Share

CHAPTER 2: The Twin

Reveca's POV

~FLASHBACK~

"T-tito?" Saad ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Hindi ako pwedeng magkamali si tito Dreg tong nasa harap ko.

Hindi na ako naka pagpigil pa kaya tumakbo ako papalapit dito at niyakap ko ito ng mahigpit. Naramdaman ko nalang ang pag patak ng luha ko dahil sa sobrang namiss ko talaga sya.

"T-tito akala ko p-patay na kayo?" Kahit patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko ay nakayanan ko paring magtanong sa kanya.

Hindi nya ako sinagot sa halip ay tinanggal nya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.

"Tito?" Mahinang tawag ko rito nang medyo makalayo ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa kusena kaya hindi ako makapaniwala nang pag harap kong papuntang sala ay makikita ko syang nakatayo don.

"Tito? P-paano p-po kayo n-nab-buhay?" Nauutal kong tanong dito dahil himala na ang tito kong namatay isang linggo na ang nakalipas ay buhay at nakatayo ito sa harap ko ngayon.

"Hindi ako ang tito Dreg mo." Ani nito kaya bigla akong napa atras dahil sa sinabi nito kaya naramdaman ko nalang ang kabang namuo sa dibdib ko.

Ang mga luhang umaagos kanina ay parang umatras din, ang masayang naramdaman ko ay napalitan ng kaba, ang nangyari kay tito Dreg ay bumalik sa isip ko.

Tama hindi sya si tito Dreg dahil patay na sya. Patay na sya kitang kita ng dalawang mata ko yun kaya imposibleng si tito Dreg to.

"S-sino ka?" Tanong ko rito.

Pero naglakad nalang ito papalapit sa akin kaya napapaatras din ako. Kitang kita ko sa dalawang mata nya ang lungkot at ang pamamaga nito.

"Paanong nangyari na magkamukha kayo ng tito ko?" Tanong kopa.

"Kambal ako ng tito Dreg mo." Yun lang ang sagot nya pero parang nawalan ako ng lakas.

"Anong kambal na sinasabi mo? Walang sinabi sa akin si tito na may kambal sya." Pag seseguro ko dito.

"Dahil ayaw nyang madamay ka sa ano mang gulong papasukan ko" walang emosyong sagot nito.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi kita kilala?!" Mahinang sigaw ko rito.

"Alam kong ayaw mong maniwala dahil pinalaki ka ng kapatid kong walang pwedeng paniwalaan kundi sya lang. Sumunod ka may ipapakita ako sayo." Utos nito sa akin kaya sumunod ako sa kanya.

~end of flashback~

"Remove your fucking hand jerk!" Madidiing salitang utos ko dito. Kahit napaka higpit ng pagsakal nya saakin ay pinilit kong magsalita para maipakita ko sa kanya na kailan man ay hindi ako matatakot sa sino mang bampirang narito.

"You're interesting ah" patango tango nitong ani sabay hagis sa akin kaya nagpa gulong gulong ako sa semento at kasabay rin nito ang nagsigawang mga iba pang bampira.

Malakas ang king nila. Naramdaman ko nalang ang kunting hapdi sa iba't ibang parte ng katawan ko pero hindi ko na yun ininda pa kaya unti unti akong tumayo at mas naging alerto nang makita ko syang nawala sa kinatatayuan nya.

"Mahina ka." Bulong nito sa likod ko kaya agad akong humarap dito pero nawala na sya kaya pinakiramdaman ko ulit sya....

Nang alam kona kung saan sya pumupunta ay agad akong tumakbo sa likod ko saka ko tumalon at sinipa ko ito. Sapul sa mukha ang king ina.

"Ginagalit mo ako ah" saad nito habang papatayo ito.

Lumingon sya sa babaeng kinalaban ko kanina at may isininyas sya dito.

