Share

KABANATA 8

“Luke…hmm. Ang gandang pangalan, siguro gwapo iyon ‘no?” Kinagat ko ang labi para pigilan ang nagbabadyang bungisngis ko.

Oo manang, sobra, sobrang gwapo!

“Bakit mo naman gustong bigyan siya nito?”

“Ang sabi niya po kasi sakin, lagi siyang nasa school. Eh, close po yung cafeteria tuwing weekends tsaka baka palaging sa labas lang po siya kumakain kaya mas maganda po kung kumain rin siya ng mga lutong-bahay. Yung kagaya po nito.”

Nang matapos niya na iyong gawin ay niyakap niya ako pagilid. Pinisil nito ang braso ko at mahinang napatawa.

“Napakabait mo talagang bata.” Napatitig ako sa kanya.

Hindi niya ako niyayakap o sinuman sa kanila. Ginagawa lang nila iyon kapag umiiyak ako, para patahanin ako. Pero sa mga pagkakataong kagaya nito, kailanman hindi pa ako nakatanggap ng isang yakap mula sa kanya. Biglang dumaan ang alaala ni mommy na niyayakap ako, bigla kong naalala kung gaano kasarap sa pakiramdam ang yakap ng pagsuporta. Patango-tango akong ngumiti sa kanya.

“Kumain ka na muna bago ka umalis, ah? Sabayan mo na ang ate mo.”

“Sige po, salamat po Manang. Kain na rin po kayo, ah?”

Magkaiba ang pinagkakainan namin at ng mga kasambahay. Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong sumabay kina Manang Lary pero ayaw nilang ginagawa ko iyon kapag nandyan si ate o daddy. Gusto nilang sa ‘pamilya’ ko ako sasabay, kahit na sila naman talaga ang mas tinuturing kong pamilya rito sa bahay.

As usual, Ate Aizel just glared at me when she saw me entered the dining area. Hindi nagtagal ang tingin niya sakin dahil nasa cellphone niya ang atensyon. She is paying attention to her phone more than her food. Mas gusto kong ganoon siya para hindi niya na ako pansinin. Mas napapanatag ang loob ko kapag nasa iba ang atensyon niya, mas nagiginhawaan ako kapag iniignora niya lang ako.

Binilisan ko ang pagkain, hindi dahil sa ayaw kong kasama si Ate o ang makasabay siya kundi dahil gustong-gusto ko na talagang makita si Kuya Luke. I don’t know, that’s just how I feel—excitement of seeing him again.

Nanghihinayang ako at hindi ko sinulit ang pagkakataong nakasama ko siya noong Biyernes. Sana tinanong ko na lahat ng gusto kong malaman tungkol sa kanya. I just felt this urge to know him more right now. Ayaw kong maghintay pa ng ilang linggo o buwan para kilalanin siya. I was in a hurry of knowing him, I was in a hurry of completely becoming part of his life.

I’ve wondered for so many years how it feels to have a friend. And now that I am about to know the answer, I want every moment I spend with him to be remembered and worth keeping. Gagawin ko ang mga bagay na kailanman hindi ko pa nagagawa, sasabihin ko ang mga bagay na dati-rating kinatatakutan kong ipagsabi sa iba, ibabahagi ko sa kanya ang isang parte ng buhay ko. I will make him a part of not just my life but of me.

Siguro sa iba, sobra-sobra na ito para sa isang kaibigan lang. But for me, it was never enough, maliban kay mommy at sa mga kasambahay, si Kuya Luke lang ang nagparamdam sakin na mahalaga ako. It was really hard to find someone to do that for me, and now that I’ve finally found someone, I’ll do everything to make him stay.

This world gives lesser good people than we expect, when we find one, they should be kept. Not everyone will be granted, it’s to keep them now or lose them forever. We choose.

