Marry Me Or I Will Marry You
Marry Me Or I Will Marry You
Author: corasv
Chapter 1

"What?" hindi makapaniwalang bulalas ni Franki. Napatayo ito sa kinauupuang silya, kasalukuyan na nag hahapunan sila ng buo niyang pamilya.

"Maupo ka!" Utos ng ama niya.

Nanatiling nakatayo si Franki at masama ang loob na tumingin sa mukha ng ama.

"Hindi ako papayag sa gusto niyo dad!" buo ang loob na sabi niya. "Paano ako mag papakasal sa isang lalaki na never ko pa nakilala o nakita man lang."

"Kaya nga pag uusapan natin ngayon. Dahil bukas, pupunta sila dito para mag kakilala kayo ng magiging asawa mo!"

Napasimangot si Franki sa narinig na sinabi ng kanyang ama. Umabot nga siya sa edad na twenty three na never pa nag ka nobyo dahil sa sobrang higpit ng mga magulang nila, tapus ngayon ang gusto ay ipakasal na agad siya. Aba, hindi talaga siya makakapayag! Ang gusto niya ay maranasan ang totoong pag ibig sa lalaking mamahalin niya, gusto niyang maranasan ang totoong romance of love. Hindi iyong kukuha lang ng kung sino na puncho pilato sa kung saan ang kanyang ama.

"Pero dad, ano naman ang alam ko sa pag aasawa. Hindi ba puwedeng ma experience ko muna ang mag karoon ng totoong nobyo? hindi 'yong pinangungunahan mo po ang magiging lovelife ko!" Medyo napalakas 'ata ang boses niya ng mag salita dahil marahas na ipinukpok ng kanyang ama ang kamao nito sa ibabaw ng lamesa.

Napaigtad naman sa gulat ang kanyang ina at ate dahil sa ginawang iyon ng kanyang ama. Tahimik lamang ang mga ito habang silang mag ama ay nag babangayan.

"Gusto mo ng boyfriend? Iyong mapapangasawa mo, siya na ang boyfriend mo at lalaking makakasama mo habang buhay!"

Napahampas naman sa ibabaw ng lamesa ang dalaga.

"Dad, paano ko magiging boyfriend ang lalaking napili mo na never ko pa ngang nakita, tsaka mag papakasal lang ako sa lalaking totoong mahal ko at hindi sa kung sino-sino!" Iyon lang at patakbong lumabas ng kusina si Franki.

"Franki!" Malakas na sigaw ni Frederico para pigilan ang umalis na anak.

Napahawak sa kanyang noo si Frederico. Nasundan na lamang ng tingin nito ang umaakyat sa hagdan na bunsong anak.

"Kakausapin ko mamaya ang anak natin," malumanay na sabi ni Mabel. Ipinagpatuloy nito ang pagkain ng hapunan kahit na nga puno na ng tensyon sa hapag kainan.

Si Mabel Avella ang butihin na asawa ni Frederico.

"Dad, huwag mo na lang po kasi pilitin si Franki sa gusto mo, hindi naman sagot sa pagkalugi ng ating kompanya ang pag papakasal ng kapatid ko sa anak ng kumpare mo." Sabad ni Francine. Nakakatandang anak ng mag asawang Avella.

"Iyon lang ang nakikita kong paraan upang makaahon tayo sa pagka lugi ng ating negosyo. Kung hindi natin mapapapayag na mag pakasal ang kapatid mo, wala tayong choice kundi ipasara ang kompanya. At anong mangyayari saatin ha? pag tatawanan tayo ng mga tao lalo na ng mga kakilala natin." Mahabang turan ni Frederico na may galit sa boses.

Marahas na tumayo si Frederico.

"Saan ka pupunta? hindi ka pa tapus kumain." Sita ni Mabel sa kanyang asawa.

"Nawalan na ako ng ganang kumain!" sagot nito at nakapamulsang lumabas ng kusina.

Naiwan naman ang mag ina na nag palitan ng tingin. Parehong nakaramdam ng awa ang mga ito sa dalaga na si Franki, dahil ang haligi ng tahanan ang laging nasusunod at sila ay sunod-sunudan naman kahit na nga kung minsan ay labag na sa kanilang kalooban ang mga plano nito  para sa kanilang pamilya.

TUMULOY sa kanyang silid si Franki. Padapa siyang nahiga sa kanyang kama, isinubsob ang mukha sa malambot na unan at doon nag iiiyak para ibuhos ang kanyang sama ng loob sa mga magulang.

Sa buong buhay niya, naging sunod-sunudan siya sa kanyang ama. Lahat naman ginawa niya upang maging mabuting anak sa mga ito. Nag aral siya ng mabuti at nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Business Management. Iyon ay dahil na din sa kagustuhan ng kanyang ama, kahit na nga ang gusto niyang kurso ay Hotel Restaurant Management or HRM.

