(Dahlia POV)
Sumilip na muli ang liwanag ng buwan. Kaya medyo natiwasay ako sa paglalakad. Nabasa ng kunti. Sana hindi ako nito sipunin.
Malapit na ako sa amin. Sinara ko ang payong. Inayos ko.
Nang natigilan ako…. Dahil parang may sumusunod sa akin.
Huminga ako ng malalim. Sa sitwasyong ito kailangan ko lang magmadali sa paglalakad.
Isang makitid pa namang iskinita ang dinadaanan ko.
At halatang tulog na ang mga nakatira sa malapit dahil ngilan-ngilang bahay na lamang ang merong ilaw.
Ang gabi, ito yung mahalagang oras para sa mga mangagawang ginagawa ang trabaho nila sa umaga.
Ito yung oras na nagkakaroon ng katiwasayan ang isipan ko.
Ngunit hindi sa ngayon.
Masama talaga ang pakiramdam ko na parang may sumusunod sa akin.
Kaya tumigil ako sa paglalakad.
Mabuti nang harapan ang kinakatakutan diba?
Pero paglingon ko sa likuran… Pagaspas lang ng hangin ang sumalubong sa akin.
Nawala ang pangamba ko.
Napabuntong hininga.
Ngunit hindi na naman ako makahinga dahil may nakita ako sa tubig na namumuo sa daanan. Yung refleksyon…. Parang may dumaang napakalaking ibon sa kalangitan. Ibon na parang ahas?
Umangat ang paningin ko sa kalangitan.
Wala naman.
Napatitig ako sa buwan na muling nagliwanag.
Guni-guni ko na naman ba?
Imahinasyon kong to. Di na ako tinitigilan.
Napailing-iling na lamang ako.
Nagpatuloy sa paglalakad. Napapalingon sa likuran ko sakaling tama ang kutob ko. Ang nakita ko kanina ay isang anino ng dragon.
Pero guni-guni ko lang talaga ata.
Ayan na naman, nadala ata ako sa kwento ni Grandma.
At tungkol sa mga dragon ang isinusulat kong kwento ngayon. Nagbabakasakali na tangapin sa isang publisher na lagi kong pinapasahan ng mga likha ko.
Ngunit paulit-ulit naman akong nakakatangap ng rejection.
Pero hindi talaga ako susuko. Alam ko sa aking sarili kung saan magaling. Di man ngayon, balang araw makikilala akong magaling na manunulat.
Sumpa ko yan sa buwan!
Buwan! Ikaw ang magsisilbing paalala sa aking isinumpa.
Tandaan mo yan! At palagi ko talagang itatak sa aking isipan.
Bakit dinamay ko pa ang buwan sa kalokohan kong to?
Nang biglang kumulog. At alam ko na ang susunod nito… kidlat!
Kaya napatakbo na ako kasi malapit na rin naman ako sa gate namin.
Isinara ko ang aking mga mata. Alam kong, kikidlat na.
Kumidlat na.
Pilit kong kinakampante ang paghinga ko.
Diyos ko po… nakakatakot naman ang kulog na yan.
At muli na namang pumatak ang ulan.
Natabunan ang buwan ulit.
Binuksan ko na ang gate. Atomatikong gumagawa naman ng ingay. Di naman highly gate ang meron kami. Sadyang pinagkumpol-kumpol lang naman na mga lata.
“Grandma! Andito na ako.”
Masaya kong bati habang inaalis ko ang aking sapatos.
Binuksan ko ang pinto.
Nadatnan kong nakatulog na si Grandma sa kanyang rocky chair. Halatang hinihintay niya akong maka-uwi ngunit tinalo na ng kanyang puyat.
Kabisado niya ang bahay, simula sa gate. Kaya kahit paano maari namin siyang iwan.
“Sumobra ka sa dalawampung minuto na paalam mo sa akin.”
Napangiti na lamang ako sa kanya. Kinuha ko ang kamay nito at napamano.
Parang hindi ko siya kasama kanina.
“Natagalan lang Grandma, kasi kailangan ko ng inspirasyon para magsulat ngayon.”
“Tss. Wala paring tatalo sa mga kwento ko.”
Yabang ni Grandma sa akin. Marami nga siyang kwento at may kwento siyang palaging gusto ko marinig. Yung tungkol sa mga dragon at lobo. Sayang lang at di na niya maaring isulat.
Kaya yung nasirang pangarap ni Grandma, ako na lang ang magpapatuloy.
Nangako ako sa kanya.
“Kwento mo nga ulit, Grandma.”
Hinuhubad ko na yung jacket ko saka isinabit sa likuran ng pinto.
Nilapitan ang fridge at tinignan kung ano ang lulutuin ko.
Maulan… Kaya mas masarap kung sinabawan ang iluluto ko. Plus, wala na akong oras dahil uuwi na mamaya lang yung dalawang apo ni Grandma. Dito din tumutuloy. Paniguradong mga gutom na yun.