Nilagay ko sa backpack ang lunch box, sinamahan ko rin ito ng tubig na sa sarili ko ring tumbler nilagay, naglagay rin ako ng saging doon at isang mansanas. I couldn’t help but smile. All I did was just to smile.

Iniwasan kong makita ni Ate Aizel sa paglabas ng bahay. Una kong napansin ay ang pagkawala ng presensiya ng Subaru Forester na sasakyang nakaparada sa labas. It was in front of the neighborhood the whole week, pero wala ito ngayong weekend. Hindi ko na iyon pinansin, baka nga talagang bisita lang ng kapit-bahay iyon.

Nang makarating ako ng school, ang ngiti agad ng guwardiya ang bumungad sakin. Bukas ito kahit na Linggo at nagpapapasok pa rin ng estudyante basta may dala kang ID. I showed him mine and we exchanged smiles.

Pagkapasok ng gate ay ang malawak na football field agad ang sasalubong sa’yo. Walang naglalaro roon, walang katao-tao sa buong eskwelahan. Tahimik at tanging ang ingay lang ng mga dumadaang sasakyan sa labas ang maririnig. Tirik rin ang araw kung kaya’t parang nakakatakot sumulong sa field, masakit sa balat ang init.

Dumaan ako sa outdoor hallway na nasa gilid, ito ang aming karaniwang daan papunta sa main building. Sarado ang malaking pintuan sa main building kaya umikot ako sa likuran para makapunta sa clinic. Hindi ko alam kung nandoon siya, iyon lang ang unang pumasok sa isip ko dahil doon din kami huling nagkita.

Seeing the white door of the clinic made my heart jump. Naalala ko ulit ang nangyari noong Biyernes sa loob nito, hindi ko na naman naiwasan ang ngiti ko. Ngayong ang pinto palang ang nakikita ko, naghuhurmentado na ang puso ko. How much more when I see him? Happiness is suffocating sometimes, like this time.

Subalit ganoong napawi na lamang ang ngiti ko nang hindi nagbukas ang pinto nang itulak ko ito. Hindi man ako siguradong nandito siya, umasa pa rin akong makikita siya rito o bubukas ang pinto at sasalubungin niya sa loob. And now that he is not here, where should I go to find him? Or should I just wait here?

‘Di ba ang sabi niya sakin noong Biyernes, if I need him he will be the one to find me? I need him now, I badly need and want to see him right now. Pero paano niya naman malalamang kailangan ko siya? Paano niya malalaman kung kailan at saan ako dapat puntahan? I suddenly felt sad thinking about the answers. Paano kung wala pala siya ngayon dito?

Should I just go home now or will I stay here and wait a little bit longer?

Tinalikuran ko ang pinto at malakas na napabuntong hininga. Mahigpit akong napakapit sa strap ng backpack ko habang pinagmamasdan ang nagdadalawang-isip na umalis kong mga paa. Noong magdesisyon na itong magsimulang maglakad, agad rin itong napatigil nang mapatingin ako sa katapat kong puno.

In there stands a man, so beautiful and really masculine. Nakasuot na naman ito ng long sleeves na polong kulay asul na pinaresan ng itim na slacks, nakabukas ang unang tatlong butones at nakaroloyo hanggang siko ang magkabilang manggas. Nasa bulsa ang mga kamay habang ang mga mata nito’y nakatitig sa akin, at ang mga labi’y matamis na nakangiti rin sakin.

Nakagat ko ang labi bago malapad na napangisi. Patakbo akong lumapit sa kanya at nang makita ko siya nang mas malapitan, hindi ko maintindihan ngunit mas lumakas ang kabog ng dibdib ko, mas tumindi ang saya sa puso ko.

“Paano niyo po nalamang nandito ako?” Hindi ko magawang itago ang ngiti sa gitna ng pagsasalita. Marahan itong tumawa.

“Can you drop the ‘po’? Hindi naman ganoong nagkakalayo ang edad natin.”

