Share

Chapter 4

"Mom. I think, this is not the right time para kausapin si Franki. Masama ang loob ng kapatid ko, kaya mas mabuti pa po na bukas mo na lang siya kausapin. " Mahabang turan ni Francine.

Napabuntong hininga si Mabel.

"Sige," tipid na sagot na lamang nito.

"Tara na mom, ihatid ko na kayo sa kuwarto niyo ni dad."

"Hindi na anak, " tanggi ni Mabel.  Maingat na muling isinara ni Mabel ang pinto ng kuwarto ng anak.

"Sige po mom, punta na ako sa kuwarto ko." Paalam ng dalaga sa ina. "Goodnight mom!"

"Sige anak. Goodnight!"

Humalik muna si Francine sa pisngi ng ina bago ito nag simulang humakbang patungo sa kuwarto nito.

Tinapunan ng malungkot na tingin ni Mabel, ang nakasarang pinto ng kuwarto ng bunsong anak. Kung may magagawa nga lang siya para pigilan ang kanyang asawa sa plano nito para sa kanilang anak. Ngunit kilala niya ang kanyang asawa, ayaw nito na nag papamando kahit kanino maging sa kanya.

Para sa kanyang asawa ito lang ang may karapatan na mag desisyon para sa kanilang pamilya dahil ito ang nag tatrabaho at nag papalakad ng kanilang kompanya, samantalang siya bilang may-bahay ay nasa bahay lamang upang tumulong sa mga kasambahay sa pag luluto ng pagkain nilang mag pamilya. Gusto niyang tumulong sa asawa pero ayaw nito, ang katuwiran nito na ang asawang babae ay dapat nasa bahay lamang upang alagaan ang mga anak at asawa.

Mabait naman ang kanyang asawa, hindi madamot. Lahat ng pangangailangan nilang mag-iina ay ibinibigay nito, iyon nga lang may pagka-ekstrikto ito at ayaw na sinusuway ang mga gusto nito.

Naiiling ang ulo na nag simula ng humakbang si Mabel, upang tumungo sa kuwarto nilang mag asawa.


ALAS SIYETE palang ng umaga gising na ang mag kaibigan, breakfast in bed sila upang maiwasan na makita sila ng kuya ni Angela.

Naunang matapos kumain si Angela, agad na hinalukay nito ang isang may katamtamang laki na kabinet kung saan nakatago ang kanyang mga wig, cosmetic at mga palamuti niya sa katawan.

Pati mga pinag-lumaan nitong mga damit kinuha na din upang ibigay kay Franki.

"Pati ba naman mga damit?" Puna niya sa kaibigan.

"Oo, para hindi mo na kailangan bumili ng mga bagong kasuotan. 'Yong sasahudin mo bilang kasambahay, iipunin mo iyon para magamit mo iyon sa maliit na business." Sagot ng kanyang kaibigan na abala pa din sa pag hahalukay ng mga ibibigay nito sa kanya.

"Hindi pa nga ako nakakaumpisa sa trabaho ko ang advance muna mag isip! Hindi pa naman sigurado na mag tatagal ako sa bahay ng kaibigan ng kuya mo."

Lumingon sa kanya si Angela.

"Inuunahan na kitang mag isip, palpak ka pa naman lagi sa mga plano mo!" prangka nitong sabi na nakangiti naman sa kanya.

Napasimangot siya sa sinabi nito.

"Grabe ka, nakaka - hurt kana!" Kunway nag tatampong sabi pa niya.

"Totoo naman kasi sinasabi ko," sagot pa nito. "Basta tanggapin mo lahat ng ibibigay ko saiyo."

"Pakiramdam ko tuloy ngayon, sobrang nakakaawa ako." Aniya.

Totoo ang sinasabi niya, kahit naman siya hindi inaasahan na mangyayari iyon sa kanya. Mag lalayas siya at mag tatrabaho bilang kasambahay, upang malayo sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ama na hindi man lang inisip ang nararamdaman niya para sa plano nitong arrange marriage para sa kanya.

Humakbang si Angela palapit kay Franki, kumakain pa din ito pero mukha naman matamlay.

"Puwede ka naman mag back out, tulungan kitang mag hanap ng trabaho." Sabi ni Angela at naupo sa gilid ng kama sa tabi niya.

Napaangat ang kanyang mukha.

"Hindi na friend, seryoso ako sa sinabi ko. Papatusin ko na ang pagiging kasambahay. Marangal naman na trabaho 'yan, basta dadalawin mo ako paminsan-minsan para naman hindi ako malungkot doon."

Umakbay sa kanya ang kaibigan. "Kahit hindi mo sabihin yan talagang dadalawin kita doon."

"Salamat friend," sagot niya.

Ang suwerte niya talaga sa kaibigan, total package kumbaga. Maganda, brainy, mayaman at sosyal pero down to eart naman ang ugali nito.

