Share

KABANATA 3

Crush

AMAIA DVOIRE SAFFRON

Gugulong sa kama, sisigaw sa unan, tatakpan ang mukha, ngingiti at gugulong na naman. Ilang beses ko nang paulit-ulit na ginagawa ito pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggl-tanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Alas tres na ng madaling araw pero ito pa rin ako, hindi magawang maipikit ang mga mata para matulog. Kung ipipikit ko naman ito, hindi sa isang panaginip napupunta ang isip ko kundi sa halik na nangyari kanina sa dagat.

I rolled on my bed again for the nth time. Binubulabog na naman ako ng magkalapat naming mga labi, ang kamay niyang nasa leeg at bewang ko, ang mata niyang tila sinisisid ang katauhan ko, ang napakaganda niyang katawan at ang magaspang at mainit na kamay nito sa aking pisngi—kung hindi man mamumula ay napapasigaw nalang ako sa unan kapag naiisip ang lahat ng iyon.

Bakit ko siya hinalikan? Bakit hinayaan ko lang siyang halikan ako? Bakit hindi ako umalis? Bakit nanatili pa ako noong gumising siya?

Muli na naman akong nagpagulong sa kama. Lalo pa nang maalala ang lalaking nakakita sa amin. Nakauniporme pa ako at paano kung isumbong ako non sa eskwelahan? Paano kung kilala non si daddy o ate at isumbong ako? Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari parang iiyak na ako.

Pero ayaw niya talagang maalis sa isip ko. Siguro iyon ay dahil sa ayaw ko ring paalisin siya rito. Kahit na iyon na ang nangyari, hindi pa rin nakakaligtas ang labi ko sa isang ngiti. When I was already close to giving up, the world showed him to me. Na tila ba sinadya ng tadhanang pagtagpuin kami roon para sabihin sa aking hindi pa ako pwedeng sumuko.

Makikita ko pa kaya siya ulit? Ayos lang kayang magustuhan ko siya kahit na hindi ko naman siya kilala? Pero paano kung kagaya lang din siya ng iba? Na lalayuan at huhusgahan ako kapag nalaman kung sino talaga ako. Isang anak sa labas, isang anak ng dating prostitute, isang pagkakamali, ang dahil kung bakit namatay ang totoong asawa ng sariling ama.

Mayaman ang ama ko. He owns call center agencies throughout the country. We live in a big house but it is not my home, nakikitira lang ako rito. Totoong ama ko siya pero hindi niya naman totoong asawa ang ina ko. Im just an illegitimate child who’s just trying to belong in his family. Isang anak sa labas na nanghihingi lang ng kakarampot na pagmamahal mula sa kanya.

Noong mamatay si mommy, kinuha niya ako, pinatira rito, binihisan, pinakain, at pinag-aral. He just did his responsibilities to me and just that. Hindi ko naramdaman iyong pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama sa kanya. I’ve always been just someone’s daughter craving for his love and attention. Kaya naiintindihan ko kung bakit lagi niyang pinapaburan si Ate Aizel, kasi isa lang naman akong pagkakamali niya.

But when I felt that stranger’s touch, his kisses, his stares, parang doon, naramdaman ko yung hindi ko naramdaman kay daddy. May pag-iingat sa galaw, may pag-aasam sa mata at may pagsusumamo sa salita.

Pero isang mababaw na damdamin lang naman itong nararamdaman ko sa kanya ‘di ba? Mawawala rin ito kinabukasan o sa susunod na mga araw. Sigurado naman akong hindi ko na siya makikita ulit, bahay at school lang ako kaya imposible nang magtagpo pa ang landas namin ulit. That way, I can forget him, I can forget about the kiss too.

That night, maybe he just liked my lips, he just needed to kiss me again to satisfy his personal feelings. Siguro nga sa mga oras na ito, nakalimutan na niya iyon. Siguro marami na siyang nahalikan kaya walang lang iyon para sa kanya. Siguro ako lang naman itong hindi makatulog sa kakaisip non. Siguro sa akin lang naman malaking bagay iyon.

Hindi ko man nagugustuhang lumilipad ang isipan sa kanya, ganoon pa rin ang nangyari. Sumisilip na ang haring araw nang matanto kong hindi talaga ako nakatulog. Inis na ginulo ko ang buhok habang naglalakad na papunta sa banyo. Paano nalang kung dalawin ako ng antok nito mamaya sa school? Hindi na nga ako matalino, matutulog pa ako sa klase.

