“Wait, wait.”
“Uuwi na po ako.” Pilit kong tinago ang inis sa boses pero ang nakanguso kong labi na mismo ang nagpakita niyon sa kanya.
“Hey. I’m sorry. Huwag ka nang magalit, nakakatawa lang kasi talaga.” Tiningnan ko siya nang masama at nakita ko ang unti-unti nang pagkapawi ng ngisi niya.
“Huwag kang matakot sakin, okay?” Dahil bahagyang nakaharap na ang katawan ko sa kanya, mas nagkaroon ito ng pagkakataon para mapalapit sakin. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok sa aking mukha.
“I won’t kiss you if you don’t want to. Hahalikan lang kita kapag sinabi mo.” Sandali niyang binigyan ng tingin mga labi ko bago ibalik muli sa mata.
Nandyan na naman ang matinding init sa pisngi ko. Umiwas agad ako ng tingin dahil sa ngiting nasa labi niya. Nakakatukso iyon tingnan, lalo pa’t napakalapit na ng mukha niya sakin. Kung gugustuhin niya, mahahalikan niya ako nang walang kahirap-hirap at hindi ako tatanggi o pipigil sa kanya. Pakiramdam ko kapag ginawa niya iyon, hahayaan ko lang siya ulit. Kaya nga ako takot na mangyari iyon eh, kasi alam kong wala akong gagawin para pigilan siya.
“Ilang taon ka na?” Tinanggal na niya ang kamay sa bewang ko at itinukod na lamang ito sa kama, sa bandang likuran ko.
“17 po.” Napatingin ito sakin at nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya habang tumatango.
“You’re older than I thought.”
“Kayo po?” Hindi ko iyon tinanong para lang may mapag-usapan, talagang gusto kong malaman kung ilang taon na talaga siya. Gusto ko ring malaman ang pangalan niya kaya sana sabihin niya. I don’t know but the longer I stay with him, the more I want to know more about him.
“22.” Wala sa sarili akong napangiti habang tumatango.
“Luke.” He said, offering his hand for a shake.
Napatitig ako roon bago napatingin sa kanya. Bigla ko na naman natantong, kahit kailan pala hindi ko naranasan ito. Iyong kilalanin ng isang tao, tanungin ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili ko, iyong pakikipagkaibigan na tinatawag. I never made friends before that’s why I feel so overwhelmed right now.
Kaya siguro parang ayaw kong umalis o matigil na ang aming pag-uusap kasi hindi ko pa ito nararanasan, at gusto ko itong maranasan ngayon. I’ve been all alone all my life, I’ve been thirsty for friends all these years. At ngayong may isang tao na ring sa wakas ay lumapit sakin at kagaya nito, nakikipagkaibigan, kahit hindi ko man siya kilala ng lubusan, sa tingin ko ay bibigay na ako agad.
“Amaia po.” Hindi ko na naiwasan ang pagkasabik noong inabot ko ang kamay niya. Marahan siyang napatawa roon.
Pero paano kung kagaya lang nga talaga siya ng iba? Na kapag nalamang isang anak lang ako sa labas at anak ng dating prostitute ay mag-iiba na rin ang tingin sakin? Na kapag nalamang isang kabit lang ang ina ko, hindi na rin ako kakaibiganin at ituturing na parang basura?
That scares me. But what is important right now is that, he is here.
“Friends na po ba tayo, Kuya Luke?” Muli itong natawa sa sinabi ko.
“Oo naman.”
Nang marinig ang sagot niya, kusa na namang gumalaw ang katawan ko. Sabik akong napayakap sa kanya dahilan para mawalan ito ng balanse at bumagsak sa kama. Tila hindi na alintanang wala nga pala itong suot na damit. Ang mga kaba ko kanina sa paglalapat ng aming katawan ay bigla nalang nawala. Noong sumagot siya, he felt like home to me. Na parang may isang pintong nabuksan para sakin, kung saan tanggap ako, malaya at alam kong magiging masaya ako.
“S-Sorry po. Sobrang saya ko lang po kasi ngayon lang po ako nagkaroon ng isang kaibigan.” Nahihiya kong sabi. Lumitaw na naman ang pagtataka sa mga mata niya, nandoon na naman ang kagustuhang magtanong pero parang pinipigilan niya lang ang sarili. Balak ko na sanang lumayo pero pinigilan ako ng mga kamay niya sa aking bewang. Sa halip na makaahon mula sa pagkakadagan ay mas lalo akong nasubsob sa kanya.
