Share

Kabanata One

“Binibini, may gumugulo po ba sa inyong isipan?” tanong ng dalaga sa aking harapan.

“Yes, there’s a lot to think of! Why every thing in here seems to be old? Nasa variety show o isang game show ba ako para maging ganito ang set up? Or this is a prank? Bakit ganito ang lahat?” tanong ko in deep exasperation on what the hell is happening. I keep on wandering but every thing is really much like in the historic era. A very simple way of living. The native hut that I usually saw on books when I was in elementary is here in the middle of wide grass field. Is this a dream? There’s no way it would still exist especially nowadays that every town already embrace by civilization, how come place like this exist?

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalaga na ngayon ay nakayuko. “Paumanhin, binibini ngunit hindi ko lubos na maunawaan ang inyong sinasabi. Wala akong sapat na kaalaman tulad ng sainyo para kayo’y aking maintindihan,” nakayukong paghingi niya ng dispensa.

The heck! Her way of talking is similar to Lola Linda when she used to give sermons at me. What exactly is happening? I can’t even follow, damn! I’m not even familiar with this place. Shit! What am I going to do?

“Nasaan ba ako?” lakas-loob kong tanong. This is not going anywhere if I will not ask. If I want to know what exactly is going on I must ask her.

Napaangat ang kan’yang ulo at nakakunot-noong humarap sa akin. “Binibini, nasa sariling hacienda niyo po kayo,” sagot niya na bahagyang naguguluhan.

“No, no, no! What I mean--- Shit! Anong lugar ito?” natatarantang tanong ko. Damn! This is really messing me!

“Ito po ang Hacienda Montecielo,” maikling sagot niya.

“Shit! Paano ba kami magkakaintindihan nito?” mahinang bulong ko sa aking sarili. “Anong bayan ba ito?” tanong ko nang mahagilap ko na ang tamang tanong sa kan’ya.

“Ito po ang bayan ng Amadeo sa probinsya ng Cavite, Binibining Helena.” Sagot niya dahilan para malinawan na ako nang bahagya.

Damn! Paano ako nakarating sa Cavite ‘e papunta akong Laguna? Ano ‘to sumakay lang ako ng P2P bus tapos ganito na ang nangyari?

“Binibining Helena? Ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong nito.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito ng mariin at tinignan siyang maigi. “Umamin ka nga sa akin, nasa variety o game show ba tayo? Bakit ganito ang nangyayari?” nanggigigil kong tanong sa kan’ya na labis na ang pagkasiphayo at pagkalito sa mga nangyayari.

“Hindi ko po kayo lubos na maunawaan sa inyong itinuturan. Ang inyong ikinikilos ay labis na kakaiba.” Aniya na labis na ring naguguluhan sa akin.

“Shit! Ano ba kasing nangyayari?” napasabunot ako sa aking buhok. “Is there anyone who can explain what’s happening here?” sigaw ko at umaasang may lalabas na mga cameraman para sabihing galingan ko pa sa pag-arte o kaya ang gago kong asawa at sasabihing, “It’s a prank!” ngunit ilang segundo na ang lumipas pero wala akong nakita ni isang anino ng cameraman o kaya ng manlolokong asawa ko. Is this real?

“Wala talaga? Kahit isa?” sigaw kong muli dahilan para manlaki ang mga mata ng dalaga na nasa aking harapan.

“Binibini, hinaan niyo po ang inyong boses,” awat niya. “Hindi po maganda sa isang tulad niyo ang kumilos ng hindi kabini-bini.”

“If I’m not going to shout I will go insane in this place where I don’t know how I end up here?” I said out of frustration.

Hindi umimik ang dalaga na nasa aking harapan na bakas ang matinding pagkalito sa aking ikinikilos at bigla na lang ito napayuko. I’m sorry for her but I can’t help it. I don’t know how and why I am here. She can’t barely understand me as if she really lived in a hundred decade past. I take a glance at her once again, still the confusion is written on her face. I take a deep breath and tried to calm myself as well as my mind. After a few moments, and composed myself and tried to recall how Lola Linda spoke with me when I was still a kid when she tell her written stories to me. I need to know her first and ask her some questions to help me cope with this sudden incident.

“Paumanhin po kung nagawa ko po kayong magalit. Nais ko lamang na ipaalala sainyo na hindi maganda ang inyong inaasal para sa isang binibini. Patawarin niyo po ako sa aking kapahangasan,” wika niya na nanatiling nakayuko sa aking harapan.

Napasapo ako ng aking noo. Mukhang natakot ko ata siya. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

“Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Pagpasens’yahan mo na ako bahagyang nawala ako sa aking sarili.” Ani ko. Shit! Hindi ako sanay magsalita ng tagalog na formal! Damn! This is a lot work to do!

“Hindi po. Kasalanan po ng matabil kong bibig kung bakit kayo ay nagalit.” Aniya na nanatili pa rin siyang nakayuko.

“No, no. It's not---” Oh, crap! “Ibig kong sabihin hindi mo ‘yon kasalanan. Kasalanan ko ‘yon dahil mali ang aking kinilos itinama mo lang ako. Kaya ‘wag ka na riyan mangamba at itaas mo ang iyong ulo dahil alam kong nahihirapan ka na sa gan'yang posisyon,” saad ko na may alanganing ngiti sa aking labi dahil sa na-aawkward din ako sa ginagawa niya.

“Ngunit---

Hindi na ako nakatiis at inangat ko ang kan'yang ulo nang magtagpo ang aming mga mata at binigyan siyang ng ngiti.

“Sabi ko, ayos lang.” At ngitian ko siyang muli.

“Maraming salamat, binibini,” mahina at nahihiya niyang sabi.

And now that everything is settled. Let's get started!

“Maaari bang malaman kung ano ang pangalan mo?” malumanay kong tanong at binigyan siya ng ngiti to ease the tension.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status