Share

CHAPTER 2

Napangiti ako alam ko na impossible ang iniisip ko ngayon pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na mapangiti.

"May problema ba? Sanay na naman ako na may humahawak sa akin ng ganoon." sa tagal ko na pagiging modelo sanay na sanay na ako.

It's not a problem to me anymore as long as I don't feel harassed at all. Kung may harassment magrereklamo ako or I can call our family lawyer for that matter.

"Ako hindi ako sanay Hailey. Ako lang dapat ang humahawak sa'yo. Ako lang dapat. Tandaan mo'yan Hailey ako lang." Seryoso na seryoso ito ng sabihin niya iyon.

Gusto ko sanang magbiro rito pero baka hindi na matuloy ang pagkain namin sa restaurant dahil pareho na kaming iritado sa isat-isa. Tahimik na ako kagaya ng nakagawian ayoko ng makipag-away pa rito.

Pumasok kami ng restaurant. Kung may makakita man sa amin walang mag-aakala na may may relasyon kami. Wala naman talaga kaming relasyon I think we're friends with benefits. Pumasok kami sa loob ng restaurant na hindi dumikit ang aming balat.

Sa tuwing kumakain kami sa labas laging nasa liblib kami at hindi kita ng tao. Kung hindi sa liblib ay sa VIP kami kumakain. We ordered our food.

"I want my proposal to be perfect Hailey." Tumango ako.

Marami na rin akong naiisip na bibilhin pa naming at gagawin. Ito din ang mga bagay na gustong-gusto ko maranasan. Sa totoo pihikan ako sa lalaki at ni minsan sa buhay ko ay wala pa akong naging boyfriend.

Ang ending sa pagiging pihikan ko ang resulta ay ang pagiging kabit ko. Kung malalaman ito ng aking mga magulang alam ko na mas ipipilit ako ng mga ito ipakasal sa lalaki na hindi ko kilala.

"Of course, pero hindi na ako nakakatulong once ako na ang isasalang," tumango ito.

Bukas may photoshoot kami sa bagong design na nilabas ni Ayesha. 

"I understand, I will tell Ayesha that you wouldn't be wearing something revealing tommorow." Tumango ako pero alam ko na magsusuot ako bukas ng revealing na revealing na mga two piece.

Kadalasan na nga design na nilalabas ni Ayesha ay mga revealing iyong kulang na lang na makita na lahat-lahat sa'yo. Nagsimula na kami kumain sa oras na dumating ang pagkain sa table.

Panay din ang tingin at reply ni David sa cellphone niya. Sa oras na iyon alam ko na ang ka text nito ngayon ang soon to be fiance niya, soon to be wife at higit sa lahat soon, to be magiging ina ng mga anak ni David.

Masakit na kami ang magkasama ngayon ni David pero iba ang iniisip nito. Iba rin ang nagpapasaya rito. Lagi akong nandito pero nararamdaman ko lang na pinapasaya ko ito sa tuwing binubuka ko ang aking dalawang legs.

Nangako siya sa babae na birhen niya itong ihaharap sa altar. Dahil wala siyang malabasan ng init ng katawan sa oras nang malaman nito na may gusto ako sa kanya doon na siya nagsimula na gumawa ng paraan.

Uto-uto talaga ako isang buwan pa itong nagpaparamdam bumugay na ako. Binigay ko ang aking pagkabirhen. Akala ko may gusto talaga ito sa akin ngunit anim na buwan matapos siyang magpakasaya sa aking katawan inamin niyang wala siyang gusto sa akin.

Ang akala ko na may relasyon kami lahat iyon ay akala ko lang. Kung alam ko lang hindi ko hinayaan ang aking sarili na mas mahulog pa rito. Ngayon sobrang lalim na ng pagkakahulog ko at hindi ko na alam ang gagawin.

"Goodluck! I know Gracie would say her yes," may pa googluck pa akong nalalaman.

Deep inside pinagdasal ko na sana hindi siya sagotin ni Gracie. Marahil sobrang lalim na ang aking pagkakahulog sa kanya ngunit laking pasalamat ko na rin sa ugali ko na hindi sinasabi ang mga nararamdaman.

Kung galit ako kahit kilos hindi mo malalaman pwera na lang kung kilalang-kilala mo ako. Bilib din ako kay David isa na rin kaya siguro mas lumalim ang aking nararamdaman rito sa kadalihanang isa ito sa mga tao na nakaka-alam sa tuwing galit ako.