“Kuya Luke, baka po may biglang pumasok.” Nilipat-lipat ko ang tingin sa kanya at sa gawi ng pintuan ngunit parang wala itong pakialam. Pinanatili lamang nito ang mga mata sa akin.
“Pwedeng magtanong?” He asked. Tumango lamang ako.
“Bakit ka umiiyak noong gabing una tayong nagkita?”
Saglit akong natigilan. Bakit niya tinatanong iyon? Ayokong malaman niya ang tungkol doon dahil baka mas lalo lang siyang maawa, ayokong malaman niya ang tungkol sa mga magulang ko dahil baka kagaya ng iba lalayuan niya rin ako.
“Is there anyone else hurting you other than your schoolmates?” Ang mga kamay kong matibay na nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo niya ay tila unti-unti nang nawawalan ng lakas.
“Tell me…”
Parang mapapaamin ako dahil sa lambot ng boses nito. But instead of saying a word, I rested my head on his chest. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang mabagal na pagtibok ng kanyang puso.
Umiling ako. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko. Ayoko, ayokong sabihin. Ayokong umamin. Ayokong gawing masamang tao ang pamilya ko sa ibang tao. Kahit na hindi maganda ang trato nila sakin, pinatira nila ako roon, pinakain at pinag-aral kaya wala akong karapatan para siraan sila sa ibang tao.
He heaved a deep sigh. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagbangon niya, nagpatianod lamang ako at ngayo’y napaupo na ako kandungan niya. Mas lalo akong yumakap. How long has it been since I hugged someone like this? Siguro noong nabubuhay pa si mommy. Kahit hindi ko pa siya lubos na kakilala at pangalawang beses pa lamang naming pagkikita ito, napapalagay ako sa kanya. I don’t feel any danger, any harm, kung may nararamdaman man ako, iyon ay seguridad at ang kagustuhang mapalapit pa lalo sa kanya.
“Naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang sabihin iyon sakin. Kakakilala lang natin and I know you need a little more time. I will wait, Amaia. Just know that I will always wait here at school, everytime you’re hurt, run to me here, bother me, cry to me.”
Pinadaan niya ang hinlalaki sa ilalim ng aking mga mata at doon ko lang naramdaman ang pagkakabasa non. Nagulat ako sa sariling hindi ko na pala namalayan ang pag-iyak.
“I don’t want you to think that I’m taking advantage of you just because you’re young. If you want a friend, I’ll be right here. If you ever need anyone, I could be anyone for you. You’re too young to be this broken, you’re too beautiful to be this sad, you’re too special to be alone. Alam kong hindi pa natin ganoong kakilala ang isa’t isa, pero marami pa namang araw na natitira para magpakilala ‘di ba?”
With a nod at him, I promised myself, that someday, I will knock at him and tell him everything. Hindi ko na ikakahiya ang sarili ko, bubuksan ko ang sarili para sa kanya, sasabihin ko ang lahat at walang isisikreto. Kahit alam kong napakalayo at napakataas ng agwat niya sakin, aabutin ko siya. Dahil gusto ko siyang maging kaibigan, gusto kong mapalapit sa kanya. I have nothing in this world, and him the only person I’m close to be having, hindi ko na ito pakakawalan. Gagawin ko ang lahat para mapanatili siya sa buhay ko.
“Kailan ko po kayo ulit makikita?” Lumapad ang ngiti nito at hinawi ang mga naglaglagang hibla ng buhok sa mukha ko.
“I’m always here.”
“Dito po sa clinic?” He chuckled.
“Everywhere in this school. If you need me, I will find you.” Masigla akong tumango at ginawaran siya ng napakalapad na ngiti. I saw his eyes lingered on my lips, napangiti rin ito.
Pagkatapos ng titigang iyon, pagkatapos ng pagpapalitan namin ng mga ngiti, ayoko man ay kinailangan ko nang umalis dahil gumagabi na. Bago pa man ako tuluyang makalabas ay itinali niya ang puti niyang polo sa aking bewang, ang sabi nito ay napakaikli raw ng shorts ko, delikado at gabi na kaya ipinahiram niya na muna iyon sakin. Natuwa ako dahil may magiging rason na ako para muli siyang makita, idadahilan ko ang pagsasauli ng damit niya para hindi niya mahalatang gusto ko lang talaga siyang makita ulit.
