Exchanged Heart
Exchanged Heart
Author: Cora Vargas

Chapter 1

KATATAPOS

lang nang meeting ni Hannah, para sa upcoming romance movie at dapat ay siya ang bidang babae sa pelikula. May mga ilang shoot pa silang gaganapin sa ibang lugar sa probinsiya ng samar. Hindi umattend sa meeting na iyon ang kanyang nobyo na isang sikat din na male aktor sa kadahilanan na masama daw ang pakiramdam nito.

Paglabas niya ng silid na iyon ay agad naman siyang sinalubong ng kanyang make-up artist na si Danica Torres. Akma siya nitong papahiran ng lipstick sa labi ng pigilan niya ito.

"Danie, wala tayo sa shoot." Saway niya dito. 'Danie' for short, siya lang ang tumatawag 'nun sa dalaga. Kaibigan kung ituring niya ang kanyang make-up artist.

"Bakit po Miss Hannah, sandamakol na naman ang face mo?" Usisa nito sa kanya habang sinasabayan siya nitong maglakad sa hallway.

"Paano ba naman kasi, gusto nilang palitan ang role ko sa ipapalabas na bagong movie namin ni Froilan."Tukoy niya sa nobyo.

Isa pa sa kinaiinisan niya, pumayag naman si Froilan sa gagawin na pag babago sa magiging role niya. Hindi man lang nito nabanggit sa kanya. Silang magkasintahan ang bida sa upcoming  romance movie  nila na 'SUMMER LOVE'. Tapos ngayon, ang mangyayari magiging kontrabida na siya at ang magiging bida ay ang actress na si Maricar Suncio.

Maricar Suncio - Isang sikat na actress sa kabilang network. Lumipat ito sa TVC Network na kung saan ay doon sila nag tatrabaho ng boyfriend na si Froilan Dantes.

Froilan Dantes - Popular male actor. Hunk and handsome at matangkad. Fifteen years na ito sa larangan ng pag-aartista, nauna ito sa kanya ng six years. Almost three years in relationship na din sila ng nobyo, kahit na nga parang siya lang ang nag e effort na mapatagal ang relasyon nila.

Sa sobrang pagmamahal niya sa nobyo nagmumukha na siyang aso na sumusunod dito. Sa mga nag daan na anniversary nila bilang mag kasintahan, siya ang madalas na gumagawa ng surprises para sa binata na sinusuklian lang nito ng halik para mawala ang tampo niya dito. As usual, dahilan na naman nito ay abala sa mga project, etc.

Maganda at sexy naman siya. Fil-am siya, half pinay-half american. Pero lumaki siya na hindi man lang nasilayan ang mukha ng kanyang ama, pero may ina naman siya na sobrang mahal na mahal siya.

She was only seventeen nang makuha bilang model sa whitening product nang kilalang kompanya. Model din siya sa ibang mga gym clothes, sa isang sikat na clothing company bago pa man siya makuha bilang isang artista. Sa umpisa, pa extra-extra lang siya hanggang sa makilala na siya sa industriya sa larangan ng pelikula.

"Pauwi ka na po ba Miss Hannah?" Tanong sa kanya ni Danica.

"Hindi. Pupuntahan ko sa condo niya si Froilan." Sagot niya.

"Gusto niyo po ba na samahan ko na ka-"

"Huwag na." Pigil niya sa sasabihin nito. "Pakisabi kay Allan, bukas na lang kami magkita."

Si Allan Mendoza naman ang kanyang stylish na bading, na mahilig magsuot ng mga dangling earing na sayad na sa balikat nito.

"Sige po Miss Hannah." Sagot ni Danica sa kanya.

"Sige na, maiwan na kita." Paalam niya dito.

Tinungo na nga  niya ang kanyang kotse. Nang makasakay na siya ng kotse ay sumilip pa siya sa bintana para kawayan si Danica na nakatanaw naman sa kanya. Ibinababa na niya ang salamin ng bintana at ine-start na ang engine ng sasakyan at pinaharurot na iyon palayo sa lugar na iyon.

NASA tapat na si Hannah nang condo ni Froilan. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyan bumaba ng kanyang kotse. Kokomprontahin niya ang nobyo dahil sa pag payag nito na palitan siya bilang kapareha nito, hindi lang iyon, dahil hindi man lang nito ipinaalam sa kanya. May susi siya ng condo ni Froilan kaya hindi na siya kumatok.

Sumilip muna siya sa loob ng condo, tahimik at parang walang tao. Pero nakita naman niya ang sport car ng nobyo na naka park sa garahe, malamang hindi ito umalis dahil sabi nito sa kanya kaninang umaga na masama daw ang pakiramdam nito.

Maingat siyang pumasok sa condo.

"Froi?" tawag niya sa pangalan ng nobyo. Walang sagot. Sumilip siya sa kusina, wala din ito doon. Napasulyap siya sa hagdanan kung saan naroon ang kuwarto ng binata.

