Chapter 8

Gabi na pero pumunta pa rin ako sa IPF para puntahan si Ice sa office niya.

“143!” natigilan si Ice sa pagsusuot ng coat niya at napatingin sakin.

“Ice, sabay na tayo umuwi.” tumango na lang siya sakin.

Agad ko siyang hinila palabas ng office niya pagkatapos. Nagpaubaya na lang siya at hindi na pumalag.

Nang nasa parking lot na kami, inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

“Give me your car key. Ako ang magd-drive!” masiglang sabi ko habang tumatalon talon pa. Pero tumigil na rin ako, bwisit na heels!

“No, I won't let you.” masungit na sabi nito at dire-diretsong naglakad papunta sa kotse niya, agad naman akong sumunod sa kanya.

“Ice! Sige na, please!” nagpacute talaga ako sa kanya ng bonggang bongga.

“No. You don't even have a license, and your legs are too short.”

“Sinong nagsabi sayo na wala akong lisensya?!” sabi ko at tiningnan siya ng masama. Nakipagtitigan naman siya sakin, napanguso na lang ako. Mukhang alam niya ah. Stalker siya!

“O-Oo, wala nga akong lisensya. Pero marunong ako magdrive noh! Tinuruan ako ni Henry---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa driver seat at padabog niyang isinara yo'n. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya nang umupo na siya sa tabi ko.

Yes! Ako ang magd-drive! Yes yes yo! Ano ka ngayon Ice! Hindi mo talaga matiis ang ka-cute-an ko. Hay nako!

“I'll teach you how to drive.” malamig na sabi nito at binigay sakin ang susi ng kotse niya.

“Marunong na sabi ako, diba nga tinuruan ako ni Henr---”

“Just shut up Shenna. Shut the fvck up.” natahimik ako at napakurap kurap. Bakit ba parang ang laki ng problema niya sa salitang 'Henry'? Meron ba siyang Henryphobia? Meron bang gano'ng phobia? Mai-search nga mamaya.

Excited na ko at nagsimula ng magdrive. Pinaharurot ko na 'yon palabas ng parking lot.

“Fvck! To the left! I said turn to the left!”

“Oo! Alam ko ang gagawin!” naiiritang sabi ko sa kanya.

Natawa ako nang mapansin kong mahigpit ang paghawak niya sa seatbelt. Parang ewan naman 'to.

“May pupuntahan muna tayo. Pwede ba?” sabi ko at tumingin sa kanya saka ngumiti.

“Damn! Eyes on the road Shenna!”

“Oo na!”

***

“Nandito na tayo!” magmamadali akong bumaba ng kotse. Agad rin naman namang bumaba si Ice.

Napangiti ako habang nakatingin sa park na 'to. Hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na 'to. Dito kami unang nagdate ni Ice, at dito talaga kami madalas magpunta dati.

“What are we doing here?” malamig na tanong ni Ice. Napalunok ako at tumungo.

“N-Namiss ko kasi ang lugar na 'to. Ikaw, n-naaalala mo pa ba ang lugar na 'to?” tanong ko at tumingin sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at tumikhim.

“Of course.”

Napangiti ako at hinila siya paupo sa may damuhan. Humiga ako sa kandungan niya at  tinitigan ang mga bituin. Ang ganda tingnan.

Napatingin ako kay Ice, nakatitig lang siya sa mukha ko.

“A-Am I dreaming?” tanong ni Ice habang nakatitig sa mukha ko.

“I-I just can't believe that you're here now, beside me.” napatingala siya. Umangat ang isang sulok ng labi niya.

Agad akong umalis sa pagkakahiga sa kandungan ni Ice. Umupo ako sa tabi niya habang nakatitig ako sa kanya.

“If it's just a wonderful dream, sana magising  na ko.” nagtatakang napatingin ako sa kanya. Napaatras ako ng kaunti nang tumingin siya sakin.

“B-Bakit?”

“Ayoko ng papasukin ka sa buhay ko.” seryosong sabi niya habang matiim na nakatitig sakin. Napalunok naman ako at napatungo.

“But there's something inside me that keeps on pulling me close to you. But I know this feeling is up to no good, I don't want to love again, like a fool.”

sabi nito at ramdam na ramdam ko ang emosyon sa mga sinabi niya.

Pakiramdam ko ay nasagot na ang mga tanong ko. Hindi na nga ako mahal ni Ice. Mapait na napangiti ako.

Napatitig lang sakin si Ice, napakagat ako sa labi ko nang maramdaman kong tumulo na naman ang mga luha ko.

“S-Sorry Ice.”

Dahan dahan siyang lumapit sakin. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko at pinahid ang luha ko.

