Share

Chapter 3

Naglalakad ako palabas ng Classroom ng marinig kong may tumawag sa phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at sinagot agad. 

"Yes, Mom? napatawag ka?" tanong ko. Hindi naman kasi talaga siya tumatawag kaya nagulat ako.

"Where are you? Go home early, okay? may pupuntahan tayo." Sabi niya agad gamit ang masigla niyang boses. Saan naman kaya kami pupunta?

"Saan po, Mom? Pauwi na po ako," sagot ko sa kaniya. Naglalakad ako sa hallway habang nililibot ang paningin. Nagmamadali kasi kanina si Darrel na lumabas eh. Tinamad na akong maghabol kaya pinabayaan ko na lang.

"Basta! pagdating mo ng bahay maligo ka at magpaganda, okay? Suotin mo 'yung bagong dress na bili ko ang kulay peach bagay 'yun sayo." Bilin niya saka namatay ang tawag. 

Hindi pa nga ako nakasagot binabaan na agad ako. Ano ba ang meron? 

Huminto ako malapit sa gate, "Hindi ko naman birthday ngayon, wala naman sigurong surprise ‘di ba?" tanong ko sa sarili, nilagay ko sa ilalim ng baba ang kamay ko at tumingin sa itaas na tila ay nag iisip. Ilang sandali ay nagsimula na ulit akong maglakad.

"Hindi naman anniversary nina Daddy at Mommy ah?" bulong ko sa sarili habang habang patuloy na naglalakad. Parang timang na yata ako.

"Mas lalong hindi naman 'yun celebration dahil wala naman akong natanggap na award maliban sa Best Fans Club award." Napatampal ako ng sarili dahil sa katangahan ko. Nakakahiya man pero mas nag excell ako sa pagiging fans kaysa sa klase.

"Bahala na nga." Sabi ko sa sarili at pumasok na sa kulay abong vios na sasakyan namin.

Pagkadating ko sa bahay ay naligo agad ko at nag palit ng damit, naglagay ng pulbo at lipstick.

"Ayan! Maganda na." Sabi ko sa sarili habang pilit na ngumingiti sa salamin.

Suot ang isang kulay peach dress na above the knee at white 5 inch cross lace heels at diamond earrings. Bumaba ako mula sa ikatlong palapag ng bahay namin. 

Napatingin ako sa relong suot ko. "Mag-aalas sais na pala."

Nakita ko agad sina Mommy at Daddy na bihis na bihis sa living room.

"Kanina pa kayo, Mom, Dad?" I asked.

"Oo, anak." Sagot ni Daddy habang nag aayos kurbata.

"Saan po ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"May family dinner tayo, anak. Kasama ang bagong business partner namin ng daddy mo," masigla niyang sagot. Ngumiti ng kasingtamis ng kendi si Mom. Puwedi naman na sila lang eh.

"Ba't kasama pa ako?" nakabusangot kong tanong.  Ang boring kasi 'pag sinasama nila ako. Puro lang naman tungkol sa business ang pinag-uusapan nila.

"Ikaw ang pinaka importanteng tao do'n, anak." What?! Hindi na ako nakapagsalita ng bigla na akong hilahin ni Mommy.

Dalawampung minutos kaming bumyahe bago kami nakarating sa isang Luxurious hotel. Halos babasagin  lahat ng gamit. Namangha ako sa ganda ng loob nito. Bihira lang ako makakita nito.

"Peny, Make it fast." 

Sumunod na ako kina Mommy at Daddy papasok. Saan ba kami pupunta?

"Peny, halika." Hinawakan ako sa kamay ni Mom. Pumasok kami sa isang restaurant, walang masyadong tao. Gulat na gulat ako ng makita ko siya.

Si Darrel 'yun ah?Anong ginagawa niya dito? Omyghad papunta yata kami sa table nila. Ayaw ko!

Kinaladkad ako ni Mom kahit pilit akong bumabalik, natatakot akong tumingin. Wala na akong magawa ng pingotin ako ni Mom sa gilid ng tiyan. 

"Good evening, everyone." Binati sila ni Mom. "Oh? Is that your Son?" she asked.

"Yes, Rebecca." Mama kaya siya ni Darrel? So papa niya ang lalaking 'yan? Ba't ang gwapo ng papa niya. Halos nanlaki talaga ang mata ko sa gulat ng mga nangyayari.

"Baby, introduce yourself." Baby? Psshhhh.. matatawa na sana ako ng pisilin ako ni Mom kaya napatikom ako ng bibig.

"Mom, don't call me that. I'm a man now. " Sumama ang mukha niya.

"Good evening. I’m Darrel." Lumapit siya sa mom ko at nag beso at nagshake hands kay dad. Nakipagkilala sila sa isa't-isa. Ngumiti pa si Dad.

Pupunta na sana siya sa akin ng huminto siya bigla at bumalik sa upuan.

"Tssss, ano ako exempted?" bulong ko. Wala naman akong bacteria ah?

"This is my daughter Penelope." Sabi ni Dad.

"Hi po." Ngumiti ako ng matamis sa kanila. Dagdag points lang matching tawa sa isip.

"Napakagandang bata naman. Anak, siya 'yung magiging asawa mo." Sabi ng  mommy niya sabay ngiti. Ilang segundo kaming natahimik hanggang sa tuluyan na naming naintindihan ang sinabi niya. 

"What?!!" sabay naming sigaw ni Darrel. 

Totoo talaga? Parang tumigil ang paghinga ko na parang dumilim ang mundo ko bigla. Napatingin ako kina Mom na parang wala lang sa kanila 'yun.

"Bakit siya pa?! Madami namang iba dyan?!!" singhal niya habang sobrang sama ang mukha.