Agad nawala sa paningin ko ang dalawa kaya kinuha ko ang isa pang kotsilyo sa gilid ko nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko ay agad akong tumabling para ako naman ang mapunta sa likod nya kaya walang paatubiling dinaplisan ko ito sa binti para mawalan ng balanse at isusunod ko na sana ang isa pa nyang binti nang may humawak sa kamay ko.

"Isang dikit pa ng kotsilyo mo sa katawan nya hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka agad." Gigil na ani ng king nila sabay labas nito ng dalawa nyang pangil. Dahil magkatabi lang kami ay sya agad ang sinunod ko. Agad kotong sinipa pero nakaiwas lang sya ng mabilis.

"Fuck!" Sigaw ko nang suntokin ako nito sa tiyan. Mapapatay ko na talaga ang bampirang to.

Tumakbo ako sa ibang direction saka tumalon at nagbitaw ng flying kick kaya sapul na naman ang king ina nang makita ko syang nag pagulong gulong ay agad akong lumapit sa kanya at hinawakan koto sa kwelyo.

"Yan ba ang sinasabi nilang king? Mahina ka!" Sigaw ko rito. Batid kong narinig yun ng iba pang bampira.

"Nagsisimula palang tayo." Nakangisi nitong ani kaya hindi ko inaasahan ang naging galaw nyang yun.

Nag kapalit kami ngayon ng posisyon, ako ngayon ang nakahiga at sya naman ang nakapatong sa akin ngayon dahil sa sobrang bilis ng galaw nyang yun. mas mabilis pa kaisa kanina.

"Ready to die honey?" Tanong nito at unti unti nitong inilalapit sa leeg ko ang kanyang matutulis na pangil.

Ngunit hindi yun natuloy nang may magsalita.

"Stop it Jaeven!" Makapangyarihang utos ng napaka pamilyar na boses.

Akala ko hindi ko sya makikita ngayong gabi. Tsk.

"Maswerte ka at dumating sya." Pabulong nito sa akin saka sya tumayo ng maayos at tumayo narin ako saka humarap sa lalaking kararating lang.

"Anong nangyayari dito?" Tanong nito sa amin habang papalapit at nag siyukuan din ang iba pang mga bampira.

Magkatabi lang kami ng king ina at ngayon ko lang din napansin na nasa tabi nya na pala ang babaeng nakalaban ko rin kanina.

"Walang sasagot?" Tanong ulit ng lalaki habang inisa isa nya kaming tignan.

"Hindi sya vampire." Turo sa akin ng king ina.

"Kaya gusto nyo syang patayin?" Galit nitong tanong sa dalawang bampirang kinalaban ko kanina.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag yuko nilang dalawa dahil siguro sa napahiya sila tsk.

"At ikaw naman pinatulan mo pa ang dalawang yan!" Sigaw nito sa akin nang balingan nya ako ng tingin kaya napaiwas nalang ako.

"Pumunta na kayo sa office ko..... Kayong tatlo!"

"Dad/Dad!" Sigaw ng dalawa kaya napatingin nalang ako sa kanila.

Magkapatid sila? At tatay nila ang lalaking to?

Kung ganon sila pala yung sinabi sa akin ni mr. Aigus na anak nya? Kulang sila ng isa dahil ang sabi nya sa akin ay tatlo ang anak nya pero hindi nya sa akin sinabi ang mga pangalan nito kaya hindi ko akalain na makakalaban ko ang anak ng nagpapasok sakin sa academy nato.

Nice. Saad ng aking isipan.

"Sinabihan kona kayong pag may ginawa kayong labag sa academy na to ay hindi ko kayo papalampasin hindi porket anak ko kayo ay pakikisamahan kona ang mga larong ginagawa nyo na kahit alam nyong labag sa patakaran ng academy nato!!" Sigaw nito sa mga anak nya. "At ikaw naman Jaeven na naturingang king ng academy na to ay walang ginawang maganda kundi ang magpahabol lang sa mga babaeng pinaglalaruan mo lang naman! At kailangan mo pang idamay sa kaguluhan ang kapatid mo. Tignan mo ang nangyari sa kanya?!" Dag dag pa nito. Ganito pala mag sermon bilang ama si mr. Aigus tsk.

