Share

Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)
Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)
Author: SleepyGrey

Prologo

Los Angeles, California 2100H

“Dr. Rosario!”

Kalalabas ko lang ng OR nang may tumawag sa akin dahilan para makuha ang aking atensyon. Inalis ko ang suot kong surgical cap nilingon ko ito ngunit napakunot-noo ako nang makita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit.

“Yes? What can I do for you, mister…?” nag-aalangang tanong ko dahil hindi ko alam kung sino at kung anong pangalan ng lalaking kausap ko. In-extend niya ang kan’yang kamay kung kaya nakipag-kamay ako sa kan’ya.

“Atty. Giovanni Lopez,” maikling pakilala niya.

“May I know why an attorney like you looking for me?” nalilitong tanong ko matapos kong bawiin ang kamay ko sa kan’ya.

“I am the divorce lawyer hired by your husband, Dr. Salvador to serve this divorce paper to you, Dr. Rosario.” At binuksan nito ang attaché case na dala niya at kinuha ang isang white envelope at inabot iyon sa akin.

“Wait! I can’t cope up with what you are saying? Divorce paper? For real?” Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Wala kaming napag-usapan ni Kim tungkol dito. Bakit may divorce paper na nagaganap? Makikipaghiwalay siya sa akin? Bakit? Prank ba ‘to? Niloloko ba ako ng attorney na ‘to? Part ba ‘to ng April Fool’s Day?

“Maybe you are getting the wrong person, Atty. Lopez. You must be kidding me, aren’t you?” I said with a half-baked laugh.

“I know you are shock by this sudden news but sorry, I don’t have time to joke around with you,” seryosong saad ni Atty. Lopez.

“Are you serious? This is not a prank? Is there no camera around to cover me and make fun of me, isn't it?” I asked him with disbelief and looking around the hall if there’s no really camera.

“Like what I have said, I have no time to joke around,” firm niyang sabi.

Huminga ako nang malalim ng mangilang ulit at pilit na kinukumpas ang aking sarili ngunit hindi magawang analisahin ng aking utak ang mga sinasabi ni Atty. Lopez ngayon. Bakit? Bakit nagawa ito sa akin ni Kim? Biglang nanariwa sa aking isipan ang mga nangyari last year kung saan masaya kami pareho. Ang promotion ko bilang head ng Neurology Department. Ang masaya naming kasal.

“Yes, I do.”

“I love you, Helen.”

Lahat ng matatamis na sandali namin ay nanariwa sa aking isipan. Okay naman kami, hindi ba? Bakit kailangan umabot sa puntong ganito? Imposibleng ang nangyayaring ito.

“Imposible ito…” mahina kong usal.

“I have nothing discuss with you any longer, Dr. Rosario. I shall take my leave,” wika ni Atty. Lopez at humakbang na siya paalis.

“No, this can’t be happening!” mariing tangi ko at tumakbo papunta sa elevator ngunit puno na ito kung kaya wala akong nagawa kun’di gamitin ang hagdan papunta sa Cardiology Department na nasa 8th floor.

“Fuck! This is just great!” I cursed under my breathe. Ilang oras akong nasa loob ng O.R para mag-opera ng isang V.I.P tapos ganito pa ang mangyayari? How great life what I have full of surprises but I can’t stop right now I need to know the truth. I need to hear his reason. I can’t just knuckle myself under him that easy!

“Why Kim? Why are you doing this?” Gulong-gulo na ang isipan ko. Hindi ko magawang makapag-isip ng maayos. Okay naman kami pero ba’t gano’n? Bakit bigla na lang niyang naisipan na makipag-divorce sa akin? Why?

Nasa 8th floor na ako at habol ang aking paghinga. Huminga ako nang malalim para ikalma ang aking sarili ngunit habang pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili ay mas lalong lumalakas ang pagkabog ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagtakbong pag-akyat ko ng hagdan o dahil sa kaba.

“Shit! I don’t have anytime for this shit breathing!” I hissed and start to walk across the corridor as my sight see the nurse station. As I walk forward my heart keeps on beating wildly.

“Shit! Makisama ka naman!” sabi ko sa nagwawala kong puso. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa nakita ko siya na nakatayo roon, masayang nakikipag-usap. Humakbang pa akong muli para makita ko kung sino ang dahilan ng kan’yang mga ngiti na hindi ko nakikita sa tuwing kami ang nagkakausap. Kumirot ang aking dibdib sa katotohanang hindi na para sa akin ang mga ngiting iyon. Sa iba na iyon nakalaan. Napakuyom ako at napahinga ng malalim.

