Dryzen ang ulo niya sa upuan. Ipinikit ang kanyang mga mata. Impossibleng wala siyang gagawin. O kagaya din ito kanina, tungkol sa babaeng iniligtas niya. Papalipasin ng ganoon kadali. Siguro… Oras na ata para kumalma na din ako. Ngunit nagkakamali pala ako. “Stop the car.” Agad ikina-preno ng sasakyan. “Give it to me.” Alam kong ako ang pinagsasabihan niya. Kaya inilabas ko na lamang ang tablet kung saan naroroon ang impormation tungkol sa negosyante kanina. Napangisi siya matapos basahin ito. Saka
(Dahlia POV) Sumilip na muli ang liwanag ng buwan. Kaya medyo natiwasay ako sa paglalakad. Nabasa ng kunti. Sana hindi ako nito sipunin. Malapit na ako sa amin. Sinara ko ang payong. Inayos ko. Nang natigilan ako…. Dahil parang may sumusunod sa akin. Huminga ako ng malalim. Sa sitwasyong ito kailangan ko lang magmadali sa paglalakad. Isang makitid pa namang iskinita ang dinadaanan ko. At halatang tulog na ang mga nakatira sa malapit dahil ngilan-ngilang bahay na lamang ang merong ilaw. Ang gabi, ito yung mahalagang oras para sa mga mangagawang ginagawa ang trabaho nila sa umaga. Ito yung oras na nagkakaroon ng katiwasayan ang isipan ko. Ngunit hindi sa ngayon. Masama talaga ang pakiramdam ko na parang may sumusunod sa akin. Kaya tumigil ako sa paglalakad. Mabuti nang harapan ang kinakatakutan diba? Pero paglingon ko sa
(Dahlia POV) “Grabe naman kayo Grandma. Syempre nag-aaral din yun ng maayos. Nagpaalam yun sa inyo na gagabihin siya kaninang umaga. Pustahan tayo Grandma, agad yun uuwi.” “Sus Dahlia. Wag mong pinagtatakpan yang mga pinsan mo. Meron pa akong tenga. Bulag lang ako.” “Grandma, relaxs.” Isinuot ko ang apron saka kinuha ko ang kutsilyo. Hiwa mode na sa mga sangkap. “Kwento niyo na lang ulit sa akin yung lagi niyong kinukwento. Kasi, hindi ko naman pina-plagiarized ang imagination niyo. Yan kasi ang subject ko sa sinusulat ko ngayon Grandma. Dragon. Malay niyo, dream come true na tayo! Sikat nang manunulat ang apo niyo!” Pero mas pinili ni Grandma na manahimik na lang. Okey. Wala ata si Grandma sa mood ngayon, plus baka gutom na din. “Dahlia…” “Grandma.” Binuhay ko yung stove. “Ang
(Owen POV) “Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.” Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng m*****a naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako. Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki. Napakamot ako. Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko. Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko. Si Yuki at Ms. Nam. Haist. Si Miss Nam kasi inaalala lang niya ang reputation ng kompanya. Nais niya na ang lahat na ma-ipublished sa ilalim ng pangalan ng kompanya ay yung may mataas na quality na mga kwento. Ayaw niya yung mga b****a at wala namang katuturan basahin. Naalala ko nga ang sinabi niya na... "Hindi tayo tumatangap ng kwento na nais lang ng mambabasa ang matulog. Edi sana walang sleeping pills na lumabas sa mercado. Bwisit."&nbs
(Dahlia POV) Naihubad ko na ang apron ko. Nakatulog na din si Grandma. Napatitig ako sa orasan. Wala parin yung mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko nga ng mga bintana. Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon. Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan. Ngayon ginawa kong silid ko. Di naman ako tinapon dito ni Grandma. Sadyang gusto ko lang dito. Tahimik. Ngunit kung ano man ang temperatura sa labas, yun din ang temperatura sa loob. Ngunit masaya ako at kuntento sa silid kong to. Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang naninirahan na din dito sa katagalan. At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya hinayaan ko na lang. Since di naman kah
(Dahlia POV) “Hoy Dahlia.” Si Karen. Kakauwi pa lang niya. Bumangon ako para bumaba. Nadatnan kong hinuhubad nito ang b**a niyang jacket. Nilapag ko sa mesa ang emergency light. 0 “Uhmmm, naka-uwi ka na. Si Carlo?” Medyo puyat nga ang boses ko. Pinuntahan ko ang stove para initin muli ang niluto kong sinabawan. Nang biglang bumalik ang kuryente na ikinasilaw ng mga mata ko. Ang liwanag kasi ng bombilyang nabili namin ni Grandma. “Bigyan mo ako ng pera.” Yun ang sagot ni Karen sa tanong ko. Kaya ang Nasilaw kong mga mata agad naka-recover. “Ah?” Sa di ako makapaniwala sa hinihingi niya sa akin. “Pera.” Lahad nito ng palad sa akin. “Wag ka nang magmaang-maangan pa Dahlia. Kailangan ko ngayon ng pera. Babayaran na lang kita kapag nagpadala na si Mama sa akin.” “Sa gantong oras? Kailangan mo n
(Owen POV) Di na nila hinintay ang kusa kong pagbisita sa tinitirahan ni Miss Yuki. Nagsisulputan sa harapan ko ang mga tauhan nito. Ang ibig lang sabihin ng pagpunta nila dito ay sumama ako sa kanila. Kaya sumama ako. Nang madaanan namin ang opisina ng asawa ko, matalim na titig ang pinabaon niya sa akin. Tuloy, nagdadalawang isip na ako kung mahal pa ba ako ng asawa ko o hindi na. Miss Nam naman… Halos nanginginig ang katawan ko ng tumampad sa aking paningin ang tahanan ng magkaptid na Carter. Sa pagkaalam ko, ampon lang ng mag-asawa si Yuki at ang tunay na anak yung usap-usapan na namumuno sa isang grupo ng mafia. Ano pa nga ba? Isang mafia boss. Akala ko nga din kathang-isip lang ang tungkol sa kanila. Ngunit totoo pala ang tungkol sa kanila. Halos matumba ako ng makalabas ako sa sasakyan. Paano na talaga Mis
(Owen POV) Napatitig ako sa mga tauhan niyang nakayuko. Bakit di na lang nila dalhin ang babaeng to sa hospital ng mga baliw? Malinaw na hindi na siya makapagsulat ng maayos dahil nababaliw na ito. Hindi ba sila natatakot sa pinag-gagawa niya? Kaya kinuha ko ang phone at sinubukan ko tumawag ng biglang may humablot nito. Sa isang iglap nabasag ito. “Anong problema dito?” Ang boses niya… puno ng malakas na auwra. Nagsiyukuan ang mga tauhan sa paligid. At si Miss Yuki agad na lumiwanag ang mukha niya. Masayang tumakbo sa kakarating lang. Ako… Nanginginig ang tuhod ko. “Kai!” Ang pangalan ng tinaguriang Mafia boss. Tatangapin ko na lang ba na hangang dito na lang ang aking huling hantungan? Ngunit naalala ko ang sinabi ng asawa ko. Saka pinagdugtong ko sa sinabi ni Miss Yuki kanina.