Chapter 7

"DO i look okay?" Nanginginig ang boses na balik-tanong niya kay Danica.

Pinilit niyang huwag maiyak sa harapan nito kahit na nga parang sumisikip na ang kanyang dibdib dahil sa sama ng loob.

Sama ng loob sa lalaking minahal niya dahil dito, kaya nasaktan siya ng mga taong nagmamahal sa love team nila. At sigurado siyang laman na naman siya ng balita at trending siya sa lahat ng social media dahil sa nangyaring pananakit sa kanya ng mga fans nila. Nag mukha siyang katawa-tawa! 

Bigla siyang nakaramdam nang pagkahabag o pagkaawa sa kanyang sarili.

"Binalaan na kita Miss Hannah, ayan tuloy nasaktan ka pa."

"Bakit ganun, Danica? Ako na nga ang niloko, ako pa din ang nagmukhang masama sa mga tao." Nakagat niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi dahil gusto niyang pigilan ang luhang kanina pa gustong umalpas sa kanyang mga mata. "Nagmukha tuloy akong tinortang itlog sa kamatis. Nakakadiri ang itlog ang baho, sirang itlog pa talaga ang ibinato saakin."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status