Maingat ang hakbang na ginawa ni Hannah. Napasulyap siya sa suot na wrist watch, alas kuwatro pa lang ng hapon. Totoo nga siguro na masama ang pakiramdan ng nobyo dahil mukhang tulog ito sa loob ng kuwarto nito.

Sinundan ni Duwayne ang babae hanggang makapasok na din siya sa condo na iyon. Kilala niya ang babae, si Hannah Lindsey. Isa din sa mga sikat na artista, ang girlfriend ni Froilan Dantes. Paalis na sana siya kanina nang matanaw niya itong lumabas ng building.

Ayon sa mga kaibigan niya, nakita daw ng mga ito ang nobya niya na nasa isang club at may kasamang male actor na walang iba, kundi si Froilan Dantes. May kumakalat din na mga larawan na lagi magkasama ang  dalawa, hindi niya iyon pinansin dahil magkasama ang dalawa sa upcoming romance movie nito. Ayon pa sa girlfriend niya, ganoon daw ang buhay showbiz na pilit naman niyang inintindi dahil sa pag mamahal niya dito. Pumunta siya sa TVC Network para kumpirmahan  kung totoo ba ang kanyang nalaman, parang hindi naman na kasama sa trabaho ang magsama ang dalawa sa isang club.

Kakatok na sana sa pinto si Hannah, nang makarinig siya ng mga ungol mula sa loob ng kuwarto. Napakunot-noo siya.

Napasulyap siya sa kanyang likuran, dahil para ba'ng may naramdaman siyang mga mata na nagmamasid sa kanya. Isang matangkad na lalaki ang kanyang nakita, sisigaw sana siya dahil sa gulat pero agad naman na natakpan nito ng isang kamay ang bibig niya.

"Hindi ako masamang tao." Bulong nito sa kanya. Tinanggal nito ang kamay na nakatakip sa bibig niya.

"Sino ka?" Nagawa pa tanungin ni Hannah ang lalaki. Hindi siya nito sinagot.

Nagkatinginan silang dalawa dahil sa sunod-sunod na ungol na  pareho nilang narinig.

"Oooohhhh...." Boses babae. Napahumindig siya sa kinatatayuan. May kasamang babae sa kuwarto nito si Froilan. Hindi lang basta may kasama, parang may milagro pa itong ginagawa kasama ng malanding babae na panay ang ungol.

Mariin naman na naikuyom ni Duwayne ang mga kamay. Kilala niya ang boses ng babae na nasa loob ng kuwarto na iyon, ganitong-ganito ang nobya niya kapag nag me- make-love sila. Pakiramdam niya para siyang bulkan na anumang oras ay sasabog na siya dahil sa nadaramang galit.

Hindi na nakatiis si Hannah. Pinihit niya ang doorknob, hindi iyon naka-lock. Binuksan niya ang pinto. Nakita niya si Froilan na may kaulayaw sa ibabaw ng kama nito, tuloy sa pag indayog sa ibabaw ng nobyo niya ang babae. Mukhang hindi sila namalayan ng dalawa.

Pilit niyang pinaniwala ang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita. Panay ang bulong niya sa kanyang sarili na hindi talaga nangyayari ang eksena sa kanyang harapan. It was just a dream, a very bad dream. She'll wake up anytime soon ...

Ngunit bakit hindi mawala sa paningin niya ang dalawa? Bakit ramdam niya ang kirot  sa puso niya? Kailan matatapos ang masamang panaginip niyang iyon?

"Stop!" Halos hindi niya namalayan na tumili siya. Parehong nagulat ang dalawa, naitulak pa ni Froilan ang babae na nasa ibabaw nito. Tumili pa ang babae dahil bumagsak ito sa lapag. Humarap sa kanya ang babae, para siyang natuklaw ng ahas ng makilala ito. "Maricar!"

"H-hannah." Nanlalaki ang mga mata na sambit ni Froilan. Mabilis na isinuot nito ang dinampot nitong brief sa lapag. Mabilis itong nakalapit sa kanya, yayakapin sana siya nito pero isang malutong na sampal ang binigay niya dito.

"P-paano mo nagawa saakin ito, ha?" Hindi niya napigilan ang mga luhang umalpas sa kanyang mga mata. Niyakap siya nito ng mahigpit, pinagsusuntok niya ito sa dibdib. Para ba'ng sa paraan na iyon ay maibsan ang galit, sakit at sama ng loob niya dito. "Let go of me! you're disgusting!"

"I'm sorry," usal ni Froilan habang hinahawakan nito ang dalawa niyang kamay.

"Sorry, that's it?"

"It's nothing!" Parang ito pa ang galit sa kanya.

"It's nothing?!" ulit niya sa sinabi nito. "Ganoon na lang 'yon? Ito ba ang sinasabi mo saakin na may sakit ka? Ang makipag lampungan sa malanding babae na yan!"

