Share

CHAPTER 2

     "SIR! Bakit naman ho ito lang ang grado ko?"

Ibinaba ni Logan ang librong hawak. Tinitigan niya ang estudyanteng nagsusumamo ngayon sa kaniyang opisina bago nagsalita, "Tatlong araw kang hindi pumasok sa klase ko, Mr. Delos Reyes. Tatlong quizzes din ang hindi mo nasagutan noong kamakailan lang. Ngayon tatanungin kita, nasa'n ka no'ng mga araw na `yon?"

"Pero, sir. Nagbigay naman po ako ng excuse letter—"

"Hindi ito highschool. Hindi ka na rin bata. Maraming araw na puwedeng pumunta ka sa akin at mag-request na mag-take ng quiz pero hindi mo ginawa." Hinilot ni Logan ang kumikirot na sintido. "Stop wasting my time, Mr. Delos Reyes. Hintayin mo ang announcement ko sa inyo."

Bagsak ang mga balikat na umalis ang estudyante ni Logan. Nakahinga siya nang maluwag. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling huwag mag-alala sa kalagayan ng mga bata ngayon.

'Come on, there's Luke. Hindi niya ipapahamak ang mga bata.'

"Oy, Logan!" bulyaw ni Felix, "Dude, kay aga pa nag-iinit na 'yang ulo mo. Akala ko ba nakakuha ka na ng babysitter?"

"Hmn," sagot niya, "Luke is with the kids right now."

Umupo si Felix sa corner nito bago humarap sa kaniya. Ngumisi ito kaunti bago nag-angat ng kilay. "Luke? Sounds familiar ang pangalan na 'yon, ah."

"Huh, of course it's familiar." Tumingala si Logan at inihilig ang sarili sa recliner. "Siya na lang ang naiwan do'n sa pamilya ng lalaking nakabangga kay Stephen."

Hindi parin mawala sa kaniyang isip at puso ang poot tuwing naaalala ang malagim na pagkawala ng kaniyang kapatid. Isang nagmamanehong lasing ang kumitil sa buhay nito. Sa kasalukuyan ay naiwan ang mga anak nito sa kaniya dahil matagal na rin mula noong mamatay ang asawa ni Stephen nang panganganak nito kay Tanya.

Hindi pa naka-move on si Travis sa pagkawala ng ina nito, mabilis namang sumunod ang kanilang ama.

Hindi makatarungan para sa mga bata. Hindi rin makatarungan para sa kaniya.

"What?" gulantang na ani Felix, "Paano ka napapalagay d'yan? Paano kung may gawin 'yon sa mga bata?"

"He won't." Nagmulat si Logan. "Hindi niya kapatid ang lalaking nakabangga kay Stephen. They're not his biological family. Ampon siya ng pamilyang iyon. And if his head is thinking straight, he should be guilty. Bayad na sila sa perang ipinangako nila pero hindi sa buhay ng kapatid ko."

"Wait, siya na lang mag-isa, 'di ba? Paano niya nabayaran ang ganoon kalaking pera?"

"He didn't." Nagkibit-balikat si Logan. "Ang mga magulang niya ang nagbayad ng lahat. Ibinenta nito ang lahat ng puwede nilang ibenta at nangutang sa kung saan-saan. The last time I heard, namatay ang mga magulang ng killer dahil sa pagbabayad ng utang."

Ilang segundong nanahimik si Felix. Ang tanyag na guro sa department nila ngayon ay gulong-gulo sa isang simpleng eksplanasyon. Sa huli ay napakagat-labi ito. "Logan, I don't know but…naaawa ako sa kaniya, ha. Hindi ko pa siya nakikita pero awang-awa na ako sa kaniya."

Kumislap ang mga mata ni Logan. 'Hindi mo na siya kailangang makita.' Napailing siya habang inaalala ang nawawalang ekspresyon ni Luke pati na rin ang panginginig ng mga daliri nito sa kamay habang siya ay kinakausap. "Naiinis pa rin ako kapag nakikita ko siya."

Napapalatak si Felix. "Alam ko ang pinanggagalingan mo pero…he's just a kid."

Napaingos si Logan. "He's twenty-two years old. Hindi na siya bata. Kung may kawawa man dito, ang mga pamangkin ko 'yon."

'Twenty-two years old ngunit namimitas pa rin sa hardin ng iba!' Logan winced.

"They have you. 'Yong Luke, itinatawid no'n ang sarili niya."

'I get it.' Nadadala man siya ng galit ay hindi niya maitatangging napakabata pa nga ni Luke. Ang kilos nito, pananamit at pakikipag-usap ay  napakahilaw pa sa paningin ni Logan. Kaya naman nagdadalawang isip pa siya kung talaga bang kaya nitong maiwan kasama ang mga bata.

Nag-usap na sila na i-mo-monitor niya ito ng ilang araw upang pakiramdaman ang kilos nito. Kung maayos ay tatanggapin niya si Luke, kung hindi ay mabilis niya itong paaalisin.

Magmatigas man siya, may parte sa kaloob-looban niya na umaasang sana hindi pumalpak ang lalaki. Kung saan nanggagaling ang tiwalang ibinibigay niya para dito ay hindi niya alam.

Sa totoo lang ay nauubos na rin ang kaniyang pasensya kay Travis at Tanya. Parehong makukulit ang mga ito at madalas ay hindi siya pinakikinggan kung nagpapasaway. Hindi niya makasundo ang mga ito and that's not good. Kailangan niyang makuha agad ang loob ng mga bata. Kahit pa naninibago siya sa takbo ng kaniyang buhay ngayon. 