Nakangiti akong umuwi noong gabing iyon. Finally, I have something to look forward to everyday. Hindi ko na kakainisan ang pagpasok sa school dahil may rason na ako para pumasok. Hindi ko na rin kakainisan ang pag-iisa dahil sa wakas may isang kaibigan na akong pwedeng makasama kahit kailan ko gusto. Hindi ko na kakainisan ang mundo dahil sa wakas binigyan na ako nito ng isang taong magpapaliwanag sa dilim nito.
For the first time, again, I become genuinely happy. And this happiness, ito lang ang hindi makukuha o masisira ng mga taong nananakit sakin. Ang kaligayahan kong ito lang ang kailanman hindi nila mababawi sakin.
BreatheIt was the longest weekend I ever had. Dati parang sa isang kisap lang ng mata, matatapos na ang dalawang araw na bakasyon ko pero ngayon hindi ko alam kung bakit tila ba napakabagal ng paggalaw ng orasan. I don’t hate Mondays anymore, I don’t hate coming to school or waking up early to prepare. Iniisip ko palang na papasok ako sa lunes, nasasabik na ako.“Manang, tutulong na po ako.” Ngumiti si Manang Lary sakin at binigay ang isang towel at ang katatapos niya lang hugasan na plato para mapunasan ko.“Salamat Amaia.”It was Sunday, kakatapos lang naming mag-almusal. Naging nakagawian ko na ang tumulong sa paghuhugas pagkatapos kumain. Hindi nila ako sinasaway o pinagbabawalan sa pagtulong sa mga gawaing bahay dahil nasanay na rin sila. Tsaka wala rin naman akong ibang ginagawa rito sa bahay kaya para hindi mainip ay madalas akong tumutulon
“Luke…hmm. Ang gandang pangalan, siguro gwapo iyon ‘no?” Kinagat ko ang labi para pigilan ang nagbabadyang bungisngis ko.Oo manang, sobra, sobrang gwapo!“Bakit mo naman gustong bigyan siya nito?”“Ang sabi niya po kasi sakin, lagi siyang nasa school. Eh, close po yung cafeteria tuwing weekends tsaka baka palaging sa labas lang po siya kumakain kaya mas maganda po kung kumain rin siya ng mga lutong-bahay. Yung kagaya po nito.”Nang matapos niya na iyong gawin ay niyakap niya ako pagilid. Pinisil nito ang braso ko at mahinang napatawa.“Napakabait mo talagang bata.” Napatitig ako sa kanya.Hindi niya ako niyayakap o sinuman sa kanila. Ginagawa lang nila iyon kapag umiiyak ako, para patahanin ako. Pero sa mga pagkakataong kagaya nito, kailanman hindi pa ako nakatanggap ng isang yakap mula sa kanya. B
“Bakit tayo nandito, Kuya Luke?” Nilapag niya ang bag ko sa parteng mababa lamang ang damo, umupo ito sa tabi non at iminuwestra ang katabi niya.“We will eat here. Hindi rito mainit at mas nakakaganang kumain kapag sariwa ang hangin.”Tumabi na rin ako sa kanya. Kinuha ko ang bag ko para ilabas ang mga laman nito. Naglatag muna ako ng malapad na panyo at doon ipinatong ang lunch box, ang mga prutas at ang tubig. While doing that, I saw him watching me. He didn’t say a word, nakatitig lang ito sakin habang inaayos ko iyon.“Kumakain ka ba ng chicken curry?”“Oo naman.” Binuksan ko ang takip ng lunch box at agad na inabangan ang reaksyon niya, “Ikaw ba ang nagluto nito?”“Tinuruan ako ni Manang Lary. Sana magustuhan mo.”Inumpisahan niya na itong kainin. Naghintay akong mapunta na iy
Nag-init na naman ang mga pisngi ko. Did he said that he likes me? Silly! Hindi naman iyon kagaya ng iniisip ko. He likes me as a friend, that’s all. Why am I even thinking beyond that? He won’t like me, he would never. Iyong mga kalebel niya lang ang magugustuhan niya, iyong mga sopistikada, matatangkad, magaganda at sexy. Iyong mga kagaya ni Ate Aizel na papantay sa estado niya.“Of course, I really should tell you what’s on my mind. I can’t lie to you.” Napangisi ito at bahagyang ginulo ang aking buhok.“That’s right. You can’t lie to me and I won’t lie to you. Too.” Bumalik ito sa dating ayos at pinagpatuloy ang pagkagat sa mansanas, “That how friends are supposed tobe, right?” Tumango ako bilang pagsang-ayon.“Then can I tell you what I think of right now?” Mabilis akong tumango. Umangat ang isang gilid ng labi nito.
