A Secret Affair
A Secret Affair
Author: Mashie Aeon
CHAPTER 1

Tanaw ko ang mga ito na naglalapungan. We are now here in the bar. Kaya kami nandito ngayon sa bar dahil sa second anniversary na ng mga ito. Wala sana ako ngayon kung hindi ko ka close si Ayesha Gaisano. 

Nasasaktan ako wala talagang plano na imbetahan ako sa celebration nila. Masama pa ang tingin na ginagawad nito sa akin. Tinataasan ko naman ng kilay si David. Selos na selos ako lalo na at pinapakita pa at Parang nanunuya si David sa akin sa tuwing hinahalikan niya si Gracie.

"Kailan ba kayo magpapakasal ni Gracie? Matagal na rin kayo akalain mo iyon four years na kayo," kami naman ni David ay one year ng nagkikita sa likod ng kanyang nobya.

Sumang-ayon ang iba sa sinabi ng mga ito. Tumayo ako dahil ayaw ko na marinig ang sagot ni David tungkol sa pagpapakasal. Alam ko na naman kung kailan nito balak na magpakasal. Kakasabi lang nito sa akin kahapon na gusto niyang alokin ng kasal si Gracie. 

Masakit na makita ang mga ito na magkasama parang binibiyak ang puso ko sa sakit. Kaysa magpakalasing ako sa alak ay naglakad na lamang ako papunta sa gitna. Sumayaw ako ng sumayaw may mga lalaki pa na lumalapit sa akin.

Enjoy na enjoy ako sa ginawa kong pagsayaw. Natatawa pa ako kapag sinasayad ko ang aking puwet sa harapan ng lalaking kasayaw ko. Hindi ibig sabihin na ito lang ang pweding lumandi samantala ako malungkot at selos na selos.

Ilang lalaki pa ang nakasayaw ko bago ako nagsawa sa pagsayaw. Naglakad ulit ako pagbalik sa upuan namin. Nag-iwas ako ng tingin ng makita ko ang mga ito na naghahalikan. Kinuha ko ang dala kong purse dahil wala na akong plano pa na manatili rito.

Hindi na ako nagpa-alam kay Ayesha na hindi ko na alam kung nasaan na. Lumabas ako sa maingay at amoy alak saka sigarilyo na lugar. Sa parking ang deritso ko at nagmaneho na ako pabalik ng bahay. 

Sa penthouse na ako nakatira ngayon pero dahil malungkot ako at nasasaktan ako sa nakita ko kanina kaya deritso ako ngayon sa dati kong tinitirhan. Dahil wala naman na iba pang namamagitan sa amin ni David alam ko na hindi ako nito susundan.

Hinubad ko ang aking suot na black high heeled. Inilock ko ang pinto ng bahay para mas maging komportable ako. Inilugay ko rin ang aking buhok na nakapungos. Sinimulan ko na ring hubarin ang black blackless dress na may style na hubad sa may bandang tiyan.

Ang mga damit ko ay pinabayaan ko na magkalat sa sahig. Siguro dahil sa tipsy na ako kaya nagiging burara. Hindi na tuwid ang lakad ko, kung nakasuot pa ako ng high heels siguro nadapa na ako.

Pumanhik na ako paitaas nang makatulog na ako. Mabigat na rin ang talukap ng aking mga mata hudyat na inaantok na ako. I switch on the light at kinuha ko ang remote for the aircon. Binalot ko na ang katawan ko ng kumot.

Kung ang iba ay hindi makatulog kong walang ng mosquitero ako naman ay hindi nakakatulog kung walang kumot. Mainit man ang panahon o tag-lamig gumagamit ako ng kumot para makatulog.

Ang ganda ng tulog ko at dahil uminom ako ng alak kagabi hang over ang resulta ko ngayon. Hinilot ko ang aking sentido bago ako tuluyang bumangon. Kumuha ako ng toothbrush sa stock na nakatago at toothpaste.

Gusto ko pa ulit na matulog kaya ng matapos ako sa pagtotoothbrush at humiga ulit ako sa kama. Wala akong balak na pumunta ng trabaho dahil na rin sa pagod na aking nararamdaman. Gusto ko kahit isang oras na makapagpahinga.

Natulog ako ulit ng hindi ako nag-aagahan. Sanay na rin kahit papano ang aking katawan sa hindi pagkain ng breakfast kakamadali. Hindi na muna ako bumangon ng magising ako ulit. At laking gulat ko ng malakas na bumukas ang pinto. 

