Share

KABANATA 4

I couldn’t bring myself to look at them nor get back at them. Nanatili lamang ako roong tahimik habang nararamdaman na ang paghapdi ng mga mata. Habang nakayuko ay pinanood ko lang ang mga paa nilang unti-unti nang lumalayo sakin. Afraid to know if there is someone watching me or had witnessed what happened, I remained crouching. Hinayaan ko ang lamig ng tubig-ulan na anurin ang mga maiinit na likidong nanggagaling sa mga mata ko. It was a good thing that I’m soaked, walang makakapansin ng pag-iyak ko.

Sa tuwing ganito ako, gusto ko ako lang ang nakakaalam. Ayokong kaawan ng ibang tao, I don’t want them to see me in my most vulnerable time. Kasi pakiramdam ko mas dadagdagan lang nila yung sakit, bubudburan ng asin ang sugat na nabuo.

Ano ba ang nakukuha ng mga tao sa pananakit ng iba? Bakit ba sa tuwing may nasasaktan sila ay tila nasisiyahan pa sila? Pero hindi ko makuhang magalit sa kabila ng mga nagawa nila, mas nagagalit ako sa sarili dahil hindi ko man lang magawang maipagtanggol ang sarili ko o labanan sila.  

Still sobbing at my own pathetic self, a pair of black leather shoes appeared in front of me. Nang makita iyon ay kasabay rin nito ang pagtigil ng ulan. I became scared that this person might see me crying. Baka pagtawanan niya ako o baka gagawin niya rin ang ginawa nina Tricia sakin.

But to my surprise, the person knelt his one knee on the wet and muddy field. Natanto kong isa pala iyong lalaki dahil sa korte ng hita nito’t binti na bumabakat sa kanyang itim na pantalon. Nakita kong nababasa na ang pantalon nito at nadudumihan dahil sa pagluhod niya pero mukha itong walang pakialam. Inunti-unti ko lamang ang pag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

He was wearing a long sleeves polo, kulay puti at mamahalin tingnan. Doon ko lang natanto na hindi naman pala natigil ang ulan, sinilungan lang ako nito ng isang payong kung kaya’t hindi ko na nararamdaman ang tubig. Ang mas nagpakaba sakin ay nang marating na ng paningin ko ang mukha niya. Namilog ang mga mata ko at kagaya noong unang beses na pagtagpo ng aming mga mata, mabilis akong napaurong at napaupo na naman sa lupa.

After that night, I noted to myself to stop thinking about him. Pilit ko siyang kinalimutan at tinaggihan sa isipan ko. I thought I was right for what I thought about him, that he just needed that kiss that night that’s why he did it, that what I felt for him that night was too shallow to even last longer than 2 days. Pinaniwala ko ang sarili na wala lang ang halik na iyon sa kanya kaya dapat ganoon din sa akin. Pinaniwalaan ko pa iyon nang mag halos isang linggo nang hindi ko nga siya nakita. And then now, again, he appeared in front of me, with the same clothes, the same pair of penetrating eyes, the same reddish lips, the same man who got my first kiss.

Bumalik lang ako sa wisyo nang mapansing nasa baba na ng binti ko ang tingin nito. Nakaangat ang tuhod ko dahilan para umangat rin pati ang palda ko. I lowered it and tried to cover my legs with my skirt. Ngunit nagulat ako nang angatin niya ulit ito. Muntik ko na siyang mahampas kung hindi ko lang nakuha kaagad ang gusto niya lang gawin.

“May sugat ka.” He said while looking at my knee.

I couldn’t move an inch. Parang nabato ako doon nang marinig ulit ang boses niya at ngayong ang lapit-lapit na naman ng mukha niya sakin. Hindi ko mapigilan ang sariling mapatingin sa labi niya at bigla na namang nanumbalik ang alaala ng aming halik sa isipan ko. Bigla-bigla nalang, binalot na naman ako ng kakaibang kaba.

Bakit siya nandito? Paano siya napunta sa eskwelahang ito? Gusto ko iyong itanong pero mistulang napipi ako dahil sa pagkakagulat. Ang akala kong nalibing na sa limot na damdamin para sa kanya ay muling nanumbalik. Parang bigla nalang, naging mas magandang tingnan ng mata niya sakin, mas naging kaakit-akit ang tindig niya sa paningin ko, mas naging nakakahumaling ang dating at presensiya niya sa mata ko.

Hindi ko alam pero naiinis ako. Hindi ko dapat maramdaman ito. I can’t be at awe at him for too long, I can’t admire him too much, I can’t marvel at his flawless appearance like this. I don’t want to see him again because of that kiss. Sa palagay ko kasi ay huhusgahan niyang lang din ako kapag nalaman na kung sino ako. Pero bakit nandito na naman siya ngayon? Sa harapan ko? Malapit ang mukha sakin?

“May sugat ka.” Ulit niya. Napakurap-kurap ako nang makitang nakatitig na rin ito sakin.

Natatandaan niya pa kaya ang gabing iyon? Eh, ako kaya?

Mabilis kong tinago sa ilalim ng palda ang tuhod ko at umiwas ng tingin sa kanya, “O-Okay lang po ako.”

“It doesn’t hurt? Mukhang malalim.” Napahigpit ang kapit ko sa palda at halos mapapikit. Why does he have to talk to me more? Parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

“H-Hindi po.”

