Share

Chapter 2

Philippines 1930

ANG PAGHAMPAS NG dagat sa dalampasigan at ang ingay nito ay parang musika sa pandinig ni Asula. Ang sigawan ng mga tao sa paligid dahil nagkakasiyahan sa pagligo sa dalampasigan.

Hindi maipaliwanag ni Asula kung gaano siya kasaya sa mga oras na ito. Hindi siya makapaniwalang ang matagal na niyang pinapangarap noong mapunta sa lugar na ganitong kaganda ay nagkatotoo na. Minsan talaga may maganda ring nangyayari sa poder ng amo niyang bakla.

Para siyang nasa paraiso. At kung pwede lang hilingin sa dagat na ayaw na niyang bumalik sa syudad kung saan siya nanggaling ay matagal na niya sanang ginawa.

Pero hanggang ilusyon lamang ang bagay na iyon. At sigurado rin siyang pagkatapos ng serbisyo nila sa lugar na ito'y babalik rin siya sa lugar kung saan siya nanggaling.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo, Asula." Biglang sumulpot sa kaniyang tabi ang tatlo niyang kaibigan na sina Lena, Casy at Mona. Si Lena ang pumuna sa kaniyang malalim na pag-iisip.

Huminga siya nang malalim. Nakilala niya si Lena noong unang araw niyang serbisyo sa baklang kumuha sa kaniya. Sina Casy at Mona ay matagal nang kaibigan ni Lena na s'ya ring kalaunan ay naging kaibigan niya rin ang mga ito.

Halos tatlong taon na rin silang magkasama sa isang mapait na pagsubok ng buhay na ibinigay sa kanila.

"Sus, Lena. Mukhang hindi ka na sanay sa kaibigan nating 'to. Palagi naman talaga itong nasa malalim na pag-iisip," sabi naman ni Mona na nasa kaliwa niyang tagiliran.

Sa kanan naman niya'y si Casy. At katabi ni Casy si Lena. Pareho silang nakatingin sa papalubog na araw sa kanluran. Napakaganda ng araw. Ang ganda ng kulay ng araw kulay kahel iyon na hinaluan ng pula.

"Ang ganda. . ." sabay nilang wikang apat.

Ang sinag ng araw ay nagkalat sa buong dagat dahilan upang kuminang ang ibabaw no'n. Nagningning ang kanilang mga mata habang nakatanaw roon.

Ang ilang mga turista at mga naliligo ay kanya-kanya nang kumuha ng mga litrato. Samantalang silang apat ay nanatili lang nakatayo at nakatanaw sa magandang tanawing iyon.

Para kay Asula hindi na niya kailangan pang kunan iyon ng litrato. Dahil ang napakagandang tanawing itong nasaksihan niya sa buong tanang-buhay niya'y mananatili sa kaniyang isipan at puso.

She will never forget this moment. This memories will be stay with her forever and no matter what she surely sure that it will be with her wherever she go.

"Nakakahiya naman. Tayo yata ang hindi kumukuha ng litrato. Paano ba naman wala naman tayong mga mamahaling cell phone tulad nila."

Natawa silang tatlo sa sinabing iyon ni Mona.

"Iyong 3210 ko nga nagbibisyo na," reklamo naman ni Lena.

Totoo naman ang sinabi ng mga kaibigan niya. Wala silang cell phone na tulad ng ibang kumukuha ng litrato. Kontento na rin sila sa nakikita nila ngayon. Iyon lang ay masaya na sila.

“Maligo na nga lang tayo,” anyaya sa kanila ni Casy.

Hinubad na nito ang malaking suot na t-shirt. Bumungad sa kanila ang magandang hubog ng katawan nito.

Kanina pa pala ito handang-handang maligo. Naka-swim suit na ang mga kaibigan niya. Masasabi ni Asula na may maipagmamayabang na pangangatawan ang kaniyang tatlong kaibigan. Nag-gagandahan ang mga ito sa suot na swim suit.