Nagkatinginan kami ni David. Imbes na sa banda ko ito dumiretso hindi ito nangyari bagkos kung may ano itong hinahanap. 

"Anong hinahanap mo hon? At bakit ka nandito?" umupo ako sa kama at tinignan ito.

Ngayon ang sama na ng tingin na binibigay nito sa akin. Napakunot ang aking noo nagtataka sa expression nito. 

"Ikaw ang dapat kong tanongin, bakit ka nandito Hailey? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag mo at bakit nasa sahig ang mga damit mo? At saan mo tinatago ang lalaki mo, huh?"

"Anong pinagsasabi mo hon? Anong lalaki?" nagtataka ako sa nga tanong nito sa akin at ngayon ko lang din napansin na dala nito ang hinubad kong damit. 

"Bakit nasa sahig ang mga damit mo Hailey? Tandaan mo Hailey walang lalaki ang pweding lumapit sa'yo. Akin ka lang Hailey tandaan mo iyan." 

"Akin ka ba?" tanong ko lang iyon sa aking isipan dahil kung tatanongin ko ito ay ako lamang ang masasaktan.

Alam ko na ang sagot. Alam ko na hindi ako nito mahal. Oo siguro mahal nito ang katawan ko. Patago din kami kung magkita sa penthouse nito. 

At kung nakikita ako nito na may kasamang lalaki ay hihigitin ako nito kung saan at pagsasabihan. Ang gulo ng relasyon na ito parang one way lang. Napatingin ako sa kamay ni David na ngayon ay pinadaanan ang cleavage ko ng hintuturo.

"Hon," mahinang ungol ko ng mas lalo ako nitong nilapit sa kanyang katawan. 

Uminit bigla ang aking magkabilang pisngi. Like I said katawan ko lang at palabasan lang ako ng init ng katawan ni David. At ang intimate na mga eksena ay hindi na bago sa aming dalawa.

Kaya din ako nito sa pansariling pangangailangan dahil ako si tanga willing na willing na nagpagamit dito. Iniwas ko ang aking labi sa kadahilanang bagong gising pa ako at kakahiya kung makipaghalikan ako rito.

Sa ginawa kong pag-iwas ay naging dahilan kaya masama ako nitong tinignan. 

"Bakit parang umiiwas ka? Tanong nito.

"Hindi ako umiiwas hon sadyang kakagising ko lang kaya ayoko na magpahalik." Sumimangot ito at bumitaw sa pagkakahawak ko.

"May kinuha na akong security sa'yo. Ayaw ko na may mga lalaking lumalapit sa'yo at isa pa gusto ko ma monitor ang kilos mo. Sa ayaw at sa gusto mo." Tumalikod ito sa akin at lumabas na ng silid. 

Ayaw ko may nagbabantay sa akin. Simula ng may lumapit sa akin at hiningi ang oo para sa pagpayag na manligaw ito, ay ito rin ang simula na pinilit niya ako na kumuha ng security guard.

Pinag-usapan na namin ito ng ilang beses at pumayag naman ito. Pero ngayon bigla na lang ito nagdesisyon kahit hindi pa ako pumayag. Umiyak ako sa sobrang sama ng loob. Hindi na ako makapagdesisyon na para sa aking sarili. 

Masama ba na maghangad na mahalin ako ni David? Alam ko ang sama super lalo na at may girlfriend ito. Balak na din niya itong pakasalan. Kung may balak siyang putulin ang ugnayan namin kapag ikakasal na sila ni Gracie hindi ko alam kung saan pa ako pupulutin. 

Pero habang wala pa itong sinasabi sa akin susulitin ko muna ang mga araw na magkasama kaming dalawa. Siguro hindi pa ako nito sinasabihan sa kadahilanang magagamit pa ako nito. Ang iniisip ko ay mas lalong nagpabigat ng aking loob.

Nagbihis ako ng dress na suot ko kanina bago ako lumabas ng bahay. I lock the door first and the gates door bago tuluyang umalis ng village. Sa tagal an din namin na nagkikita ni David ilang beses ko na rin naisip na sabihin sa parents ko na e arrange kami ni David.

Ngunit sarili ko lamang ang niloloko kung sakali. Dahil alam ko na hindi iyon mangyayari at ayaw ko rin na matali si David sa akin dahil pinilit. Isa pang problema ko ay gustong-gusto ng mga magulang ni David si Gracie. Hindi din naniniwala ang mga Gaisano sa arrange marriage. 

