Chapter 6

Eto si Charles, naghahakot na naman ng mga medalya ang kapatid mo.” napangiti ako sa sinabi ni nanay.

“Talagang nagmana si Ochoy sa talino ni tatay.” natatawang sabi ko.

“Oo naman. Nga pala, kamusta ka naman? Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo sa restaurant.” pangangaral ni nanay.

“Ayos naman po ako.”

“Anak, matanong ko lang kung kamusta na kayo ni Prince? Nagkaayos na ba kayo?” saglit akong natahimik sa tanong ni nanay. Ano bang dapat kong sabihin?

“N-Nay, na-realize ko na tatlong taon na rin ang nakalipas, may mga sarili na kaming buhay ngayon.” napakagat ako sa labi ko.

Gano'n ba? Buti naman at naisip mo na yan.”

Matapos kong makipag-usap kay nanay sa telepono ay agad ako umupo sa sofa at nag-isip isip.

Dapat ko na bang kalimutan ang nararamdaman ko kay Ice?

Natigilan ako nang may nagdoorbell. Napabuntong hininga ako. Kahit tinatamad ako ay pinilit ko pa rin tumayo at buksan ang pinto.

Napaatras ako nang si Ice ag bumungad sakin. Hawak hawak niya ang mangkok na pinaglagyan ko ng sinigang.

Saglit siyang napaiwas ng tingin at napalunok. Napakagat naman ako sa labi ko at tumungo na lang.

“A-Akin na yan.” kinuha ko sa kanya ang mangkok.

Napatingin ako sa asul niyang mga mata, parang ayoko na tuloy iiwas ang tingin ko. Paulit ulit na pinapaalala ng isip ko na galit ako kay Ice. Pero hindi ko alam kung bakit eto pa rin ako at nasa harapan niya.

“M-May kailangan ka pa ba?” tanong ko sa kanya at napatikhim.

“Kung wala na...” akmang isasara ko na ang pinto pero agad niyang hinarang ang kamay niya.

“I-I'm hungry.” napanganga ako sa sinabi niya.

“G-Gusto mo bang makikain?” gusto kong sapakin ang sarili ko ngayon. Nagpacute lang si Ice sakin, nawala na agad ang inis ko sa kanya.

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto, pumasok naman siya. Pagkasara ko ng pinto ay dumiretso na ko sa kusina, sumunod naman siya sakin.

“S-Sakto, magtatanghalian na rin naman ako. Marami rin akong nailuto.” naghain na ko para saming dalawa. Kung alam ko lang na makikikain si Ice sana tinikman ko muna 'tong kaldereta na niluto ko.

Nagsimula na kaming kumain. Nakakabingi ang katahimikan namin. Tunog lang ng kutsara na sumasanggi sa plato ang maririnig dito.

“A-Akala ko ba gutom ka, bakit konti naman ang kinakain mo? H-Hindi ba masarap?” umiling lang siya sa tanong ko.

“I-I just want to ask you something.” napatikhim ito.

“A-Ano yo'n?”

“A-Are you mad? Bigla ka na lang umalis kagabi.” napakamot pa ito sa kilay niya.

“G-Galit ako sa sarili ko.” napatingin siya sakin.

“H-Hindi ko talaga nakalimutan yung card ko, g-gusto ko lang talagang mapalapit ulit sayo. Pero na-realize ko na para pala akong ewan. M-May Sarah na eh, pero pinagsisiksikan ko pa rin yung sarili ko.”

“Shenna.” tumayo siya at akmang lalapit na sakin pero natigilan siya dahil tumunog ang phone niya.

Agad niyang kinuha ang phone niya na nasa coat niya at sinagot ag tawag.

“Hello.” malamig na sabi nito. Natigilan ako dahil nag iba ang reaksyon ni Ice, halata ang gulat at pag-aalala sa mukha nito.

“Yes, yes. Pupunta na kami diyan.” pagkatapos ay binaba niya na ang tawag. Napatayo naman ako.

“A-Anong nangyari?” kinakabahang tanong ko.

“Something happened to Bullet.”

***

“He's now okay. Minor injury lang ang natamo niya, but we're still waiting for the results of some of his tests.” nakahinga kaming lahat sa sinabi ng doktor.

“Bakit naman kasi tatanga tanga magdrive si Bullet?” napasabunot si Lion sa buhok niya. Pawis na pawis siya at halata ang pag-aalala sa mukha niya.

