(Dahlia POV)
“Grabe naman kayo Grandma. Syempre nag-aaral din yun ng maayos. Nagpaalam yun sa inyo na gagabihin siya kaninang umaga. Pustahan tayo Grandma, agad yun uuwi.”
“Sus Dahlia. Wag mong pinagtatakpan yang mga pinsan mo. Meron pa akong tenga. Bulag lang ako.”
“Grandma, relaxs.”
Isinuot ko ang apron saka kinuha ko ang kutsilyo.
Hiwa mode na sa mga sangkap.
“Kwento niyo na lang ulit sa akin yung lagi niyong kinukwento. Kasi, hindi ko naman pina-plagiarized ang imagination niyo. Yan kasi ang subject ko sa sinusulat ko ngayon Grandma. Dragon. Malay niyo, dream come true na tayo! Sikat nang manunulat ang apo niyo!”
Pero mas pinili ni Grandma na manahimik na lang.
Okey.
Wala ata si Grandma sa mood ngayon, plus baka gutom na din.
“Dahlia…”
“Grandma.” Binuhay ko yung stove.
“Ang kinukwento ko sayo hindi isang kathang isip lamang.”
Medyo napangiti ako sa sinabi ni Grandma.
“Alam mo Grandma, kung ganyan ang paniniwala ng isang writer, talagang marami siyang mahuhuling mambabasa. Share mo nga Grandma ulit.”
“Tss. Sira ulo ka Dahlia. Binabalaan kita.”
“Kwento ka na Grandma. Makikinig ako.”
Napabuntong hininga ito.
Para hindi rin siya ma-bore sa kakahintay.
“Of the present age… Ngayon Dahlia. Ngayon yan.”
“Oo, mas maraming magbabasa na gustong basahin yung modern kesa Mandeville times pa, Grandma. Gusto nila modern. Yun na ang modern ngayon.”
Ulit ko.
Baga naiwan na nga talaga siya ng panahon.
Alam niyo na ang mga matatanda. Memories nila ang mga pinagdaanan sa panahon nila.
“Dragons and werewolves have hidden their wings and fangs. Blend in the human society without knowing by a weak creature like us.”
“Porque ba Grandma wala tayong superpower? Grandma naman eh. Gawin mo naman may power yung mga tao. Kunwari nakaka-lipad. Ganoon.”
“Tsk. Sinisira mo lang Dahlia ang kwento ko.”
“Hehehe. Ako ang first critics mo Grandma.”
Nahiwa ko na ang kamatis, bawang, at sibuyas. Tinignan ko ang kumukulong tubig.
“Dragons are now the rich and charming CEOs, while werewolves are the dangerously handsome gangsters.” Napatango ako. Lagi naman ganoon talaga.
Kung sino pa ang nakaka-angat sila pa ang may mga superpower.
Superpower kung paano mandaya, mangurakot at magtanim ng takot sa mga mahihinang nilalang kagaya na lang ng mga tao.
Yung mga ganyang tao kasi…
Mga hayop na sila. Buwaya at tusong unggoy.
“The great war between the two races has lasted for centuries. Blood has been shed on both sides. The knot of hate is strong and unbreakable.”
See. Magaling talaga yan si Grandma manahi ng kwento. Kaya di ako nagtataka na nangaling ako sa pamilya niya.
“Dragons are powerful and protected by magic. One fully-grown dragon can easily eliminate a dozen werewolves.” Nakita kong napasuntok pa si Grandma at napasipa.
Hahaha. Feel na feel ni Grandma ang pagiging narrator ng kwento niya.
“However, their numbers are much fewer, as a dragon is not a productive race. Their shapeshifting is also restricted since the dragon form is too big and will arouse unnecessary attentions.”
Ahahaha. Mapapalakpak talaga ako Grandma kapag nakakita ako ng totoong dragon.
Ngunit kathang isip lang naman sila. Kagaya ng ilang superhero. Example si Superman, Batman at iba pang kasama sa league ng superheroes.
“As individuals, werewolves are not as strong and not favored by magic, but when in great number, they can still rival a dragon. The restrain on their shifting is much lifted, which makes them the perfect assassins.”
Maganda din ang pagka-plot ni Grandma ng kwento niya. At yung feeling nito kala mo naman na witness ni Grandma ang existence ng mga dragon at taong lobo.