Bumuntong hininga ako dahil sa susunod nanga araw ay yayayain na ni David na magpakasal si Gracie. Ang masakit na part ay gusto ni David na tulungan ko siya sa preparasyon. Iyon ang ginawa ko ng matapos ako sa pagligo ng dumating ako sa bahay.

He texted me saying he wants me to help him. Marami ang katulong nito sa preparasyon sa pagyaya pero bakit kailangan ako nitong pahirapan. Gusto pa ako nito na tumulong nasaktan na nga ako ng ibinalita nito ang plano niyang pagpapakasal at ngayon patulogin niya ako.

"What flower should I gave her?" tarantang-taranta ito sa pagtatanong.

Ang masayang imahinasyon ko ay biglang naglaho ng magtanong ito. Ang saya pa naman ng iniisip ko. Si David nakaluhod sa aking harapan habang ang mga tao sa paligid namin ay busy sa pagkuha ng kanya-kanyang litrato at video. 

"Gave her, her favorite flower." Iyon lang ang naging sagot ko at naglakad pa ako para tignan ang iba pang bulalak.

Ilang beses na akong nakatanggap ng bulalak lalo na sa fans at sa may-ari ng product o damit na minomodelan ko. Ngunit ni minsan sa ilang taon wala akong natanggap na bulaklak galing kay David.

Kahit sa birthday ko ay hindi niya ako binibigyan ng regalo. We will only have sex at sinasabi niya na iyon ang regalo niya sa akin. Kung hindi ko pa ito sinasabihan na bilhan ako ng damit, bag o kaya perfume ay hindi pa ako nito binibilhan.

Nilibot ko ang buong flower shop at minsan ay binabango ko ang bulaklak. 

"Can I have a bouquet of flowers miss?" tumango ito at binigay sa akin ang bouquet ng bulalak.

"David bayaran mo din ito please..." binayaran ni David ang bulaklak na ibibigay niya kay Gracie. 

Kukunin sa araw ng engagement ang bulaklak. Kasali ang bulaklak na hawak ko ngayon sa binayaran nito. Bawal na tawagin ko si David sa endearment ko rito lalo na sa public. Masaya ako dahil kahit papano ay nakatanggap na rin ako ng bulalak galing sa kanya.

"Kanino mo ibibigay ang bulaklak?" tanong nito ng buksan niya ang pinto sa driver seat saka pumasok.

"Wala akong pagbibigyan David," sa gilid ng aking mata nakita ko ang pagkulukot ng kanyang noo.

"Bakit nagpabili ka pa?" tinignan ko ang bulaklak bago ko ito sinagot.

"Para sa akin David. Bakit may problema ba?" sa susunod ay ang balloon shop ang pupuntahan namin para bumili ng balloon letters.

"I just thought you have someone to give those flowers," umiling ako as much as I want to take pictures using this flowers.

I just can't. David wouldn't approve if I ask him to take a picture of me. Gusto ko na ang bulaklak ay itatakip ko sa aking mukha while taking pictures. Tahimik kami buong byahe at minsan ay nahuhuli ko ang pagsulyap-sulyap na ginagawa nito sa akin.

Binabagabag pa rin ako ng aking isipan kaya kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko ang bulaklak. I posted the picture in my social media. I posted it in my day. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng makarating kami sa balloon shop. Ako ang kuma-usap at ako ang nagplano sa balloon na gagamitin. Tumingin ako sa direksyon ni David ngayon ay nakangiti ito na kausap ang nasa linya ng kanyang telephono.

"Di'ba ma'am kayo iyong model sa billboard?" Alangan pero tumango ako." Pwede pong magpa-picture?" dalawang nagtratrabaho ay nakangiting naghihintay sa aking pagsang-ayon.

"Sure!" Lumapit ang isa at kinuhaan kami ng kasama niton ng litrato.

Kagaya ng nauna ganoon din ang ginawa. Hindi na bago sa akin ang paghawak sa aking baywang sa tuwing may nagpapa-picture. Today I decided to wear a pekpek highwaist short and a croptop. Kitang-kita ang maliit kong baywang.

Binayaran ko ang balloons.

"Tara?" pinatay nito ang cellphone niya at sa hindi malamang dahilan ay busangot ang mukha nito.

Na kompirma ko na galit ito ng hindi man lang ako nito pinagbuksan ng pinto. Napakunot din ang aking noo at wala sa sariling binuksan ko ang pinto ng passenger seat.

"May naging problema ba kayo ni Gracie? O kaya may nagawa ba akong mali?" hindi na ako nakatiis at tinanong ko ito.

"Why are you allowing those boys to hold you like that?"

 Kailangan ko na bang ngumiti? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status