“Babatukan ko talaga siya paggising niya.” sabi ni Kyla na halata ring nag-aalala.

Natigilan kami nang lumabas si Sarah mula sa kwarto ni Bullet. Nakasuot siya ng uniform niya, nurse nga pala siya.

“Gising na siya.” matipid na sabi niya.

Nagsi-unahan naman kami sa pagpasok. Naabutan namin si Bullet na nakaupo at hawak hawak ang ulo niyang may benda.

“Bullet, ayos ka lang?” tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya habang nakatingin sakin. Nilibot niya rin ang paningin niya sa Danger Zone at nakakunot pa rin ang noo niya.

“S-Sino kayo?” napanganga kami sa sinabi niya.

“Wala kaming panahon sa pagbibiro mo Bullet.” seryosong sabi ni Tiger.

“B-Bullet? Bullet ba ang pangalan ko?” halata ang pagtataka sa gwapong mukha ni Bullet.

“B-Bullet, ano bang nangyayari sayo?” maluha-luhang tanong ni Kyla. Pakiramdam ko ay naluluha na rin ako. Ano bang nangyayari sa kanya?

Natigilan kami nang pumasok ang nanay ni Bullet sa kwarto, may kasama itong magandang babae na ngayon ko lang nakita, imposible namang kapatid siya ni Bullet, walang kapatid si Bullet.

“A-Anak, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito at hinawakan ang mukha ni Bullet. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha ni Bullet.

“N-Nanay kita? Anak mo ko? S-Sino po ba kayo?” nagtatakang tanong ni Bullet.

“A-Ako ang nanay mo! Ikaw naman si Bullet, a-anak ko. A-Ano bang nangyayari sayo?”

Napahawak si Bullet sa ulo niya na parang may iniindang sakit.

“Wala akong maalala! H-Hindi ko kayo kilalang lahat! H-Hindi ko rin kilala ang sarili ko!”

“B-Bullet, kumalma ka.” sinubukan ko siyang hawakan sa balikat pero tinabig niya lang ako. Muntik na kong tumumba pero agad akong sinalo ni Ice.

“Damn you Bullet!” galit na sabi ni Ice kay Bullet.

“N-Nasaan yung nurse?” tanong ni Bullet.

“S-Sinong nurse? Si Sarah ba?” tanong ko sa kanya.

“Where is she?! Nasaan yung nurse?!”

“Bullet! I'm your fiancée! Bakit mo hinahanap ang nurse mo?!” galit na sabi nung babaeng kasama ng nanay ni Bullet. Siya pala ang fiancé ni Bullet.

“Nasaan yung nurse?!” hindi pinansin ni Bullet yung babae, patuloy niya pa ring hinahanap si Sarah.

“Hahanapin ko siya.” sabi ni Gun.

Lumabas siyang kwarto. Makalipas ang limang minuto ay bumalik na siya kasama si Sarah. Halata ang pagtataka sa mukha niya.

Nagliwanag ang mukha ni Bullet pagkakita kay Sarah. Nag-aalangang lumapit si Sarah kay Bullet. Agad namang hinawakan ni Bullet si Sarah sa kamay at hinila ito para yakapin. Gulat na gulat naman si Sarah, kahit kami. Sino bang hindi? Eh galit na galit si Bullet kay Sarah bago siya mawalan ng ala-ala.

“Iwan niyo kami.” seryosong sabi ni Bullet. Nagkatinginan kami saglit bago napagdesisyonang lumabas.

***

Sarah's POV~~~

“B-Bitawan mo nga ako.” kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.

Huminga siya ng malalim at napalunok. Saglit siyang napahawak sa ulo niya.

“Y-You're weird. Alam mo bang g-galit na galit ka sakin bago ka mawalan ng ala-ala!” galit na sabi ko sa kanya.

Sumandal lang siya at kalmadong nakatitig sakin. Para akong nalulunod sa mga titig niya. Hindi ko na namalayan na napakapit na pala ako sa pader dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Ano bang ginagawa sakin ni Bullet? Ginugulo niya ang sistema ko!

“Ano naman? Kasalanan mo 'to dahil ang magandang mukha mo ang bumungad sakin paggising ko. You're mine now.” prenteng sabi nito.

Hanep! Kahit may amnesia, napakabossy niya pa rin. Parang gusto kong iuntog ulit ang ulo niya.