He chuckled, “Don’t mind me. You know, I was just curious. Alin kaya yung mas masakit, yung manatili rito kasama ang mga bagay o taong nagpapasakit satin o ang mapunta riyansa taas para magpahinga pero malalayonaman sa mga taong importante satin?”Nahiga rin ako sa tabi niya, tumingin rin sa taas at inisip ang itinanong niya. Minsan naitanong ko na rin iyon sa sarili ko. Will it be more painful to stay here or to go there? Will it be easier to be there or to just stay here?“Sa tingin ko mas masakityungmaiwan dito ng taong mapupunta riyansa taas.” Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang napatingin sakin.“’Cause that’s what I felt when my mom went there.” Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Meanwhile, he just remained staring at me.“Ikaw Kuya Luke, ikaw naman ang magkwento tungkol sa sarili mo. Alam mo na ang
LikeThird Person’s P.O.V.Pinuno ng lahat ng mga staff sa eskwelahan ang mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa sa loob ng conference room. Sa kabisera, kung saan naroroon ang pinakanaiibang upuan, nakatayo ang presidente na siya ring nagmamay-ari ng eskwelahan.“I apologize for suddenly calling an emergency meeting amidclass hours.” He smiled, “But this will be quick.”Lahat din sila ay nagulat sa biglang pagpapatawag nito ng meeting lalong-lalo na ang biglaan din nitong pagpunta sa eskwelahan. Unang beses pa lamang ito na makita siya ng mga bagong guro at pangalawa o tatlo pa lamang siguro ng mga matagal nang nagtatrabaho rito.Hindi naman kasi talaga ito madalas dito, kapag may kailangan o importanteng gagawin madalas ay pinapahatid niya lamang sa bahay niya ang trabaho, kapag naman may mga kailangang daluhang meeting o ev
Amaia’s P.O.V.Malapit nang magtago ang araw, halos nakauwi na lahat ng estudyante at pati mga guro, tapos na rin ang practice namin sa volleyball, ang tanging hinihintay ko nalang ngayon para makauwi ay ang matapos na ang lahat sa pagligo at pagbihis.Hindi ko magawang makisabay sa kanila, sa halip na magmadali at okupahin ang bakanteng cubicle, tahimik lamang akong naghihintay na matapos silang lahat. Ayoko nang maulit ang nangyari dati, ayokong mapagtripan nila ulit habang nasa shower ako. Kaya ngayon, kahit na gabihin pa, pinili ko pa ring maghintay para makaiwas sa mga maaari nilang gawin.Habang naghihintay sa mahabang upuan sa sulok ng locker room, hindi ko naman maiwasan ang paglipad ng isip ko sa nangyari kanina. Kuya Luke was watching our game, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mapaisip kung naging maayos naman ba ang paglalaro ko kanina. Ayokong mapahiya sa kanya.Pinag-initan n
Third Person’s P.O.V.“Mine.” Sigaw ni Number 14 bago lumukso para hampasin ang bola papunta sa kabilang panig ng court.Nagawa iyong harangan ng blockers sa kabilang team, bumwelo si Amaia, nilipat ang bigat sa kaliwang binti bago tumalon nang napakataas at buong lakas na hinampas ang bola papunta sa parteng walang nakabantay. Pasok, walang nakahabol sa bola, puntos nila.Nagsigawan ang mga estudyanteng pumapanig sa team nila Amaia at sa lahat ng naroroon ay umangat ang hiyawan ng grupo ng mga kalalakihang nanonood sa bandang likuran nila. Nagsi-apiran pa ang mga ito, hindi maalis-alis ang mga ngising aso sa labi.Luke stepped inside the court, closer to the group of boys. Kanina pa ito nanonood mula sa malayo, hindi siya nakikita ni Amaia dahil nasa laro ang buong atensyon nito. But now that he is finally inside, imposible nang hindi pa rin siya makita lalong-lalo na kapag may gaw