Share

CHAPTER 27

ERIN'S POV

"HELLO?" 

Nagbalik ako sa reyalidad, nakita ko namang nakataas ang kilay ni Sab habang nakatingin sa akin.

"H-huh?" tanong ko sa kaniya. 

"Aish! Yung totoo? Ano na namang ginawang kabalastugan ng mga yon sayo?!" sigaw niya habang galit na nakatingin sa akin.

Wala akong balak sabihin kahit kanino. Dahil hindi pa naman ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi ni Nadia.

"W-wala naman," nakangiting sabi ko. Yung ngiting pilit. Alam ko namang alam niya na nagpapanggap lang ako.

"Hayst! Ewan ko ba sayo, Erin! Bakit ka pa nagtitiis? Hindi ko talaga maisip na aabot ka sa ganiyan. Na magtitiis ka sa isang lalaki!" sabi niya.

"Because I love him. Sab, maiintindihan mo rin ako. Pagdating ng araw na magmahal ka ng totoo. "

Actually, kanina pa talaga ako wala sa sarili. Iniisip ko yung sinabi sa akin ni Nadia. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin yon ni Syd. He loves me. Kaya naman hindi agad ako maniniwala kay Nadia.

"Hay bahala ka! Sabi mo yan eh!" sabu niya at umiling-iling pa. Hindi ko na siya pinansin.

Mula nang sinabi ni Nadia na walang amnesia si Syd, para akong binalot ng sakit. Nawalan na talaga ako ng gana bigla sa lahat. Ni hindi na nga ako napunta sa Starry dahil parang wala rin ako sa sarili.

Hindi ko namalayan na palubog na pala ang araw. Kaya minabuti ko nang magpaalam kay Sab. Nagpaalam nga ba ako? O nakalimutan ko na naman?

Sa totoo lang, maski ang kumilos nawalan na ko ng gana. Natatakot ako, natatakot ako na baka totoo ang sinasabi ni Nadia. Na wala talagang amnesia si Syd at nagpapanggap lang siya.

Hindi ko namalayan na pumatak muli ang luha ko, para bang normal na lang ang bawat luhang napatak sa pisngi ko. 

Nakarating ako sa bahay, alam kong andito sila. Pero gaya ng dati, iniwasan ko na mapatingin sa kanila. Nasa sala sila at masayang naghaharutan.

Nag-stay ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at muling ipinikit ang mata ko. Gusto ko lang timigil sa pag-iyak. Wala akong ginawa maghapon pero pagod na pagod ako. 

Ano bang dapat kong gawin? Talaga bang masaya na siya kay Nadia? Dapat ko na bang bitawan siya? Paano ako? Anong mangyayari sa akin? 

Muli kong naisip ang baby nila. Kawawa ang baby kung mag-stay pa rin ako sa daddy niya. Pangarap ni Syd na magka-anak. This is the chance to build his dream. At wala akong balak sirain iyon.

Isa lang talaga ang kailangan ko. Ang malaman ang totoo, at ipaubaya sa kanila si Syd. 

Tumayo ako at inayos ang sarili ko, bago ako bumaba. Hindi ko inaasahan na inaabangan na pala ako ni Syd sa hagdan. Nag-uusap sila ni Nadia.

May inabot siya sa aking brown envelop. Inabot ko naman iyon kahit alam ko naman ang laman. 

'Petition for legal sepearation...'

Napatingin ako at may pirma na niya agad iyon. Hindi ko alam pero napangiti ako. 

"I beg to you, sign this..." sabi ni Syd. Hindi siya galit or what. Malumanay lang ang pagkakasabi niya non.

Naiintindihan ko naman eh, kaya napangiti na lang ako at ibinalik iyon sa loob. 

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pag-ngisi ni Nadia. Bago pa siya magsalita.

"Hon, go. Talk to her," nakangiting sabi noya habang nakayakap kay Syd.

"Okay, magpahinga ka na. Masama sa baby ang napapagod at nagpupuyat ka. Wait for me okay?" sabi niya at hinalikan si Nadia sa labi.

"M-maghihintay ako... sa club house..." sabi ko at ngumiti sa kaniya bago ako lumabas ng bahay dala ko pa rin ang envelop. Hindi na ako nag-abalang mag-drive ng kotse since malapit lang ang club house. Isa pa gusto ko yung ganito. Maglalakad ako para makapag-handa na rin.