Mapapa-iling ka na lang talaga sa kanya.
“Humans, tayo Dahlia.”
“Syempre. The weak creature.”
“Wag mong minamaliit ang tao Dahlia. Minsan sila ang susi para magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga makapangyarihang nilalang. Balik tayo sa kwento. Tayong mga tao, we stuck between the two races, are largely unaware of the fight. Di natin alam na may kahiwagaan silang ginagawa. However, they are not to be underestimated. They will show their true selves sometimes.”
Dinaig pa niya si Shakespeare nang mapatayo na ito at nakaharap sa akin. Di naman niya ako natitigan ng maayos.
Hitsura ni Grandma, nakakatakot talaga siya. Ngunit alam kong maganda ang puso niya. Dahil inampon niya ako.
Sana nga naging manunulat na lang si Grandma, pero alam ko na boung buhay niya binuhos nito ang oras sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo ng kanyang pamilya. Yung cafe na matagal na ngang nagseserbisyo, ilang henerasyon na ang nagdaan.
“Grandma…” Tinikman ko ang sinandok kong sabaw. Masarap.
Ang galing ko talaga.
“Tikman mo. Masarap yung timpla ko!”
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Owen POV) “Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.” Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng m*****a naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako. Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki. Napakamot ako. Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko. Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko. Si Yuki at Ms. Nam. Haist. Si Miss Nam kasi inaalala lang niya ang reputation ng kompanya. Nais niya na ang lahat na ma-ipublished sa ilalim ng pangalan ng kompanya ay yung may mataas na quality na mga kwento. Ayaw niya yung mga b****a at wala namang katuturan basahin. Naalala ko nga ang sinabi niya na... "Hindi tayo tumatangap ng kwento na nais lang ng mambabasa ang matulog. Edi sana walang sleeping pills na lumabas sa mercado. Bwisit."&nbs
(Dahlia POV) Naihubad ko na ang apron ko. Nakatulog na din si Grandma. Napatitig ako sa orasan. Wala parin yung mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko nga ng mga bintana. Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon. Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan. Ngayon ginawa kong silid ko. Di naman ako tinapon dito ni Grandma. Sadyang gusto ko lang dito. Tahimik. Ngunit kung ano man ang temperatura sa labas, yun din ang temperatura sa loob. Ngunit masaya ako at kuntento sa silid kong to. Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang naninirahan na din dito sa katagalan. At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya hinayaan ko na lang. Since di naman kah
(Dahlia POV) “Hoy Dahlia.” Si Karen. Kakauwi pa lang niya. Bumangon ako para bumaba. Nadatnan kong hinuhubad nito ang b**a niyang jacket. Nilapag ko sa mesa ang emergency light. 0 “Uhmmm, naka-uwi ka na. Si Carlo?” Medyo puyat nga ang boses ko. Pinuntahan ko ang stove para initin muli ang niluto kong sinabawan. Nang biglang bumalik ang kuryente na ikinasilaw ng mga mata ko. Ang liwanag kasi ng bombilyang nabili namin ni Grandma. “Bigyan mo ako ng pera.” Yun ang sagot ni Karen sa tanong ko. Kaya ang Nasilaw kong mga mata agad naka-recover. “Ah?” Sa di ako makapaniwala sa hinihingi niya sa akin. “Pera.” Lahad nito ng palad sa akin. “Wag ka nang magmaang-maangan pa Dahlia. Kailangan ko ngayon ng pera. Babayaran na lang kita kapag nagpadala na si Mama sa akin.” “Sa gantong oras? Kailangan mo n