Isang senior high school student pa lamang ako at dito lang rin ako sa amin sa San Joaquin nag-aaral. Si Ate Aizel ay nasa kolehiyo na at sa syudad ng Iloilo siya pumapasok. Si Kuya Maxxis, iyong may dahilan kung bakit nagalit si ate sakin kagabi, ay ex-boyfriend niya at nasa kolehiyo na rin. Anong oras na ako nakauwi kagabi dahil sa mga gawain sa school, nadaanan ako ni Kuya Maxxis at nakitang maraming dala kaya nag-alok siyang ihahatid  ako. Maybe ate Aizel got it wrong, ang akala niya siguro ay higit pa roon ang nangyari kaya siya nagalit sakin. Pero wala naman talaga, hinatid niya lang ako tsaka hindi ko rin naman siya gusto at ganoon din siya sakin.

She often does that to me though. Kapag may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan, isusumbong niya ako kay daddy, iibahin niya ang kwento at pagmumukhain akong masama. Noong una, hindi ako titigil hangga’t hindi nalilinis ang pangalan ko kay daddy, I would stay outside his room and wait for his forgiveness, iiyak ako lagi sa harap niya sa tuwing hindi niya ako pinaniniwalaan.

Pero noong tumagal na at nasanay na sa mga ganito, hindi na ako masyadong nagpipilit. Alam mo ‘yon, nakakapagod rin palang magmakaawa, nakakapagod ipagpilitan ang sarili, nakakapagod na paulit-ulit nalang na ipaglaban ang sarili nang mag-isa. Parang nawawalan na ako ng rason para ipagtanggol pa ang sarili, kasi kung iyon na ang rumehistrong ginawa o ugali ko sa kanila, mahirap na iyong bawiin pa. Kaya minsan, mas mabuti nalang na tumahimik, kung alam ko naman sa sarili kong wala akong ginagawang mali, hindi ako ang lugi. Ayos na yung alam ko sa sariling wala akong naaagrabyado.

When I got out of the gate, I noticed an unfamiliar white Subaru Forester parked not too far from our house. Saglit akong napatitig doon dahil ngayon ko lang ito nakita rito. Nang lingunin ko ang garahe ng katabi naming bahay, puno iyon ng sasakyan kaya duda akong pag-aari nila iyon. Baka bisita? I couldn’t tell who’s inside because of the dark tinted windows.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may bumusina at dumaan ang sasakyang sakay si Ate Aizel, hatid-sundo ito ng sasakyan nila. Ako naman ay nagcocommute lang papunta sa school. Hindi naman sumasama ang loob ko roon dahil malapit lang naman ang sakin, tsaka kahit na matagal na akong nakatira rito kasama sila, pakiramdam ko pa rin ay wala akong karapatang gumamit ng mga ari-arian nila.

Dumaan ako sa puting sasakyang iyon noong papunta na ako sa labasan ng aming subdivision. Isang sakay lang ng dyip at nakarating na ako sa eskwelahan. Diretso lang ang lakad ko patungo ng classroom, walang sasalubong sakin ng pagbati o pagngiti ng kaklase, didiretso lang ako sa silya at tahimik doong uupo. Kasi wala naman akong kaibigan dito, wala namang may gustong makipagkaibigan sakin dito.

“Punta ka ah? I’ll be expecting you. Don’t be late.” Inabutan ng kaklase kong si Therese ang katabi kong si Kassandra ng isang sobre. Isa iyong invitation, nalalapit na kasi ang debut niya.

Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanila ay mabilis akong umiwas ng tingin. Lahat sa klase ay inimbitahan niya, ako lang yata ang hindi. Kahit dito kasi sa school, dala-dala ko yung titulo kong pagiging anak sa labas. Hindi ko naman alam kung anong mali sa pagiging ganoon, kagaya lang rin naman nila akong tao, pero hindi ko maintindihan kung bakit tila isang napakalaking kasalanan niyon para sa kanila, inaaway at tinatratong parang basura.

