Share

Kabanata Three

Hindi ko namalayan na nakarating na kami ng mansyon dahil sa napasarap ang aming usapan at tawanan. Hindi naman pala mahirap hanapin ang mansyon hindi tulad ng inaakala ko. Hinatid ako ni Lita hanggang sa makarating kami sa sala at doon ko nakita ang isang lalaki na nasa middle age, I think? Nakaupo at nagbabasa ng isang letter.

“Siya na ba si Don Raul?” tanong ko sa aking sarili.

“Don Raul, narito na po si Binibining Helena,” nakayukong sabi ni Lita.

Inalis nito ang kan’yang tingin sa binabasa at itinuon ang atensyon sa akin.

“Makakaalis ka na Lita,” saad ni Don Raul. Tahimik na umalis si Lita at iniwan ako kasama ng aking ama.

Shit! Anong klaseng ama ba si Don Raul? Anong gagawin ko? Lita! Bakit mo ko iniwan dito mag-isa? Mukhang masungit pa ata ‘to kung tignan naman ako nito para ‘yong mga superiors ko sa ospital na halos mangangain na ng buhay kapag nagkamali lang ako ng kilos o ng sasabihin. Hindi lang naman sa akin sila gano’n, halos sa lahat na mas mababa sa kanila ginagawan nila ng gano’n . Speaking of discrimination, again.

“Helena,” tawag sa akin ni Don Raul dahilan para magsitayuan ang balahibo ko at matauhan.

“Bakit, ama?” mahina kong tanong. Shit! ‘yong boses niya napakamatipuno pero nakakatakot. Bakas sa tono ng kan’yang pananalita ang awtoridad na once na magsalita siya talagang papakinggan at susundin mo. Helena, ba’t ganito ang dad mo? Nakaka-scary!

“Maupo ka,” ani Amang Don Raul. Sumunod ako sa takot na baka magalit ito sa akin. Alam niyo ‘yong mukha noong panahon ng Español kung saan ‘yong mga mukha nila ang tatapang tignan tapos kahit ngumiti ang tipid-tipid, tipong hindi mo mabibili ng piso? Gano’n sila kaseryoso! Swear daig pa nila ang mangangain na aso sa tigas ng ekspresyon nila pero isa lang masasabi ko, ang g’wapo nila kahit na nasa middle age o may katandaan na ang mga ito. Siguro sa tagal na rin ng mga Español dito sa Pilipinas ay marami na rin silang nalahiang mga Pinay. Mas naging dominant ang genes nila kaya ang lakas ng dating nitong mga mixed raise na mga mestizo at mestiza.

Sa totoo lang, g’wapo si Amang Don Raul kung ito ay nasa panahon ko malamang bentang-benta si ama sa mga tita’s na single. Pero dahil nandito ako at hindi ko alam kung paano at sa kung anong rason kung bakit ako napadpad dito ay kailangan kong magpanggap na ako ang kilala nilang si Helena kung ayaw kong ipabaril sa Bagumbayan tulad ni Rizal o kaya  igarote tulad ng tatlong martyr na GomBurZa. Napabuntong-hininga ako sa katotohanang hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa panahong ito.

“Anak, may bumabagabag ba sa iyong isipan?” nag-aalalang tanong ni Amang Don Raul.

“Wala po ito, ama. Paumanhin po sa aking inasal,” paghingi ko ng dispensa kahit nilalamon na ako ng kaba ay pinatili ko ang ngiti sa aking labi para makumbinsi si Amang Don Raul.

“Sigurado ka ba, anak? Wala ka bang dinaramdam?” naninigurong tanong niya.

Amang Don Raul, magiging okay pakiramdam ko kung hindi mo ako bibigyan ng gan’yang awra at malalim na tagalog. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng dugo kakaisip ng isasagot sa kan’ya sa pinakamaayos at pinakalumang paraan ng pagsagot.