“Baka nagkakamali lang ako.” Pilit kong pangungumbinsi sa aking sarili. Natatakot ako na malaman ang totoo. Natatakot na baka tuluyan na nga akong iwan ni Kim.

“Hindi ako magagawang lokohin ni Kim.” At ngumiti ako ng pilit hanggang sa tuluyan ng nabura ang mga ngiti kong pilit kong sinusuot. Gulat at hindi ako labis na makapaniwala nang makita ko kung sino ang kausap ng asawa ko ngunit mas kagimbal-gimbal pa ang sumunod na mga eksenang aking nakita. Hinapit ng asawa ko ang balakang ni Dr. Mendez at hinalikan ito sa labi.

Napasinghap ako at labis na nanlumo. “No…” Is this the reason why he filed for divorce?

Matapos ang kanilang halikan ay nagtawanan pa ang mga ito.

“I didn’t expect that the great Dr. Salvador has this naughty side,” ani Dr. Mendez sabay hagikhik.

“I only do this kind of stuff to the woman I like,” wika ng aking asawa sabay kindat sa doktora.

“Should I thank you, Dr. Salvador, for choosing me out of those unlucky women here?” pilyang tanong ni Dr. Mendez.

“You should and I should, too.” Aniya sabay halik mula sa doktora.

Parang sinasaksak ang puso ko nang makita ko ang paghaharutan nilang dalawa. How can he do this to me? Ang kapal ng pagmumukha nila na gumawa ng kalandiang ito sa mismong ospital kung saan ako nagtatrabaho at kilala bilang asawa niya! Nasaan ang delikadesa nila? Tinagurian silang mga doktor at propesyonal pero talo pa nila ang mga prostitute sa kababuyang ginagawa nila! Sa sobrang sakit at kirot na aking nararamdaman ay tahimik akong umalis. Hindi ko sila sinugod hindi dahil sa takot kun'di ayaw kong bumaba sa level nila. Hindi ko maatim na pagmasdan sila nang ilan pang sandali. Nakasusuka sila. Naglakad ako papalayo sa kanila hanggang sa hindi ko namalayan na bumuhos ang mga luha sa aking pisngi. Ang sakit! Napakasakit!

Habang patuloy akong naglalakad, pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga taong nalalampasan ko pero wala akong pakialam sa kung ano ang gusto nilang isipin at sabihin. Hindi ako ang may kasalanan kun'di ang taksil kong asawa at ang malandi niyang kabet. Ang tanging gusto ko lang ay mapag-isa at makalayo sa kanila. Kung saan wala ang asawa kong taksil at walang Dr. Mendez sa aking paligid. Pabalik na ako ng quarter’s nang makasalubong ko si Chyna.

“Helen, I’ve been looking for you! Where have you been? Did you---

Napatigil siya sa pagsasalita at mabilis na lumapit sa akin na may mukha ng labis na nag-aalala.

“Hey, what happened? Why are you crying?” nag-aalalang tanong niya.

Hindi ako umimik at dumiretso sa quarter’s na siya ring pagsunod niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at kinuha ang backpack ko at isa-isang inilagay roon ang mga bagay at damit na maaari kong dalhin.

“Hey girl! What are you doing? Why are you packing up your things? Where are you going?” nagtatakang tanong niya ngunit nanantili akong walang imik at patuloy sa pag-iimpake ng aking mga gamit. Patuloy siyang nagtanong at nangulit pero hindi ko pinansin ang lahat ng iyon.

Hinatak niya ako paharap sa kan’ya. “Helen, ano ba? Ano bang nangyayari sa ‘yo?” galit na tanong niya sa akin na bakas ang pagkalito sa mga kinikilos ko ngunit nagulat ito nang makita ang mga luha sa aking mukha. Ang galit nitong ekspresyon ay napalitan ng lungkot.

Wala akong maisagot kun’di luha. Sobrang nasasaktan ako.

“Tell me, what happened?” mahinahon niyang tanong.

“Sorry, Chyna, but I can’t tell you it right now,” lumuluhang sabi ko at kinuha ang backpack ko at hoodie na nasa coat rack at mabilis na tumakbo.

