Share

TLW: CHAPTER 03

 Younis

"Ma'am Younis, please itabi n'yo na ang sasakyan!" sigaw ng driver sa akin.

Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil nakakapag-drive lang ako pag hindi kasabay ang kakambal ko sa pagpasok sa school.

Tinignan ko ang driver ko na nagdadasal na sa passenger seat dahil sa akin. Lalo kong binilisan dahil ayokong malate sa school ngayon.

Paghinto ko sa tapat ng gate ay tinignan ko Si Mr. Ramos na parang sumakay sa roller coaster ang mukha habang sobrang higpit nh hawak sa seatbelt.

"I'm good driver, right?" nakangiti kong tanong.

"Aatakihin ako sa puso, Ma'am Younis," sagot n'ya sa akin.

Napa-pout ako dahil sa sagot n'ya. "Well, hindi ka kasi sanay makakita ng expert sa pagmamaneho ng kotse kaya 'di mo alam iyon, average ka lang kasi," paliwanag ko kay Mr. Ramos.

"Pag nalaman ito ng papa mo ay siguradong pareho tayong papagalitan."

Kinuha ko ang bag ko at tinignan si Mr. Ramos. "Kung sa sabihin mo, malalaman n'ya, pero kung zipper lang ang bibig mo... Walang mapapagalitan!" Kinindatan ko si Mr. Ramos bago ako lumabas sa kotse.

Mayroon na naman silang magandang schoolmate ngayon dito. Naglakad ako papasok sa loob ng campus at saktong nakita ko si Princess na naglalakad. Matagal ko ng kaibigan si Princess simula high school.

"Princess!" sigaw ko.

Nang makita nya ang maganda kong mukha ay lumawak ang ngiti sa labi n'ya. Agad akong tumakbo para lumapit kay Princess dahil matagal kaming di nagkita dahil bakasyon at umuwi s'ya ng province nila para magbakasyon.

Pero napahinto ako ng mayroon akong makita na isang lalaki na naglalakad habang nakatingin sa isang maliit na papel. Hindi pamilyar ng mukha n'ya, pero bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil bigla akong kinabahan.

"Younis!" tawag ni Princess sa akin. "Huy!"

"Sino s'ya?" tanong ko.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kan'ya habang naglalakad palayo sa akin at sinisimulan ng mawala sa paningin ko dahil sa mga students na naglalakad.

"Sino?" tanong ni Princess.

"Yung lalaking nakaitim," turo ko.

"Hindi ko alam, mukhang bago lang s'ya dito," sagot ni Princess.

“Well, madami ngang bago sa school natin,” sagot ko. Hinarap ko si Princess dahil 8 AM ang una kong klase ay kailangan ko ng magpaalam muna kay Princess. She’s nursing student, so weren’t classmate.

“Kita tayo sa cafeteria mamaya,” paalam ko kay Princess.

“Okay, Youna.”

Nagkahiwalay kami ng daan ni Princess at pumunta na ako sa building namin. This is my first day as Architecture student here in Arcanum University. My father encourage me to take the business or accounting course para I may not have hard time to handle our business, but business and accounting is not my forte, baka maging bored lang ako sa course na iyon at mag-cut lang ako ng class. Wala rin naman silang nagawa kung hindi payagan ako, and thanks to my twin brother who take the responsibility; he’s taking Business Administration as my father said to him, and I saw Youno he had interest managing business kaya there’s no problem with that.

Pumasok ako sa room ko na third floor high and seeing my classmates, none of them are familiar to me, but probably they knew me since Swaggerty, our family name is famous, and my father had connection with this school.

Umupo ako sa last row, I know to myself that I’m bright, so I can absorb the lecture even I’m not paying attention to our professor.

“Sabi ko na at nandito ka na.”

Nalipat ang tingin namin lahat sa pinto ng room na mayroong magsalita, I signed as I saw Joaquin Hernandez, his father are well known here even him, since his family had 60% shares of this school basically the son of owner. I don’t like this school because of him, but since this school had well performance, top-notch school I chose to study here.

“Ang agang masira ng araw ko,” irita kong saad.

Pumasok sa loob si Joaquin at pumunta sa harapan. “P’wede ko bang ma-solo si Youna?” kalmadong tanong niya sa mga classmate ko.

Wala akong reaction sa sinabi n’ya, pero alam kong mayroon na s’yang matagal na gusto sa akin, pero kahit anong interest ay wala ako sa kan’ya.

Tumayo ang mga kaklase ko para lumabas at naiwan kaming dalawa ni Joaquin. I can’t deny that he had power here in school, even the prof can’t handle him, I heard some bullying incident in his hand, but no one can stand with him, like I said, he had powers.

“You wanna join me later for lunch?” aya n’ya sa akin.

“Sa pulubi ay kaya kong sabayan, pero ikaw? Sayang ang oras ko, baka masuka ko lang ang pagkain ko dahil sa pagmumukha mo!” singhal ko.

Tumawa ng mahina si Jaoquin, pero dama ko ang pikon sa bawat tawang naririnig ko sa kan’ya.

“Alam mo bang you and your twin brother is under my protection?” tanong n’ya sa akin. “Kaya nga walang makalapit sa inyo,” dagdag n’ya sa akin.

Seryosong mukha lang ang binigay ko kay Joaquin. Nagbibiro ba s’ya?

Nagsimulang maglakad si Joaquin palapit sa akin.

“Or gusto mong makita paano mawala ang binigay kong protection kay Youno Swaggerty?” tanong n’ya sa akin. “Baka mag-makaawa ka—”

Tinaob ko ang desk ko at seryosong nakatingin kay Joaquin. Kilala ko ang kakambal ko at hindi lang mabilis ma-bully kaya ang layo sa sinasabi ng mayabang na lalaking nasa harapan ko.

“Gusto ko sanang matakot kaso mukhang kulang pa,” walang emosyon kong saad.

Kinuha ko ang bag ko para umalis na sa nakakainis na room na iyon. Hindi pa nagsisimula ang araw ko ay nasira na ng Joaquin na iyon.

“Youna!”

Hindi ko pinansin ang tawag n’ya sa akin at nagmamadali akong maglakad palayo. Nasa tapat ako ng hagdan ng huminto ako sa paglalakad dahil ang lalaking nakita kanina sa field ay papakyat na ngayon. Nakatingin siya sa taas, pero hindi sa akin.

“Youna!” tawag ni Joaquin.

Ngumiti ako at kinawayan ang lalaki sabay takbo pababa para salubungin n’ya. Taka itong tumingin sa akin, but I grabbed his arm to clutch my hand.

“Let’s lunch together!”        

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
slmat otor
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status