“Opo, ama.” Sagot ko na pilit ginagawang maayos ang sarili sa harap ni Amang Don Raul.

“Kung gayon, pag-usapan natin ang tungkol sa nalalapit mong kaarawan,” wika ni ama.

“Kaarawan?”

Birthday? Wow! Magkakaroon ng party! Na-miss ko ang um-attend ng party! Simula naging doktor ako nakalimutan ko na ang magsaya, mas na-focus ang atensyon ko sa ospital at trabaho ko. Going back in the past is not just as bad as I thought, mukhang dito pa ako makakapag-unwind after 8 years of exhausting years sa  loob ng ospital.

“Nakalimutan mo na naman ba, anak? Sa ika-walo ng susunod na buwan ay ang iyong kaarawan,” paliwanag ni ama.

“Paumanhin, ama nawala sa aking isipan,” pagdadahilan ko.

Napakunot-noo ito nang ilang sandali matapos ay nagpakawala ng isang buntong-hininga. “Sa ‘yong kaarawan, anak, ano ang gusto mong gawin?” tanong ni ama na may maliit na ngiti sa kan’yang labi.

“Dad, can I have party? I really miss having party having a life at the hospital is like hell!  I want party where I can enjoy and go wild! Can you do that for me, dad?” I said with the excitement runs to my body and my imagination keeps on growing wild on how my birthday party would be like. I immediately snapped out of how I act a while ago.

Crap!

Napatakip ako ng aking bibig at napatingin kay Don Raul na bakas ang pagkalito.

“A-ama…” mahina at nauutal kong sabi.

Hindi umimik si Don Raul dahilan para kainin ng kaba ang aking buong katawan. Pinagmasdan niya pa ako nang ilang segundo bago kumawala ang isang malakas na halakhak dahilan para ako naman ang maguluhan sa kan’ya.

“Raul, ano ang inyong pinag-uusapan ni Helena at tila labis ang iyong kasiyahan?” tanong ng babaeng nasa middle age na pababa ng hagdan. I was amazed by her beauty. She might not be that young but she really can show her ass off.

“Hahaha! Natatawa lang ako sa ating anak, mahal kong asawa. Siya’y labis na kamangha-mangha! Walang duda na nagmana siya sa akin,” tuwang saad ni ama.

Mahal kong asawa? Damn! That beautiful lady is my mother? It’s hard to believe that she really is---pero tinawag siyang mahal kong asawa ni ama? So, it means she’s really is my mother! I’m still in the middle of astonishment when my mother sit beside me.

“Anong ginawa mo, Helena para matuwa ang iyong ama ng ganito?” mabining tanong ni ina na may matamis na ngiti sa kan’yang labi.

Hindi ko alam ang idadahilan ko kay ina at umiling na lang ako to play safe. Kasi kung magsasalita pa ako baka tuluyan na akong ipahamak ng bibig kong ito. Shit! Neurosurgeon ka Helen at naging psychiatrist tapos hindi mo nagawang mag-isip ng dapat mong sabihin? Masyado kang nagpapadala sa dopamine at serotonin mo! Nakakahiya ka!

“Celestina, hindi mo nakita kung gaano kasabik ang anak natin bagamat hindi ko maintindihan ang kan’yang sinasabi ngunit alam kong tungkol iyon sa kan’yang kaarawan,” wika ni ama na labis ang tuwa at patuloy pa rin sa paghalakhak.

“Talaga ba, anak?” tanong ni Doña Celestina na labis ang tuwa sa kan’yang mukha.

Teka, gano’n ba ka-big deal sa kanila ‘yong reaksyon ko? Ba’t ang saya nila ‘e kung tutuusin napaka-engot lang ng ginawa ko. Bahala na nga, kesa maging tuluyang engot ako ay sasakyan ko na lang ang trip nila.

Tumawa na lang din ako para kunwari okay lang ang lahat kahit na nahihirapan ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status