(Owen POV) Di na nila hinintay ang kusa kong pagbisita sa tinitirahan ni Miss Yuki. Nagsisulputan sa harapan ko ang mga tauhan nito. Ang ibig lang sabihin ng pagpunta nila dito ay sumama ako sa kanila. Kaya sumama ako. Nang madaanan namin ang opisina ng asawa ko, matalim na titig ang pinabaon niya sa akin. Tuloy, nagdadalawang isip na ako kung mahal pa ba ako ng asawa ko o hindi na. Miss Nam naman… Halos nanginginig ang katawan ko ng tumampad sa aking paningin ang tahanan ng magkaptid na Carter. Sa pagkaalam ko, ampon lang ng mag-asawa si Yuki at ang tunay na anak yung usap-usapan na namumuno sa isang grupo ng mafia. Ano pa nga ba? Isang mafia boss. Akala ko nga din kathang-isip lang ang tungkol sa kanila. Ngunit totoo pala ang tungkol sa kanila. Halos matumba ako ng makalabas ako sa sasakyan. Paano na talaga Mis
(Owen POV) Napatitig ako sa mga tauhan niyang nakayuko. Bakit di na lang nila dalhin ang babaeng to sa hospital ng mga baliw? Malinaw na hindi na siya makapagsulat ng maayos dahil nababaliw na ito. Hindi ba sila natatakot sa pinag-gagawa niya? Kaya kinuha ko ang phone at sinubukan ko tumawag ng biglang may humablot nito. Sa isang iglap nabasag ito. “Anong problema dito?” Ang boses niya… puno ng malakas na auwra. Nagsiyukuan ang mga tauhan sa paligid. At si Miss Yuki agad na lumiwanag ang mukha niya. Masayang tumakbo sa kakarating lang. Ako… Nanginginig ang tuhod ko. “Kai!” Ang pangalan ng tinaguriang Mafia boss. Tatangapin ko na lang ba na hangang dito na lang ang aking huling hantungan? Ngunit naalala ko ang sinabi ng asawa ko. Saka pinagdugtong ko sa sinabi ni Miss Yuki kanina.
(Owen POV) “Sa totoo lang Master Kia, ang sinusulat niya…” “B****a.” Siya na mismo ang nagtapos ng sasabihin ko. “Alam mo bang nasasaktan ang kapatid ko sa mga naririnig niya sa inyo? Kung b****a nga ang paningin niyo sa pinaghirapan ng kapatid ko, sa tingin niyo mapapatawad ko kayo? Mayroong takas ang kompanya ninyo sa akin? B****a. Yan kasi ang tumatak sa isipan niyo. Kaya lahat ng maaring ma-ipasa pa ng kapatid ko sa kompanya ninyo, ay tatratuhin nang b****a. Wala nang tiwala ang kompanya niyo sa talento ng kapatid ko.” “Master Kia, di naman sa ganoon.” Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung masasagot ko ba siya ng maayos. “Magaling na manunulat ang kapatid ninyo. Di ko alam kung ano ang nangyari na habang tumatagal…” Di ko alam kung sasambitin ko ang masasakit na salita. Baka kasi, ito pa ang ikasanhi ng pagkamatay ko. Kaya muli akong napalunok.
(Dahlia POV) Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng biglang narinig kong may naghahanap sa akin sa ibaba. Sa boses nito magigising si Grandma. Umuwi na yung isa pang walang magawa sa buhay kundi pahirapan ang mga magulang nila. Mga magulang na umaasang nag-aaral sila ng mabuti. Pinagpatuloy ko parin ang pagsusulat ko. Nang bumukas ang pinto…. “Dahlia!” Nabitawan ko ang aking ballpen saka humarap sa kanya. “Natutulog si Grandma. Di na ba kayo marunong tumingin kung ano nang oras? Wala na bang natitirang respeto sa katawan ninyo?” “Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera. Ngayon din!” Kagaya din ng dahilan ni Karen kung bakit niya inistorbo ang tulog ko. Bakit lagi na lang nila ako nilalapitan tungkol sa perang hinihingi nila? Sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa kanila ng mga magulang nila.
(Cedrick POV) “We did everything to set up the grandchild of the old woman who owns the Milktea shop, Master Kia.” Ngumisi lamang sa akin ang boss namin. Kung sa maduming laro lang naman, di talaga kaagad lalantad ang tunay na layunin. Papa-inin ang biktima. Hangang sa napansin nito tuluyan siyang nahulog sa patibong. At walang takas. Yun ang maduming laro ng isang Mafia Boss, kagaya niya Master Kia. Napatango ito. “May balita ka na ba kung nasaan ang hinahanap natin?” “The slayer of our clan.” klaro ko. “I am afraid na wala paring balita Master Kia.” “We need his blood. As soon as possible.” Saka niya kinuntrol ang sarili na hindi maging isang ganap na lobo. Sabi nga kung ang poison ng ahas ay ang gamot din naman ay venom nito, ibig lang sabihin ang pumapatay ng lahi namin ay siya ring gamot