Nakarating ako sa club house. Gabi na kaya konti na lang ang tao dito. Pumunta ako sa madalas kong pagpwestuhan. Sa may dulo.

Dito lang kasi tahimik na area. The rest puro matao na. 

Umupo ako sa isang upuan at hinintay si Syd. Ilang minuto pa ay dumating na siya. Nakikita ko na papalapit na siya. Habang papalapit siya, mas lalong nalakas ang kabog ng dibdib ko. 

"Anong pag-uusapan natin?" mahinahong tanong niya. Hindi ko namalayan na andito na pala siya. Hindi ko rin alam kung bakit para bang ang hinahon niya kausapin ako. Unlike noong mga nakaraan. 

"Mahal na mahal mo talaga siya, ano?" nakangiting bungad ko sa kaniya. Walang halong ka-plastikan.

"Para saan ba ang pag-uusapan natin? Hinihintay na ko ni Nadia," sabi niya pa.

Kahit ilang beses na kong nasaktan, hanggang ngayon masakit pa rin. Kinakabahan ako, pero kailangan. Para sa ikatatahimik ng lahat.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, Syd. M-may gusto lang akong malaman. At sana sagutin mo ng totoo." Nakatingin ako sa kaniya ng seryoso sa mata. Medyo nag-iba ang expression ng mukha niya. Para siyang nagulat sa sinabi ko.

Lumapit ako sa kaniya. Nakipag-eye to eye pa ako bago ako muking nagsalita.

"T-totoo ba? Totoo bang... W-wala ka talagang amnesia?" nakatitig lang ako sa kaniya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ang totoo, kinakabahan ako. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya.

"Saan mo naman nakuha ang idea na yan?" tanong niya na medyo naiinis.

"T-totoo ba, Syd?" ulit ko. Kahit na hindi pa ako handa.

"Nag-aaksaya ka lang-"

"Totoo ba?" tanong ko ulit. Hindi ako titigil hanggang di ko nalalaman ang totoo. Bahagya siyang tumingin sa akin ng seryoso.

"So... T-totoo nga?" 

Mapakla akong ngumiti. Feel ko, triple kill ako. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Pati na rin ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko na rin madama.

"May dahilan ako, Erin!" 

Bahagya akon napa-atras habang nakatingin sa kaniya. Bago ako mapaklang ngumiti at tumingala.

Huwag kang iiyak! Huwag kang iiyak, Erin. Matatag ka right?

"N-niloko mo lang ako?" hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon.

"Ikaw ang unang nagloko satin! Erin, may satili akong dahilan kung bakit ko nagawa yon!" 

Hindi ko napigil ang sarili ko at nasampal ko siya. Hindi ko alam pero sobra na. Sobra na ang sakit na dulot niya sa akin. Hindi ko na kayang tiisin pa ang lahat 

"K-kaya ba binuntis mo siya?" seryosong tanong ko na nagpatigil sa kaniya. Maski na rin amsa akin. Sobrang sakit na. 

"Erin, no! Hindi ko sinasadyang mabuntis si Nadia! Nadala lang ako ng emosyon ko!" 

Tuluyan nang nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit. Mas masakit pa ito sa lahat. O baka may isasakit pa dito?

"G-gusto mong makaganti?" Lumapit ako sa kaniya. Seryoso akong tumingin sa mga mata niya. Bago ako ngumiti.

"You win, I give up, Syd. Sapat na ang lahat nang nalaman ko," sabi ko bago ko siya hinawakan sa mukha.

"Erin..." 

Hinalikan ko siya sa huling pagkakataon, bago ako tuluyang lumakad palayo.

"Erin, wait! Mag-usap tayo!" sigaw niya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko siya nilingon, pinigilan ko ang sarili kong bawiin lahat ng sinabi ko. 

"P-please, Syd. Hayaan mo muna ako," sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa malayo, bago ako humarap sa kaniya.

"Erin... Please?"

"P-please... L-lubayan mo muna ako, Syd. Lubayan mo na ko..." sabibko habang nakatingin sa mga mata niya na may namumuong luha.

"I'm fine... Don't worry about me, umuwi ka na at hinihintay ka na ng mag-ina mo," sabi ko at pekeng ngumiti sa kaniya bago ako naglakad palayo. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status