Share

CHAPTER 9

     "I DON'T know why I feel this way but…" Huminga nang malalim si Travis. Maingat namang naghintay sa susunod na sasabihin nito si Luke. Maraming posibilidad ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na isang umiiyak na Travis sa madilim na parte ng dalampasigan ang kaniyang madaratnan. Nakakatakot.

Hindi niya tuloy maiwasang hanapin si Logan at uriratin ito sa kung ano ba ang pinanggalingan ng gulong ito subalit mas mabuting pakalmahin muna si Travis bago ang lahat.

Ang akala niya'y isang masayang samahan ang kaniyang makikita. Paano na lamang kung hindi siya dumating gayong hindi pa natatagpuan ni Logan si Travis? Mabuti na lamang at pumunta kaagad siya noong sabihin ni Sir Felix na kailangan niyang pumunta. Ang akala niya ay kailangan lamang ni Logan ng ekstrang kamay pantulong sa pagbubuhat at pamimili ng kung ano.

"…I'm jealous of Tanya."

Natigilan si Luke sa hindi inaasahang sagot ni Travis. Hindi siya makaimik ng ilang seg

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status