Share

KABANATA 7

Breathe

It was the longest weekend I ever had. Dati parang sa isang kisap lang ng mata, matatapos na ang dalawang araw na bakasyon ko pero ngayon hindi ko alam kung bakit tila ba napakabagal ng paggalaw ng orasan. I don’t hate Mondays anymore, I don’t hate coming to school or waking up early to prepare. Iniisip ko palang na papasok ako sa lunes, nasasabik na ako.

“Manang, tutulong na po ako.” Ngumiti si Manang Lary sakin at binigay ang isang towel at ang katatapos niya lang hugasan na plato para mapunasan ko.

“Salamat Amaia.”

It was Sunday, kakatapos lang naming mag-almusal. Naging nakagawian ko na ang tumulong sa paghuhugas pagkatapos kumain. Hindi nila ako sinasaway o pinagbabawalan sa pagtulong sa mga gawaing bahay dahil nasanay na rin sila. Tsaka wala rin naman akong ibang ginagawa rito sa bahay kaya para hindi mainip ay madalas akong tumutulong sa mga kasambahay.

Ngunit katulad ng nakaraang araw, sa bawat ginagawa ko, iisa lang ang laman ng utak ko. The thought of him kept me motivated in everything and at the same time, it kept me impatient for Monday to come. Parang nakatatak na sa utak ko ang imahe niya at kahit nasa ibang bagay ang atensyon ko, lumilipad naman sa kanya ang utak ko.

Dati hindi ko maintindihan kung bakit sabik na sabik ang mga kaklase ko sa tuwing sasapit ang Lunes. Umagang-umaga, pagkapasok nila sa silid-aralan ang lalawak ng mga ngiti nila at halos maghugis puso ang mga mata. Samantalang ako, kung sa listahan pa ng mga bagay na ayaw ko, pumapangatlo ang Lunes. But look at me now, I became someone who loves something I used to hate so much.

Siguro kaya ganoon sila ay dahil kapareho ng nararamdaman nila ang nararamdaman ko ngayon. Pareho kaming may isang bagay o tao na inaasahang mangyari o makita. Hindi ko maiwasang mapaisip ng mga senaryong pwedeng mangyari bukas sa school. Kung dati ang mga senaryo lang na naiisip ko ay isa na namang pantitrip o pambubully na gagawin nila, ngayon naman ay wala nang bahid niyon. Iisang tao nalang ang naiisip kong kasama ko sa mga nabubuong senaryo sa utak at kung sasagi man ang mga taong may ayaw at inaaway ako lagi, susulpot pa rin ang nag-iisang taong iyon, ililigtas ako, ipagtatanggol, patatahanin at yayakapin.

My grin grew wider because of the thought.

“Mukhang masaya ka, ah?” I looked at Manang Lary’s accusing grin. Doon ko lang napansing nakatitig na pala ito sakin.

“Opo, manang.”

“Hmm… Ano naman ang nagpapasaya sa iyo ngayon?” Nilagay ko sa cupboard ang natapos nang punasan at kumuha ng panibago.

“Ganito po pala ang pakiramdam ng magkaroon ng kaibigan.”

Nagulumihan ang mga mata ni Manang Lary. Her eyes were asking and are waiting for me to continue. Mas lalong lumapad ang ngiti ko.

“Una ko po siyang nakita sa may dagat…umm…” Napahinto ako nang maisip bigla ang nangyari noong unang pagkikita namin, iyong halik. I felt my cheeks warmed up.

“T-Tapos noong Friday nagkita po kami ulit sa school. Mas matanda nga lang po siya sakin pero alam niyo po ba? Noong inaway na naman ako nina Tricia, tinulungan niya po ako at ginamot ang sugat ko.”

Kung may tao mang malapit ako rito sa bahay, iyon ay ang mga kasambahay. Kapag wala akong pasok, sila ang lagi kong kakwentuhan at kasama. Kung iisipin, meron pala akong mga kaibigang maituturing. But it wasn’t the kind of friendship that I’ve craved to have all these years. Manang Lary and the others, they are more than just friends to me.

Bahagyang nagkasalubong ang mga kilay niya at napahinto sa paghuhugas ng mga plato, “Lalaki ba itong tinutukoy mo, Amaia?” Masigla akong tumango.

“Naku, iha, hindi mo pa lubos na kilala iyong tao. Huwag kang magtiwala kaagad doon. Lalo pa’t sinabi mong mas matanda sa iyo. Naku! Sa panahon ngayon minsan ka nalang makakakita ng matitinong lalaki.”

