Share

CHAPTER 4: Knightgon

Reveca's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nagpapahinga. Pagkatapos naming mag-usap ni mr. Aigus ay dito na ako dumiretso at ginamot ang maliliit na sugat na natamo ko kanina.

Masyadong maraming patakaran ang skwelahan nato pero hindi nila pinagbabawalan ang pag pasok dito ng tao kailangan lang ng pahintulot ng dean.

Pero ang sinabi sa akin ni mr. Aigus ay hindi daw dapat basta basta magpapasok ng tao lalong lalo na kung hindi dumaan sa mga pag subok tulad ng pinagdaanan ko bago makapasok dito.

Oo dumaan muna ako sa mga pag subok. Tao't bampira ang mga kasama ko don pero ang mga bampira ang magsasabi kung pasado kanaba sa pagsubok na dinaanan mo o hindi at pag naka pasa kana ay ang huling gagawin mo lang ay mangangako kang itatago mo ang nalalaman mo tungkol sa kanila at p-protektaan mo ito bilang isang kapanalig. At tungkol naman sa mga naging kasama kong tao don na hindi pumasa ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa kanila ng mga bampira.

Sa tagal kong nakasandal sa upuan ng sofa at inaalala ang mga pinagdaanan ko ay may narinig akong nagsisigawan sa labas kaya agad akong tumayo at sumilip sa bintana saka korin naalala ang mga ginagawa nila pag ganitong gabi na. Tinignan ko naman kung anong oras na at lagpas 8pm na.

Ibinalik ko uli ang paningin ko sa labas ng bintana at nakikita ko mula rito sa taas kung paano biglang nawawala ang bampira dahil sa bilis nito at may nakikita rin akong naglalaban na lalaki't babae na bampira. Agad kong kinuha ang tila na binigay sa akin ni mr. Aigus at itinali ito sa braso ko dahil para raw makita ng mga bampira kung ano ang night color ko.

Kumuha rin ako ng iba't ibang klaseng kotsilyo pero yung walang bahid na pamatay sa bampira dahil hindi patayan ang gagawin kundi titignan lang kung hanggang saan ang galing mo.

Tinatawag nila itong 'the night battle' hindi ka papatay ng bampira, labanan lang ito kung sino ang aangat sa position at kung sino ang hindi at isa sa pinaka malaking dahilan nila ay upang maging mahusay na fighter ang mga ito dahil upang maging handa kung may paparating man na hindi inaasahang labanan.

'In this world we're living because of enemy, we're strong because of enemy, we're still fighting because of enemy and now we need to be a strong and strong and strong to defeat the enemy and to achieve the victory.'

Pagkatapos kong makuha ang mga kakailanganin ko sa laban na to ay agad akong lumabas para makisali sa night battle nila.

"She's is part of the night blue?"

"Oh my! For real?"

"Sino kaya ang kakalaban sa kanya?" Bulongan ng mga maarting bampira.

Hindi ko akalain na pati dito ay may makikita kang maaarte na akala mo lang ay sa mga normal na school lang meron tsk.

Hindi na ako magtataka kung ayaw nila akong hamonin dahil nasabi rin sa akin ni mr. Aigus na pwedeng hindi naman sumali sa mga ganong laban kung gugustohin mo.

Pagkarating ko sa quadrangle ay nanood muna ako ng naglalaban. May nag lalaban sa bawat sulok nitong academy sa hallway at hagdan ay meron din.

Habang busy ako sa panonood sa kanila ay biglang may humawak sa braso ko.

"Ikaw yung tao na naglakas loob na pumasok sa school nato hindi ba?" Tanong sa akin ng lalaking humawak sa braso ko.

Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at dahan dahan kotong tinanggal saka koto tinignan mula ulo hanggang paa.

Matangkad ito at katamtaman lang ang laki ng pangangatawan nya at ang huli kong tinignan ay ang sa braso nya... ang kanyang night color....

White ang pangatlo

Napangisi nalang ako dahil mataas ang kanyang position kaisa sa akin.

