Share

EPILOGUE

FIVE YEARS LATER...

"MOMMY! DADDY!"

Hinahanap ko si Kyre dito sa Mall, andito lang siya kanina. Palibhasa ayaw pumasok sa watson. Kaya naman iniwan ko siya dito. Pero saan naman siya pumunta? 

"M-mommy!! D-Daddy!!" Napahinto ako ng madaanan ko ang isang batang babae na naiyak sa gilid ng watson. 

"Hey? What happened?" tanong kosa bata at umupo para magkapantay kami.

"Hindi ko po makita si Daddy." Nagulat ako dahil nakakaintindi pala siya ng tagalog. Well, nasa Pilipinas pala ako.Mukha naman kasi siyang mayaman. Kaya for sure englishera siya.

"What's your name?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin pa siya na para bang natatakot.

"Don't be scared. I will help you to find your mommy," nakangiting sabi ko.

"I'm Jariah, ate..." sabi niya pa.

"I'm Erin..."

Ngumiti ako, naalala ko yung pangalan na yan. Yan din yung pangalan na gusto ni Syd sa magiging anak namin. 

Pumunta kami sa guard para sana ipa-announce na andito siya. Maya-maya lang ay in-announce naman iyon ng isang babae. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago ko narinig ang isang boses ng lalaki sa likod ko.

"Jariah! baby!" 

Para akong binuhusan sa narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ni Syd. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. 

"Daddy!" Lumapit sa kaniya ang batang babae.

"You're safe! Thank you!" sigaw pa ni Syd. 

Hindi ko alam kung haharap ba ako o maglalakad na lang palayo. Matagal ko na itong pinaghanadaan. Kung sakaling makikita ko sila dito sa Pinas. 

"Baby! Gad! You're safe!" 

Maya-maya ay narinig ko ang boses ng isang babae, I know her. Si Nadia iyon.

"Daddy, Mommy, ate ganda help me," sabi niya pa.

"Miss? Thank you for saving my daughter," sabi ni Syd.

Dahan-dahan akong lumingon. At nakita ko ang mukha nila na nagulat na rin. Nanatili akong nakangiti sa kanila.

"E-Erin..." sambit ni Syd sa akin habang hindi siya makapaniwala. 

Ngumiti ako sa kanila. At muling humarap kay Jariah.

"Be a good girl okay?" sabi ko sa kaniya. Tumango lang naman siya.

"Erin!" napalingon naman ako nang tawagin ako ni Kyre.

Lumapit siya sa akin at napatingin rin siya kina Syd.

"Salamat..." sabi ni Syd.

"We have to go. Nice to see you again," sabi ko sa kanila, lumingon ako saglit kay Syd at tinitigan siya bago ako tuluyang lumakad palayo.

Nang makalayo, ay muli akong lumingon. Nakatalikod silang tatlo sa akin, karga ni Syd si Jariah. Habang naka-holding hands naman si Nadia at Syd. They look happy family. 

Eight years ago, mula nang bumuo kami ng pangarap ni Syd. 

It was six long years past when I chose to leave and tried to accept everything. Six years had past when I tried to forget everything and move on, and it's been six years when I got tired and give up on him.

And now? He already built his own family. Nabuo na niya ang pangarap namin sa ibang babae. And I'm happy for him. Dahil nahanap na niya kung saan siya sasaya. At kina Jariah at Nadia iyon. Sa mag-ina niya.

"Let's go?" Nagbalik ako sa reyalidad nang magsalita si Kyre.

Ngumiti lang ako bago ako kumapit sa braso niya. Mas pinili kong piliin kung anong sa tingin ko ang tama. Ang makakabuti sa bagong pamilya niya. 

Hindi ko siya pwedeng habang buhay hawakan. Hindi lahat ng gusto ko ay pwede kong gawin. Dahil kahit may kalayaan tayo, hindi mo pa rin pwedeng magawa lalo na kung hindi talaga kayo para sa isa't-isa. 

Napangiti na lang ako. Im happy with my life now. Masakit man ang nakaraan ko, hindi pa rin ako pinabayaan ng diyos. Binigyan niya ako ng chance para maging masaya.

Im contented on what I have and that's enough.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status