Napatingin siya sa sariling katawan at bigla na lamang siyang nahiya. Hindi naman kasi ganoon kagandahan ang pangangatawan niya. Kayà iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi siya nakakatanggap ng mga papuri mula sa mga nakasiping at nakaserbisyo niyang mga lalaki. Well, hindi naman iyon importante sa kaniya.

Napabuga siya nang malalim nang pumasok sa isip niya ang pambababoy na ginagawa palagi sa kaniya. Nandidiri siya sa kaniyang sarili at sa perang naiipon niya. Mula iyon sa maduming gawain at sa mga madudumi ring taong tulad niya.

Lumusob na ang tatlo niyang kaibigan sa dalampasigan at nag-umpisa nang magbasaan. Samantalang siya ay nanatili pa ring nakatayo sa kaniyang kinaroroonan at pinagmasdang matapos ang paglubog ng araw sa kanluran, kung paano iyon kainin ng dagat.

“Asula! Halika na!” tawag sa kaniya ni Mona.

Ngumiti siya saka hinubad na rin ang t-shirt na suot saka walang pag-alinlangang lumusob sa tubig.

Sobrang lamig no'n para sa kaniya. Pero ibayong kaginhawaan ang nagdala sa kaniya nang umapak siya sa tubig. Dumaloy ang lamig sa buong katawan niya.

Parang nakalaya siya sa isang mainit na sitwasyong lumukob sa kaniya.

Nagsabuyan silang apat at nagtampisaw sa ibabaw ng tubig.

Hindi maipinta ang mga ngiti sa kanilang mukha ng mga oras na iyon. Sobrang saya ang naramdaman nila. Sa ganoong sitwasyon para silang pinakawalang mga sirena na ikinulong ng ilang taon.

“UGH! LIGO ULIT tayo bukas!” sigaw ni Mona nang pabalik na sila sa resort.

Hindi napansin ng tatlo na kanina pa siya hindi nakasunod sa mga ito. Hindi niya alam kung anong enerhiya ang humahatak sa kaniyang huwag muna siyang bumalik sa resort.

Parang may nagsasabi sa kaniyang kailangan niyang manatili muna sa labas. Pero makakaya niya kayà ang lamig na nadarama niya ngayon?

Nilingon siya ni Lena. Tinawag siya nito. “Asula? Ayaw mo pa bang pumasok sa loob?”

Umiling siya bilang tugon rito. Tumango naman ito saka binigyan siya ng isang tingin na mag-iingat siya. Mabilis na tumalikod ang babae saka naiwan siyang nakatayo sa buhanginan.

Marami pa namang mga taong naglalakad sa labas. At mukhang tahimik ang gabi sa islang ito. Lalo na at maliwanag ang sinag ng buwan kung kaya't hindi siya mahihirapang hindi makita ang daan pabalik mamaya sa resort.

Lumakad siya sa gilid ng dalampasigan. Hindi niya pinapansin ang mga taong nakakasalubong niya at ang mga nagkakasiyahan na ilan.

Nauwi siya sa isang malalim na pag-iisip kung paano tatakas sa kamay ng kanilang baklang boss na si Marco Deguzman.

Kung gagamitin niya ang pagkakataong ito para tumakas ay sigurado siyang malaki ang tiyantya niyang makakatakas silang apat. Pero kung iisipin ang mga tauhan ni Marco na nagkalat sa paligid para bantayan sila, at hindi nila alam kung sino ang mga iyon ay mukhang mahihirapan nga siya at maging ang mga kaibigan niya.

Hindi na naman sila makatakas sa poder ng baklang 'yon.

“Kainis,” mura niya nang pabulong.

Tumigil siya sa paglalakad nang mapansing medyo malayo na siya sa pinanggalingan niya kanina. Malayo na siya sa resort. Malayo na pala ang narating niya at hindi niya iyon napansin dahil sa malalim niyang pag-iisip.

