Chapter 2

GALIT na inihampas sa table ng film producer na si Lady Z ang hawak nitong script na romance movie na pag bibidahan nina Froilan at Maricar. Napaigtad naman sa gulat ang ibang cast nang 'Summer Love'. May mga ilan pa'ng scene na kukuhanan sa ibang lugar, pero hindi iyon agad magawa dahil hindi sumipot si Hannah sa last call meeting nila.

"Rebecca." Tawag ni Lady Z sa talent manager nina Froilan at Hannah. "Anong oras na? Bakit hindi pa din nag paparamdam ang alaga mo na si Hannah?!"

"Hindi ko pa din po siya makontak. Wala din po siya sa condo niya." Sagot naman ni Rebecca, nakatingin ito kay Froilan na tahimik lang. "Mamaya po kakausapin ko ang mga alaga ko, Lady Z."

"Dapat makausap mo na si Hannah, marami nang kumakalat sa social media na nag back-out na sa upcoming romance movie ang alaga mo, dahil hindi na ito ang magiging bida." Singit ni Derek Mateo Babas.

Lihim na napasimangot si Rebecca. Isa din iyon sa tinitignan niyang dahilan kung bakit hindi sumisipot sa mga meeting nila ang alaga niya. Umasa ito, na siyang maging bidang babae sa 'Summer Love' na malapit ng ipalabas.

Hindi na din naman nag tagal ang meeting na iyon. Pasimpleng sinenyasan ni Rebecca ang male talent nito na si Froilan Dantes. Isinama niya iyon sa kanyang opisina para makausap ng masinsinan.

"Ano ba talaga ang totoong nangyari sa girlfriend mo?"  Agad na tanong ni Rebecca kay Froilan. 

Hindi sumagot si Froilan. Napatalungko ito sa ibabaw nang table ng kanyang talent manager.

Marahan na tinapik ni Rebecca ang mukha ng binata. "Answer my question."

"Hannah, caught me with Maricar in bed." Pag-amin ni Froilan. 

Biglang tayo si Rebecca dahil sa narinig.

"What?" Para naman biglang umusok ang mga butas ng ilong ni Rebecca sa narinig. "You cheated on her?"

"Not like that." Agad na sagot ni Froilan. "Tsaka alam mo naman Ms. Becca na wala na akong pagtingin kay Hannah. Kayo lang naman ang nag pupumilit na ipagpatuloy ang  pakikipag relasyon ko sa kanya, dahil sa love team na binuo ninyo saamin dalawa."

Napasapo sa kanyang noo si Rebecca. Muli itong naupo sa swivel chair nito.

"Hindi ka ba nag aalala sa magiging career mo, ha?" sermon pa ni Rebecca sa binata.

"Bakit naman ako mag-aalala?" Balik na tanong ni Froilan sa kanyang talent manager. Bahagya pa itong tumawa. "Nasa larangan na ako ng showbiz bago ko pa nakilala si Hannah, ibig lang sabihin dahil saakin kaya din siya sumikat."

"Ang love team ninyo ni Hannah ang minahal ng mga fans ninyo." Gusot ang mukha na turan ni Ms. Rebecca.

"She's nothing. Ako ang minahal ng mga tao, kaya kahit mag solo pa ako, sisikat ako." Tiwala sa sariling sagot ni Froilan. "Kahit nga hindi siya kasama sa cast ng 'Summer Love', alam kong maraming magmamahal at manonood sa pelikulang iyon. Lalo na at si Maricar na ang makakapareha ko, sikat na artista na nang galing pa sa kabilang network."

PUMALAKPAK si Hannah sa narinig na sinabi ni Froilan. Malinaw na sa kanya na hindi na nga siya mahal ni Froilan. At ang sakit non! Abala ang dalawa sa pag-uusap kaya hindi siya namalayan ng mga ito na nakapasok na siya sa opisina ni Ms. Becca. Short for 'Rebecca'.

Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa.

"Hannah, you're finally here!" Abot tainga ang ngiti ni Froilan nang tumayo ito para sana salabungin siya nang yakap, pero tinabig niya ang mga braso nito.

"Buti naman nandito kana Hannah." Nakangiti din sa kanya si Ms. Becca. Tumayo ito at nag beso-beso sila. "Maupo ka."

"Hindi na po, Ms. Becca." Seryoso ang mukha na tanggi niya. "Tingin ko naman, hindi na ako kailangan sa mga cast ng 'Summer Love'. Puwede na akong mag quit."

Biglang tayo si Ms. Becca sa sinabi niya.

"Hindi ka puwede mag quit. Malapit na matapos ang shooting ninyo, magagalit si Direk. Dahil marami na naman uulitin!"

"I dont care!" Mataray niyang sagot. Hindi pa hundred percent ang kanyang desisyon na iwan na ang showbiz, pero dahil sa mga narinig niyang pag-uusap kanina ng kanilang talent manager at ni Froilan naging biglang hundred percent na iyon. 

