Share

Chapter 1

Chapter 1

Philippines 1930

NAPANGANGA SILANG apat sa kagandahan ng Time Gold Resort at sa kagandahan ng dagat rito sa El Nido Palawan. Ang bascuit archipelago ng bansang Pilipinas. Blue na blue iyon na siyang paboritong kulay ni Asula. Ngayon lang siya nakapunta sa ganitong lugar at nakakita ng ganitong tanawin.

“Omygash! Ang ganda dito!” sigaw ng mga kasama niya. Akala mo first time na makaapak sa buhangin, maski siya rin ay ganoon ang reaksyon.

Ingat na ingat siyang lumakad sa buhanginan na akala mo ay parang may mangyayari sa kanya kapag bibilisan niya ang paglakad.

Manghang-mangha siya maging sa tanawin. Parang kay sarap maligo sa maasul na dagat na iyon sa hindi kalayuan.

“Asula! Maliligo tayo mamaya kapag pinayagan tayo ni boss! Ano? Game ka?” Biglang sumulpot sa kanyang tabi si Casy saka nito iyon tinanong sa kanya.

Nagningning ang mga mata niya nang marinig ang sinabi nito. “Talaga? Papayagan ba tayo ni boss maligo?”

Bigla ring sumulpot sina Lena at Mona. Si Mona ang sumagot sa tanong niya na iyon. “Sa pagkakarinig ko kanina. Oo, bibigyan niya raw tayo ng oras para mag-relax. Akalain mo iyon, naisipan ni boss naiparelax tayo. Sa hinaba-habang panahon na kasama natin siya.”

Napatawa siya saka tumango. “Oo nga, ano? Ano kaya nakain niya?”

Kumibit balikat ang tatlo. “Baka may nakaing maganda,” ani Lena saka sinundan ng tawa.

Nakitawa na lang rin siya sa kanilang tatlo. Sumunod sila sa mga kasamahan nila na papunta na rin sa loob ng resort.

Binigyan na silang lahat ng susi. Sa isang kwarto ay apat pa rin silang magkakasama nila Lena, Casy at Mona. Akala pa nilang apat ay tag-iisang kwarto sila Ayon pala, kuripot pa rin ang boss nila. Hindi na aasa pa si Asula.

Napakasosyal ng Time Gold Resort. Ang mga ilaw sa kisame na mamahalin. Mga paintings sa bawat dingding na nakasabit sa tuwing dadaan ka sa hallway. Ang mga pinto na pinag-ukitan ng disenyo. Mga numero ang nakaukit roon at iyong parang sa orasan.

“Ang galing naman ng architect na dumsenyo ng resort na ito. Nakakarelax ang mga nakaukit na disenyo sa dingding at pinto,” komento niya na agad namang sinang-ayonan ng tatlo na nasa tabi niya.

Pagkarating na pagkarating nila sa kanilang silid ay napanganga agad sila sa sobrang ganda. Mga mamahaling ilaw sa kisame. Mga mamahaling banga sa gilid na may kaaama pang nga halaman. Ang malaking apat na kama. Apat na closet para sa kanilang mga gamit. At sa sobra nitong laki na kasya na para maging isang buong bahay.

“Omg! Ang ganda rito! Kitang-kita pa ang view ng El Nido!” tili ni Lena.

Magsilapag sila ng kanilang mga gamit saka nagtakbuhan papalapit sa bintana. Kitang-kita kasi roon ang asul na asul na dagat. Napangiti siya. Sobrang ganda. Isama pa ang preskong hangin na dumadampi sa kanyang pisngi. At ang mabangong amoy ng lugar na parang sinabuyan ng mga iba’t ibang klase ng bulaklak.

“Hihilingin ko na kay boss na habang buhay na tayong mamalagi rito,” hagikhik ni Casy. Napailing na lamang sila sa sinabi nito.

Umismid siya, “Kung papayag siya. Dalawang linggo lang tayo rito.”

Huminga nang malalim ang mga kasama ni Asula. “Kung sa bagay,” sabay wika ng tatlo sabay talikod sa bintana at bumalik na sa kanilang mga gamit.

Si Asula naman ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan. Sumandig sa sliding window at pinakatitigan ang dagat. “Ang ganda mo. Sobrang napakaganda ng asul. No wonder kung bakit iyon ang pangalan ko.”

Ngiting-ngiti pa siya nang mapansin niya ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket na nakatayo sa may buhanginan malapit sa dalampasigan. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Malayo rin naman ito sa kanya kaya hindi na rin siya nito makikita mula sa kaniyang kinatatayuan.

Pinagmasdan niya nang mabuti ang lalaki. Nakatayo lang ito roon at wala namang ginagawa. Siguro tinitingnan rin nito ang kagandahan ng dagat. Huminga siya nang malalim saka hindi na pinansin pa ang lalaki.

Sumariwa sa kaniyang isipan kung paano siya iwan ng kaniyang mga magulang noong labing-anim na taon pa lamang siya. Namatay ang mga ito sa malubhang sakit na tuberculosis at appendicitis. Ang Mama niya na may tuberculosis at ang Papa niya na may appendicitis.

Sa mga oras na iyon ay walang-wala siyang pera. Kaya noong dumating si Mister Marco Deguzman— ang boss nilang bakla ay hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon na tanggapin ang trabahong nirekomenda nito sa kaniya. Noong una akala niya'y waiter lang ang trabaho sa bar ng boss pero iyon pala ay pagagamitin rin siya nito sa mga lalaki.

Iyak siya nang iyak noong unang gabi niya. Para siyang binababoy sa tuwing gagamitin. Sigaw siya nang sigaw pero walang nakakarinig, walang lumiligtas sa kaniya. Nanatiling pipi at bingi ang lahat na nakarinig. Hanggang sa unti-unting natanggap niya na rin kung ano ang kapalaran niya. Na hanggang dito na lang ang kapalaran niya, ang maging isang bayarang babae.

Nakapag-aral naman siya pero hanggang second year college lang at hindi na nakapagtapos. Hindi na rin siya pinayagang mag-aral ng kanyang boss.

Hindi niya na napansin na umiiyak na pala siya habang sinasariwa ang mga alaala ng kaniyang nakaraan.

“A saddest part of my life,” bulong niya sa kawalan.

Tumingin siya sa kinatatayuan ng lalaki kanina. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang matagpuan niyang nakatingala na ito sa kaniyang kinaroroonan. Hindi niya alam kung sa kaniya talaga ito nakatingin. . . pero iyon ang pakiramdam niya.

Sa hindi malaman na dahilan bigla siyang napaatras at lumayo sa bintana. Napahawak siya sa kaniyang dibdib, natagpuan niya ang puso na ang lakas ng tibok.

“Okay ka lang ba, Asula?” tanong sa kaniya ni Mona.

Tumango siya sabay pulot ng kanyang mga gamit sa sahig. “Okay lang ako.”

Bumalik naman ang tatlo sa kanilang ginagawa. Siya naman ay napatingin sa may bintana saka ipinilig ang sariling ulo. Baka imahinasyon niya lang na nakatingin ito sa kaniya. Baka iba naman ang tinitingnan nito at hindi siya. Asumera lang talaga ako.

Binuksan niya ang kabinet saka inayos na ang niya ang kanyang mga gamit. Pero mayamaya ay napangiti siya na parang timang. Hindi mawala sa kaniyang isip ang lalaking nakaitim.

“Pakiramdam ko ang gwapo niya,” naibulong niya.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status