Siguro nga alam nito na mahal ko siya pero binabalewala niya lang. Mas gusto ko rin iyon kaysa umiwas ito sa akin. Kung kasal na ang mga ito itsapwera na ako sa buhay ni Calvin.

"I really wanted to marry the woman I love Hailey." Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain.

Sa totoo ay masakit na masakit na sa puso ang mga naririnig ko rito.

"I know kaya niyaya mong magpakasal," Napatingin ako sa kanya ng parang may biglang pumasok sa isipan nito.

"I think it is more safe if you would visit your OB for a birth shot control," nawalan na bigla ako ng gana kumain.

Sumandal ako sa upuan at pinikit ko ang aking mga mata. Sinilip ko ito at akala ko ay nakatingin ito sa akin at naghihintay ng sagot ko pero mali ako ng kinuha niya ang cellphone ko sa purse na dala ko kanina.

David knows my cellphone password even social media password. Kaya wala akong pweding maitago rito. Narinig ko ang salitang doc ibig sabihin tinawagan niya ang OB ko  kahit hindi pa ako pumayag.

"Safe naman ang pills David," umismid ito.

"Baka pikotin mo ako at hindi ka uminom ng pills. Malaman ko na lang na buntis ka," lumunok ako ng sarili kong laway.

"Haha alam ko naman na ayaw mo pang magka-anak," goodness ang bobo ko.

"Gusto ko ng magkaroon ng anak Hailey pero alam mo na hindi ikaw ang gusto kong maging ina," wala sa oras na napalunok ulit ako ng sarili kong laway.

Buong maghapon ay tumulong ako sa pag-aayos ng mga gamit at mga staff na tutulong para sa plano nito bukas. Sinabi ko sa mga ito ang dapat na gagawin o saan sila pwepwesto para maging perfect ang proposal nito.

Hinatid ako ni Calvin sa labas ng building. Hahalik sana ako sa labi nito. Ngunit tumama ang halik ko sa pisngi nito. Ngumiti ako dahil para sa akin sobrang awkward kung sisimangot ako.

"See you tomorrow." Hinintay ko na maka-alis ang sasakyan bago ako pumasok sa building.

Bumukas ang pinto. Pumasok ako ng penthouse. Pabagsak na umupo ako sa couch pinikit ko ang aking mga mata kasabay ang pagbagsak ng luha sa aking mata. 

"Umiiyak ka na naman. Tumanggi ka na lang sana sa pagtulong kung alam mong masasaktan ka." Umiling ako at niyakap ko ito.

"Baka mahalata niya Caren," bumuntong hininga ito.

"Pero nasasaktan ka Hailey. Sabihin mo kaya ang nararamdaman mo," suggestion nito.

Ilang beses niya na rin sinabi sa akin pero kahit alam niya ang sagot ay parati niya paring sinusubukan na sabihin ang idea niya. 

"Yayayain niya ba ang tao kung hindi niya mahal? Mahal niya iyon Caren at kung sasabihin ko lalayo siya sa akin at hindi ko kaya Caren," sabi nila girls would be attached o kaya hindi nakakalimutan ng babae ang kumuha ng kanilang pagka-birhen.

"Ikaw na bahala mas gusto mo pang masaktan e," tinawanan pa ako nito.

"My appointment ako sa OB ko sa susunod na araw Caren."

"Bakit may appointment ka?" tanong nito hindi ko kita ang kanyang mukha pero alam ko na nakataas ang isa nitong kilay.

"Birth control shot," nag-aalala ako nitong tinignan

"Bakit naman kailangan ka pang magpa-depo Hailey? Mas okay ang pills kaysa sa depo Hailey," tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Alam ko, gusto ni David para sigurado na hindi daw ako mabubuntis. Kung pills baka hindi ako uminom at mapikot ko daw siya," naawa ako nitong tinignan na ikina-iwas ko ng tingin.

Naawa na rin tuloy ako sa aking sarili.

"Ayaw ng tao na magka-anak kayo Hailey. Isa pa ikakasal na ang tao baka ito na ang oras para itigil mo ang kahibangan mo. Hailey mas maaga mas mabuti. Dahil kahit saan titignan mali ang ginagawa niyo. Pareho kayong mali Hailey pero lahat ng sisi sa'yo. Hindi na healthy ang nararamdaman mo Hailey," nagsimula akong umiiyak.

Si Caren ang nag iisang eye opener ko sa mga kahibangan na ginagawa ko. Ang resulta ng ginawa naming drama kanina. Nanood kami ng movie na nakakatakot. Humiga ako sa kama ng matapos ako sa pagpapatuyo ng buhok.