Tapus ngayon pati ba naman ang love life niya pang hihimasukan pa ng kanyang ama, paano na lang pala kung masamang tao ang pakakasalan niya. Mapanakit na lalaki! Hindi din magiging maganda ang magiging pag sasama nila ng hilaw niyang asawa kung maikasal sila dahil walang love na namamagitan sa kanilang dalawa.

Tumihaya siya ng higa at wala sa loob na napatingin sa kanyang closet.

Paano kaya kung mag layas na lang siya? wala sa loob na tanong ni Franki sa sarili. Napabuntong hininga ang dalaga at naupo sa ibabaw ng kama.

Tama! kung mag lalayas siya, siguradong hindi matutuloy ang pinaplano na kasal ng kanyang ama. Pero saan naman siya pupunta? Haist!

Biglang nag liwanag ang mukha ni Franki nang maalala ang kaibigan na si Angela. Doon muna siya pupunta habang nag hahanap ng matutuluyan.

Hindi na nag isip pa ang dalaga, mabilis nitong kinuha ang kanyang bagpack at nag lagay ng ilang pares na damit at mga undies niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table, mabilis na hinanap sa kanyang contact list ang numero ng kaibigan.

Kringggg...! kringg...! Kring...! Nag ring lang ang cellphone ng kaibigan niya pero walang nasagot.

"Oh please, pick up your phone, Angela!" Dasal niya.

"Hello," sagot sa kabilang linya. "Gabi na, napatawag ka?"

"I really badly need your help!" Ito agad ang sagot ni Franki.

"What?" parang gulat ang boses ng kaibigan niya. "Where are you, what happened?" sunod-sunod ng tanong ng kanyang kausap.

"Ssssshhhh... I'm in the house!" pabulong niyang sagot. Narinig niya ang pag buga ng hangin ng kaibigan.

"Hoy, Franki! tinakot mo ako. Akala ko naman kong napaano kana, tapus ang boses mo sobrang hina pa!"

"Can you pick me up, please?" Mabilis niyang sabi.

"Ano ba kasi ang problema, alam ko may dahilan kaya ka nag papasundo." Sabi ni Angela.

"Sasabihin ko sayo mamaya, basta sunduin mo na ako." Hindi pa man sumasagot ng 'oo' ang kaibigan ay pasimple na niyang binuksan ang bintana ng kanyang kuwarto.

"Madam lang kung makapag-utos!" reklamo ng kaibigan niya. "Okay i'll be there in a minute!"

Natuwa si Franki sa narinig na sinabi ng kaibigan, alam naman niyang hindi siya nito matitiis. Since elementary hanggang maka graduate sila ng college ay mag bestfriend na sila.

"Hihintayin kita doon sa kanto!" sagot niya.

"Huwag na doon baka may masamang tao ang mapadaan at gawan ka pa ng masama, hintayin mo na lang ako sa tapat ng gate ng bahay ninyo, mag memessage ako kapag malapit na ako."

"Okay, okay, okay! see you then!" Iyon lang at ine-off na niya ang kanyang cellphone.

Sumilip muna ang dalaga sa bintana, tinatantiya niya kung mataas ba ang babagsakan niya kung tatalon siya. Nasa second floor lang naman ang kanyang kuwarto at may bubong naman sa tapat ng kuwarto niya, iyon yong entrance ng bahay nila.

"Hmp! Kaya ko ito, mababa lang naman ang babagsakan ko!" Aniya.

Bumalik siya sa kanyang kama inayos niya ang mga unan, pinagmukha niyang taong natutulog. Tinakpan niya ng kumot para hindi halatang mga unan lang ang nasa ibabaw ng kama, ine-off na din niya ang ilaw at iniwang bukas ang lamp shade na hindi naman masyadong maliwanag. Hindi na siya mag iiwan ng sulat ng pamamaalam, tatawag na lang siya sa ate niya kapag nakaalis na siya ng bahay nila.

MAINGAT na lumabas ng bintana si Franki. Habol ang kanyang paghinga, dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya na baka mahuli siya ng isa sa kanyang pamilya. Kagat labi na inihakbang niya ang mga paa sa bubong.

"Meowww!" galit  na hiyaw ng pusa.

"Oh my gosh!" Nagulat si Franki sa hiyaw ng pusa. Mabilis din naman niyang tinakpan ng kamay ang kanyang bibig. "Pst! Ikaw na kuting ka, ipapahamak mo pa ako."

Hindi naman niya sinasadyang maapakan ang dulo ng buntot ng pusa, medyo may kadiliman sa inaapakan niyang bubong kaya hindi niya ito nakita. Mabilis na tumakbo palayo ang pusa na tingin niya ay naliligaw dahil ngayon lang niya iyon nakita. Dahil sa ginawa nitong pag takbo dinig ang ingay nito sa bubong.