"Bilisan mo na kumain diyan maliligo pa tayo, mukhang hindi mo na kailangan bumili ng gagamitin mo pang disguise ako na ang bahala sayo!" Tila pag yayabang na sabi ni Angela na kumindat pa sa kaibigan.

"Weh?" react niya. "Hindi nga?"

"Trust me!" Sagot naman nito.

Tumayo si Angela at muling lumapit sa kabinet, kinuha ng dalaga ang mga bagay na tingin niya magagamit ng kanyang kaibigan.

Minadali na din ni Franki ang pagkain dahil naalala niya sa tuwing mag aalmusal sila dapat kumpleto silang mag pamilya sa hapag kainan. Mabibisto siyang wala sa kanyang kuwarto at kapag nag kataon, pupuntahan agad nang mga ito ang bahay ng kaibigan na si Angela. Hindi maaaring maabutan siya ng mga ito dito sa bahay ng kaibigan.

Nakahanda na ang hapag kainan sa bahay ng pamilya Avella.

Nasa hapag kainan na din ang mag asawa na sina Mabel at Frederico. Hinihintay na lang nila ang dalawang anak upang sabay na kumain ng almusal.

"Good morning mom, dad!" bati ni Francine sa mga magulang pagpasok nito sa kusina. Mukhang kagigising lang ng dalaga at humihikab pa ito.

"Nasaan na ang kapatid mo?" tanong ni Mabel sa anak.

Kumibit balikat ang dalaga, humugot ito ng isang silya at naupo. "Baka tulog pa po."

"Teresa," tawag ni Frederico sa isang kasambahay palabas na sana ito ng kusina.

Tumigil sa paghakbang ang dalagang si Teresa, kasambahay ng pamilya Avella. "Bakit po Sir?"

"Pakisuyo naman paki-gising ang Mam Franki mo, kanina pa nakahain ang pagkain hindi pa din siya bumababa." Seryosong mukha na utos nito sa kasambahay.

"Yes po Sir!" Sagot ni Teresa at tuluyan na nga itong lumabas ng kusina.

"Iyang bunso mo, nakakalimot na yata sa mga patakaran dito sa loob ng bahay." Si Frederico.

Natigil si Mabel sa pag lagay ng sangag na kanin sa plato ng asawa. "Intindihin mo na lang muna ang anak mo."

Gusto sanang sabihin ni Mabel sa asawa na masama ang loob ng kanilang bunsong anak, dahil sa disgusto ito sa plano ng kanyang asawa na maikasal sa lalaking hindi naman nito mahal. Pero mas pinili na lang niya na sarilinin iyon upang maiwasan ang bangayan sa harap ng grasya, sigurado naman siyang hindi siya papakinggan ng asawa.

Samantalang sa harap ng kuwarto ni Franki, kanina pa nakatayo sa labas ng pinto ang kasambahay na si Teresa. Makailang ulit na kumatok sa pinto si Teresa pero walang tugon mula sa loob ng kuwarto ng dalagang amo.

"Mam Franki, gising na po. Kanina ka pa po hinihintay sa kusina nina Sir!" Pero wala pa din tugon mula sa loob ng kuwarto kaya napilitan na muling bumaba ng hagdan si Teresa, bumalik ito sa kusina.

"O nasaan na si Mam Franki mo?" Agad na tanong ni Frederico sa kasambahay ng makitang nag iisa itong bumalik ng kusina.

"Hmm... kasi po Sir, kanina pa po ako kumakatok sa pinto pero hindi po nasagot si Mam Franki." Nakayukong sagot ni Teresa.

Naalarma naman si Mabel sa narinig, napatayo ito bigla.

"Ako na ang gigising sa anak natin." Ani Mabel. Hindi na nito hinintay na mag salita ang asawa.

Nagsimula na ngang mag lakad si Mabel hanggang sa makalabas na nga ito ng kusina, tumayo na din si Francine upang sundan ang ina.

Maang na naiwan naman mag isa sa hapag kainan si Frederico, nasundan nito ng tingin ang papalayo na mag-ina.


ABALA na ang mag kaibigan. Nakaupo ang mga ito sa tapat ng malaking salamin na kung saan tinutulungan ni Angela na mag disguise ang kaibigan na si Franki.

"Try mo isuot itong wig," mungkahi ni Angela kay Franki.

Tinignan niyang mabuti ang hawak nitong wig, maiksi iyon na kulay itim ang kulay.

"Kailangan ko pa ba mag suot niyan?" tukoy niya sa hawak nitong wig.

"Oo, para mas lalong hindi kana makilala ng kahit sino kahit na ang magiging amo mo." Ngiting sagot ni Angela.

"Infairness sayo friend, hindi halatang ayaw mo na mamasukan ako bilang kasambahay. Parang mukhang excited ka pa nga!"

