Share

TLW: CHAPTER 02

Lever

Nakakalulang taas ng building ang hinintuan namin ni Secretary Luke at hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin. Wala akong idea na nakatingin sa gamit kong binaba na ni Secretary Luke at pinark na ang kotse sa car park.

Malayo ang lugar na ito kung saan ako lumaki; masyadong maraming sasakyan, matataas ang building at parang hindi afford pumunta ng isang mahirap na kagaya ko. Napatingin na lang ako sa gamit ko at mukhang magtratrabaho nga ako sa lugar na ito, pero bakit hindi man lang sinabi ni Mama sa akin?

“Pumasok na tayo, para makita mo ang unit na titirahan mo,” saad ni Secretary Luke sa akin Pagdating.

Kinuha n’ya ang iba kong gamit para tulungan akong magbuhat papasok sa loob. Pagpasok namin sa loob ay bawat sulok ng building na pinasukan ko ay tinignan ko habang naglalakad. Mayroong dalawang lalaki na nasa 50 plus na ang edad ang nakatingin sa akin, pero nilagpasan ko dahil hindi ko naman sila kilala.

Patuloy ako sa paglalakad…

“Lever Winchester!”

Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa likod ang dalawang lalaki kanina ay nakatingin at kasama na nila ngayon si Secretary Luke. Lumapit sa akin ang isang seryosong lalaki habang isa naman ay nakangiti. Hindi pamilyar ang mukha nila, pero sa tindig at suot nila ay sigurado akong hindi lang sila normal na tao.

“Ang liit mo pa ng huling makita kita, Lever.” Bigla akong niyakap ng isa at ako naman ay walang idea na nakatingin sa isang lalaki na sobrang seryoso ng mukha.

“Sino kayo?” tanong ko.

“Uncle Uzi, at s’ya naman si Uncle Snipe,” sagot ni Uncle Uzi ko daw.

“Nice meeting you, young Rifle,” Uncle Snipe greeted.

“Don’t think much yet, we’re here sending you to your house.” Inakbayan ako ni Uncle Uzi. “We promised to your mother that we will give you a comfort here, tell her no need to worry.”

Wala akong masagot dahil hindi ko sila makikila. Habang nasa elevator kami ay tinitignan ko si Uncle Snipe parang sobrang strict n’ya.

“What do you know about your father?” tanong ni Uncle Snipe.

Tumingin s’ya sa akin.

“His name, Rifle Winchester,” sagot ko. “Namatay sa isang car accident—”

“Wrong,” putol sa akin.

Bumukas ang elevator at lumabas silang lahat. Pero ang nasa isip ko ngayon ay ang sagot ni Uncle Snipe. Pumasok kami sa isang unit at luxury, iyan lang ang tamang word sa nakikita ko ngayon. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang picture na naka-display sa loob.

“Wala kaming binago sa lugar, maski ang gamit ng papa mo ay nandito lahat,” paliwanag ni Uncle Uzi.

“Pag-aari ni Papa ang unit na ito?” taka kong tanong.

“The entire building was named in you, We work for it after your after death and after we found the Xyra’s pregnant to you,” paliwanag ni Uncle Snipe.

Lalong naguluhan ang isip ko sa mga sinasabi nila.

“Rifle is the only heir of family Winchester, and you are his successor,” dagdag pa.

“Hindi ko maintindihan, sino ba si Papa?”

“That’s why, don’t think much,” sagot ni Uncle Snipe.

“Secretary Luke, lahat ng kailangan n’ya ay ibigay mo at ayusin mo ang lahat ng gamit n’ya pati ang pagpasok n’ya sa college,” utos ni Uncle Uzi.

“Kailangan na namin umalis, kung mayroon kang kailangan, just call us.”

Napatingin ako sa kamay ni Uncle Uzi kung saan hawak n’ya ang isang new phone para ibigay sa akin.

“Gusto kong malaman ang lahat,” seryoso kong sabi sa kanila.

Tinignan ko ng seryoso si Uncle Snipe. “Anong mali sa alam ko?!”

“Mag-focus ka muna sa pag-aaral mo,” sagot n’ya sa akin.

I swallowed hard, controlling my temper. Sasabog ang ulo ko kakaisip na malaman na mali pa lang ang alam ko tungkol sa papa ko.

“Sabihin mo sa akin ang tungkol sa papa ko,” seryoso kong utos.

“Lever, give some respect,” awat ni Secretary Luke.

“Hindi na ako magugulat kung ganiyan s’ya sumagot, his father worst than him,” sagot n’ya sa akin.

Malamig na tingin lang ang binigay n’ya sa akin at tinapik n’ya ang balikat ko bago niya ako lagpasan para lumabas.

"Sumunod ka muna at mag-focus sa pag-aaral mo,” saad naman ni Uncle Uzi.

Umalis sila Pagkatapos paguluhin ang nasa isip ko. Nag-iwan sila ng sagot na hindi ko alam ang tanong. Inayos lahat ni Secretary Luke ang lahat ng gamit ko bago s’ya umalis. Naiwan akong maisa sa magarang lugar na ito, malayo sa buhay na nakasanayan ko.

Nilibot ko ang buong paligid at hindi ko alam kung paano ako titira sa lugar na ito. Tinignan ko ang refrigerator at puno ng supply na kailangan ko. Kumuha ako ng pagkain at nagsimulang mag-dinner. Kinuha ko ang lumang phone ko para tawagan si Mama.

“How are you, Lever?” bungad na tanong ni Mama sa akin.

“Why?” tanong ko.

Parang kahapon lang iniisip ko kung tutuloy ako sa college or anong gagawin ko, pero ngayon ay malalaman ko na whole building where am I staying no was mine.

“Anong why, son?”

Napayuko na lang ako at napahinga ng malalim. “Dati ang tanong ko sino ba ang papa ko, pero ngayon sino ba ako, Mama?”

Naguguluhan na ako.

“Hindi mo pwedeng malaman ang lahat ng biglaan, mas okay na sumunod ka na lang muna sa uncle mo,” sagot ni Mama sa akin.

“Hahayaan mo lang akong mag-isip na mga bagay na pwede mo naman ng sabihin?” tanong ko kay Mama.

“Lever…”

“Hindi na ako bata, Ma.”

“Alam ko, Lever, pero sumunod ka na lang muna,” sagot ni Mama sa akin.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.

“Okay ka lang ba d’yan?” tanong ni Mama sa akin.

“I’m okay here, hindi ko nga lang alam kung anong ginagawa ko dito,” sagot ko.

“For college,” sagot ni Mama sa akin.

Alam kong hindi iyon ang dahilan, pero hindi ko rin naman makukuha ang sagot sa kanila kaya hindi na rin ako magtatanong pa.

“Maliligo lang ako, Ma,” paalam ko kay Mama.

“Sige, mag-ingat ka d’yan, always eat on time,” paalala ni Mama sa akin.

“Okay, Ma.” Binaba ko na ang phone ko at kinuha ang laptop na nandito para simulahan humanap ng information.

“Ako na lang hahanap ng sagot sa tanong ko.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
slmat otor
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status