Kasalukuyan na naninigarilyo si Frederico sa may tapat ng pinto ng bahay nila. May narinig itong kaluskos mula sa bubong. Itinapon nito sa semento ang upos ng sigarilyo at inapakan. Umalis ito sa kinaroroonan at muling bumalik sa kusina upang kunin ang flashlight.

"Ano ang gagawin mo, bakit may dala kang flashlight?" Tanong ni Mabel sa nakasalubong na asawa. Galing kasi sa sala si Mabel upang ma - check kung naisarado na ba ng kasambahay ang mga bintana sa sala.

"May sisilipin lang ako," tipid na sagot ni Frederico. Mabilis na lumabas ito ng kusina.

Nasundan na lamang ni Mabel ng tingin ang nag lalakad na asawa na papalabas ng kanilang bahay.

Nanlaki ang mga mata ni Franki nang makita ang maliit na liwanag na nag mumula sa flashlight. Nag mamadaling muling pumasok ng bintana ang dalaga sa takot na makita siya sa bubong ng kanyang ama. Sigurado siya na ang ama niya ang may dala ng flashlight, ugali na kasi iyon ng ama kapag nakarinig ng kalabog sa bubong o kahit sa labas ng bahay ay inuusisa nito.

Sa pagmamadali na muling makapasok sa loob ng kuwarto niya si Franki mula sa bintana, hindi sinasadyang nauntog ang bumbunan ng ulo niya.

"Aray ko!!!" daing ng dalaga habang hinihimas ang bumbunan ng ulo nito.

Narinig ni Franki ang tunog ng kanyang cellphone, mabilis na dinukot niya iyon sa bulsa ng suot niyang maong pants. Si Angela ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Malapit na kami ni Mang Isko sa house ninyo," tukoy ni Angela sa family driver ng mga ito.

"Okay! basta hintayin ninyo ako sa labas. Kumukuha lang ako ng tiyempo!" Aniya habang pasilip-silip sa bintana ng kanyang kuwarto.

"Ano ba kasing kalokohan ang binabalak mo?" tanong ni Angela sa kabilang linya.

"Malalaman mo din mamaya, basta hintayin ninyo ako huwag kayong mag park sa tapat ng gate dahil nasa labas si dad." Hindi na niya hinintay na makasagot ang kaibigan ine-off na niya ang kanyang cellphone at muling isinuksok sa bulsa ng suot na pantalon.

"Frank--" hindi na natapus ni Angela ang sasabihin sa kaibigan ng marinig niya ang tunog na 'tot! tot!' ng cellphone na hawak niya. "Pambihira naman, lagi na lang ako pinapatayan ng cellphone ng babae na iyon!"

Naiiling ang ulo na muling ibinalik ni Angela sa loob ng kanyang bag ang hawak niyang aparato.

"Angie, saan ako mag pa park?" Tanong ni Mang Isko sa dalaga.

'Angie' ang tawag sa kanya ng kanilang family driver na si Mang Isko short for Angela. Hindi pa sila naipapanganak ng kanyang kuya ay ito na ang family driver ng parents nila. Pamilya na kung ituring nila ang matanda.

"Bahala po kayo Mang Isko, basta huwag masyadong malapit sa gate." Sagot ni Angela.

Tumalima naman si Mang Isko. Inihinto nga nito ang minamanehong kotse sa hindi naman kalayuan sa bahay na pag mamay-ari ng pamilya Avella. Doon na nga nag hintay ang dalaga sa kaibigan nitong si Franki.

MAINGAT na lumabas nang kanilang gate si Franki habang bitbit nito sa isang kamay ang tsenilas. Pikit matang isinara niya ang gate na huwag makalikha ng kahit konteng ingay. Pero bago siya tuluyan lumayo sa gate, isang malungkot na tingin muna ang ginawa niya sa kanilang bahay.

Mamimis niya ang kanyang mga magulang. Ang ate Francine niya at ang kanyang kuwarto. S'yempre, doon siya madalas nag mumokmok kapag masama ang loob niya sa kanilang ama. Pero, kahit naman madalas na napapagalitan siya ng kanilang ama ay mahal na mahal niya pa rin ito. Hindi lang talaga niya maatim na kaya siya nitong ipag katiwala sa ibang lalaki upang kanyang maging asawa.

"Sana mapatawad ninyo ako sa ginawa kong ito." Bulong sa hangin ng dalaga.

Labag sa kanyang kalooban ang paglalayas niya. Pero, iyon lamang ang naiisip niyang paraan para matakasan ang ginawang kapalaran ng kanyang ama para sa kanya. Ang ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal.

Babalik din naman siya, pero hindi niya masabi kung kailan. Basta, nais muna niyang makalayo.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cora Vargas
Thank you bhe... Sana matapos mo, deleted ko na kasi ito sa ibang site
goodnovel comment avatar
Aileen Ramos Cojo
Te Cora, talented ka pala mg sulat ng Novel, Tatapusin ko to sa Rd ko 🙂
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status