“Helen, wait!” sigaw niya ngunit hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy sa pagtakbo hanggang makalabasa ako ng ospital. Mabilis akong pumara ng cab at sumakay roon.

“Los Angeles Airport.” Sabi ko at sinuot ko ang aking hoodie para itago ang aking mukha. I don’t want others to see my face, how I look pathetic and miserable.

Damn you, Kim! How could you do this to me? I thought you love me, you did swear to me but, what did you do? How dare you to cheat on me? Divorce? How can you use that just to live with your bitch? Mas bumuhos ang mga luha sa aking mukha nang makita mismo ng mga mata kong ito ang mapait na katotohanan. Napakasakit. Ang hirap huminga.

“Ma’am, we’re here,” wika ng cab driver.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at mabilis na kumuha ng bayad at inabot ito sa cab driver. Mabilis akong naglakad papunta sa ticketing office para bumili ng plane ticket.

“Where’s your destination?” tanong ng ticket clerk.

“Philippines.”

Gusto kong lumayo rito. Gusto kong lumayo sa kan’ya. Gusto kong tumakas sa masamang panaginip na ito. Gusto kong magpakalayo sa napakasakit na katotohanan na ito. Matapos kong makabili ng ticket ay pinapunta ako sa immigration para sa security check. Matapos noon ay dumiretso na ako papunta sa Gate 2 ngunit napatigil ako nang makita ko si Kim na habol ang paghinga at tila may hinahanap.

“Anong ginagawa niya rito?” tanong ko sa aking sarili.

Nandito ba siya para suyuin ako? Imposible! Matapos nang ginawa niyang kataksilan malabong gawin niya ‘yon. Nandito ba siya para bawiin ang divorce paper?

“Stop it, Helen! He didn’t came here just to take back what he’d did. Better wake up! You already saw it with your two eyes!” singhal ng kalahating parte ng utak ko.

Nataranta ako nang magtagpo ang aming paningin.

“Helen!” sigaw niya dahilan para mabilis akong pumasok ng gate ngunit hinarang ako ng airline staff.

“You’re passport and ticket, ma’am.” Ani ng staff.

“Helen, wait!” siyaw niya.

Shit! Faster!

Malapit na siya sa akin nang eksaktong ibalik sa akin ng staff ang aking passport kung kaya mabilis akong naglakad papasok ng eroplano. Rinig ko pa ang pagsigaw niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

Tama na. Gusto kong lumayo muna sa ‘yo.

***

Matapos ang humigit kumulang na labing-limang oras na biyahe ay nakarating na kami sa NAIA. Sa wakas, nakauwi na rin ako sa sarili kong bansa. Ramdam ko na ang init buhat na mainit na klima sa Pilipinas dahil sa simula na rin ng summer. Pakalabas ko ng arrival area ay naroon ang napakaraming pamilya na masayang sinalubong ang kanilang mga mahal sa buhay na galing ibang bansa. Nakaka-miss ang ganoong kainit na pagsalubong, matapos na magkahiwalay kayo ng napakatagal na panahon. Sa kasamaang-palad walang pamilya ang sasalubong sa akin bukod kay Lola Linda. Tanging si Lola Linda lang ang pamilyang meron ako, hindi niya na ako magagawang masalubong tulad ng dati dahil sa inaatake na ito ng dementia. Napabuntong-hinga na lang ako at mabilis na nilipasan ang mga naroon.

“Kumusta na kaya si Lola Linda? Naalagaan kaya siyang mabuti ni Manang Esang?”

Nakaka-miss na ‘yong dating Lola Linda na kinalakihan ko. Ang umapon sa akin sa kabila ng hindi niya ako kadugo ay minahal, inalagaan, at pinag-aral sa abot ng kan’yang makakaya. Utang na loob ko kay Lola Linda ang lahat lalo na kung ano ako ngayon. Habang naglalakad ay napansin kong pinagtitinginan ako ng mga taong nadaraanan ko. Napakunot-noo ako bigla, “Do I look weird? Bakit ba nila ako pinagtitinginan?”

Nagpatuloy ako sa paglalakad at doon ko nakita sa repleksyon ko sa salamin ang aking sarili. Suot pa rin ang scrub suit na galing OR.

“Damn! Kaya pala nilalamig ako kanina kasi ganito suot ko!” napasapo kong bulong sa aking sarili. “Epekto ng mahabang tulog sa buong biyahe.”

