Share

KABANATA 1 "YOUR HEART IS MY HOME"

"ANG ganda dito, alam mo gustong-gusto ko talagang makarating dito noon pa, mabuti nalang nandiyan ka. Salamat sa iyo, James!" si Aria na nakangiting nilingon ang kaniyang asawa habang nakatanaw siya sa bintana ng isang rustic house na nirentahan ni James para sa paglalagi nilang mag-asawa doon sa Baguio.

Maganda ang bahay at gusto-gusto niya. 

Noon sa mga postcards at libro lamang siya nakakakita ng ganoon kagandang bahay pero ngayon nandito na siya.

Katulad ng bahay ay terno ang mga ilang furnitures sa style nito. 

Kagaya nalang ng mga upuan, mesa, chest of drawer, iba pang muwebles. 

Pero pinaka-nakatawag ng pansin niya ay ang maganda at antique na four-poster bed na nasa gitna na malaking silid na siyang gagamitin nila ni James.

Natural ang kulay ng kahoy at halatang naaalagaan kaya hindi kumukupas ang ganda nito.

Napangiti si Aria. 

Hindi naman siya masyadong mahilig sa magagandang higaan noon, pero siguro kagaya ni James na nahilig sa mga salamin mula nang makilala siya nito ay ganoon rin ang nangyari sa kaniya.

Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ng lalaki saka inakbayan si Aria. "Yeah, kahit hindi mo sabihin nakikita ko sa kislap ng mga mata mo kung gaano mo kagusto rito," anito hinalikan siya sa kaniyang ulo pagkatapos.

Humaplos sa puso ni Aria ang sinabing iyon ng kaniyang asawa. "Hay, ang swerte-swerte ko talaga sa iyo kasi mahal na mahal mo ako. Kahit yata hindi ka magsalita, kagaya ng sinasabi mo sa akin nararamdaman ko ang pagmamahal mo. Kaya nga buo ang tiwala ko sa iyo na hinding-hindi mo ako lolokohin sa kabila ng pagiging babaero mo, noon," si Aria na binigyang diin pa ang salitang babae bago sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa.

Malakas na tawa ni James ang pumuno sa kabuuan ng silid na iyon. Pagkatapos ay inilayo siya nito saka hinawakan sa baba para itaas ang kaniyang mukha. "Masyado kita mahal para maghanap pa ako ng iba," anitong hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na magsalita at mabilis na nitong inangkin ang kaniyang mga labi.

Mabilis na nadarang si Aria sa malalim na halik na iyon sa kaniya ni James. 

Hindi niya maintindihan, hindi naman bago sa kanya ang mga halik at yakap ng lalaki pero kapag nasa ganitong sitwasyon sila, pakiramdam niya iyon palagi ang first time. 

"Oh Love, I'm sorry alam kong pareho tayong pagod sa byahe but I really want you, right now," nang sandaling pakawalan ni James ang mga labi niya ay nagkaroon si Aria ng pagkakataon na sumagap ng hangin at huminga.

Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil ang lahat ng iyon nang muling angkinin ni James ang mga labi niya kasabay ang mabilis nitong pagbuhat sa kaniya. 

Hindi nagprotesta si Aria. 

Ang totoo iyon rin naman ang gusto niya. 

Ang palaging maramdaman ang pagmamahal sa kaniya ni James sa paraan na ganito, espesyal at alam niyang para sa kaniya lamang.

Naramdaman ni Aria ang likuran niya na lumapat sa malambot na higaan. Doon lalong nag-alab ang nararamdaman niyang init sa kaniyang damdamin lalo na nang maramdaman niyang mas higit pang lumalim at naging mapusok si James sa paraan ng paghalik nito sa kanya.

"Love," bulong sa kaniya ng kabiyak nang sandali nitong iwan ang kaniyang mga labi at lumipat sa kaniyang mga pisngi paitaas sa kaniyang tainga ang maiinit nitong halik.

"J-James!" singhap ni Aria nang maramdaman niya ang ginawang banayad na pagkagat ng kaniyang kabiyak sa kaniyang punong tainga.

"I love you," ani James na hinawakan ang laylayan ng suot niyang tshirt saka iyon itinaas.

Naramdaman ni Aria ang mainit na palad ng kaniyang asawa na banayad na humaplos sa kaniyang balat. 

Kahit hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya ang paghaplos sa kanya ni James, ay muling napuno ng kakaibang klase ng kaligayahan ang kaniyang puso. 

Gaya ng dati, nararamdaman parin niya ang labis nitong pagmamahal at pagrespeto sa kaniya. Kahit pa sabihing nagsimula ang pag-iibigan nilang mag-asawa sa isang napaka-hindi pangkaraniwang sitwasyon.

Katulad ni James ay kusang kumilos ang mga kamay niya para gumawa narin ng sariling eksplorasyon sa katawan ng kaniyang asawa at narinig niya ang ginawang paghugot ni James ng malalim na buntong hininga dahil sa ginawa niyang iyon.

Nang hawakan ni James ang laylayan ng suot niyang pang-itaas ay sandali nitong pinakawalan ang kaniyang mga labi mula sa malalalim at maiinit nitong halik. Matapos iyong hubarin ay saka nito iyon inihulog sa gilid ng kama.

Alam ni Aria na muli na nanaman siyang hahalikan ng kaniyang asawa. Kaya bago pa man siya nito nagawang yukuin ay inunahan na niya si James. 