He's not ready for it—he's not ready for them. Biglaan din ang lahat ng ito para sa kaniya.

Matapos ang mahabang araw na iginugol niya sa pagtuturo ay sa wakas nakauwi rin siya. Lulan ng kotse, iniisip ni Logan kung saan maaaring pumili ng kanilang ipanghahapunan. He will invite that kid, Luke, to dinner. Ang alam niya ay sa gabi pa naman ang shift nito sa isa pang trabaho. Iyan ay kung maayos ang hitsura ng bahay sa ngayon.

He dialed Luke's number. The screen flashed for a few times. Habang tumatagal ang pag-ring ay nakakaramdam siya ng kaba. May nangyari kaya sa mga bata?

"Hello!" bungad ng isang hinihingal na tinig, "Sir Logan? Naglalaro ang mga bata."

Logan hummed. Pinigilan niya ang sariling pagbawalan si Luke na tawagin siyang Sir. Masyadong pormal ang tawag na iyon. "Pauwi na 'ko. Nagdala ako ng hapunan—"

"—nagluto na 'ko." Bumagal kaagad na pagsasalita ni Luke. "I mean, nakapagluto na po ako, sir."

'He's trying hard.' Napailing si Logan sa asta nito. "Huwag mo na ako tawaging sir. So, you cooked dinner. Alam mo bang allergic si Tanya sa nuts. Hindi rin puwede si Travis sa—"

"—talong dahil ayaw niya sa lasa nito. Noted. Tinanong ko na ang mga bata bago ako naghanda...uhm, sir."

Hindi mapigilan ni Logan ang pag-awang ng kaniyang labi dahil sa pagkamangha. Ilang segundo siyang napatitig sa telepono bago tumikhim.

"Ah, if that's the case—"

"Kuya Luke, tara! Tara!" Narinig ni Logan ang manipis na boses ni Tanya. "Let's play na po."

Namilog ang mga mata ni Logan. Nag-opo si Tanya kay Luke! Sa taong bago pa lamang nito nakilala!

"Last game, Kuya Luke, tapos we will eat dinner na."

Nabitiwan ni Logan ang telepono dahil sa sinabi ni Travis. Kaagad niyang pinulot ang cell phone at idiniin iyon sa kaniyang tainga.

"—Sir, sige ho. Mag-usap na lang ho tayo mamaya pagdating ninyo."

Humigpit ang hawak ni Logan sa teleponong hawak kasabay ng pagkaputol ng linya. Hindi maipaliwanag na inggit ang nadarama niya sa ngayon. Imbes matuwa dahil mukhang nakuha na ni Luke ang loob ng kaniyang mga pamangkin ay naiinis siya dahil sa inggit.

Bakit hindi ganoon kung kumausap sa kaniya ang mga bata?

Binilisan ni Logan ang takbo ng kaniyang kotse. Sa ngayon ay gusto niyang makita ang sitwasyon sa kanilang tahanan.

Ang unang nakaagaw ng atensyon ni Logan noong siya ay dumating ay ang supot ng basurang nasa gilid ng gate. Nakalimutan niya itong ilabas kagabi dahil sa pagod. Mukhang inilabas ito ni Luke ngayon.

Mas tumindi ang emosyon sa sikmura ni Logan.

Alam ni Logan na kakaiba na at hindi normal ang kaniyang reaksyon sa mga nangyayari ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Mula noong bata pa siya ay lagi siyang nagpaparaya para sa kaniyang kapatid. Noong magkaroon siya ng wisyo, ipinangako niyang hindi na siya magpapakamartir ulit. Matututo siyang makipaglaban para sa bagay na tingin niya ay kaniya.

Dahil sa kapatid ng Luke na iyon, nawala ang kaniyang kapatid. He is now saddled with two hard-headed kids. Left with no time nor patience to start a life of his own!

Mabigat ang balikat na pumasok sa kabahayan si Logan. He heard a laugh coming from the sala. Isang tawang malaya at napakagaan. Sinundan iyon ng mga hagikhik galing sa mga bata. Nagtungo siya roon.

"Tanya, tama na!"

"Kuya Luke, gulong ka pa." Sumimangot si Travis. "You said you'll play as the catterpillar!"

"A pink catterpillar..." Tanya sighed dreamily.

Ilang segundong pumikit si Luke bago bumigay sa gusto ng mga bata. Nagmukha itong palaman sa loob ng nirolyong bedsheet ni Tanya. "Is this okay?"

"Isang gulong pa!"

Logan blinked. "What's happening?"

Kaagad na nagsilayuan ang tatlo sa isa't isa. Pinilit ni Luke na tumayo subalit bumagsak parin ito sa semento. "Uh, sir. Good evening."

Nasapo ni Logan ang noo. "Luke, I hired you to take care of the kids…"

Madapa-dapang humarap si Luke sa kaniya. "Sir Logan, ginawa ko naman ho, e—"

Umiling si Logan. "Umayos ka. Pumunta ka sa opisina ko. We'll talk."

"Uncle Logan!"

"Stop, Travis," saway ni Logan.

Natigilan ang bata sa istrikto niyang tono. Nag-iwas ito ng tingin at hinila ang nakababatang kapatid palayo. Umingos ito sa kaniya. "I just wanted to greet you. Fine, I won't anymore."

Napasinghap si Logan dahil doon. "Wait, Travis. Come here."

"Nah, you're busy," bulong nito habang papalayo, "always busy."

Ilang beses na napakurap si Logan. Naningkit ang kaniyang mga mata. Naiinis na ibinaling niya iyon kay Luke. "Kasalanan mo 'to," buong diin na sabi niya.

Looks like he won't see this kid anymore after this night.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status