(Owen POV)
“Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.”
Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng m*****a naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako.
Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki.
Napakamot ako.
Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko.
Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko.
Si Yuki at Ms. Nam.
Haist.
Si Miss Nam kasi inaalala lang niya ang reputation ng kompanya. Nais niya na ang lahat na ma-ipublished sa ilalim ng pangalan ng kompanya ay yung may mataas na quality na mga kwento. Ayaw niya yung mga b****a at wala namang katuturan basahin. Naalala ko nga ang sinabi niya na...
"Hindi tayo tumatangap ng kwento na nais lang ng mambabasa ang matulog. Edi sana walang sleeping pills na lumabas sa mercado. Bwisit."
Haist. Si Miss Nam kasi dignidad niya ang nakataya sa kompanyang to... At di ko alam kung sino ba talaga ang may a*i ng International Pen Publishing House, Inc. Parang mas mahigit pa ang kompanyang 'to kay Miss Nam kesa sa akin.
Sa pagtayo ko at bago pa man ako makarating sa harapan ni Ms. Nam. Bumukas ang pinto at nagsisulputan sa pinto ang mga lalaking tila mga autoridad.
Kilala ko ang nagpadala sa kanila. Alam ko na ako ang hanap nila.
Sumasakit na talaga ang ulo ko. Maaga pa para sumakit ang ulo ko ng ganito.
“Mr. Owen, do you have time to hear our business?”
Sinabi ng lalaki na namumuno sa kanila.
Secretarya ng kapatid ni Yuki. Siya na naman ang pinadala nito para takutin ako at matinag.
Napalingon ako sa opisina ng Chief Editor namin, at sa kanila.
Sino ang uunahin ko?
Pero di ko kailangan mamili at magdalawang isip dahil kailangan na sila ang atupagin ko muna. Sa laki ng mga briefcase nilang dala… Di ko na alam kung ano ang laman nito.
Pera o baril?
Baril na kikitil sa akin at magugulo ang boung gusali.
Tinapik ko sa balikat ang isa sa kasamahan ko. Alam na niya ang gagawin kung ipagpilitan ni Ms. Nam, na makita ako.
Sumunod ang mga lalaki sa akin sa isang conference room. Sinara ko ng maigi ang pinto. Sa paglingon ko sa mesa binuksan na nila ang briefcase na dala.
Pera ang laman ng isa. Ikinanlaki ng mga mata ko. Ang dami noon.
Ngunit ng binuksan pa nila yung isang briefcase, napalunok laway ako. Baril.
Ngumiti sa akin ang lalaki.
“You choose Mr. Owen. Hetong isa…”
Tinutukoy niya ang briefcase na puno ng pera…
“Mapapasayo kapag na-ipublish within this week ang nobela ni Miss Yuki. Sa gusto na niyang makita ito sa bookstore at sa site ninyo.”
Di parin mawala ang ngiti nito. Inaasar niya ako ng sagad,
“At ito namang isa. Mas makakabuting tahimik mong isuko ang buhay mo sa amin.”
Mabilis ang usapan.
Isang briefcase lang ang kailangan ko piliin.
Kinuha ko yung isa saka sila nagsi-labasan at umalis. Iniwan ang babala sa akin ng sekretaryang pinagtatawanan ako ng lihim. Kitang-kita sa kanyang mga mata na natutuwa siyang pinaglalaruan ako.
“Within this week, Mr. Owen.”
Tapik niya sa balikat ko.
Nang makalabas sila. Napabuntong hininga ako.
parang hindi na akin ang buhay ko para kontrolin ako ni Yuki.Tsk.
Inalis ko ang aking salamin at napahilamos ng dalawa kong kamay sa aking mukha.
Tinatanong sa sarili kung bakit isinakripisyo ko ang career ko sa perang natatangap ko galing sa manunulat na si Yuki. Naging gahaman ako sa pera ng hindi ko napapansin. Nilagay ko ang aking buhay sa bitag ni kamatayan.
Kung di ako nabulag sa salapi, edi sana malaya ko ding nare-reject ang obra ni Yuki.
Paglabas ko, agad na bumungad ang tarpaulin ng mga sumikat na mga manunulat sa kompanya namin. Nangunguna si Yuki.
Dati rati magaling naman talaga siyang manunulat. Kaya nga natutuwa ako na ako ang hahawak sa kanya bilang editor nito.
