Share

Chapter 3

Alas-otso ng umaga nang magising si Nexus dahil sa paulit-ulit at walang tigil na pagtunog ng kanyang alarm clock. From lying down, he sat in the middle of his bed and turned off the alarm clock that just kept on ringing then he grabbed his phone from the bedside table, put it in his pant's pocket then finally stood up and left his bed.

He went straight to the bathroom to wash his face. Pagkatapos maghilamos, he then wiped his whole face with a towel. 

Napangiwi siya nang marinig niya ang pagkulo ng kanyang sikmura. Nakalimutan niyang wala pala siyang kinain kagabi. So he went straight to the kitchen, opened his fridge and took two pieces of egg, and cooked it. He also prepared two pairs of bread and brewed coffee. 

Kasalukuyan na siyang kumakain when his phone rang.

He immediately answered the call when he saw who was the caller. It's Michael, ang may-ari ng club kung saan siya nagtatrabaho bilang isang male omega prostitute.

"Anong kailangan mo?" Kaagad niyang tanong matapos niyang sagutin ang tawag nito.

"Is that how you really should answer your boss?" Michael said from the other line.

Kahit hindi niya nakikita si Michael at alam na niya kung ano ang itsura nito. Sigurado siyang nakataas ang isang kilay nito habang kausap siya.

Michael Esguerra is not just his boss. Matalik niya rin itong kaibigan. And unlike him who is an omega, Michael is a beta.

"Sabihin mo na lang kung ano ang kailangan mo. Istorbo ka sa pagkain ko eh." Malamig niyang sagot rito.

He heard Michael sigh on the other line. "Since hindi ka na tumawag sa akin kagabi, I just want to know how you're doing. Tinrato ka naman ba ng maayos ng batang 'yun?" 

Napangisi siya sa tanong ng kaibigan.

"What? You're worried about me?" He asked back while grinning.

"Bakit? Masama bang mag-alala para sa isang kaibigan?" Naiinis naman na tanong pabalik ni Michael.

Nakangisi pa rin na umiling siya. "Don't worry about me. That boy treated me well. Isa pa, kilala mo naman ako. Alam mong hindi ko hahayaan na mapahamak ako o saktan ako ng kahit sino, lalo na ng isang Alpha. So stop worrying. I'm fine." He said with conviction.

Kilala niya si Michael. Alam niyang hindi ito matatahimik hangga't hindi niya sinisigurado rito na maayos siya at ligtas siya.

Michael has always been a worrywart. Magmula ng makilala niya ito, ilang buwan matapos siyang lumayas sa kanila at nagpakalayo-layo, ay talagang labis na itong mag-alala sa kanya at sa lahat ng taong pinahahalagahan nito. At gayon din naman siya rito. Mahalaga rin para sa kanya si Michael lalo na at napakalaki ng utang na loob niya sa kaibigan.

Michael was the one who took care of him and helped him to start anew and he will be forever thankful to him for that.

Michael is not just a boss and a friend. Michael is his savior as well.

"Huwag ka nalang munang pumasok ngayon. Magpahinga ka nalang muna." Ani Michael.

He frowned upon hearing what Michael said. "Why? I told you I'm fine. Papasok ako." Sagot naman niya rito.

"But ---"

"Papasok ako." Mabilis niyang putol sa sasabihin nito. "I'll be there at five. Tutulong ako sa pag-aayos sa bar. Alright, see you later. Bye." He said and quickly cut off the call without even waiting for Michael to answer.

He placed his cell phone beside his plate and took a very deep breath.

He knew where their conversation is heading. Kaya naman bago pa makarating doon ang usapan nila ay pinatay na niya ang tawag.

"Having a friend as a boss can really be annoying sometimes." He said to himself as he shook his head.

Saktong alas-singko ng hapon nang dumating si Nexus sa club ni Michael.

"Kamusta, Nexus? Mukhang tiba-tiba ka kagabi ah!" Ani Roniel na isa sa mga kasamahan niya sa club. 

Katulad niya ay isa rin itong omega at isang prostitute.

Umupo siya sa isang couch na naroon. Tumabi naman ng upo sa kanya si Roniel na halatang hinihintay ang magiging sagot niya.

"That kid was a virgin." Panimula niya.

"Sabi ko na nga ba!" Bulalas ni Roniel. "Hindi ka naman ba nawalan ng pasensya sa pagtuturo?" Nakangisi nitong tanong sa kanya.

"Mabilis namang matuto. Noong una lang eh medyo kinakabahan ngunit ng tumagal na, para nang asong ulol na hindi ko mapigilan." Sagot niya rito habang umiiling.

Lumawak ang ngisi ni Roniel.