Ang mga magulang ng apo ni Grandma, naninirahan sa probinsya. Pinadala sila dito para makatulong kay Grandma at makapag-aral ng maayos sa isang sikat na paaralan dito.
Nakakapag-aral sila. Napakapalad nila.
Pero nalulungkot ako. Sinasayang nila ang oppurtunidad na ibinigay ng mga magulang nila sa kanila. Sana ako na lang ang nasa katayuan nila.
Promise di ko sasayangin ang opportunity kung makapag-aral ako.
Kaya lang matanda na ako para pumasok pa sa paaralan.
Pero age doesn’t matter naman.
Ang problema talaga wala akong oras.
Kailangan ko alagaan si Grandma. Kailangan kong gabayan ito sa pang-araw-araw niya. Ako kasi ang nagsisilbi nitong mga mata.
Napakahopeless ko.
“Ano po ang gusto niyo Grandma, sinabawan na isda o prinito?”
Harap ko sa kanya na nag-eenjoy talaga ang matanda sa rocking chair niya.
Kahit medyo, nakakatakot ang tunog.
Hahaha. Di naman kasi talaga ako fans ng horror movie pero di ko mapigilan na takutin ang sarili ko.
“Makatanong naman to. Kala mo naman kumpleto pa ang aking ngipin ko sa Prinitong binigay mong choice.”
“Ah! Sinabawan! Since nga tag-ulan naman ngayon. Mabuti na din yun sa mga pinsan ko Grandma.”
Kahit di ko naman nga mga pinsan talaga.
Ngunit, pinipilit kong tawagin silang pinsan, since nga myembro na din ako ng pamilya ni Grandma, diba?
“Anong oras na ba at parang wala pa sila?”
Napalingon ako sa analog clock.
Malapit na mag alas-otso.
“Pupunta pa lang yung maliit na kamay sa seven, Grandma.”
“Mga batang yan, pinag-aaral ng maayos. Hays. Ano na ba ang mga inaatupag nila? Si Carlo? Ano ang pinagkakaabalahan niya?”
“Sus Grandma, no need mag-alala. Narinig mo namang magfo-focus na daw siya sa pag-aaral.”
“Sus. Wala akong tiwala sa batang yun. Ikaw tinatakpan mo pa sila sa akin.”
Inilabas ko na sa freezer yung isda. Ewan kung masarap pa ito sa sinabawan since di na nga fresh.
“Eh, ang karingking kong apo, si Karen? Ano ang kinakaabalahan niya?”
Medyo natawa ako sa sinabi ni Grandma.
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV) “Grabe naman kayo Grandma. Syempre nag-aaral din yun ng maayos. Nagpaalam yun sa inyo na gagabihin siya kaninang umaga. Pustahan tayo Grandma, agad yun uuwi.” “Sus Dahlia. Wag mong pinagtatakpan yang mga pinsan mo. Meron pa akong tenga. Bulag lang ako.” “Grandma, relaxs.” Isinuot ko ang apron saka kinuha ko ang kutsilyo. Hiwa mode na sa mga sangkap. “Kwento niyo na lang ulit sa akin yung lagi niyong kinukwento. Kasi, hindi ko naman pina-plagiarized ang imagination niyo. Yan kasi ang subject ko sa sinusulat ko ngayon Grandma. Dragon. Malay niyo, dream come true na tayo! Sikat nang manunulat ang apo niyo!” Pero mas pinili ni Grandma na manahimik na lang. Okey. Wala ata si Grandma sa mood ngayon, plus baka gutom na din. “Dahlia…” “Grandma.” Binuhay ko yung stove. “Ang
(Owen POV) “Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.” Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng m*****a naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako. Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki. Napakamot ako. Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko. Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko. Si Yuki at Ms. Nam. Haist. Si Miss Nam kasi inaalala lang niya ang reputation ng kompanya. Nais niya na ang lahat na ma-ipublished sa ilalim ng pangalan ng kompanya ay yung may mataas na quality na mga kwento. Ayaw niya yung mga b****a at wala namang katuturan basahin. Naalala ko nga ang sinabi niya na... "Hindi tayo tumatangap ng kwento na nais lang ng mambabasa ang matulog. Edi sana walang sleeping pills na lumabas sa mercado. Bwisit."&nbs
(Dahlia POV) Naihubad ko na ang apron ko. Nakatulog na din si Grandma. Napatitig ako sa orasan. Wala parin yung mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko nga ng mga bintana. Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon. Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan. Ngayon ginawa kong silid ko. Di naman ako tinapon dito ni Grandma. Sadyang gusto ko lang dito. Tahimik. Ngunit kung ano man ang temperatura sa labas, yun din ang temperatura sa loob. Ngunit masaya ako at kuntento sa silid kong to. Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang naninirahan na din dito sa katagalan. At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya hinayaan ko na lang. Since di naman kah
