Share

CHAPTER 28

ERIN'S POV

Nanlalabo ang mata ko habang naglalakad sa madilim na daan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong gana sa lahat. Parang kulang na lang ay tamarin na akong huminga.

Sobrang bigat. Feel ko dala ko na ang buong universe sa bigat. Huminto ang paa ko at tumingin sa harap ko.

"Madame, Erin?!" sabi ni Manang sa akin. 

Inalalayan naman niya akong pumasok, humungad naman sa akin sa sala si Eron.

"Ate? Buti napari- Are you crying?" tanong niya nang mapansin ang mata ko.

"Can I stay here, tonight?" tanong ko. Hindi ko siya pinansin sa tanong niya.

"S-sure. But what happened?!" tanong niya ulit.

"Im fine... I just want to rest... Thank you," sabi ko at umakyat na sa taas. Wala akong gana.Gusto kong magpahinga ngayon. Masyadong masakit. Gusto ko lang ipagpahinga ang lahat. Napatingin ako sa hawak ko. Yung brown envelop. 

Muling pumatak ang luha ko, ipinatong ko iyon sa desk at niyakap ang isang unan. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit. Lahat-lahat! 

Sa bawat pagpikit ko ng mata, siya ang nakikita ko. Bigla kong naalala ang sinabi ni Sab. 

Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas. Nanghihina ako, at feel ko hindi ko kayang igalaw ang katawan ko. Sobrang sakit sa dibdib. 

Malinaw naman ang lahat sa akin. He loves Nadia. Imposible na pagpapanggap lang lahat ng nakita ko sa kanila. Hindi niya mabubuntis si Nadia kung wala siyang nararamdaman sa kaniya.

Isa lang naman ang gusto ko, ang mag-isa ngayon. Nalaman ko na, at that's enough. Tutuparin ko na rin ang sinabi ko sa kaniya.Na once maalala niya ang lahat, at ganon pa rin ang desisyon niya. Hindi na ako tututol pa.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko sa unan. Gusto ko ilabas lahat, pero hindi kaya. 

Handa na ba talaga akong pakawalan siya? Kakayanin ko bang ipaubaya siya kay Nadia? Hindi ko naman kasi naisip na maari tong mangyari. Na darating kami sa point na ganito.

"I'm tired..."

SABBEY's POV

Asa na ba yung babaeng yon? May usapan kami ah? Hindi na naman sumipot. Siguro inaway na naman yon ng impaktang si Nadia! Kung kailan importante ang sasabihin ko tsaka pa siya wala.

Gabi na, pupuntahan ko na nga lang siya. Para mabisita ko na rin si Nadia'ng impakta. Nakarating naman ako sa kanila nang makita ko sa di kalayuan ang isang lalaki na kausap si Syd.

"ANG TAWAG SAYO? GAGO!" sigaw ng lalaki sa kaniya at sinuntok siya. Wait! I know that guy! Siya yung kaibigan ni Syd! Bakit sila nag-aaway? Lumapit pa ko sa kanila para marinig sila.

"Ramn, wala ako sa mood makipag-away sayo."

"KAKAMPIHAN MO YANG KABIT MO KESA SA ASAWA MO? WAKE UP SYD! ERIN LOVES YOU! PERO GINAGO MO LANG SIYA!"

"ANG SABI KO MANAHIMIK KA NA! KASALANAN NIYA ANG LAHAT! NILOKO NIYA AKO! KAYA HINDI NIYA PWEDENG ISISI SA AKIN ANG LAHAT NG ITO!" sigaw ni Syd.

"GAGO KA! MALAKI KANG GAGO! HINDI MO MAN LANG PINAGPALIWANAG YUNG ASAWA MO BAGO KA GUMAWA NG KAGAGUHAN!" 

Medyo intense na dahil parehas silabg galit.

"PALIWANAG? KUNG SAYO NANGYARI YUN BAKA GINAWA MO RIN SA ASAWA MO!"

"HINDI AKO KASING TANGA MO, SYD! HETO! PANOORIN MONG MAIGI!" sigaw ng lalaki at binigay sa kaniyaang phone kay Syd.

Narinig ko ang mga ungol mula sa phone.

"NAKIKITA MO YAN?! MUKHA BANG SI ERIN YAN?! MAG-ISIP KA NGA SYD! NILOLOKO KA NG BABAENG PINALIT MO KAY ERIN!" sigaw pa niya.

Dahil sa sadyang tsismosa ako. Sumilip na rin ako sa video. And nakita ko doon ang video na sinend ni Erin noon sa akin. Pero this time. Malinaw na at nasa pornhub pa! Hindi iyon si Erin. Ibang iba rin ang boses ng mga tao sa video.

Nakita ko ang pagkagulat ni Syd. Maya-maya hinablot ng lalaki ang phone niya.

"Mag-isip ka!" sigaw niya bago umuwi sa kanila.

"Asan si Erin?" naiinis na sabi ko kay Syd.

Hindi niya ko sinagot at napahilamos lang.

"Erin!" pagtawag ko pero nagsalita si Syd.

"She's leave..." laking gulat ko nang makita ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Fuck! I need to talk to my wife!" sabi niya at dali-daling nag-drive. 

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. At wala dito si Erin. Where is she? For sure kay Eron lang ang punta non.

For now, hahayaan ko muna siya. She need space sa lahat ng nangyayari sa kaniya. Kailangan niya mapag-isa at makapag-isip.

Bigla akong naawa sa kaniya. I witness all her suffering. Kung paano siya nasaktan. Kahit di siya sabihin, I know her. Masakit iyon as a wife.

Hindi ko siya masisisi. Dahil never pa ko nagmahal ng seryoso. She's changed for her husband. Inalis niga lahat ng mga bad habbits niya. Kaya for sure, she love him so much. Kaya napakasakit non. Gusto ko man siya puntahan, pero alam kong hindi niya rin ako haharapin. Hihintayin ko na lang na humilom ang sugat niya para makwento niya ang lahat. 

Sa ngayon, hahayaan ko muna siya. Since di ko siya nakita. Idadaan ko na lang ito sa Starry. Ilang gabi rin niya iyon di dinalaw at pumunta doon. Kaya alam kong hindi siya okay nung panahon na hindi ko siya makausap ng matino. Alam kong may bumabagabag sa kaniya bukod sa kabit ng asawa niya.

Pumasok na lang ako sa starry at dumiretso sa office niya. Tatawagan ko na lang siya kapag okay na ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status