Tumingala siya sa langit at sumalubong sa kaniya ang kagandahan no'n. Sa kabila ng kadiliman ng kalangitan ay may buwan at mga bituing nagbibigay liwanag para sa kanila.

Napangiti siya. Pakiramdam niya'y malayang-malaya siya sa mga oras na ito. At hiling niya sa itaas na sana totoo na lang iyon at hindi na ito magtatapos.

Ngunit ang ngiting 'yon ay unti-unting nawala nang sumagi na naman sa kaniyang isipan na hindi siya makakawala sa kaniyang boss.

“Mukhang wala na nga akong kawala. Mukhang itinadhana ang buhay ko na ito, ang gawain kong ito habang-buhay.”

Umupo siya sa buhangin at ininda ang panlalamig na nararamdaman. Tumingin siya sa kumikinang na dagat.

“Why you are so deep? Why you keeping wave? Why you still shining even the darkness eat you? You are really something.”

Ganito ang gusto niya. . . tahimik. Walang makakasira sa katahimikang nais niya.

“So peaceful.” 

Humiga siya sa buhangin at unti-unting ipinikit ang kaniyang mga mata. Para damhin ang kalauaan sa puso niya kahit saglit lang. Pero agad rin siyang napamulat nang makarinig siya ng tunog ng isang tubig na parang hinampas iyon ng isang napakalaki na bagay.

Diretso siyang napatingin sa kaniyang harapan at ganoon na lamang ang pagkasinghap niya nang makita ang isang lalaking lumulutang sa ibabaw ng tubig habang may liwanag sa ilalim ng paa nito. Tubig iyon na gumagawa ng butas. Sa parteng butas lang lumalabas ang tubig.

Hindi lang rin iyon ang ikinagulat niya. Dahil ang lalaki kaninang nakita niya at ang lalaki ngayong nasa harapan niya'y iisa.

Para siyang natuod sa kinauupuan at hindi maikilos ang kaniyang paa at maging buong katawan.

Unti-unting nawala ang liwanag sa ibabaw ng tubig at maging ang butas nito. Isa pa ay unti-unting lumalapit ang lalaking naka-jacket ng itim hanggang sa paanan nito. Lumapit ito sa hatapan niya.

Nakasombrero ito ng kulay itim kung kaya't hindi niya makita kung ano ang itsura nito. Nanginginig ang kaniyang mga labi habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig rito.

Gusto niyang magsalita at tanungin ito kung sino ito at sigawan itong lumayo sa kaniya pero hindi niya magawa. Parang may komokontrol sa kaniya.

Ang nilalang bang ito ang may gawa kaya't hindi siya makagalaw?

Huminto ang lalaki sa harapan niya. Nakayuko ito na tila nakatitig sa kaniya. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito babae?”

Napasinghap siya dahil ang boses nito'y parang musika sa kaniyang pandinig. Malumanay iyon at mahina lamang ang pagkakabigkas.

Sa pagkakataong iyon ay nagagawa na niyang gumalaw. Tumayo siya saka hintakutang lumayo sa lalaki. “Huwag kang lumapit! H-hindi ka isang tao! S-sino ka, h-hindi, a-anong klaseng nilalang ka?!” kandautal niyang tanong na sigaw.

Tumaas ng tingin ang lalaki dahilan para makita na niya ang buong mukha nito. Kitang-kita niya ang nagbabagang mga mata nitong kulay ginto. Ka'y ganda no'n sa kaniyang paningin. Nakangisi ang nilalang.

May matangos itong ilong, perpektong hugis ng mga labing mapupula, kulay puting balat na lumulitaw dahil sa suot nitong itim na jacket hanggang paanan, natural na kulot nitong itim na itim na buhok, at ang mga mata nitong magandang nakatitig sa kaniya.

Sobrang gwapo nito. Kulang ang gwapong salita para sa nilalang na ito.

“What do you think I am, Asula?” tanong nitong balik sa kaniya.

Umiling siya. Unti-unti siyang umatras nang unti-unti rin itong lumalapit sa kaniya.