Alam naman niyang may kayabangan ang ex-boyfriend niya. Pero hindi naman niya akalain na sasabihin nito na ito ang dahilan kung bakit pati siya ay nakilala sa larangan ng showbiz. Aba! nag sikap din kaya siya, dugo at pawis ang isinugal niya para lang mahalin siya ng mga tao, nang kanilang fans. Hindi na nga siya nito mahal, tapos parang gusto pa nitong palabasin na may utang na loob pa siya dito. Aba! Kota na sa kanya si Froilan.

"Hmm... Hannah, baka naman puwede isantabi mo na lang muna ang naging problema ninyo ni Froilan. Sayang itong project na ito." Si Ms. Becca.

"Hindi ko pa naman nakukuha ang talent fee ko. So, puwede pa akong mag back-out. Nagawa nga ninyong palitan ang role na dapat na para saakin ng hindi niyo man lang agad saakin sinabi." Ani Hannah. Sinulyapan niya ang natahimik na si Froilan. "Lalo ka na Froilan. Masyado ka'ng makasarili, sana nga lang mag dilang-anghel ka sa mga sinabi mo na maraming magmamahal sa pelikula mo!"

Sasagot pa sana sa kanya si Froilan pero sinenyasan ito ni Ms. Becca na manahimik.

"Hindi nga puwede ang gusto mo mangyari Hannah." Muling kinumbinse ni Ms. Rebecca si Hannah.

"Ms. Becca, kahit naman wala na ako sa cast ng 'Summer Love' matutuloy pa din naman ang pelikulang iyon." Sagot niya at pasuyang sumulyap sa tahimik na si Froilan. "Im nothing! Baka nga tama si Froilan, siya ang dahilan kung bakit maraming manonood sa pelikulang pag bibidahan niya."

Iyon lang at binirahan na niya nang alis. Narinig pa niya ang pagtawag sa pangalan niya ni Ms. Becca pero hindi niya ito nilingon. Makailang beses kumurap si Hannah para pigilan ang luhang gustong umalpas sa kanyang mga mata. Artista siya, kaya nagawa niyang pagtakpan ang totoong nararamdaman niya ng makaharap ang ex-boyfriend na si Froilan. Pero ang totoo, sobrang nasasaktan pa din siya sa katotohanan na hindi na nga siya mahal ni Froilan, na napilitan lang itong pakisamahan siya dahil sa love team nila na minahal ng mga tao. Siya lang ang totoong nag mahal dito, kaya ngayon sobrang nasasaktan siya.

Parang may isang kamay na patuloy pa din sa paglamutak sa puso niyang sugatan.

Isinuot ni Hannah ang salamin sa mata. Taas noo siyang nag lakad palabas nang gusali. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa dala niyang shoulder bag.

"Hello, Setti. Kita tayo mamaya sa club."

"Mag na-night club tayo mamaya?" Tanong sa kanya ni Setti sa kabilang linya. "Hindi ka naman puma-party 'diba? Hindi ka nga sanay uminom kahit man lang wine."

"Ssshhh!" Saway niya sa kaibigan. "Kayo na ang bahala kung saan lupalop nang club tayo pupunta."

"Seryoso ka ba talaga?" Parang hindi pa din ito makapaniwala.

"Oo nga sabi. Ang kulit mo na ha." Pinilit niyang pasiglahin ang tono ng boses niya.

"Ayieeeeh....!" Tili nito. Bahagya niyang nailayo sa kanang tainga ang hawak na cellphone, parang mababasag yata ang eardrum niya sa ginawang pag tili ni Setti. "Party- party!"

Pagkatapos nilang mag-usap nang kaibigan ay agad na niyang tinungo ang kanyang kotse. Isang malungkot na sulyap ang ginawa niya sa building nang TVC Network. Mami-mis din niya ang pag-arte sa harap ng kamera. Ma-mis din niya ang mga naging kasamahan niya sa trabaho, ang make-up artist niyang si Danica at stylish na si Allan.

Isang buntong hininga muna ang ginawa niya bago tuluyan umalis sa lugar na iyon.

"PARTY! PARTY!" Hiyawan nilang magkakaibigan sa loob nang night club. Ang' Club4U' nakaupo sila sa pinakagilid nang club. Marami na ang mga tao na nagkakasiyahan sa loob ng club ng pumasok sila.

"Cheers!" Hiyawan ng mga kaibigan niya. Napalunok laway si Hannah, nahimas pa nga niya ang tapat nang kanyang lalamunan. Mukhang mapapasubo pa yata siya.

"Cheers!" Sigaw din ni Hannah. Inamoy niya muna ang vodka na nasa wine glass na mahigpit niyang hawak. Nagusot ang mukha niya ng malasahan ang vodka. "Hindi masarap. Hindi ko mapaliwanag ang lasa!"