Ngunit ng lumaon, nagiging walang saysay ang isinusulat nito.
Anong nangyari Yuki?
Napahilot na lamang ako sa aking leeg.
Talagang wala akong magagawa. Nakasalalay ang buhay ko dito.
Isinuot ko muli ang aking salamin.
Dala ang mabigat na maleta, pumasok ako sa opisina ng Chief Editor.
Sinalubong ako ni Miss Nam ng nagliliparang papel.
“Tinangap mo na naman yan?!”
Siyang dahan-dahan ko ngang inilapag sa harapan niya ang maleta. Alam niya ang nangyayari sa pagitan namin ni Yuki.
“Miss Nam, tinatakot na nila ako.”
“Problema mo yan Owen. Walang kwenta ang ipinapasang manuscript ni Yuki. Alam mo yan. Hindi ka naman tanga diba? Wag mong idadamay ang kompanya dahil sa kalokohan mong ginagawa. Kung di ka titigil makakarating sa nakakataas sa atin.”
“Miss Nam naman. Nakikinabang ka naman sa mga nakukuha ko kay Yuki. Ang gagawin lang naman natin, ma-ipublish yung nobela niya.”
“B****a. Alam mo ba ang maaring epekto kapag inilathala natin yan?! Alam mo kung tungkol saan ang kwento niya?! Sa tingin mo ba merong mambabasa na babasahin ang isinulat niya? Wala Owen!”
“Sus naman Miss Nam, nagbibigay pa nga tayo ng trabaho sa mambabasa ni Yuki. Kaya dapat basahin nila.”
“Hiring a fake reader for Miss Yuki? Bumababa ang rating natin dahil sa kanya. Nakukuha na ng kabilang publisher ang mga mambabasa talaga natin! Hindi lang para kay Yuki ang kompanya natin! Paano ang iba nating manunulat?! Tayo ang mawawalan. Marami nang manunulat na nakakaalam na mas pina-priority nga natin yang alaga mo Owen!”
“Miss Nam naman. Sa ngayon binigyan nila ako ng isang linggo para mailathala ang kwento niya.”
Ngumisi ito sa akin.
“Resign. Di ko gustong ilathala ang basurang yan.”
Siyang inihulog nito ang briefcase sa sahig. Nataranta akong pulutin yun dahil nabuksan at nagkalat yung pera.
Di ba ako na-iintindihan ng asawa ko?
“Miss Nam, papatayin nila ako.”
“I don’t mind.”
“Miss Nam naman.”
“Kung wala ka na, siguradong mawawala na din si Yuki sa kompanya namin. Wala akong paki-alam na umalis siya. Tignan mo. Ilalathala natin yang b****a niyang nobela. Paano kung makarating sa kanya ang masasamang feedback tungkol sa obra niya? Diba mas mapapalala ang lahat? At Owen, papatayin ka lang din niya kaagad Kapag nangyari yan.”
“Wag ka naman magsalita ng ganyan Miss Nam.”
“Di ka talaga titigil!”
Pinakita ni Miss Nam sa akin ang kunyaring paglaslas niya sa leeg.
Mapapatay niya ako kapag di nga ako tumigil.
Bakit ganito ang mga babaing to.
Pinulot ko na yung briefcase.
“Mahal naman, tulungan mo na ako.”
Yun ang huli kong baraha.
Asawa ko lang naman siya diba? Mahal niya ako diba? Ayaw naman niya ako mamatay diba?
“Owen!”
Bulyaw niya ulit sa akin.
“Kasalanan mo yan! At wag mong dinadamay ang relasyon nating dalawa. Hindi mo ako madadala sa ganyan. Alam mo yan.”
“Gusto mo ba akong mamatay?”
“Sa ginagawa mo ikaw ang may kagustuhan na mamatay, hindi ako.”
“Ano ba ang maayos kong gawin, Miss Nam?”
Napaupo ito sa kanyang upuan saka napabuntong hininga.
“Maghanap ka ng manunulat na maari mong bilhin ang copyright ng akda niya.”
“Eh?”
“Yun lang. Simple. Ngunit di pala gaano kasimple. Dahil lahat ng manunulat, pina-pangalagaan nila ang obra na parang mga anak nila. Gusto nila na may marating ito at nanatiling nakadikit ang pangalan nila. Kaya di rin pala talaga simple.”
“Bibili lang ako ng kwentong maaring sabihin na sinulat ni Miss Yuki?”
