Share

CHAPTER 30

ERIN'S POV

"Giiirrll! Syet! Nagpakita ka rin!" sigaw ni Sab sa akin.

Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Kamusta? Hindi ka nagparamdam! Nakakainis ka!Halos mabaliw na ko kakaisip kung asan kang lupalop ng universe nagtago!" sabi niya pa.

"Sira ka!" natatawang sabi ko. Tumigil naman siya at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"May sakit ka ba? At tumatawa ka?" sabi niya.

"Ewan ko sayo!" sabi ko bago siya tinarayan.

"Seryoso ka talaga? Natawa ka na?" Para pa rin siyang may sayad na chi-ne-check ako.

"Gusto mo magkasakit, Sab?" tanong ko sa kaniya.

"Nagtatanong lang naman eh, kasi isang himala na natawa ka ngayon," sabi niya sa akin.

Sabagay, hindi ko siya masisisi kung makikita niya akong nakangiti ngayon. Samantalang panay iyak at sumbong ko sa kaniya noong huli naming pag-uusap.

"Buntis pala iyon si Nadia? Hindi mo man lang sinabi!" sabi niya pa.

Ngumiti lang ako. Ayoko sana pag-usapan pa eh.

"Sorry... Eh kasi naman, hindi ako sanay. Okay ka na ba talaga?" seryosong sabi niya.

Ngumiti ako sa kaniya bago nagsalita.

"Actually, hindi pa talaga. Pero magiging okay rin naman ako hindi ba?" sabi ko sa kaniya.

"Oo naman! Ikaw pa ba? Si Erin ka eh!" sabi niya pa.

"Isang shot nga diyan!" dugtong niya 

Aangal sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"Oh? Huwag mo kong tatanggihan! Napakatagal mong nawala!" sabi niya pa.

Hindi na ko nagsalita pa. Sabagay, wala naman na ang magagalit. Isa pa, ngayon na lang ulit ako mag-iinom ng malaya.

Lumabas kami ng office ko at hinarap ang napaka-ingay na tugtugin. Parang bumalik ako sa dati. Hinayaan kong magpakalunod ako sa alak. Kumuha ako ng yosi bago ko sinindihan iyon.

Nakita ko namang nakangiti lang si Sabbey sa akin. Napaka-drama talaga ng babaeng to. Well, siya kasi yung nakasaksi ng lahat ng paghihirap ko eh.

"Welcome back, Eiss Erin Xcyl Vidales!" sigaw niya pa. Kahit lasing ako hindi ko naiwasan na masaktan. 

I forgot. Wala na pala ang Fournier sa pangalan ko. I already signed the paper. Napangiti na lang ako at hinayaan na magpakalunod sa alak. 

________________________________

"WHAT?! SERYOSO NA TALAGA GIRL?" gulat na tanong ni Sabbey.

Actually, kararating ko lang galing sa Airline ng La Fournier. As I expected, hindi pa nila alam na hindi na ako ang asawa ng CEO ng Airline nila. Kasi pagpasok ko pa lang doon, may special treatment agad kaya mabilis lang rin akong nakauwi.

"Girl naman! Pwede ka naman dito lang sa Pinas mag-move on eh!" sabi niya pa.

Kahit ako, ayoko sana. Kaso mas makakabuti kung uuwi akong Spain. Alam na rin naman ni Eron to. At support niya pa nga ko. Dito lang kay Sabbey. Mukha iiyak pa ata.

"Alam mo bang natutuwa na ko noong hindi kayo natuloy ni Syd sa Spain? Tapos ngayon aalis ka?" sabi niya pa.

"Sab, maiintindihan mo naman ako di ba?" sabi ko naman sa kaniya.

"Nakakainis ka naman eh! Kaya pala pumayag ka mag-bonding kagabi! Dahil plano mo pa lang umalis!" 

Natatawa ako sa kaniya. Hindi naman ako titira doon ng matagal. Hanggang sa maka-move lang ako. Uuwi rin naman ako kapag okay na ko. Well, oo nga medyo matagal siguro. Pero babalik pa rin naman ako dito. This is my hometown. 

"Aish! Nakakainis ka talaga! Pasalamat ka love kitang babaita ka! Mag-iingat ka doon ah?" sabi niya at niyakap ako.

Kahit kailan talaga, iyakin tong babaeng to. Nung umalis nga siya hindi ako nagalit eh.

"Ill be back. Naka-usap ko na si Eron. He handle na Starry. So alam mo na?" sabi ko sa kaniya.

"Hay nako, Erin! Tigilan mo nga ko sa pagma-match kay Eron!" sabi niya at umisnob pa.

"Bakit ka ba galit na galit?" Napangiti ako nang magsalita si Eron sa likod ni Sabbey.

Halatang nagulat si Sab at tinignan ako ng masama.

"Oh bakit?" pagmamaldita niya.

"Ikaw pa lugi? Sa gwapo kong to?" 

"Yuck! Kabahan ka ng sa sinasabi mo!" sigaw niya kay Eron.

"Bagay kayo..." sabi ko at ngumiti.

"Yuck! No way, Erin! Ayokong maging hipag ka!" sigaw niya na ikinagulat ko.

"So, okay lang sayo na asawahin si Eron?" natatawang sabi ko.

"Napaka-ingay ng bunganga mo. Pwede bang tumahik ka kahit saglit?" sabi ni Eron sa kaniya.

"Edi magtakip ka ng tainga! Problema ko ba yon?"

Napailing na lang ako sa kanila. Masyado silang nagpapahalata na gusto nila ang isa't-isa.

"Nga pala ate, pakisabi kay Shun. Dumalaw siya rito." 

"Kapag nagkita kami. For sure naman, sasama sa akin yon pag-uwi ko dito." 

"Kailan pala ang alis mo?" tanong ni Sab sa akin.

"By thursday..." sabi ko. Hinahanda ko na ang sarili ko dahil for sure sisigaw yan si Sab.

"WHAT?! SA THURSDAY?! AS IN THIS WEEK?!" sigaw niya. See? Sabi ko na eh.

"Girl! Tuesday ngayon! Oy! Wag kang ganiyan!" sigaw niya pa.

"Sorry na. Eh kasi naman para mabilis ako makauwi di ba?" pagpapalusot ko sa kaniya.

"Argh! Nakakainis ka naman eh! Basta mag-iingat ka doon! Mag-uwi ka ng papa dito ah?" sabi niya pa.

"Anong gagawin mo sa papa?" sabi ni Eron.

"O bakit selos ka?" 

"Ilang papa ba gusto mo? Okay na ba si Pope Francis?" tanong ko sa kaniya.

"Gaga! Sa Spain ka! Hindi sa Italy!" sigaw pa niya.

Tumawa lang kami. Ang totoo, hindi ako sa Spain uuwi. Sa France ako ngayon. Doon ang mag-stay ng ilang taon. Ayoko lang sabihin sa kanila dahil marami na namang katanungan sa isip na na kailangan kong sagutin. Nakakapagod lang.

For now, I need to pack my things. Im ready to leave all the pain here. And I hope, I get well soon.

I leave for good. I stay there to start my new life again without Syd, without pain, and my feelings are gone. 

Im happy na na-experience ko ang lahat ng iyon, dahil hindi ako magiging matatag ngayon. Mananatili iyon hangga't nabubuhay ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status