Share

TWL : CHAPTER 09

Lever

"40%?!" gulat na tanong ni Youno.

Tinignan ko si Uncle Snipe dahil sa sinabi n'ya. "Paanong nangyari 'yun?" taka ko tanong.

"Sino ba s'ya papa? And I only heard about the shareholder of that school 40% shares were own by the Winchester..."

Biglang tumingin si Youno sa akin after n'yang sabihin ang last name ko.

"Lever Winchester," saad ni Uncle Snipe.

"Akala ko ba patay na si Uncle Rifle at wala s'yang anak?" takang tanong ni Youno.

"This is secret," sabi pa ni Uncle Snipe. "Wala dapat makaalam na kahit sino ang nalaman n'yo ngayon," paliwanag ni Uncle Snipe.

Tahimik lang akong nakaupo sa backseat ng kotse. Hindi ko maabsorb yung sinabi ni Uncle Snipe sa akin ngayon. Masyadong gumugulo ang lahat.

"Seryoso ka ba, Papa?" tanong ni Youno.

"Wag na natin pag-usapan pa ito, at hindi n'yo pa kailangan malaman ang lahat," paliwanag n'ya.

Sanay na akong kay Uncle Snipe na hindi s'ya magsasalita, pero nagbibigay s'ya ng konting information.

Sumunod si Youno sa kan'ya at nanatili lang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa isang malaking bahay. Pagbaba namin ay hindi na ako mag-iisip kung kanino iyon dahil si Youno ay agad na pumasok sa loob.

Pumasok kami sa loob at napahinto ako sa paglalakad ng makita si Youna na nakaupo sa sofa habang mayroong binabasa.

"Lever?!" gulat n'yang tanong.

Bigla s'yang napatayo ng makita ako. Kakambal nya si Youno kaya expected ko ng magkikita kami dito.

"Oh my God! Anong nangyari sa mukha n'yo?!"

Hindi ko kilala 'yung babaeng sumulpot, pero sa tingin ko s'ya ang asawa ni Uncle Snipe. Pinuntahan n'ya si Youno para i-check ang mukha.

"Someone try to bully us," sagot ni Youno.

"Sino?" tanong n'ya. "Snipe, gumawa ka ng action about this, hindi pwedeng palagpasin ito," saad n'ya pa.

Nailang ako bigla ng tumitigtig s'ya sa akin.

"I'll take care everything," sagot ni Uncle Snipe..

Nagulat ako ng bigla akong niyakap na alam kong si Aunt Younis. Kahit na pa nagpapakilala ay alam ko na dahil the way makipag-usap s'ya kay Uncle Snipe.

"Papa, anong ginagawa ni Lever dito?" takang tanong ni Youna.

"Dito s'ya magdi-dinner," sagot ni Uncle Snipe.

"Ahh!" d***g ko ng hawakan ni Aunt Younis ang mukha ko.

"I'm sorry, I got excited. You were baby when last time I saw you, and look at you now, trouble maker guy like your father."

Hindi ko alam kung papuri iyon or what.

"You're wrong, Mama. He saved me, he is not trouble maker, he's my savoir," depensa ni Youna.

"I know," nakangiting sagot ni Aunt Younis.

Hindi ako komportable sa tingin nila sa akin lalo na si Youno at parang hindi s'ya makapaniwala sa nalaman n'ya.

"Gamutin na natin iyang mga sugat n'yo," saad ni Aunt Younis at agad na nagmadali para kumuha ng mga gamot.

"Mag-uusap tayo mamaya," saad ni Uncle Snipe baka sumunod kay Aunt Younis.

Bigla akong nilapitan ni Youna kaya umupo ako sa sofa.

"Saan ka galing?" seryosong tanong ni Youno sa akin.

"Magkasama kayo tapos itatanong mo kung saan s'ya galing," sabat ni Youna.

Tumabi s'ya sa akin, pero hindi ko s'ya pinapansin.

"Mag-apply ka ba trabaho kay Papa?" tanong ni Youna.

"No," tipid kong sagot.

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko dito. Gusto ko ng umuwi dahil wala naman sa sabihin si Uncle Snipe sa akin kaya magsasayang lang ako ng oras dito.

"Or pinuntahan mo ako?" nakangiting tanong ni Youna.

"The heck, Youna! Tumigil ka," saway ni Youno.

Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan ni Youna, pero ng makita ko si Aunt Younis ay mabilis kong tinggal at tumayo na.

"Pasyensya na, Aunt Younis, pero uuwi na ako," paalam ko.

"Bakit?" tanong ni Youna.

"Dito ka na magdinner, and pwede na dito ka na matulog we have available room for you," alok ni Aunt Younis.

"Maraming salamat, Aunt Younis, pero kailangan kong pumasok sa trabaho ko," paalam ko.

"Trabaho?" takang tanong n'ya.

"Waiter sya sa isang coffee shop malapit sa school, Mama." Si Youna ang sumagot para sa akin.

Pumunta sa harapan ko si Youna. "My mama will pay your salary for a month just stay here and join us for dinner."

Iniwas ko ang tingin kay Youna at tinignan si Aunt Younis. "Mauuna na ako, Aunt Younis," paalam ko.

"Mama, wag kang pumayag!"

Maglalakad na sana ako palabas, pero si Youno naman ay hinarang n'ya ang isang kamay n'ya para patigilin ako.

"Alam kong pinalaki kang mahirap, pero don't waste my mother effort, join with us for dinner," seryosong sabi ni Youno.

Biglang nag-init ang ulo ko dahil wala namang ibang nagpalaki sa akin kung hindi ang mama ko, at parang sinisisi n'ya pa si Mama ngayon dahil sa ugali ko?

Tinulak ko ang kamay n'yang nakaharang sa daan ko at tinignan din ng seryoso si Youno sa mata n'ya.

"Don't tell me, you're gonna fight? Hey it's just a dinner!"

"Don't try to insult where my mother afford to raise me, she tried her best just to survive without luxurious lifestyle like yours," seryoso kong sagot bago ako naglakad palabas.

"Ano ka ba, Youno!" reklamo ni Youna. "Lever, wait!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Parang nagbalik si Rifle," rinig ko bago ako tuluyan na makalabas ng bahay.

"Lever, wait!" sigaw ni Youna.

Nahabol n'ya ako at hinawakan ang braso ko. "Ihahatid na kita, gusto ko lang magpasalamat sa paglilistas mo sa akin kanina," offer nya sa akin.

"Hindi na kailangan, at hindi ko kailangan ng kapalit galing sa yaman n'yo," seryoso kong sagot.

"Wag mong seryosohin ang sinabi ni Youno," pigil nya sa akin.

Tinignan ko si Youna sa mata n'ya at nilipat sa kamay n'yang nakahawak sa braso ko. Agad kong tinanggal iyon at muling tinignan si Youna sa kaniyang mata n'ya.

"Hindi ko kailangan sumabay ng dinner sa inyo, hindi natin kailangan magkita at hindi na ulit mauulit ang nangyari kanina," walang emotion kong sagot sa kan'ya.

Nilagpasan ko si Youna at nagsimula na akong maglakad palabas ng property nila. Wala akong rason para pumunta or mag stay sa lugar na ito.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Llaguno Omaña Jose
nicenice story
goodnovel comment avatar
Paulino Mateo
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status