“May fiancé ka at mahal na mahal niyo ang isa't isa! Alam mo bang two years na kayo?! Sasayangin mo lang ang relasyon niyo at magpapadala ka sa amnesia mo!”

“Wala akong pakialam, hindi ko naman siya naaalala eh, so I don't give a fvck.” naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

“Bakit?! Hindi mo rin naman ako kilala eh! Alam mo bang sumingit ako sa buhay nina Prince at Shenna?! Ako ang dahilan kaya hindi pa rin sila nagkakabalikan hanggang ngayon! Dahil mahal ko si Prince!” halos hingalin ako. Hindi ako palasigaw, ngayon lang ako sumigaw ng ganito.

Ngumisi lang siya at umalis sa pagkakaupo sa kama. Dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin. Napalunok naman ako at patuloy sa pag-atras. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.

Itinuon niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Konti na lang ay magdidikit na ang mga ilong namin, halos maamoy ko na rin ang mabangong hininga niya. Napapikit ako ng mariin at pilit siyang itinulak palayo sakin pero para siyang pader, masyado siyang malakas.

“Wala akong pakialam kay Shenna, kay Prince o kung kanino man. Wala rin akong pakialam kung anong ginawa mo sa kanila. Basta akin ka lang, akin ka Sarah.” seryosong sabi nito. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya.

Napasinghap ako ng hawakan niya ko sa baba at iniharap niya ang mukha ko sa kanya.

“Bigyan mo ko ng isang buwan, o kahit ilang linggo lang.” nagtatakang napatingin ako sa kanya.

“Tingnan lang natin kung si Prince pa rin ang mahal mo pagkatapos ng isang buwan.”

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan.

***

Shenna's POV~~~

“Sana bumalik na ang ala-ala ni Bullet, namimiss ko na siya.” nakangusong sabi ko.

Nandito kami sa kotse niya at pauwi na. Nakakapagod amg araw na 'to ah, lalo na kay Bullet. Natigilan ako nang mapansin kong kanina pa tahimik si Ice.

“N-Nagseselos ka ba?” saglit siyang napalingon sakin at napakunot ang noo.

“K-Kasi diba, lagi ng makakasama ni Sarah si Bullet. B-Baka lang nagseselos ka.” mahinang sabi ko habang nakatungo.

“I'm not.” sabi nito at itinuon na lang ang pansin sa pagd-drive.

“Tss. Kunwari pa.” bulong ko. Pakiramdam ko narinig niya 'yon kaya napalingon siya sakin.

Pagkarating namin, walang sabi sabing bumaba ako ng kotse niya at padabog na sinara ang pinto. Wala na kong pakialam kahit mas mahal pa sa buhay ko ang kotse niyang 'yon! Galit ako! Nagseselos ako!

Nang makarating ako sa unit ko ay nagmamadali kong hinanap ang card sa bag ko at nang makita ko 'yon ay agad mong in-insert iyon. Akmang papasok na ko pero may malaking kamay na humawak sa braso ko.

Paglingon ko, seryosong mukha ni Ice ang bumungad sakin. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko pero masyado siyang malakas.

“A-Ano bang kailangan---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil masyadong madilim ang mukha niya, halata ang pagod at stress pero kahit gano'n ay napakagwapo niya pa rin.

“Hindi ako nagseselos, okay?” tila nahipnotismo ako sa tingin niya kaya napatango na lang ako.

Saglit siyang napatitig sa mukha ko. Nagulat ako nang dahan dahan niyang iniangat ang kamay niya papunta sa pisngi ko.

Hahawakan niya ba ang pisngi ko o sasampalin niya ko?!

Napapikit siya ng mariin at binaba ang kamay niya.

“Just sleep, stop overthinking.”

“O-Oo na.” binitawan na niya ang braso ko. Akmang isasara ko na ang pinto pero pinigilan na naman niya ko.

“Shenna, 143.” pagkasabi niya no'n ay siya na rin mismo ang nagsara ng pinto.

Dali kong binuksan ang pinto ng unit ko. Pagkalabas ko ay pinigilan ko din si Ice sa pagpasok niya sa unit niya. Napakunot naman ang noo niya nang pigilan ko siya sa pagpasok sa unit niya.

“I love you too.” hinalikan ko siya ng mabilis sa pisngi. Natulala naman siya at napahawak sa pisngi niya.

Akala mo yelo ha. Style mo bulok! 143 my ass!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status