“What are you doing here woman? Hindi ka ba nilalamig sa suot mong 'yan?”

Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito at hawak-hawak na siya sa braso.

“Lumayo ka sa akin! Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas siya palayo rito pero hindi siya nito binitawan.

Binuhat siya nito kung kaya't napakapit siya sa leeg nito. Hindi man niya kilala ang lalaking ito at hindi man niya alam kung anong klaseng nillang ito. Iisa lang ang sigurado si Asula sa mga oras na iyon. Na ang lalaking buhat-buhat siya'y hindi masama tulad ng inaakala niya.

“S-saan mo ako dadalhin?” tanong niya rito. Pero hindi man lang siya nito sinagot.

Pakiramdam niya'y nakalutang silang dalawa ng lalaki. At hindi nga nagkakamali si Asula dahil nang tumingin siya sa ibaba'y para na lamang isang munting ilaw ang mga bahay sa ibaba.

Napakapit siya nang mahigpit sa lalaki nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin.

Napanganga siya sa sobrang ganda ng buwan. Pakiramdam niya'y sobrang lapit no'n sa kaniya at abot na abot na niya sa mga oras na iyon.

“Sobrang ganda.”

Hindi alam ni Asula kung imahinasyon lang ba niya ang pagtawa nang mahina ng lalaki o hindi.

Napangiti siya. Hindi niya aakalaing mangyayari ito ngayon sa tanang buhay niya. Kung panaginip na lamang itong lahat. Gusto niyang hindi na magising pa. Gusto niyang lumipad na lamang kasama ang lalaking ito na buhat-buhat siya.

“Kung panaginip lang ito. . . please, huwag mo na akong gisingin pa.”

Napatingin sa kaniya ang lalaki at seryoso siyang tinitigan. Huminto sila sa mismong harapan ng buwan. Umiiyak siya sa sobrang tuwa at ganda ng buwan. Napakaganda ng araw na ito para sa kaniya.

“Alam mo bang matagal ko nang pinangarap ang makalaya. Ang ganitong klase ng laya, kayà kung pwede huwag mo na akong ibalik, huwag mo nang bawiin pa ang napakagandang panaginip na ito.”

Ngumisi ang lalaki. Inaakala ni Asula na may nasabi siyang nakakatawa para ngumisi ito ng ganoon.

“You are not dreaming woman. This is real. . . I'm real.”

Biglang kumabog nang malakas ang puso niya. Napatingin siya sa kaniyang paligid, sa ibaba kung saan ang mga tao kanina, at sa lalaki ngayong karga-karga siya.

“T-totoo ka? Pero bakit parang panaginip lamang ito? Saka saan mo ako dadalhin?”

Ang kanina niyang sayang naramdaman at pagkasabik pa sa mga susunod na mangyayari ay bigla na lamang nawala at napalitan ng takot at kaba.

“Takot ka sa akin, Asula. Nakikita ko iyon. Pero dahil nakita mo kung ano akong klaseng nilalang kanina at kung ano ang kakayahan ko'y kailangan mong harapin ang mga pagbabagong takbo ng mga araw mo sa susunod.”

“Anong ibig mong sabihin?” takang-taka niyang tanong rito. Saka paano siya nitong nakilala?

Naramdaman niyang unti-unting bumaba ang lalaki. Nasa bintana na sila ng kaniyang silid. Bigla itong bumukas nang ikumpas ng lalaki ang kamay.

“You will know it soon, woman.”

Pinasok na siya nito sa silid sa pamamagitan ng bintana.

“Wait! P-pa'no mo 'ko nakilala?”

Hindi siya sinagot nito kundi nginisihan lang siya. Mabilis na nawala ang lalaki sa at naiwan siyang nakatayo habang nakatanaw sa kawalan.

Akala niyang panaginip ay totoo nga. Tama nga ang misteryosong lalaki na iyon. Simula nga ng gabing iyon ay nagbago na ang takbo ng mga araw niya.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status