Share

TLW : CHAPTER 04

Lever

"Let's lunch together!"

Walang idea ang mata kong nakatingin sa babae na bigla na lang humawak sa braso ko. Babaeng mestiza na mayroong ngiti sa labi n'ya habang mayroong kumikinang na mata na nakatingin sa akin.

"Leave her!"

Nalipat ang tingin sa taas ng mayroong magsalita. I was about to go to 4th floor of this building.

Hinawakan ko ang kamay ng babae para alisin sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko s'ya kilala at kailangan ko pang hanapin ang room ko, pero nagsalubong ang dalawa kong kilay ng maslalo n'yang hinigpitan ang hawak sa braso ko at parang pusa na ayaw umalis sa tabi ko using her innocent look and shook her head.

Muling napatingin ako sa lalaki na kanina ay ilang metro ang layo sa akin ngayon ay hinila ang suot kong damit para ilapit sa kan'ya.

"Hindi mo na rinig ang sinabi ko?!" galit nitong tanong sa akin.

Tinignan ko ang damit kong hawak n'ya.  Bigla akong nakaramdam ng pikon sa lalaking nasa harapan ko, pero ayokong pumasok sa gulo.

"Joaquin, anong ginagawa mo?!" tanong ng babae na nakahawak sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ng babae sa akin at seryosong tinignan ang lalaki para alisin din ang pagkakahawak n'ya sa akin. Wala akong iniwan na kahit anong salita at balak ko ng umakyat para pumasok sa room.

"Malas mo pumasok ka dito!" rinig kong sabi ni Joaquin.

Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy ako sa paghahanap ng room ko hanggang sa makita ko. Umupo ako sa bantang huli at naghintay na papasok ng professor.

Kausap ko si Kaycee at nagtatampo s'ya dahil sa bigla kong pag-alis last week. Maski ako ay hindi ko rin alam na pupunta ako dito, pero dahil wala naman akong magawa kaya nanatili ako dito.

"Swerte talaga, blockmates pa pala tayo."

Sa boses pa lang ay natandaan ko kung sino iyon. Tinignan ko ang mukha ni Joaquin at mayroon na itong kasama na dalawang lalaki sa gilid n'ya.

Wala akong balak na pansin si Joaquin dahil halatang wala lang s'yang magawa sa buhay n'ya.

"Umalis ka d'yan, upuan ko 'yan!" kalmado, pero halatang nagyayabang na saad ni Joaquin.

Tinignan ko si Joaquin sa mata n'ya. Tingin ba n'ya sa sarili n'ya ay superior s'ya dito?

Napatayo ako dahil sa bigla n'ya ulit hatak sa kwelyo ko. Napatingin ang buong classmates namin sa amin, pero napangisi ako bigla dahil kita ko sa mata n'ya na mahina talaga s'ya.

Ngumisi rin s'ya sa akin at bigla akong sinuntok sa mukha dahilan ng pagbagsak ko sa floor. Nakita ko ang mga classmates namin na nakatingin lang sa amin at mukhang walang balak na patigilin si Joaquin.

Tumayo ako mula sa floor at balak na lumaban, pero isang lalaki na mayroong hawak na libro na huminto sa pagitan namin ni Joaquin.

"Wag kang makialam dito, Youno!" sigaw ni Joaquin.

Tinignan ako ni Youno mula ulo hanggang paa at tinignan din si Joaquin. Tahimik ang buong paligid, pero rinig na rinig ang biglang pagsarado ng libro ni Youno.

"Joaquin Hernandez..." Tumingin si Youno sa akin.

"What's your name?" tanong n'ya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kan'ya, pero hindi ko inasahan ang bigla n'yang paghampas ng libro sa ulo ko.

"I'm asking you! What the hell is your name?!" sigaw n'ya.

Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa paghampas n'ya sa akin. Hinawakan ko ang isang chair malapit sa akin at balak ko ng gumanti, pero mayroon biglang isang lalaki ang sumulpot sa gitna namin ni Youno.

"Just state your name," kalmadong saad ng lalaking nakasalamin sa akin.

Biglang naglakad si Youno ng ilang hakbang at mayroong pinulot na papel. Iyon yung registration card ko.

"Lever Winchester," seryosong basa sa pangalan ko.

Nilukot ni Youno ang registration card ko at tinapon sa harapan ko at umupo sa mismong tabi ng inuupuan ko kanina.

"Maiwan kayong dalawa dito para linisin ang room," utos n'ya.

Muli n'yang binuksan ang libro para magbasa.

"Sa tingin mo susunod ako?"

"Gusto mo bang ako na lang ang maglinis para sa'yo?" seryosong tanong ni Youno kay Joaquin.

"Tumigil na kayo. Mayroong maintenance para maglinis ng room," awat ng lalaking umawat sa amin kanina.

Dumaan ako sa gitna nila para umupo sa pwesto ko at ramdam ko masamang tingin ni Joaquin sa akin kaya isang masamang tingin din ang binigay ko sa kan'ya.

"Magkita tayo sa labas ng campus!" saad n'ya sa akin.

Umalis ng room si Joaquin. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko dahil nalasahan ko ang dugo doon.

"Just ignore him," saad ng lalaki sa akin.

"Tsk! How can he ignore him? He's the new target of Joaquin."

Napatingin ako kay Youno na patuloy sa pagbabasa ng libro. Dumating ang professor at nag-discuss lang iyon ng konti. Lunch time na ay pumunta ako sa cafeteria para bumili ng pagkain, pero nakatayo lang ako sa tapat ng counter para tignan menu, pero napatingin ako sa wallet ko. Hindi ko alam na sobrang mahal pala ng pagkain dito.

"Wala kang pera?"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko na naman 'yung babaeng hinahabol ni Joaquin. Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya dahil s'ya ang dahilan ng lahat bakit lumapit ang gulo sa akin.

"Scholar ka ba?" tanong pa n'ya sa akin.

Bumili na lang ako ng a battle of water at nagsimulang maglakad.

"Hey! Kinakausap kita!"

Patuloy lang ako sa paglalakad at lalabas na ako ng cafeteria dahil wala naman akong mabibili na kahit ano sa lugar na ito dahil kulang ang pera.

Napatigil ako sa paglalakad ng humarang sa daan ko 'yung babae.

"Bakit ka tumigil? Nagandahan ka ba sa akin?"

Nagsisimula na akong makaramdam ng inis sa babaeng ito.

"Normal na lang sa akin na maraming nagagandahan dahil ganda lang ang makikita sa mukha ko," pagtataas n'ya sa sarili n'ya.

Ngumiti s'ya sa akin at inoffer ang kamay n'ya para makipag-shake hands. Dahil sa ginawa n'ya ay ramdam ko na naman ang mga nakatingin na mata sa amin.

Pagtingin ko sa likuran ni Youna ay nandoon si Joaquin at ang mga kaibigan nito. Hindi ko alam kung ano ang relation nila, pero wala akong balak alamin dahil ayoko ng gulo.

"My beautiful name is Youna Swaggerty, and you—"

Umalis ako sa harapan ni Youna para lumabas na sa cafeteria.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status