Share

EXTRA (2)

     KUNG matatanong man si Luke kung ano ang larawan ng perpektong buhay para sa kaniya, 'yon ay ang mabuhay nang kasama si Logan Caraig. Hindi man perpekto ang lalaki gaya niya, pinipilit naman nilang maging karapat-dapat para sa isa't isa. Wala na siyang maihihiling pa ngayon. Maliban sa isang bagay.

Iyon ay ang matuloy na sana ang pinakahihintay niyang hakbang sa kanilang sex life.

Walang kaso kay Luke ang pagiging hindi 'sexy'. Alam niyang kagusto-gusto siya para kay Logan subalit… bakit parang ayaw nitong mag-all in?

Nakakahiya mang magtanong, minsan ng humanap si Luke ng paraan upang makausap si Logan tungkol dito. Iyon nga lang ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon.

Tanggap ng mga bata ang kanilang relasyon. Hindi man maintindihan ng mga ito ang lahat sa murang mga edad, hindi na bago para sa mga bata ang makakita ng same-sex couple. Natagalan sila nang maigi sa pagkausap kay Tanya dahil maraming katanungan ang mga bata.

twtl_trtd

Abangan pa ang mga susunod na isusulat ni Jamie Sebastian!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status