Lalapitan sana ni Hannah ang babaeng kaulayaw nito, pero natigilan siya. Nakita niya mahigpit na hawak ito sa isang braso ng nakita niyang lalaki kanina. Naririnig niya ang bangayan ng dalawa, ibig lang sabihin pareho sila ng lalaki na biktima ng mga taksil na kasintahan nila.

Lumapit sa kanila ni Froilan ang lalaki, nagulat siya. Bigla nitong hinaklit sa braso si Froilan at inundayan ng suntok sa mukha.

"Eeeehhh!" Tili ni Hannah. "Tama na yan, ano ba!"

Hindi niya alam kung sino sa dalawa ang pipigilan niya, nakita niyang gumaganti na din ng suntok si Froilan sa lalaking hindi nila kilala. Nakita niya ang paglapit ni Maricar sa dalawang lalaki na nag papalitan ng suntok. Nangangati ang mga kamay niya na sabunutan ito pero pinigil niya ang sarili.

"Ano ba, Duwayne. Tama na!" Sigaw na pigil ni Maricar sa nobyo. Hindi ito pinansin ni Duwayne, pero binitiwan naman nito si Froilan.

"Walang hiya ka! may girlfriend kana, hindi kapa nakontento. Pati girlfriend nang iba, tinikman mo!" Sigaw pa nito kay Froilan na hindi naman nakapagsalita.

Hindi alam ni Hannah kung maaawa ba siya sa nobyo dahil dumugo ang gilid ng labi nito, o matutuwa siya dahil deserved nito ang masaktan ng lalaking inipotan sa ulo ni Maricar.

Nakita niya ang pagtalikod ng lalaki kay Froilan. Nakasunod dito si Maricar na mabilisan na isinuot ang damit. Tumigil sa harapan niya ang lalaki, para nang mansanas sa pula ang mukha nito. Pinakatitigan siya nito sa mga mata at bigla siyang hinalikan sa labi.

Hannah was surprised that the man had kissed her. Nanlaki ang mga mata niya! Bago pa niya ito maitulak ay pinakawalan na siya nito. Habol naman niya ang paghinga dahil sa ginawa nitong paghalik sa labi niya.

Nagulat din sina Froilan at Maricar sa ginawang iyon ni Duwayne.

Isang mapaghigante na halik. Dahil siguro sa ginawa ni Froilan sa nobya nito, pero hindi naman siya ang may atraso dito kundi ang taksil niyang nobyo!

Nakita niya na humabol si Maricar sa lalaking lumabas ng kuwarto na iyon. Naiwan naman silang dalawa ni Froilan sa kuwarto nito. Lumapit sa kanya si Froilan, parang hindi naman ito naapektuhan sa ginawang paghalik sa kanya ng estranghero na lalaki na iyon.

"Hannah, i'm sorry. Hindi ko sinasadya. Believe me, I didn't mean to. I was just tempted." Pagsisinungaling pa nito sa kanya.

Pagak siyang natawa. Paanong hindi sinasadya? Ano 'yon, magic? Kusang nakapasok sa kuwarto nito si Maricar? Buti sana kung kissing scene lang ang nakita niya, she caught him having sex with other woman.

She looked straight into Froilan eyes.

"Do you really love me?" she asked.

Hindi siya nito sinagot. Umiwas ito ng tingin sa kanya. May bahagi sa puso niya na alam niyang mahalaga din siya dito, na hindi siya nito gustong saktan. Ilan sa mga kaibigan niya ang nagtatanong sa kanya dati, kung kailan siya susuko at titigil sa pakikipag relasyon kay Froilan. Dahil kahit ang mga ito napapansin ang hindi magandang pagtrato sa kanya ni Froilan kahit na nga sa harap ng kamera. Ang madalas niyang sagot sa mga kaibigan ay 'never'. She was convinced na mamahalin niya si Froilan until the very end. Ngunit hindi niya inakala na darating pala ang araw na magigising na siya sa katotohanan, na mapapagod siya, na susuko na siya.

Narinig niya ang pagtikhim ni Froilan pero wala pa din sagot sa tanong niya.

"You don't love me," siya na mismo ang sumagot sa tanong niya. Muli siyang napaluha, mapait na pilit siyang ngumiti.

Hanna nodded. Kahit naman hindi nito sagutin ang tanong niya, she already knew the answer. In fact, she had known the answer for a long time, she just couldn't accept it. She didn't want to give up, makulit lang talaga ang kanyang puso. Patuloy siyang umaasa na mahalin din siya ni Froilan gaya nang pagmamahal na ipinakita at ipinadama niya rito.

"Mahalaga ka saakin, Hannah." Sabi ni Froilan.

She smiled. Her smile was full of bitterness. "Wala ka na ba ibang sasabihin saakin?"

Froilan shook his head.

Ano pa nga ba ang inaasahan niya na sasabihin nito sa kanya? Na sabihin nito na mahal na mahal siya nito?

"Fine! Let's end this relationship!" Tumalikod na siya. Umalis siya sa condo ni Froilan na wasak na wasak ang kanyang puso.

 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Terex Mercado
Manloloko pala ehh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status