“Oo. At ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Yuki. Alam naman niyang b****a ang kanyang isinusulat. China-challenge ka lang niya. Mahihirapan ka nga lang Owen sa paghahanap ng manunulat na handang ipagbili ang dugo at pawis na inilaan niya para sa kanyang obra.”
“Miss Nam naman eh. Tinatakot mo lang ako.”
“Di ako makapaniwala na pumayag akong magpakasal sayo!”
Kuha niya ng isang libro at lumipad ito sa akin.
Ikinasalo ko naman.
Ang sungit talaga niya.
“Ngunit Miss Nam, isang linggo na lang talaga ang binigay nila sa akin.”
“Kausapin mo nga ang Yuking yan. Puntahan mo kung makakabuti diba?”
“Hindi kaya…”
Napalunok ako.
“Malamig nang bangkay ako ilalabas sa bahay niya?”
“At least mabu-byuda na ako.”
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for your unconditional support you are giving to me dear readers! See yah on my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV) Naihubad ko na ang apron ko. Nakatulog na din si Grandma. Napatitig ako sa orasan. Wala parin yung mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko nga ng mga bintana. Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon. Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan. Ngayon ginawa kong silid ko. Di naman ako tinapon dito ni Grandma. Sadyang gusto ko lang dito. Tahimik. Ngunit kung ano man ang temperatura sa labas, yun din ang temperatura sa loob. Ngunit masaya ako at kuntento sa silid kong to. Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang naninirahan na din dito sa katagalan. At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya hinayaan ko na lang. Since di naman kah
(Dahlia POV) “Hoy Dahlia.” Si Karen. Kakauwi pa lang niya. Bumangon ako para bumaba. Nadatnan kong hinuhubad nito ang b**a niyang jacket. Nilapag ko sa mesa ang emergency light. 0 “Uhmmm, naka-uwi ka na. Si Carlo?” Medyo puyat nga ang boses ko. Pinuntahan ko ang stove para initin muli ang niluto kong sinabawan. Nang biglang bumalik ang kuryente na ikinasilaw ng mga mata ko. Ang liwanag kasi ng bombilyang nabili namin ni Grandma. “Bigyan mo ako ng pera.” Yun ang sagot ni Karen sa tanong ko. Kaya ang Nasilaw kong mga mata agad naka-recover. “Ah?” Sa di ako makapaniwala sa hinihingi niya sa akin. “Pera.” Lahad nito ng palad sa akin. “Wag ka nang magmaang-maangan pa Dahlia. Kailangan ko ngayon ng pera. Babayaran na lang kita kapag nagpadala na si Mama sa akin.” “Sa gantong oras? Kailangan mo n
(Owen POV) Di na nila hinintay ang kusa kong pagbisita sa tinitirahan ni Miss Yuki. Nagsisulputan sa harapan ko ang mga tauhan nito. Ang ibig lang sabihin ng pagpunta nila dito ay sumama ako sa kanila. Kaya sumama ako. Nang madaanan namin ang opisina ng asawa ko, matalim na titig ang pinabaon niya sa akin. Tuloy, nagdadalawang isip na ako kung mahal pa ba ako ng asawa ko o hindi na. Miss Nam naman… Halos nanginginig ang katawan ko ng tumampad sa aking paningin ang tahanan ng magkaptid na Carter. Sa pagkaalam ko, ampon lang ng mag-asawa si Yuki at ang tunay na anak yung usap-usapan na namumuno sa isang grupo ng mafia. Ano pa nga ba? Isang mafia boss. Akala ko nga din kathang-isip lang ang tungkol sa kanila. Ngunit totoo pala ang tungkol sa kanila. Halos matumba ako ng makalabas ako sa sasakyan. Paano na talaga Mis
(Owen POV) Napatitig ako sa mga tauhan niyang nakayuko. Bakit di na lang nila dalhin ang babaeng to sa hospital ng mga baliw? Malinaw na hindi na siya makapagsulat ng maayos dahil nababaliw na ito. Hindi ba sila natatakot sa pinag-gagawa niya? Kaya kinuha ko ang phone at sinubukan ko tumawag ng biglang may humablot nito. Sa isang iglap nabasag ito. “Anong problema dito?” Ang boses niya… puno ng malakas na auwra. Nagsiyukuan ang mga tauhan sa paligid. At si Miss Yuki agad na lumiwanag ang mukha niya. Masayang tumakbo sa kakarating lang. Ako… Nanginginig ang tuhod ko. “Kai!” Ang pangalan ng tinaguriang Mafia boss. Tatangapin ko na lang ba na hangang dito na lang ang aking huling hantungan? Ngunit naalala ko ang sinabi ng asawa ko. Saka pinagdugtong ko sa sinabi ni Miss Yuki kanina.