Nakatulog na din ako sa pagod na nararamdaman ko sa buong araw na lakad namin kahapon. Nainggit ako sa tuwing nakikita ko ang kasabay ko sa pagmomodelo dati na engage o kaya ay may anak na.

Aanhin ko ang pera na kinikita ko at ang pagiging sikat kung wala pa rin ako ng lahat ng pinapangarap ng mga babae. Pangarap na makasal at magka-anak lahat iyon ay impossible para sa akin.

Isang oversize t-shirt ang suot ko. Nilagyan ko lang ng belt sa may baywang para maganda pa ring tignan. Huhubarin din naman kung magsusuot pa ako ng dress. Wala pang bakas ng preparation para mamaya ng dumating kami.

Hinanap ng aking mga mata si David. Binati ako ng mga staff na nakakasalubong ko. Ngunit ang nahanap ko ay si Ayesha.

"A simple white t-shirt still manage to look gorgeous. How to be you po?" ngumiti ako rito.

"Likewise, you look pretty as ever." Ang mahaba nitong buhok ay nagpatingkad pa sa kanyang ganda.

Gaisano's are really good looking. Wala yata aking nakita na pangit sa limang magpinsan. Si Ayesha lang ang babae sa kanilang lima.

"My brother will propose this morning Hailey. I'm excited, ang tagal ko na rin na ni request na yayain magpakasal si Gracie." Nakikingiti din ako dito.

Nagkuwentuhan na muna kami bago may tumawag sa akin na naging dahilan kaya natigil ang aming pag-uusap. Tinawag ako ni Caren dahil sisimulan na ako nitong lagyan ng make-up.

Lahat sila ay butong-buto kay Gracie. Anong laban ko kay Gracie? Ni hindi ko nga alam kung may tatanggap pa sa akin. Tapos na si Caren sa make-up nito sa akin ngayon buhok na ko na  ang inaasikaso nito.

Dumating ang susuotin ko mamaya. Tinignan ko ang design ng una kong susuotin. Ang una kong susuotin sa photoshoot ngayon ay isang lingerie. Kita ang dalawa kong nipples at sa lingerie na ito hindi ako pweding magsuot ng underwear.

See through ang susuotin ko. Ang akala ko ay hindi ako magsusuot ng underwear ngayon. Kinakabahan pa naman ako buti at may kumatok sa pinto at nagbigay ng isang nude color underwear.

Tinawag na ako ng ako na ang susunod para sa photoshoot.  Pumwesto ako sa gitna. 

"Do your best to look seductive infront of the camera." I nodded hindi na ako nito kailangan na sabihan  sa tagal ko sa industriya alam ko na rin ang pasikot-sikot o mga pose na kailangang gawin.

Sa kalagitnaan ng photoshoot ay nagsimula ng mag-ingay. Tumigil sa pagkuha ng litrato ang photographer at tumingin sa direksyon ng nag-iingay. Hininto ang aming ginagawa.  Kumpol na ang mga tao sa direksyon ng mga ito.

Hindi muna ako naglakad patungo sa eksena.  Naglakad ako papalapit kay Caren. Binigay nito ang robe na agad kong sinuot. Nag-alala ako nitong tinignan. Nanghihina na ngumiti ako rito.

Bago pa kami nakarating at makita ang pangyayari ay sumagot na ng yes si Gracie. Palakpakan ng mga tao ang kasunod. Ayaw kong magmukhang bitter ag hindi masaya.  Naki-sabay ako sa mga tao na pumalakpak at ngumiti kahit ang totoo gusto ko ng umiyak.

Masakit na nga ang ginawa kong pagtulong kahapon paano pa kaya ngayon.  Nagsalubong ang tingin namin ni David.  Tuwang-tuwa ito binigyan ko ito ng isang approve sign.

I also mouthed congratulations. Ngumiti ito at hinalikan ulit sa labi ang kanyang fiance.  Shit ka self huwag na huwag kang iiyak.

"We will all eat in a nearby restaurant this lunch." Ang kasiyahan ng mga tao sa narinig na balita kay David ay mas lalong nadagdagan.

Balik ulit ako sa trabaho. I try so hard to concentrate lalo na at nanood si David,  Ayesha at ang fiance niyang si Gracie." Nakahinga ako ng maluwag. 

"Great job!" Salubong ni Ayesha ng makalapit ako sa kanila.

"Ang galing mo," hindi kami close ng fiance nito pero nakatanggap pa rin ako ng papuri gaking rito.

"Thank you," ang sama ng tingin ni David sa pangatlong lingerie na sinuot ko ngayong araw. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status