"Oo, bakit may problema ka-" hindi nako pinatapos ng mokong nato at sinugod nya na ako buti nalang at naging alerto ako simula pa kanina.

Sa twing susuntokin ko ito ay nawawala sya agad.

"Tsk wag kang duwag harapin mo ako hindi yung takbo lang ang ipinagmamalaki mo sa akin, bampirang duwag!" Pang-aasar ko dito.

"Masyado kang mayabang." Saad nito nang tumigil ito sa harapan ko at naki pag suntokan ito sa akin pero agad ko naman tong naiiwasan kahit mabilis ang mga galawan nito.

"Ang bagal mo." Mayabang na sabi ko rito sabay sipa sa tyan at agad akong umikot saka binigyan na malakas na sipa sa mukha kaya natumba ito. Nilapitan ko agad at tinadyakan sa dib dib pero mabilis nitong nahawakan ang paa ko at agad itong hinila kaya natumba ako. Agad syang tumayo at akmang tatadyakan ako ay agad akong nagpagulong gulong saka mabilis na tumayo hindi ko napansin na nasa harap ko na pala sya kaya nasipa ako nito sa tyan pero nabalanse ko rin ang sarili ko kaya hindi ako natumaba.

"Wala bang mas ibibilis ang laban nato?" Parang boring nitong tanong sa akin.

"Bored kana agad? Kasisimula palang natin ah." Sagot ko rito kaya nakita ko sa mukha nya ang inis kaya mabilis itong nawala sa paningin ko.

Yan ang gusto ko. Gamitin nyo ang taglay nyong bilis dahil yan ang gusto ko.

Agad akong pumikit para maka pag focus ng maayos. Pag dilat ko ay agad kong tinignan ng mabuti ang parang hangin nyang galawan nang makabisado ko na ay agad akong tumakbo sa alam kong yun ang sunod nyang pupuntahan at agad akong nagpakawala ng malakas na sipa kaya nasapul ko ito at nakita ko ang pagdugo ng ilong nya.

Tsk. Ang hihina nyo.

"Welcome to night white." Nilingon ko ang babaeng nag salita sa likod ko.

Nanggaling rin sya sa night white.

"Ito tanggapin mo bilang pagtanggap namin sayo sa aming grupo kahit labag sa aming kalooban." Sabay abot sa akin ng puting tila.

"Tsk don't worry hindi sisikatan ng araw ang tilang to sa akin." Mayabang na sabi ko rito sabay kuha ng tila sa kamay nya at nakita ko naman ang inis sa mukha nya pero nginisian ko nalang to.

"Sayang lang at naunahan ako ng mukong nayan. Sana man lang ay nabigyan ako ng pagkakataon na kalabanin ka." Ani nito.

"Magkakaroon karin ng oras maghintay ka lang ng kunti." Pang-iinis kopa rito sabay kinindatan.

"Nagsimula na naman sila!"

"Tara panoorin natin!"

Rinig kong usapan ng mga bampira na malapit lang sa amin at nagsitakbuhan sa field nitong school na makikita sa likod ng building. Doon kung saan ko nakita kanina sa bintana ng kwarto ko ang mga ibang bampira na naglalaban pero dito sa quadrangle ako dumiretso.

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa bampirang katabi ko.

"May nanghamon na naman sa king." Maikling sagot nito habang naka tingin sa entrance ng field.

"Ito ang exciting sa lahat." Saad ko at tinalikuran ko nato at nagtungo sa field.

Habang papalapit ako rito ay naririnig ko ang dalawang lalaking nag-uusap.

"Masyado kanang matagal sa position mo kaya oras na para tanggalin ka." Saad ng lalaking naka t-shirt ng color black at ang night color nito ay black din habang si Jaeven ay naka t-shirt ito ng color white at pinatongan nya ito ng leather jacket na black.

Iginala ko ang paningin ko at maraming nanonood sa kanila. Masyadong malaki ang field nato kaya malaki ang spasyo ang nakalaan sa kanilang dalawa.