"Mabuti naman at nakakalakad ka pa." Malisyoso nitong saad.

Natawa siya sa sinabi nito.

"Muntik na ngang hindi." Aniya saka sabay silang tumawa ni Roniel. Nag-apir pa silang dalawa.

"May pabonus ba naman? Malaki ba ang ibinigay? Mukhang mayaman pa naman ang batang iyon." 

Nagkibit-balikat siya. "Okay lang. Sapat na para sa isang linggo kong panggastos." Sagot niya saka ngumisi.

"Mabuti ka pa. Iyong customer ko, maliban sa matanda na, napakaliit pang magbayad! Sayang ang paggiling ko sa ibabaw ng matandang 'yun!" Reklamo nito na malakas niyang ikinatawa.

Napatigil lamang siya nang mapansin niya si Michael na nakatayo sa kanilang harapan at nakatingin sa kanila habang may maliit na ngiti sa mga labi nito.

"Mukhang masaya ang pinag-uusapan ninyo." Anito.

"Michael!" Masayang sambit ni Roniel sa pangalan ng kanyang kaibigan.

Kitang-kita ang pagningning ng mga mata nito habang nakatitig kay Michael.

Hindi man nito sabihin, nahahalata niya at alam niyang may gusto ito kay Michael. 

"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya rito.

Pumuwesto ito ng upo sa kanyang tabi. 

Sumunod naman ang tingin ni Roniel rito at nakita niya kung paano lumungkot ang mukha nito. 

Napailing siya. 

Roniel should know that an omega and a beta will never work. Kaya't mas mabuti pang kalimutan na lamang nito ang nararamdaman nito para kay Michael.

"Kararating ko lang." Sagot ni Michael sabay sandal ng ulo nito sa kanyang balikat. Ang kamay naman nito ay nakayakap sa kanyang braso.

Napatingin siya kay Roniel. Nahuli niyang nakatitig ito sa mga kamay ni Michael na nasa kanyang braso.

Tila napansin naman nito na nakatingin siya rito.

Bigla itong tumayo at may pekeng ngiti itong nakapaskil sa mga labi nito.

"Puntahan ko lang si Cyrus." Paalam nito saka nagmamadaling umalis.

Nasundan na lamang niya ito ng tingin. 

Muli lamang siyang napatingin kay Michael nang alisin na nito ang mga kamay nito sa kanyang braso at bahagya itong lumayo sa kanya saka umayos ng upo.

"You are fully aware of his feelings yet wala ka man lang sinasabi." He said habang nakatingin kay Michael.

"Do you think he would listen kapag sinabi ko sa kanya na kalimutan na niya ang kung ano mang nararamdaman niya para sa akin? No, Nexus. Ipipilit lamang niya ang gusto niya." Seryosong sagot ni Michael.

"Kaya ang pagselosin siya ang naisip mong paraan? Sa tingin mo talaga gagana iyan? At ako pa talaga ang ginagamit mo." Aniya saka umiling-iling.

"Sa ginagawa mo, sinasaktan mo lamang siya. Mas mabuti pang kausapin mo siya nang masinsinan." 

"I am telling you, that won't work." Anito saka bumuntong-hininga. "Bakit ba kasi ako pa ang nagustuhan ng batang iyon? Wala naman akong ginawang mabuti sa kanya maliban sa ipapasok siya dito sa club which is not really a big deal. Isa pa, hindi ako isang alpha. Ang omega ay para lamang sa alpha. At ang beta ay para lamang sa beta. That's how our society works. And he knew that." 

Ramdam niya sa boses ni Michael ang frustration.

"Paano naman ang nararamdaman mo?" Biglang tanong niya sa kaibigan.

Napatingin si Michael sa kanya. Nakakunot ang noo nito.

"Nararamdaman ko?" Nagtatakang tanong nito.

Tumango siya saka sinalubong ang tingin ni Michael. 

"Mahal mo siya, hindi ba?" Diretsa niyang tanong rito na nagpatigalgal kay Michael.

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito at nakaawang ang bibig.

"Tama ako, hindi ba? Mahal mo siya." He said saka dinukot ang isang kaha ng sigarilyo na nasa bulsa ng kanyang pantalon na suot.

Binuksan niya ang kaha at kumuha ng isang piraso ng sigarilyo. Gamit ang lighter na nasa lamesa na nasa kanilang harapan ay sinindihan niya ang sigarilyo.

"Kilala kita, Michael. Sa uri ng tingin na ibinibigay mo kay Roniel at sa pag-aalaga na ginagawa mo sa kanya, alam kong hindi lamang isang simpleng trabahante o kaibigan ang turing mo sa kanya." 