Natawa si Setti sa sinabi niya. "Ikaw lang yata ang artista na kilala ko na hindi umiinom."

"Mamaya niyan, masarap na ang vodka sa panlasa mo." Natatawang singit naman ni Veronica. Pinagmasdan niya ito, nakadalawang wine glass na ito ng vodka.

"Sayaw na tayo girls!" Si Monica, itinaas pa nito ang wine glass na hawak.

"K-kayo nalang muna." Tanggi ni Hannah. "Makikipagkaibigan muna ako dito sa vodka." 

"Huwag ka masyadong makipagkaibigan sa vodka, baka mag enjoy ka!" Si Setti ulit na muling nagsalin ng vodka sa glass nito.

"Sumama kana saamin sa dance floor. Kailangan mo mag enjoy, dahil sa wakas...." Pinabitin pa ni Veronica ang sasabihin nito. "Break na kayo nang hambog at manloloko mo na boyfriend."

"Tama!" Panabay na sang-ayon nina Settie at Monica.

"Kayo na lang muna, susunod na lang ako." Muling tanggi ni Hannah.

"Okay!" Panabay na sagot ng mga kaibigan niya. Naiwan nga siyang mag isa, hinawakan niya ang bote ng vodka at nagsalin sa kanyang wine glass.

Napapansin ni Hannah ang ilang mga teenager na panay ang sulyap sa kanya. Grey hair siya ngayon na lalong dumagdag sa kagandahan niyang taglay. Lumabas ang pagiging half-american niya. Gabing-gabi pero nakasuot siya ng itim na salamin, para lang hindi masyadong halata na siya si Hannah Lindsey. Dahil kapag may nakakilala sa kanya, malaking eskandalo para sa kanya iyon. Sira na naman ang imahe niya. Malaking scandal iyon at baka siya pa ang maging masama sa paningin ng mga fans nila ni Froilan kapag nalaman na ng mga ito na hiwalay na sila.

TULOY ang kasiyahan nilang mag kakaibigan. Napadami na siya ng inom kaya medyo tipsy na siya. Narinig pa niya ang sinabi ni Monica na oorder daw ito ng ibang brand naman ng alak.

"More!" Nakangising sigaw ni Hannah sabay taas ng hawak niyang wine glass. "Let's enjoy the night"

"Yeah! celebrate natin ang break-up mo kay Froilan!" Ani Setti. Sa lahat ng kaibigan niya, ito ang mainit ang dugo sa ex - boyfriend niya. Si Setti din ang mas madalas niyang puntahan kapag masama ang loob niya kay Froilan. "Papasundo tayo kay kuya Santino mamaya kapag hindi na natin kayang umuwi."

Natawa siya sa sinabi ni Setti. Ibig lang sabihin, may posibilidad na magpakalasing nga sila, lalo na siya. 

"Maiwan ko muna kayo, order lang ako ng maiinom natin." Si Monica. Tumayo na ito.

"Samahan na kita." Presenta ni Veronica. Lumagok pa ito ng vodka bago tumayo. 

Naiwan naman silang dalawa ni Settie sa table nila. Nag paalam siya dito na punta lang ng powder room. Itinuro nito sa kanya ang daan kung saan makikita ang cubicle.

Pinilit niyang maglakad ng maayos kahit na nga parang nanlalambot na ang mga binti niya, hindi naman siya nahirapan makita ang hinahanap niya. May nakita siyang nakasulat na 'for women' sa itaas na bahagi ng pinto ng cubicle. 

"Ouch!" Hiyaw niya ng may biglang bumangga sa balikat niya.

"Sorry Miss," hinging paumanhin ng lalaking nakabangga sa kanya. 

Sa sobrang lapit nila sa isat-isa ng lalaki, amoy niya ang ginamit nitong pabango. Hindi ito amoy alak pero mukhang ito ang lasing dahil hindi siya nito nakita. Wala sa loob na hinubad ni Hannah ang suot na salamin sa mata.

"Alam mo, ganyan ang ex boyfriend ko noon." Panimula ni Hannah. Ang bilis naman ng sulyap sa kanya ng lalaki na mukhang pamilyar sa kanya, pero hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita. "Kunwari babanggain, kukunin ang pangalan ko, pati contact number ko. Kunwari maginoo, makikipaglapit saakin, papaibigin ako. Tapos ng minahal ko na, lolokohin lang pala ako!" Isinundot pa niya ang dulo ng hintuturo niyang daliri sa tungki ng ilong nito na mukhang natigilan ng makita ang mukha niya.

Hindi nag salita ang lalaking kaharap niya. Mukhang balak lang nito pagmasdan ang mukha niya. Huli na ng marealize ni Hannah na hinubad niya nga pala ang ginamit na salamin sa mata. Muli niya itong isinuot. Yumukod siya sabay may ibinulong sa lalake.

"Hannah, is my name."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status