"Yan si Degon leader ng knightgon. Grupo yan sila na gustong paalisin sa pwesto si king Jaeven." Napalingon ako sa nagsalita.. yung babaeng kausap ko kanina. "Actually maraming gustong mapaalis sa pwesto si king dahil daw anak sya ng dean na si mr. Aigus at baka kinakampihan sya nito" tuloy pa nito.

"Tsk. Anong konek ng lakas ni Jaeven sa kanyang ama e kusa ang LAKAS ng bampira ang pumipili ng magiging posisyon mo?" Paliwanag ko rito.

"Sa pagiging king ay may pumipili rito. Sa twing ganitong may nagaganap na laban ay hindi mo alam na may nagmamasid na pala sayo at sila yung mataas pa sa posisyon ni dean. Sila ang nag talaga bilang king si Jaeven dahil wala pang nakakatalo rito yun ang sabi nila." Ani nito sabay masid sa paligid.

"Masyadong makikitid ang utak nila kung ganon."

"Inggit ang nagdadala sa kanila sa ganyang pag-uugali." Pagkatapos nong sinabi nya ay nag focus na kami sa laban ng dalawa.

"Hindi ba kayo napapagod? How many times do I have to tell you that I'm the only king and no one can beat me." Mayabang na saad ni king ina.

Ilang saglit pa kami nakikiramdam sa kanilang dalawa nang sugurin ni Degon si Jaeven. Nag palitan ito ng suntok at nagpabilisan ng takbo pero kahit sobrang bilis nila ay nakikita ko parin ang mga galawan nila dahil nga sanay na ako.

Nang susuntokin ni Degon si Jaeven ay mabilis itong nawala at pumunta sa likod nito saka ito sinakal patalikod. Halos mamilipit na si Degon dahil sa hindi ito makahinga. Nang makakuha ng tsempo si Degon ay lakas pwersa nitong siniko si Jaeven kaya nakawala ito sa kamay nya.

"Hindi matatapos ang gabing to na hindi ako ang nagiging king." Nanggigil na saad ni Degon kay Jaeven.

Maganda ang pangangatawan ni Degon makikita mo rito na alagang alaga nya ito at hindi ko rin may tatanggi na malakas ito pero makikita mo sa mukha nya na gumagamit sya ng dahas para lang makuha ang nais nya.

"Let's see" Sagot ni Jaeven at agad nya itong binigyan ng sapak kaya napa talsik si Degon.

Kahit gabing gabi na ay makikita mo parin sila kahit na may kokuonting ilaw rito sa field.

Nang tumalsik si Degon ay agad ito pinuntahan ni Jaeven at binigyan ng ilang sapak at sipa kaya nakita ko ang pag dura nito ng dugo.

"Malakas nga ang king." Hindi ko inaakala na lalabas yun sa bibig ko na dapat ay sa isip ko lang sasabihin kaya napalingon sa akin yung katabi kong bampira.

"Kayanga mali ka ng kinalaban kanina lalo't sinaktan mo ang bunso nyang kapatid na si Ayeesha." Saad nito habang kina Jaeven parin ang paningin nya.

Tsk. Sila ang nauna. Kung hindi lang ako sinugod ng kapatid nya hindi yun mangyayari sa kanya.

Unti-unting tumayo si Degon sa pagkakasalampak sa sahig habang dumudora parin ito ng dugo. "Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo." Ani nito nang makatayo ito ng maayos.

Tumingala muna sa langit si Jaeven bago ito sinagot. "Saka muna yan sabihin ulit pag may ipagmamayabang kana sa akin." Pagkatapos nito ay tinalikuran nya ito ngunit nakita ko ang pagtaas ni Degon sa kamay nya sabay pitik sa ere at nag silabasan ang mga iba pang bampira at pinalibutan ito si Jaeven. Iba't ibang night color ang mga pinanggalingan nito, mga nasa 15 sila.

"Paano nangyari yun?" Rinig kong tanong ng bampira sa likod ko kaya napa kunot nalang ako ng noo.

Anong ibig nyang sabihin?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status