(Dahlia POV) “Hoy Dahlia.” Si Karen. Kakauwi pa lang niya. Bumangon ako para bumaba. Nadatnan kong hinuhubad nito ang b**a niyang jacket. Nilapag ko sa mesa ang emergency light. 0 “Uhmmm, naka-uwi ka na. Si Carlo?” Medyo puyat nga ang boses ko. Pinuntahan ko ang stove para initin muli ang niluto kong sinabawan. Nang biglang bumalik ang kuryente na ikinasilaw ng mga mata ko. Ang liwanag kasi ng bombilyang nabili namin ni Grandma. “Bigyan mo ako ng pera.” Yun ang sagot ni Karen sa tanong ko. Kaya ang Nasilaw kong mga mata agad naka-recover. “Ah?” Sa di ako makapaniwala sa hinihingi niya sa akin. “Pera.” Lahad nito ng palad sa akin. “Wag ka nang magmaang-maangan pa Dahlia. Kailangan ko ngayon ng pera. Babayaran na lang kita kapag nagpadala na si Mama sa akin.” “Sa gantong oras? Kailangan mo n
(Owen POV) Di na nila hinintay ang kusa kong pagbisita sa tinitirahan ni Miss Yuki. Nagsisulputan sa harapan ko ang mga tauhan nito. Ang ibig lang sabihin ng pagpunta nila dito ay sumama ako sa kanila. Kaya sumama ako. Nang madaanan namin ang opisina ng asawa ko, matalim na titig ang pinabaon niya sa akin. Tuloy, nagdadalawang isip na ako kung mahal pa ba ako ng asawa ko o hindi na. Miss Nam naman… Halos nanginginig ang katawan ko ng tumampad sa aking paningin ang tahanan ng magkaptid na Carter. Sa pagkaalam ko, ampon lang ng mag-asawa si Yuki at ang tunay na anak yung usap-usapan na namumuno sa isang grupo ng mafia. Ano pa nga ba? Isang mafia boss. Akala ko nga din kathang-isip lang ang tungkol sa kanila. Ngunit totoo pala ang tungkol sa kanila. Halos matumba ako ng makalabas ako sa sasakyan. Paano na talaga Mis
(Owen POV) Napatitig ako sa mga tauhan niyang nakayuko. Bakit di na lang nila dalhin ang babaeng to sa hospital ng mga baliw? Malinaw na hindi na siya makapagsulat ng maayos dahil nababaliw na ito. Hindi ba sila natatakot sa pinag-gagawa niya? Kaya kinuha ko ang phone at sinubukan ko tumawag ng biglang may humablot nito. Sa isang iglap nabasag ito. “Anong problema dito?” Ang boses niya… puno ng malakas na auwra. Nagsiyukuan ang mga tauhan sa paligid. At si Miss Yuki agad na lumiwanag ang mukha niya. Masayang tumakbo sa kakarating lang. Ako… Nanginginig ang tuhod ko. “Kai!” Ang pangalan ng tinaguriang Mafia boss. Tatangapin ko na lang ba na hangang dito na lang ang aking huling hantungan? Ngunit naalala ko ang sinabi ng asawa ko. Saka pinagdugtong ko sa sinabi ni Miss Yuki kanina.
(Owen POV) “Sa totoo lang Master Kia, ang sinusulat niya…” “B****a.” Siya na mismo ang nagtapos ng sasabihin ko. “Alam mo bang nasasaktan ang kapatid ko sa mga naririnig niya sa inyo? Kung b****a nga ang paningin niyo sa pinaghirapan ng kapatid ko, sa tingin niyo mapapatawad ko kayo? Mayroong takas ang kompanya ninyo sa akin? B****a. Yan kasi ang tumatak sa isipan niyo. Kaya lahat ng maaring ma-ipasa pa ng kapatid ko sa kompanya ninyo, ay tatratuhin nang b****a. Wala nang tiwala ang kompanya niyo sa talento ng kapatid ko.” “Master Kia, di naman sa ganoon.” Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung masasagot ko ba siya ng maayos. “Magaling na manunulat ang kapatid ninyo. Di ko alam kung ano ang nangyari na habang tumatagal…” Di ko alam kung sasambitin ko ang masasakit na salita. Baka kasi, ito pa ang ikasanhi ng pagkamatay ko. Kaya muli akong napalunok.
(Dahlia POV) Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng biglang narinig kong may naghahanap sa akin sa ibaba. Sa boses nito magigising si Grandma. Umuwi na yung isa pang walang magawa sa buhay kundi pahirapan ang mga magulang nila. Mga magulang na umaasang nag-aaral sila ng mabuti. Pinagpatuloy ko parin ang pagsusulat ko. Nang bumukas ang pinto…. “Dahlia!” Nabitawan ko ang aking ballpen saka humarap sa kanya. “Natutulog si Grandma. Di na ba kayo marunong tumingin kung ano nang oras? Wala na bang natitirang respeto sa katawan ninyo?” “Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera. Ngayon din!” Kagaya din ng dahilan ni Karen kung bakit niya inistorbo ang tulog ko. Bakit lagi na lang nila ako nilalapitan tungkol sa perang hinihingi nila? Sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa kanila ng mga magulang nila.