Natatawang binatukan siya ni Angela. "Puro ka kalokohan. Ayoko siyempre, pero bilang kaibigan susuportahan kita. Kaya kung mag di-disguise ka rin lang din naman e di lubus-lubusin muna!"

Tinali ni Angela ang mahaba niyang buhok, pinaikot iyon  at pinatungan ng may kakapalan na wig.

"O ayan, bagay pala sayo ang short hair friend!" tila puri pa nito sa kanya, pumapalakpak pa ito.

Tama ang sinabi sa kanya ni Angela, bagay sa kanya ang short hair dahil nag mukha siyang mas bata kumpara sa totoong edad niya.

"Hmmm, paano ko naman maitatago ang aking totoong mukha?" Tanong niya sa kaibigan.

"Dont worry, gagawan natin ng paraan 'yan!" Sagot ni Angela. "Marami akong malalaking salamin na nakatago, naalala mo iyong araw na gumanap akong nerd sa ginawa natin na short acting workshop sa school?"

"Yeah!" sagot niya. Ang kaibigan pa nga niya ang nanalo sa ginawa nilang project sa school noong high school pa sila, gumawa kasi sila ng maikling pelikula. "Pero matagal na yon ah."

"Oo nga." Sagot nito. "Itinago ko iyong mga ginamit ko, bilang remembrance sa sarili ko. Pero ngayon ipapagamit ko sayo kaya ingatan mo ha?"

"E di huwag na, baka mamaya niyan mabasag ko pa." Tanggi niya. May pag ka clumsy pa naman siya.

"Loka! okay lang!" Ngiting sagot ni Angela. "Sandali, kukunin ko lang."

Tumayo si Angela. Kinuha nito ang isang may kalakihan na kahon na kung saan nakalagay sa loob ng malaking kabinet. Kinuha lang ng dalaga ang salamin na sinasabi nito at muling ibinalik ang kahon sa may kabinet.

"Ito na friend!" Pag mamalaking ipinakita ni Angela ang hawak na salamin sa mata.

"Baka naman lumabo ang paningin ko kapag ginamit ko yan, mukhang ang kapal pa naman."

Naupo sa tabi niya si Angela. "Ano ka ba, walang grado ang salamin na ito noh. Sa sobrang kapal nito baka hindi na makita ang pupil ng mga mata mo!"

Isinuot nito ang salamin sa kanyang mga mata, napapangiwi siya dahil inaalala niya na baka mabigat iyon.

"Magaan pala siya, akala ko mabigat." Nakangiting sabi niya sa kaibigan.

Humarap si Franki sa salamin. Tama nga si Angela, nakatulong din ang makapal na salamin upang maitago ang magaganda niyang mga mata. Pero kung 'yon mga classmate niya noong college pa siya nag mumukhang genius kapag naka suot ng clear na salamin sa mga mata, siya naman ay nag mukhang manang sa suot na salamin. Sa laki at kapal ng salamin na suot niya ay iisipin na malala na ang grado ng kanyang mga mata.

"Tanggalin mo muna ang salamin," utos ni Angela sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Hinubad niya ang suot na salamin.

"Close your eyes!" Muling utos nito sa kanya.

"Okay, their close!" Sagot niya. Iniisip niya na baka lalagyan siya ng make-up ng kaibigan.

Naramdaman niya na parang may idinikit sa kanyang mga kilay si Angela. May idinikit din ito sa kanang pisngi niya.

"Open  your eyes now!" Tila natutuwa pang sabi ni Angela. Nagustuhan nito ang ginawang pag di-disguise kay Franki.

Biglang napaatras si Frank, nang pag dilat niya ng mga mata ay magulat siya sa sarili niyang repleksiyon sa salamin.

"Hindi na nga ako makikilala pero baka katakutan naman ako ng amo ko." Natawa siya sa kinalabasan ng pag di-disguise niya.

Infairness ang galing g kaibigan niya, hindi ito nahirapan na baguhin ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng maiksing wig, may nakapatong na makapal na mga kilay sa totoong kilay niya, may fake pa na nunal sa kanang pisngi niya, nakasuot pa siya ng malaki at makapal na salamin sa mata. Mukhang iyon lang sapat na para maitago ang totoong mukha niya.

"Hindi kana makikilala ng kahit sino, hindi pa mag kakainterest saiyo ang magiging amo mo!"

"Sira!" Natatawang tinampal niya ang noo ni Angela.

"Siyempre lalaki pa din'yong magiging amo mo, ayoko naman na mapahamak ka noh!" sincere na sabi nito.

"Oh, how sweet of you naman friend!" Natutuwang niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan.

Gumanti ng yakap sa kanya si Angela. Biglang tumunog ang alarm clock na nakapatong sa side table.

"Quarter to nine na pala. Bilis, kailangan na natin makaalis." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status