Napatitig ako sa asul niyang mga mata, pero parang maling move yata yo'n. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya, at gano'n din siya sakin.

Napalunok ako nang unti-unti ng lumalapit ang mukha niya sakin. Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Napatingin ako sa paligid. Hindi kami pwedeng magkiss dito! May mga tao! Pwede naman kaming magkiss in private ah! Pwede rin sa unit namin, wag lang dito.

“I-Ice, gusto ko ng dirty ice cream, i-ibili mo ko.” natigilan siya at napapikit ng mariin.

“Damn it Shenna.”

***

“Sige na! Sumama ka na kasi.” nakangusong sabi ko. Nandito na kami sa unit niya ngayon.

“Ayoko nga sabi.” sabi nito habang nasa kandungan niyaang laptop niya at kung ano ano na naman ang ginagawa.

Umupo ako sa tabi niya at mabilis na kinuha ang laptop niya at nilagay iyon sa gilid.

Halata ang gulat sa kanya nang umupo ako sa kandungan niya. Niyakap ko din ang batok niya at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango niya talaga!

“Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapayag.” sabi ko at mas sumiksik pa sa kanya.

Nagulat ako nang ipulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko at hinila pa ko papalapit sa kanya.

“Edi wag kang umalis, I don't mind.” napasimangot ako.

“Hindi ka magagalit?” tanong ko pa sa kanya.

“No. Hindi ako ang magagalit, yung alaga ko.”

Inialis ko ang pagkakasubsob ng mukha ko sa leeg niya at tumingin sa kanya. Umangat ang isang sulok ng labi niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang may maramdaman akong kakaiba sa pagitan ng mga hita niya. Dali dali akong umalis sa kandungan niya.

Pakiramdam ko ay pulang pula na ag mukha ko ngayon.

“I-Ice.” napatungo ako at napakagat sa labi ko. 

Natigilan ako nang unti-unting lumapit sakin si Ice, ako naman ay umaatras ng umaatras. Hindi naman ako makatingin ng ayos sa kanya. Natigilan ako  nang hawakan ako ni Ice sa likod, muntik na kong malaglag kakaatras eh.

Napalunok ako nang dahan-dahan niyang ilapit ang mukha sakin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang magdikit ang ilong naming dalawa. Pipikit na sana ako nang tumunog ang doorbell.

“Damn it.” mariing mura ni Ice at lumayo na sakin. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag.

Dali dali akong tumayo at ginulo ng konti ang buhok ko. Napakunot naman ang noo ni Ice.

“What are you doing?”

“Baka si Sarah yo'n eh. Pa-epal pa naman yo'n.” sabi ko at ngumiti sa kanya ng matamis.

Mas nagulat siya ng tanggalin ko ang pagkakabutones ng damit ko, tatlong butones lang ang tinanggal ko. Para makita ng kaunti yung cleavage ko.

“S-Shenna, what the heck?” nanghihinang napasandal si Ice.

“Sexy ko noh?” dumiretso na ko sa pinto at pinagbuksan yung nagdoorbell.

Natigilan ako dahil dire-diretsong pumasok yung lalaki dito sa unit ni Ice.

“Prince! Bakit ang tagal---” natigilan yung lalaki at napatingin sakin. Napansin kong gwapo din 'tong lalaki na 'to.

“Who's this gorgeous woman?” natigilan ako nang tingnan ako nito mula ulo hanggang paa. “Sexy.”

“By the way Miss Sexy, I'm Trigger Rey Farenn, Bullet's cousin. So who are you sexy?” nakangising tanong nito.

“Damn you.” nagulat ako nang itulak ni Ice palabas ng unit yung lalaki at walang sabi sabing sinara ang pinto.

Napaatras ako nang tumingin sakin si Ice. Ang dilim ng mukha niya. Para siyang mananapok anytime.

“P-Pinsan pala ni Bullet yo'n hehe. A-Akala ko si Sarah eh.” kinakabahang sabi ko at nagpeace sign sa kanya.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, napapikit ito ng mariin at napakuyom ang mga kamao nito.

“S-Sorry na, m-malay ko ba---” natigilan ako dahil bigla ako nitong hinalikan sa labi.

Itutulak ko sana siya kaso bigla niya kong binuhat at pinaupo sa isang mesa habang patuloy pa rin ako hinahalikan.

Napapitlag ako nang marahas niyang kagatin ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko magdudugo iyon.

“I-Ice.” hinihingal na sabi ko nang tumigil siya. Bumungad sakin ang malamig niyang titig.

Sasama na ko sa Batangas.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leonicel Dela Cruz
nice move shenna hihihihi...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status