Ito na siguro ang pinakaunang beses na nakatulog ako ng napakahaba simula ng maging doktor ako. Napabuntong-hininga ako nang muling manariwa ang mga nangyari sa akin kahapon.

“Ano ba, Helen? Kalimutan mo nga ‘yon! Andito ka para makalimot at makalayo sa kan’ya! Kaya tigilan mo na ang pag-aalala sa mga napakawalang k’wentang bagay!” ani ng aking utak dahilan para sampalin ko ang aking sarili. Isang malakas na lagapak ang umalingawngaw doon dahilan para malingon ang mga taong malapit sa akin. Sa sobrang kahihiyan na ginawa ko ay hinatak ko ang aking hood para itago ang aking mukha.

Shit! Ano bang ginagawa mo, Helen? Nakakahiya ka! Mabilis akong bumili ng ticket at  pakatapos ay naglakad palabas ng NAIA at sumakay sa P2P bus na nakaparada na roon. Umupo ako sa bandang likuran.

“Makakauwi na ulit ako lola. Magkakasama na ulit tayo tulad ng dati,” anas ko habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa bintana. Unti-unti akong nakaramdam ng antok dahil sa aircon ng bus. Humikab ako ng mangilang-ulit hanggang sa tuluyan ng bumigay ang aking mga mata at nagawa ko ng makatulog.

I love you, Helen.

---

Isang malakas na pagkauntog ng aking ulo sa isang matigas na bagay ang dahilan para magising ako.

“Damn it! Ano bang nangyari?” tanong ko ng maimulat ko ang aking mga mata.

Nakita ko ang kulay luntiang kapaligiran. Bigla akong napakunot-noo at kinusot ang aking mga mata para i-adjust ang mga ito mula sa pagkakatulog. Nang makusot ko na ang aking mga mata ay iginala ko itong muli at wala akong nakita kun’di luntiang puno.

“Wait, where I am?” nalilito kong tanong. Muli ay iginala ko ang aking mga mata sa labis na hindi makapaniwala sa nangyayari. Nagulat pa ako ng wala na ako sa loob ng bus.

“Fuck, what happened?” bulalas kong tanong nang makita ko ang hindi pamilyardong lugar.

Napatayo at napaikot. “Shit!” malutong kong mura.

Bakit walang mga gusali? Nasaan ang mga konstrakturadong mga bahay? Bakit kubo ang nakikita ko? Muli, iginala ko ang aking mga mata ngunit wala talaga akong makitang kalsada kun’di puro lupang daanan. Napatingin ako sa aking sarili at laking gulat ko na iba na ang aking suot. Baro't saya na ito at hindi na scrub suit.

“What exactly happened when I was sleeping? Is this another kind of joke?” naguguluhan kong saad. Hindi pa ba sapat ang ginawa sa akin kahapon at kailangan pa sundan ng panibagong isang malakinh kalokohan?

“Binibini! Binibini!”

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng dalaga na tila may hinahanap.

“Binibini!” sigaw nito at dali-daling tumakbo papalapit sa akin dahilan para mapakunoot-noo ako. Nakasuot rin ito ng baro’t saya ngunit halata ang pagkakaiba sa aming kasuotan. Mas kita sa aking suot ngayon na halatang magandang uri ng tela ang ginamit sa aking kasuotan kaysa sa kan’ya na tagpi-tagpi lalo na ang sayang suot niya.

“Binibining Helena, kanina ka pa hinahanap ni Don Raul! Narito ka lang pala.” Aniya sa pagitan ng kan’yang paghinga.

“Huh? Who are you? Did you just call me, Binibining Helena?” kunot-noong tanong ko sa kan'ya.

Naguluhan ang dalaga at napakamot sa kan’yang ulo. “Binibini, hindi ko po kayo lubos na naiintindihan. Isa na naman po ba iyan sa mga natutunan niyo sa librong inyong binabasa?” tanong niya.

Napanganga ako matapos marinig ang mga sinabi ng dalaga sa akin. Binibining Helena? Ako? Ako? Yes, malapit siya sa pangalan ko but can anyone tell me, what exactly is happening? Is this another prank? If it is, I had enough. One after another is not funny anymore. If not, is my life must to be a laughing drama.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Babz07aziole
Ay tanga mo beh sana kinompronta mo na jusko! Ikaw ang legal wife tsk!
goodnovel comment avatar
Babz07aziole
Abat at hayop grrr 😒
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status