Pero sanay na ako sa ganyang sermon nya kaya kahit mag sigaw sigaw pa dyan sa harap ko ay wala akong pakialam.

"Nangyari yan sa kanya dahil sa babaeng yan!" Turo ni king ina sa akin kaya napa wow nalang ang bibig ko.

Napa singhal nalang ako saka hinarap ang king ina. "Ako? Bakit ako? Eh syanga ang unang umatake sa akin eh" depensa ko sa sarili ko.

"Shut up." Utos nito sa akin pero tinarayan ko nalang to.

"Doon na kayo sa office mag bangayan mga walang galang!" Matapos sabihin ni mr. Aigus yun ay tinalikuran na kami.

Nagtinginan muna kaming tatlo bago sumunod sa kanya.

Pagkarating namin sa office ay may nadatnan kaming lalaki na nakaupo sa sofa dito sa office at nagbabasa ito ng libro nang mapansin nya kami ay tinigna nya kami isa isa ngunit sa akin tumigil ang kanyang mga mata pero hindi ko nato pinansin pa kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.

Nakita kong naupo ang dalawa sa magkatabing upuan sa tapat ng table ni mr. Aigus kaya bago ako naupo ay iginilid ko muna ang aking malita bago naupo sa tapat nila.

"Simulan nyo ng magpaliwanag." Utos ni mr. Aigus nang makaupo na ito.

"Baguhan ako kaya dapat ay tratohin ako ng maayos dito." Panimula ko.

"How we can treat you like what you say right now if you're not like us. You're not a vampire and you know that.... I think..." Depensa ng king ina.

"Pero pare pareho lang tayo na students dito and you know that.... I think." Panggagaya ko sa huling sinabi nya kanina kaya nakita ko ang pag pipigil nya ng galit pero nginisian ko nalang to.

"Tama si Jaeven dapat alam mona na hindi magiging maganda ang trato namin sayo dahil hindi mo kami katulad at ikaw pa lang ang kauna-unahang tao na pumasok sa school nato kahit alam mo palang puro bampira ang nag-aaral dito." Maarteng saad ni ms. Weak.

Napa buntong nalang ng malalim si mr. Aigus sa mga naririnig nya mula sa amin.

"I think they're right dad." Sabat ng lalaking nakaupo kanina sa sofa na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng kanyang ama.

Oh? Sya pala ang pangatlong anak ni mr. Aigus hmm.

"Hindi ka vampire dahil wala akong naaamoy sayo pero wala rin akong naaamoy na dugong tao sayo. Amazing, right? Dahil kaya mong magtago kung gugustohin mo dahil walang nakakaamoy sayo, maswerte ka." Papuri sa akin ni reading boy.

"Tss hindi ko ugaliing magtago kaya wag kang mag-alala." Sagot ko rito.

"Eh bakit hindi namin naaamoy ang dugo mo? Diba't parang nagtatago kana sa amin non?" Nakakainsultong tanong sa akin ni king ina.

"Baka nawalan kayo ng pang amoy?" Ngisi ko rito kaya akmang susugorin ako ay napigilan na ito ng reading boy na parang hangin dahil sa bilis nyang nakapunta sa harap namin.

"Be careful with your words WOMAN." Diniinan nito ang huling salita.

"Mag sitigil na kayo! Jerry ilabas mo nayang mga kapatid mo dito bago pa mag dilim ang paningin ko sa kanila. Gamutin mo muna Ayeesha ang sugat mo bago ka magpahinga saka na tayo mag-usap sa ipapataw ko sa inyong tatlo na parusa." Mahabang sat sat ni mr. Aigus kaya nag si tayuan yung dalawa saka sumunod kay Jerry daw ang pangalan papalabas ng office.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status