Ayaw niya ba talaga sa'kin? Gano'n ba ako ka pangit? Napayuko na lang ako sa hiya.

"Hijo, calm down. This marriage is for the sake of our company and of course the future of the both of you." Sabi ng daddy niya.

Wala ng magawa si Darrel kung 'di ay madilim na tumitig sa'kin. Wala naman akong alam ah? Ba't parang kasalanan ko?

"Hija, I'm your future Mommy Jessel." Tumayo siya at nag beso sa'kin. "And he is your Daddy Danny and my Son, ang mapapangasawa mo." Bahagya akong ngumiti sa kanila. Totoo ba talaga? Oo ini-imagine ko siya pero hindi ko inexpect 'to.

"Let's eat and talk about the wedding." Seryosong sambit ni Dad. Napabuntong- hininga ako.

Kumain na kaming lahat pero hindi ako makakain ng maayos.  Naiilang ako sa tingin niya. 

Matapos naming kumain lahat do'n na napag-usapan ang kasal. Nakabusangot lang ako habang nakayuko.

"Mom, ipapakasal nyo talaga ako?" Tanong ko.

"Peny this is for you, Syempre gagawin namin ang ikakabuti mo." Sinsero niyang sagot.

"But, Mom. Tingnan mo nga siya ayaw niya sa'kin," bulong ko. Ayaw niya naman talaga. Miske ako hindi ko gusto 'to. Gusto ko 'yong totoo.

"Magugustuhan ka din niya, anak." 'Yon ang naging sagot niya. 

"When is the wedding?" my dad asked.

"Next month?" Tita said.

"I'll be the one na magpe-prepare, don't worry about it and saan sila titira?" tanong niya agad. 

Ha? Titira? Bakit? Hindi pa naman kami kasal.

"Sa Condominium sila titira nakakuha na ako, may 3 room 'yun kaya okay na okay at puwedi na silang tumira do'n bukas." Wtf! Ang bilis naman. Ano 'to? Mommy! Gustong-gusto kong sumigaw pero wala akong magawa.

"Mom?! Titira na kami agad sa iisang bubong?!" I blurted out. Uminit ang mukha ko dahil sa inis.

"Tssss! Gustong-gusto din naman." Rinig na rinig kong bulong ni Darrel.

"Hindi ko 'to ginusto ha?" napatayo ako at hinampas ang mesa.

"Anak, 'wag kang ganyan." Sabi ni Dad. Nag-iinit ang mukha ko dahil sa inis, muntikan ng may lumabas na apoy sa ilong ko. 

"Pero, Dad. Pinagbibintangan niya ako!" Inis na inis kong sabi pero ngumisi lang siya.

"Darrel! Behave! Say sorry now!" may diing sabi ni Tito.

"Yes, Dad. Sorry, Peny." Napayuko siya habang sinasabi 'yon. Hinayaan ko nalang nakakainis pansinin.

"Simple wedding na muna. Nag-aaral pa naman sila." Sabi ni Tita. Matapos pag-usapan lahat pati kung saan gaganapin at kung ano-ano pa. 

"Settled na ba 'to? Bukas titira na kayo sa condo ninyo, magkasama kayo papuntang school, kumain, mamasyal at kahit ano pang gawin ng isa sa inyo! Kuha nyo?" sabi ni Mom.

"But, Mom! Hindi naman kami kambal! Ba't kailangan palaging magkasama?!" 

"Walang but-but period!" Wth talaga. Shemmay naman!

"Pagdating ng bahay mag impake na kayo, okay?" bilin niya sa'min. 

Hindi ko alam pero parang wala lang sa kanila 'to. Si Dad at Tito business ang pinag-uusapan. Si Mom at Tita kasalan. 

"Opo." Sagot ko kasama ang panlulumo. Ano kaya ang mangyayari sa'min. Magkakaintindihan kaya kami? Mainitin pa naman ang ulo no’n.

"It's already past 8, Danny ! let's go home. Tutulungan ko pang mag impake ang baby natin." Baby talaga? tumawa ako ng patago sa kaniya.

Nag beso na sila sa isat-isa. Niyakap ako ng daddy niya at mom niya. Nag paalam nadin ako.

"Baby, say bye to your future wife." Seryosong sabi ng Dad niya. Napatingin naman ako bigla. 

"Bye." Suplado talaga. che! Hindi na kita crush.

Nauna silang lumabas sa amin. Nag cr pa kasi si Mom.

"Dad." Niyakap ko siya habang naka puot. "Kailangan ba talaga naming magpakasal?" tanong ko.

"Peny, baby." hinaplos niya ang buhok ko. " Kailangan namin 'to ng gawin ,kayo ang magmamana ng kompanya."

"Dad! Nakakahiya sa kanya, halatang ayaw na ayaw niya sa'kin." 

"Anak, matutunan kadin nyang mahalin. Hintayin mo lang. There is a lot of time for love." Word of wisdom ni Dad.

"Thanks po, Dad." Nakayakap padin ako.

"Kapag nagka-problema andito lang kami ah?'Pag may kailangan ka, tumawag kalang." Malambing na sabi ni Dad.

"Opo, Daddy." Hinalikan niya ako sa ulo kaya napangiti ako.

"Anong pinag uusapan n'yo?" tanong ni Mom sa bigla nitong pagsulpot. 

"I love you, Mom." Niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Awww...malaki na ang anak ko, magpapakasal na siya." Biro niya habang tumatawa.

"Mom, naman." Biglang uminit ang pisngi ko kaya napahawak ako dito. 

"Anak, masaya ako para sa'yo." Ngumiti siya sa'kin. 

"Pagbutihin mo ang pagiging asawa ah?" 

"Mom, tama na nga." 

"Umalis na tayo, hon. Gabi na." Umalis na kami ng hotel at sumakay sa kotse namin.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status