“Are you hurt somewhere else?” Mabilis akong umiling. Saglit itong hindi nakasagot at maya-maya’y narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

All of a sudden, I felt his hand on my chin. Mainit iyon para sa nanlalamig kong balat. Tinaas niya ito dahilan para umangat ang tingin ko at makatagpo ulit ang mga mata niyang itim na itim. For a split of seconds, his eyes wandered on my lips. Pero sobrang bilis lang niyon dahil agad niya ring nilipat ang tingin sa mga mata ko.

“Then why are you crying? Are you okay?”

Nakita niya ba yung nangyari kanina? Nakita niya ba yung palihim kong pagtago ng iyak sa ilalim ng ulan? O hanggang ngayon ba umiiyak pa rin ako kaya alam niya?

Ang sarap pala sa tenga na makarinig ng ganoon, yung tatanungin ka kung bakit ka umiiyak o kung ayos ka lang ba. Nakakahiyang aminin pero ngayon ko lang ito narinig magmula ng mawala si mommy sakin. I thought the world hated me ‘cause it does seem to be enjoying seeing me always hurt, without telling anyone why I was hurt, without letting them know if I’m okay or not.

Pero may natitira pa palang isang taong gagawa pa non para sakin.

“Wala po. Ayos lang naman po ako.” Pinilit kong ngumiti at bumagsak doon ang tingin niya. He languidly tilted his head when his eyes returned to mine like he was asking for an honest answer, like he didn’t believe what I’ve said. Pero hindi na ito nagtanong pa ulit.

“Hold this.” Sabi niya at inabot sakin ang hawak niyang payong.

Nagtataka man ay tinanggap ko pa rin iyon. Isinukbit niya sa isang balikat ang bag ko at nagulat nalang ako nang hawakan niya ako sa bewang at ang isang kamay naman niya ay pinulupot sa ilalim ng dalawang hita ko. The rough texture of his palm beneath my thighs sent shivers down my spine, nainitan rin bigla ang likod ko dahil sa kamay niya doon. Naiangat niya na ako mula sa lupa nang makabawi ako. Napakapit ako sa balikat niya at umambang aalis ngunit napakahigpit ng hawak niya sakin.

“Ugh…S-Sir, ibaba niyo na po ako. Ayos lang po talaga ako. Kaya ko pong maglakad…tsaka…” Hindi man lang ito bumaling sakin. Diniretso niya lang ang tingin sa nilalakaran.

“Nababasa ko po ang damit niyo.” Mabilis siyang sumulyap at pagkatapos ay nasa daan na ulit ang tingin.

Nabatid kong wala nga talaga siyang balak na ibaba ako o hayaang maglakad mag-isa kaya nanahimik na lamang ako. Tiningnan ko ang damit nitong unti-unti nang nababasa. Gusto kong huwag masyadong dumikit sa bandang tyan niya pero parang ayaw ko rin dahil napakainit dito, eksaktong init na hinahanap ng nanlalamig kong katawan. Mas lalo akong nagmukhang dwende ngayong buhat-buhat na niya ako, he is so huge, he looks really strong. If only he didn’t have this beautiful face or a gentle hand, I would be frightened by his presence. Pero salungat kasi sa pagkaagresibo ng pangangatawan niya ang lambot ng pakikitungo niya kaya siguro kahit na hindi ko naman talaga siya kilala, nagpapaubaya nalang ako bigla.

Tinaas ko pa ang paghawak sa payong, napakatangkad niya kasi kaya hindi ko halos maabot. Tahimik nalang akong yumuko, nilalasap ang natitirang init sa katawan niya. I don’t want to look at him, not now that he is holding me. Mas lalo ang akong maiilang, mas lalong kakabahan, baka rin mas lalong lumalim ang nararamdaman sa kanya.

Nang makarating kami sa harap ng clinic ay ginamit nito ang braso para itulak ang wala namang doorknob na pinto. The white room is brightly lit, napakalinis ng hilera ng mga puting kurtina at kama. A familiar scent of alcohol surrounded the whole room.

Mas lalong naliwanagan at nadepina ang bawat detalye ng kanyang mukha, hindi ko naman maiwasang mapahanga pa lalo. Nakakapanglula tingnan ang itsura niya mula sa ilalim. His nose is narrowly tall, he got a few stubble below his chin that made him look more mature, I can’t also ignore the way his jaw clenches, parang nakakasugat. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang itsura niya. Mabuti nalang at nasa daan pa rin ang tingin niya.

Pinaupo niya ako sa isang mataas na kama sa gitnang parte ng kwarto. Ginawa niya iyon nang walang kahirap-hirap kagaya ng wala ring kahirap-hirap na pagbuhat niya sakin kanina. Just like how he looks like, he is really strong. Parang hindi man lang ito nakaramdam ng bigat habang binubuhat ako.

“Do you have extra clothes? Maligo ka na muna para hindi ka magkasakit at nang malinisan ang sugat mo.”

Napansin kong walang kahit na sino ang nandoon, kahit na ang nurse. Naiilang kong sinalubong ang mga naninisid na naman nitong mga mata. He is looking intently at me and I hate it because it’s causing too much noise inside my chest.

“S-Salamat po.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status