(Owen POV) “Sa totoo lang Master Kia, ang sinusulat niya…” “B****a.” Siya na mismo ang nagtapos ng sasabihin ko. “Alam mo bang nasasaktan ang kapatid ko sa mga naririnig niya sa inyo? Kung b****a nga ang paningin niyo sa pinaghirapan ng kapatid ko, sa tingin niyo mapapatawad ko kayo? Mayroong takas ang kompanya ninyo sa akin? B****a. Yan kasi ang tumatak sa isipan niyo. Kaya lahat ng maaring ma-ipasa pa ng kapatid ko sa kompanya ninyo, ay tatratuhin nang b****a. Wala nang tiwala ang kompanya niyo sa talento ng kapatid ko.” “Master Kia, di naman sa ganoon.” Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung masasagot ko ba siya ng maayos. “Magaling na manunulat ang kapatid ninyo. Di ko alam kung ano ang nangyari na habang tumatagal…” Di ko alam kung sasambitin ko ang masasakit na salita. Baka kasi, ito pa ang ikasanhi ng pagkamatay ko. Kaya muli akong napalunok.
(Dahlia POV) Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng biglang narinig kong may naghahanap sa akin sa ibaba. Sa boses nito magigising si Grandma. Umuwi na yung isa pang walang magawa sa buhay kundi pahirapan ang mga magulang nila. Mga magulang na umaasang nag-aaral sila ng mabuti. Pinagpatuloy ko parin ang pagsusulat ko. Nang bumukas ang pinto…. “Dahlia!” Nabitawan ko ang aking ballpen saka humarap sa kanya. “Natutulog si Grandma. Di na ba kayo marunong tumingin kung ano nang oras? Wala na bang natitirang respeto sa katawan ninyo?” “Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera. Ngayon din!” Kagaya din ng dahilan ni Karen kung bakit niya inistorbo ang tulog ko. Bakit lagi na lang nila ako nilalapitan tungkol sa perang hinihingi nila? Sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa kanila ng mga magulang nila.
(Cedrick POV) “We did everything to set up the grandchild of the old woman who owns the Milktea shop, Master Kia.” Ngumisi lamang sa akin ang boss namin. Kung sa maduming laro lang naman, di talaga kaagad lalantad ang tunay na layunin. Papa-inin ang biktima. Hangang sa napansin nito tuluyan siyang nahulog sa patibong. At walang takas. Yun ang maduming laro ng isang Mafia Boss, kagaya niya Master Kia. Napatango ito. “May balita ka na ba kung nasaan ang hinahanap natin?” “The slayer of our clan.” klaro ko. “I am afraid na wala paring balita Master Kia.” “We need his blood. As soon as possible.” Saka niya kinuntrol ang sarili na hindi maging isang ganap na lobo. Sabi nga kung ang poison ng ahas ay ang gamot din naman ay venom nito, ibig lang sabihin ang pumapatay ng lahi namin ay siya ring gamot
(Dahlia POV) Di ako makatulog ng gabing yun sa paghihintay kay Carlo. Walang katotohanan ang hinala ni Karen na may gusto ako kay Carlo. Ginagawa ko lang ito dahil sa mga magulang nila na umaasang makakapagtapos sila sa kolehiyo. Ang mga pinsan kong to, bakit ang sakit nila sa ulo. Haist. Naawa lang ako sa magulang nila. Naibuhos ko ang oras sa paghihintay sa pagsusulat. Malapit na ang katapusan. Napansin kong di lang talaga maganda. Napaka-common ng ending. Mali to. Ngunit sinasabi na kapag ganito nga ang katapusan, ibig lang sabihin hihingi ang mambabasa ng pangalawang libro, para makuha ang hustisya sa naunang libro. Sana nga kumagat sa panglasa nila. Napaunat ako ng aking kamay. Sumilip sa bintana ang sinag ng araw. Tumayo na ako sa kinaka-upuan ko. Binuksan ko ito ang bintana. Inumaga si Carlo.