Napahinto na rin ako sa ginagawa. Nakaramdam ako ng init sa bunbunan ko na parang isang emosyong gustong kumawala. Hindi ko napansing napakunot na ang noo ko. Ito pa lang yata ang pinakaunang beses na nakaramdam ako ng inis kay Manang Lary. Why would she easily judge someone she hasn’t met yet?

“Hindi po ganoon si Kuya Luke. Mabait po siya, Manang.”

“Amaia, iha, hindi ko naman sinasabing masamang tao iyang kaibigan mo. Ang gusto ko lang na maintindihan mo ay dapat hindi mo dapat agad-agad na ibinibigay ang buong tiwala mo sa isang taong kakakilala mo pa lamang. Obserbahan mo muna, kilalanin mo ng husto, bigyan mo ng panahon para patunayan niya ang sarili niyang karapat-dapat siyang pagkatiwalaan.”

Kuya Luke may had kissed me the night we first met but that doesn’t make him a bad guy. It is true too that he is touchy but that also won’t make him a bad guy. With all his touches, I felt nothing but care and safety. Kaya hindi ko kailanman naisip na masama siyang tao.

But Manang Lary is right too, I can’t give away my trust carelessly and easily, especially to someone I just met. But I don’t doubt Kuya Luke. Hindi ko siya bibigyan ng panahon para patunayan ang sarili niya na karapat-dapat siyang pagkatiwalaan, rather I will give him the time to prove me that I am right for trusting him.

“Kapag po nagkataon, ipapakilala ko po siya sa inyo.”

Napangiti siya at pinaandar ulit ang gripo, “Oo ba. Gusto ko ‘yan.”

We continued with what we are doing while sharing a bunch of stories. Pagkatapos maghugas ay tumulong rin ako sa kanya sa ibang gawaing bahay. Kinuwento ko ang nangyari sa buong linggo ko at siya naman ay nagbigay ng opinyon, reaksyon at mga payo sakin. Manang Lary is the one I am closest to out of all the maids. Hindi man niya ako magawang maipagtanggol kay Ate Aizel, hindi iyon nagiging dahilan para malayo ang loob namin. Mula pa noon, nakuha ko nang mas importante pa rin ang trabaho niya para sa kanya, kasi nagtatrabaho siya para sa mga anak niya. She can’t just turn her back at her family for the sake of protecting someone who she does not even share the same blood with. Not for me.

“Buy me those, here’s the money.” Kakaupo ko lang sa sofa para magpahinga nang sumulpot si Ate Aizel sa harapan ko. Binagsak nito sa kandungan ko ang isang papel kung saan nakasulat ang mga ipapabili niya at tatlong libo.

“I want them tomorrow. Kapag umuwi ako bukas nang hindi nakikita ang mga ‘yan sa kwarto ko, patay ka sakin.” She showed me her usual devious glare every time she threatens me.

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Hindi rin ako maaring tumanggi. Ang tanging sagot lang sa mga utos niya ay ‘oo’. Kapag hindi ko nasunod ang mga gusto niya, ako rin ang talo. She will do something that will make dad angry at me again.

Tinago ko ang mga iyon sa bulsa at malakas na napabuntong hininga. Binagsak ko ang sarili sa sandigan ng sofa at pinikit ang mga mata. Sa kabila ng dilim sa pagpikit, nangibabaw pa rin ang isang mukha. Parang may umilaw bigla sa isang dako sa madilim kong isipan at doon nakita ko ang pigura niyang nakatayo, nakatingin sakin at nakangiti. How weird it is that when I suddenly thought about him, all of my worries and stress faded away. Noong ipinikit ko lang ang mga mata at nakita ang imahe niyang nakangiti sa isip ko, nawala na iyong takot ko sa pagbabanta ni Ate.

Ganito na ba talaga kalakas ang epekto niya sakin? That even in the slightest thought of him, it could immediately make up my day.

Wala sa sarili akong napatingin sa orasan, mag-aalas dies na, sa mga ganitong oras nagsisimula nang magluto ang mga kasambahay para sa tanghalian. Siya kaya? Ang sabi niya sakin palagi siyang nasa school. Sarado ang school cafeteria tuwing weekend, saan kaya siya kumakain? Bumibili kaya siya sa labas o sa labas mismo siya kumakain? Kung ganoon, sino namang kasama niya?

Huli na nang matanto kong naglalakad na ako papunta sa kusina. Doon, naabutan ko si Manang Lary at ang iba pang naghahanda na nga para sa lulutuing pananghalian. I never helped them in cooking for the reason that I don’t know how to cook. Pero ngayon, kumuha rin ako ng mga gulay at kagaya nila ay pinaghihiwa rin ang mga ito.