They told me that they don’t befriend losers, they don’t make friends with cheap and classless people. Kahit anak ako ng isang Saffron, mas tinitingnan pa rin nila ang pagiging anak ko sa labas. Na kahit na may dugo akong Saffron, na mayaman, sikat, at maimpluwensiya, hindi pa rin mawawalang isang kabit lang ang nanay ko at isang pagkakamali lang rin ako. I would sometimes hear them talk about that, sometimes they would also compare me to my sister. Kahit na alam na nilang nakikinig ako, hindi pa rin sila tumitigil. It was like they were doing it on purpose, they were doing it for me to hear.

And as usual, I just got used to it eventually. Hanggang sa nasanay na at sa tuwing nakakarinig ng masasamang salita sa kanila, nananahimik nalang ako. Ayoko sa gulo at ayokong ipatawag pa dito si daddy dahil mas lalo lang akong mapapahiya dahil sigurado akong hindi rin naman siya pupunta at hindi rin naman ako ang kakampihan niya.

Days went by that way, papasok ako sa eskwela, paminsan-minsang tutuksuhin ng mga kaklase, aawayin at sasabihan na naman ng masama. Mag-isang kakain ng tanghalian at recess, mag-isang uuwi, at buong araw na mananahimik dahil walang gustong kumausap.

Hanggang sa patapos na ang linggo, ganoon lang ang naging ganap ko sa buhay. Araw-araw ko na ring napapansin iyong puting sasakyan sa labas ng bahay, duda na rin akong bisita lang iyon ng kapit-bahay. Pero hindi ko na rin iyon pinansin, kagaya ng hindi ko na rin pagpansin sa mga alaala noon sa dagat.

Biyernes ng hapon ngayon at napakalakas ng ulan. Sabik na sabik akong makauwi dahil sa wakas tapos na ang klase, huling araw na ng linggong ito. I ran through the corridors preparing my umbrella. Nakita kong naghihintay sinaTricia at ang mga kaibigan niya sa dulo. Bigla akong nagdalawang isip kung tutuloy pa ba. Sila kasi ang palaging nang-aaway sakin kaya gusto ko sanang umiwas pero iyon lang ang daan palabas ng building namin kay wala akong ibang choice kundi ang tumuloy.

“Excuse me.” I said softly. Humaharang sila sa malaking pintuan kaya hindi ako makadaan pero hindi sila umalis doon. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nagkukwentuhan pa rin sila.

“E-Excuse me!” I said louder. Doon na sila napalingon sakin. Tinaasan nila ako ng mga kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tricia with her insulting sneer in the eyes walked closer to me.

“Sinisigawan mo ba kami?” Mabilis akong umiling at niyuko ang ulo.

They are older than me, Grade 11 palang ako at nasa Grade 12 na sila. Aaminin kong takot ako sa kanila. Noong huli kasi nila akong inaway, sinabutahe nila ang mga damit ko sa locker sa may gym. Kaya pagkatapos ng araw na iyon, sa tuwing napapainit ko ang ulo nila, bigla-bigla nalang akong kinakabhan sa mga pwede nilang gawin ulit.

“H-Hindi. Hindi niyo kasi…narinig kanina…kaya…nilakasan k-ko lang.” Hindi ito natuwa sa sinagot ko. She grabbed my arm rashly as she opened her umbrella.

“You’re itching to go home? Now let’s go home.”

Dahil sa rahas ng pagkakahila niya sakin ay hindi na ako nakabawi para buksan rin ang payong ko. Nabitawan ko pa ang iilang libro ko dahil sa bilis niya. Wala akong nagawa noon kundi ang sumulong sa ulan, hindi ako nito sinisilungan sa payong at sa halip ay hinihilig pa ang tuktok nito papunta sakin dahilan para mas lalo akong mabasa.

Outside of the building was a football field. Kung walang naglalaro ay doon ang daan ng mga estudyante papunta sa main gate. At dahil umuulan at maputik ang lupa sa gilid, doon kami naglakad. Nang halos makalahati na namin ito ay tinulak niya ako sa damuhan. Napaluhod ako sa magaspang na damuhan at agad nakaramdam ng pagkirot sa isang tuhod. Pinigilan ko ang sariling mapatili at kinagat na lamang ang labi. Sigurado akong nasugatan iyon dahil sa sobrang hapdi.

“Now you’re home. To this muddy, dirty field. You’re welcome, trash.” At nagtawanan silang magkakaibigan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hannah Mamison
ganda nakakaexcite basahin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status