Hinawakan rin niya ang laylayan ng suot nitong pang-ibabaw saka iyon hinila paitaas. Noon tuluyang natambad sa kaniyang paningin ang matipuno at perpektong pangangatawan ng kaniyang asawa.

Buong pagmamahal niya iyong hinaplos ng tingin. Ilang sandali ang nakalipas at hindi siya nakuntento ay itinaas niya ang dalawa niyang kamay saka masuyong inihaplos sa malapad at matigas nitong dibdib.

Umabot sa pandinig ni Aria ang marahas na hiningang hinugot at pinakawalan ng kaniyang asawa, kasabay ang pagpikit ng mga mata nito sa paraan na tila ba nilalasap nito ang masarap na pakiramdam na hatid ng mga haplos niya rito.

"Mahal na mahal kita rin kita, James," sa pabulong na paraan ay sinagot ni Aria ang nauna nang sinabi sa kaniya ng kaniyang kabiyak. 

Noon nagdilat ng paningin niya ang lalaki saka sinalubong ng maiitim nitong mga mata ang kaniya. "Huwag mo akong iiwan, kahit kailan," anitong yumuko sa kaniya saka inilapit ng husto ang mukha nito sa kaniyang mukha.

Maganda ang ngiti sa mga labing hinaplos ni Aria ang perpekto at napaka-gwapong mukha ng kaniyang asawa. "Hindi, kahit anong mangyari ikaw lang ang lalaking pipiliin kong makasama. Hindi kita iiwan, at kung sakaling dumating man ang panahon na kailangan nating magkahiwalay, tandaan mo, babalik ako, babalik ako palagi sa iyo, nang kahit ilang beses at paulit-ulit pa. Dahil ang puso mo ang totoong tahanan ko," totoo iyon sa loob niya at kahit anong mangyari wala siyang plano na sirain ang pangakong iyon, kahit sino pa ang dumating at kahit ano pa ang mangyari.

Nakita ni Aria ang mabilis na tila pag-uulap ng mga mata ni James sa sinabi niyang iyon at ganoon rin naman siya.

Siguro ganoon talaga, masyadong malakas ang pagmamahal na nararamdaman nila para sa isa't-isa kaya hindi nila mapigilan ang maging emosyonal.

"Kapag nawala ka, pangako hahanapin kita. Kasi alam ko kahit anong mangyari sa akin ka lang sasama," ani James na sinimulang kalasin ang pagkakasukbit ng hook ng kaniyang bra.

Namula ang mukha ni Aria sa naging paraan ng pagtitig sa kaniya ni James matapos matambad sa harapan nito ang kaniyang huhad na kalahating bahagi ng kaniyang katawan.

"J-James!" singhap niya nang banayad na pinadaanan ng palad ni James ang kaliwa niyang dibdib saka pasimpleng nilaro ng daliri nito ang dulo niyon.

"Sa tingin mo, tama ako hindi ba, Love? Sa akin ka lang sasama, kasi para sa akin ka lang talaga, hindi ba?" pagpapatuloy ni James saka simimulang hubarin ang suot naman niyang pantalon.

Napuno ng matinding excitement ang kaniyang puso dahil alam niyang papalapit na siya sa tunay na pakay nilang mag-asawa sa lugar na iyon, ang kanilang honeymoon.

"Aria?" nang manatili siyang hindi nagsasalita ay untag sa kaniya ni James bago nito inihulog sa sahig ang pantalon niyang hinubad nito.

Napalunok siya saka magkakasunod na tumango. Kasunod niyon ang malakas na singhap na pinakawalan niya nang simulang suyuin ni James ng kamay nito ang bagay na nasa pagitan ng kaniyang mga hita na nang mga pagkakataong iyon ay natatabingan parin naman ng isang maliit at manipis na saplot na yari sa mamahaling klase ng lace.

"Oh!" ang sa halip ay namutawi sa mga labi ni Aria nang maramdaman niya ang paggapang sa kabuuan niya ng isang pamilyar at masarap na klase ng kuryente.

"Akin ka lang, sa akin ka lang sasama, sa akin ka lang babalik at sa akin ka lang magpapahanap, okay?" si James na naramdaman niyang hinawi ang maliit na tabing na iyon saka sa maingat na paraan ay sinimulang suyuin ng daliri nito ang kaniyang pagkababae.

Napapikit si Aria dahil sa labis na kaligayahan na mabilis na lumaganap sa kabuuan niya. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng pigil na ungol sa kaniyang mga labi na siyang tanging naisagot niya kay James.

"Love," untag na naman sa kaniya ni James. Pagkatapos ay tuluyan na nga nitong ipinasok sa entrada ng kaniyang pagkababae ang daliri nitong kanina pa tila manliligaw na nanunuyo doon.

"Oh, Hmmnn," ungol niya saka iniangat ang sarili mula sa pagkakahiga. "James! Shit!" nang magsimulang maglabas-masok sa pagkababae niya ang daliri ng kaniyang asawa ay unti-unting nawala sa sarili niya si Aria.

"Promise me," pagpapatuloy ni James na inabot siya saka hinalikan.

TInuyon ni Aria ang halik na iyon. At pagkatapos sa naghahabol na paghinga nang pakawalan ni James ang mga labi niya ay agad niyang sinalubong ng makahulugang titig ang maiitim na mata ni James. 

"Promise, I promise," sagot niya saka muling kinabig ang batok ng lalaki para sa isang mas mariin at mas malalim na halik. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status