Pinasundan ako ng tingin ni Manang Lary, “Gusto mo naman ba ngayong matutong magluto, Amaia iha?”

“Opo.” Tinuon ko sa maingat na paghihiwa ng carrot ang atensyon habang nag-iisip ng sasabihin sa kanya, “Malapit na rin po kasi akong magcollege, baka po magboboard ako non, dapat matutunan ko na rin pong magluto.”

Stop lying, Amaia!

Malapad ang ngiti ni Manang Jerlyn nang mapatingin sakin, “Napakabuting bata talaga nitong si Amaia. Oh siya, sa ngayon ang paghihiwa muna ng tama ang pag-aralan mo at sa susunod iba naman ang ituturo namin.”

“Salamat po.”

Tahimik akong humingi ng patawad sa pagsisinungaling sa isipan. I didn’t want to learn how to cook especially that I’m not going to board during my college years for I know dad won’t allow me, Ate Aizel won’t let me. Kahit na napakalayo ng syudad ng Iloilo dito sa San Joaquin, Ate Aizel would insist for me to stay here dahil gusto niya akong mahirapan. Si Daddy rin, wala siyang tiwala sakin, kailanman hindi niya ako pinagkatiwalaan kaya hindi niya rin ako hahayaang bumukod pagtungtong ko ng kolehiyo.

I just wanted to have an excuse para hindi sila magduda at hindi na humaba ang kwento. Kapag sinabi kong gusto ko lang tumulong sa pagluluto dahil gusto kong pagdalhan ng tanghalian ang kaibigan ko, baka kung ano na ang isipin nila. Baka rin kumalat sa buong bahay ang tungkol doon at umabot kay ate o dad.

I wanted to bring him lunch. Pagdating ko roon, gusto kong alamin kung saan siya kumakain, kung ano ang mga kinakain niya o kung sino ang lagi niyang kasama sa pagkain. Hindi ko sigurado kung magugustuhan niya ito o kumakain siya nito, kaya sa pagpunta ko roon, dapat alamin ko rin ang mga paborito at ayaw niyang pagkain.

Isang chicken curry at dalawa pang putaheng hindi ko kilala ang niluluto nila. Mas tumulong ako sa chicken curry kung saan rin nakatoka si Manang Lary. Ako halos ang pinagluto niya niyon, dinidikta niya lamang ang gagawin, kung gaanong karaming seasoning ang ilalagay, kung paano ang pagkasunod-sunod ng paglalagay ng sangkap at binigyan din ako nito ng mga tips sa pagluluto.

“Nga pala Amaia, tuyo na iyong puting polo na nilabhan mo. Gusto mo bang kunin ko na para sa’yo?” Tinakpan ko muna ang kaserola bago nakangiting bumaling kay Manang Lary.

“Huwag na po. Ako na po ang kukuha mamaya.”

“Sa kaibigan mo iyon, ano?” Nahihiya akong napatango.

“’Diba sabi mo pinahiram iyon sa’yo dahil maikli ang suot mong shorts noong Biyernes? Naku, mabait naman pala iyong kaibigan mo.” Mas lalong lumapad ang ngisi ko.

“Oh, luto na ‘yan. Pwede na natin isalin sa lalagyanan nang makapananghalian na kayo ng kapatid mo.” Pinatay nito ang stove at hinawakan ng magkabilang kamay ang kaserola. Pinanood ko ang pagsasalin niya at bago niya pa man maubos na mailagay iyon doon, hinawakan ko siya sa laylayan ng apron.

“Manang, pwede po ba kayong magtabi?” 

“Bakit naman? May pagbibigyan ka ba?” It took me several seconds before I nodded.

Isang ngiti ang dumaan sa labi niya. Hindi ako sigurado kung ano ang pinapahiwatag niyon pero alam kong hindi iyon tutol sa gusto kong gawin. Nang makita kong hindi niya na isinasalin ang natitira ay tumakbo ako para kumuha ng lunch box. Kulay pink iyon na may dalawang layer, ang isa para sa kanin at isa para sa ulam. Ito ang ginagamit ko sa school at ito lang rin ang nag-iisang meron ako.

“Para roon sa kaibigan mo? Ano ngang pangalan niya?” Nakangiti si Manang Lary habang sinasalin na ang pagkain sa lunch box ko.

“Opo. Luke po ang pangalan niya.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status