“S-Sorry. Nasanay lang po kasi ako…” Tiningnan ako nito na pawang pinapaalala ang sinabi niya.

“Sorry ulit.” Tumawa na naman ito at hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya.

I had a clearer view of him now that the sun is out. Sobrang tangkad nito na umaabot lang ako hanggang dibdib niya. Sobrang puti rin niya na tila kumikinang itong tingnan dahil sa pagtama ng araw sa balat niya. Kuya Luke is a pretty boy, his face doesn’t have a structure as rough as his body. Gayunpama’y napakaseryoso tingnan ng mukha niya, he still looks dangerous and very intimidating. Nagmumukha lang itong maamo ngayon dahil nakatawa siya. And I got fond with that laugh now, hindi ko magawang ialis ang pagkakatitig sa kanya.

“So what brings you here?” Napailing-iling ako at kumurap para manumbalik sa katinuan.

“Do you need something?” He added.

Nangapa ako ng maisasagot. Should I tell him my real purpose in coming here? Hindi ba nakakahiya iyon? Normal lang naman sa magkaibigan siguro iyon ‘diba? Normal lang naman ang pagdalhan siya ng lunch ‘di ba? Tsaka hindi ako dapat na magsinungaling sa kanya, I should tell him everything because he is my friend.

“Tumulong ako kanina sa pagluluto sa bahay. Naisip ko lang…na…na dalhan ka. K-kumain ka na ba? Ayos lang naman kung hindi mo rin kainin.” I laughed awkwardly, “Ugh…hindi naman kita pinipilit. Ano lang…ummm…b-baka nagugutom ka ulit? Hindi ako sigurado kung kumakain ka ng chicken curry pero meron rin naman akong dalang saging tsaka mansanan, baka ‘yon gusto mo? Tubig! Tubig, meron din ako. Baka nauuhaw ka. Ano…K-Kuya Luke, hindi naman ako namimilit…ano lang…baka…”

Hiningal ako pagkatapos ng mahabang sinabi. Naramdaman ko ang pamamawis ng noo dahil sa kaba. Hindi pa rin siya sumasagot kaya kinakabahan ako na baka nakakain na nga siya. Hindi naman sa ayaw kong masayang ito, gusto ko lang talaga siyang mas makasama pa ng matagal, magkaroon ng dahilan para manatili muna ako rito.

“Nasa loob ba ng bag mo yung dinala mo para sakin?” Mabagal akong tumango habang pinag-aaralan ang malumanay na ngiti niya sa labi.

“Akin na.”

“Ha?” Natulala ako. Ngumiti ito at siya na mismo ang nagtanggal ng bag ko mula sa balikat.

“Tara.” Mas lalo akong natulala sa kanya ng hawakan nito ang kamay ko. Isinukbit niya sa balikat ang bag at hinila ako kung saan.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kamay naming magkahawak. His hand is hard, it is rough in texture too, but why does it feel so good holding it? Napakalaki niyon kumapara ng akin pero hindi nagagapos ang kamay ko. He is too careful and gentle in holding it. Wala sa sarili akong napangiti.

“Kuya Luke, paano mo nalamang nandito ako?” He slightly tilted his head to glance at me.

“I will always find you.”

“Paano naman? Sinusundan mo ba ako?” Natawa ito samantalang nanatili lamang na nagtatanong ang mga mata ko.

“It doesn’t matter how. I will run to you whenever or wherever you are. Okay?” Parang bata akong napatango.

Hanggang sa maabot na namin ang ibig niyang puntahan, hindi nawala sa labi ko ang ngiti. Nasa school garden kami, hindi kalayuan sa clinic at nasa likod lang rin ng main building. Kapag may klase, hindi ito madalas puntahan ng mga estudyante dahil nasa liblib ito, mayabong ang mga puno’t halaman at madamo. Nakakatakot mapadpad dito nang mag-isa pero ngayong kasama ko si Kuya Luke, hindi ako matatakot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status