"A-anong pinagsasabi mo?" Nauutal na saad ni Michael sabay iwas ng tingin nito mula sa kanya.

"Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo upang mapaiwas si Roniel mula sa customers na maaaring makapanakit sa kanya? If he was just a mere employee to you, you wouldn't bother that much about him. But no, you always make sure na isang matinong customer siya mapupunta." 

"Hindi ba at iyon din naman ang ginagawa ko sa iyo? Pinangangalagaan ko lamang kayo." 

Bumuga siya ng usok ng sigarilyo saka siya ngumisi at nagsalita.

"Come on, Michael. Matagal na tayong magkakilala. Hindi mo na magagamit sa akin ang rason na iyan." 

Na tahimik naman si Michael sa kanyang sinabi.

"If I were you, you'd better talk to him and make it clear to him. Ikaw na rin ang may sabi, ang omega ay para sa alpha at ang beta ay para sa beta." 

Iyon lamang ang kanyang sinabi bago niya ito iniwan na tila natulala sa kanyang mga sinabi.

Kasalukuyang nag-aayos si Nexus ng kanyang sarili nang pumasok si Michael sa silid na kanyang kinaroroonan. 

Ang silid na iyon ay eksklusibo lamang para sa kanya. Isang silid na mayroong isang malaking kama, dalawang sofa at isang hindi kalakihang lamesa.

Bawat prostitute na nagtatrabaho kay Michael ay may eksklusibong silid kung saan maaaring i-entertain ng mga prostitute ang kanilang mga customers. Maari din namang dalhin sila sa hotel kung gugustuhin ng customer katulad nang nangyari sa kanya kagabi. 

"May customer ka na kaagad." Pagbibigay-alam ni Michael.

"Ang bilis naman. Kakabukas lang natin ah." Nagtataka niyang saad.

"Actually, you were already booked by that customer's manager yesterday." Anito saka nagkibit-balikat.

"Manager?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango naman si Michael bilang sagot.

He must be a celebrity. Nexus thought.

Hindi na rin naman kasi bago sa kanya iyon. Marami-rami na rin ang mga artista na naging customer niya and some of them are A-lister celebrities.

"A regular or a new one?" 

"A new one."

"Mukha bang mayaman?" Muling tanong niya habang abala pa rin sa pag-aayos ng kanyang damit.

"That seems to be the case. I mean, the manager paid a lot of money just for a night." 

"Alpha or Beta?" Tanong niyang muli.

"Alpha." Maikling tugon ni Michael.

Napaupo siya sa sofa.

"Alpha na naman." Reklamo niya.

Well, he likes seeing Alphas going crazy and getting helpless over him ngunit minsan ay gusto rin naman niyang magpahinga mula sa mga Alpha. Alphas are like wild beasts when it comes to sex. Tila ba hindi napapagod at nagsasawa ang mga ito, just like that young Alpha that he had last night. 

Natawa si Michael sa kanyang sinabi.

"Come on! Huwag ka ng magreklamo. Mukhang marami namang pera. Galingan mo lang ang performance mo at siguradong malaki ang ibibigay sa'yo 'nun." Anito habang nakangisi.

Gumanti naman siya ng ngisi rito.

"Kilala mo ako. Wala pa akong customer na umuwing hindi nasiyahan sa akin." Pagmamayabang niya. 

Muling natawa si Michael. Tinapik nito ang kanyang balikat.

"Lalabas na ako. He's not here yet but I am pretty sure he will arrive shortly so prepare yourself." 

Tumango lamang siya bilang tugon sa sinabi ng kaibigan.

Nang makalabas na si Michael sa silid ay muling tinitigan ni Nexus ang kanyang sarili ang sa salamin saka siya umupo sa dulong bahagi ng kama habang may hawak na isang stick ng sigarilyo na kanya nang sinindihan.

He was patiently sitting at the edge of the bed nang biglang bumukas ang pinto ng silid.

He was ready to give his customer a seductive smile nang bigla siyang napatigil nang makita kung sino ang magiging customer niya. 

Nabitawan niya ang sigarilyong hawak habang nakanganga na nakatitig sa mukha ng lalaking kanyang pasisiyahin ngayong gabi.

Napasinghap siya nang magtama ang kanilang mga mata.

Hindi siya makapaniwala. Kagabi lamang ay sa telebisyon niya lamang ito nakita ngunit ngayon ay nasa harapan na niya ito.

Hindi niya akalaing muling magku-krus ang kanilang landas.

So with his eyes wide open and with his heart beating so loud, he uttered the name of the Alpha whom he never wanted to be associated with and the Alpha who has known the darkest part of his life.

"Maximino..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status