Share

Chapter 6

Isang linggo na kaming magkakasama sa iisang bahay ng suplado at mainitin ang ulo na nilalang na 'yon. 

Hindi man lang nagbago ang trato niya sa'kin. Minsan hindi na siya nagluluto ng pagkain, kaya tinapay nalang ang kinakain ko, hindi kasi ako marunong mag luto. ‘Di ba? Ano 'to? Sumpa? Nakakainis siya pero wala akong magawa. Mas mabuti pa na nandoon ako sa bahay, tahimik pa ang buhay ko. May katulong na puwedi akong lutuan anytime. Mababait pa sila hindi kagaya ng kasama ko sa bahay napakabwesit. Nai-stress ako myghad!

Lunes ng umaga at ang nakakainis ay hindi niya ako hinintay. Napakasama talaga ng ugali. Sino ang magtatagal sa gano'ng ugali aber? Dahan-dahan ng nawawala ang pagkakagusto ko sa kaniya. Nakakaturn off siya.

Nagpapapadyak-padyak ako ng walang taxi na dumadaan. Male-late na ako sa school.

Nandito ako nakatayo sa labas ng Lopez Condominium. Kung sana may driver ako, hindi ako maghihintay ng matagal dito.

Nabigla ako ng may pumaradang Mercedes Benz na kulay pula sa harapan ko. 

Sino kaya to? Pinapainggit niya ba ako? Akala niya siguro hindi ko afford ang ganiyang kotse. 

Dahan-dahan bumaba ang bintana ng kotse niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Miss, need a ride?" tanong ni kuya. Bakit pamilyar ang boses niya?

"CHE! 'Wag ako! Iba nalang dalhin mo sa motel!" buong lakas kong sigaw. Narinig ko ang pagtawa niya kaya mas lalo akong nainis.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse niya kaya napatingin ako.

"Yohan?" gulat na gulat kong tanong. Kaya pamilyar ang boses niya. Tumawa siya habang tumitingin sa'kin. 

"Napaka hard to get mo ah? Mabuti 'yan, Pen. Pero motel talaga?" tanong niya pa habang hindi maalis ang tawa.

Umirap ako, "Syempre modus 'yon eh." Pagdadahilan ko. May mga gano'n kasi minsan. 'Yong tipong ang ganda-ganda ng sasakyan tapos ang bait-bait tsaka nila kukunin ang loob mo saka dadalhin sa motel at iiwan agad. Nabasa ko lang sa diyaryo.

"Sakay na, Pen. Male-late na tayo pareho." Matamis siyang ngumiti saka pumasok sa driver's seat. Sumunod ako at pumasok sa passenger seat. Dalawa lang naman ang upuan eh. Ito talaga 'yong kotse na panghatak chicks.

"Sayo 'to? Ang ganda." May pagka-mangha kong sabi sa kaniya habang nilibot ang tingin ko. Parang pakpak ang pinto pag nabubuksan. Gusto ko din ng ganito kaso hindi ako marunong mag-drive.

"Nasa'n na ang isa mong sasakyan?" tanong ko habang inaayos ang seatbelt.

"Nasa bahay," bahagya siyang tumawa at tumingin sa'kin. Nagsimula ng umandar ang kotse paalis. "Bagong bili kasi 'to kaya ginamit ko na agad, teka nga! Do'n ka nakatira sa condong 'yun?" tanong niya.

"Oo." Tumawa ako dahil sa reaksiyon niya. "Nakakagulat ba?" tanong ko pabalik.

"Bakit? Malaki naman ang bahay n'yo ah? Mabuti nalang nadaanan kita, wala ka bang driver ngayon?" sunod sunod niyang tanong habang nagda-drive, nakakunot pa ang noo niya kaya tumawa ako ng patago.

"Kailangan ko na daw mag bukod, malaki na kasi ako at malapit na akong magka-boyfriend." Paliwanag ko sa kaniya. Malapit na mag-boyfriend? Naririnig ko ba sarili ko? Parang tangekks!

At tsaka hindi niya pweding malaman ang tungkol sa'min ng supladong nilalang na 'yon, baka pagalitan niya ako.

"Okay, siya nga pala may tugtog kami sa susunod na araw, ikaw na ba ang number one fan ko?" magiliw niyang sabi. Tumingin siya at nagpa-cute sa'kin. Ang kulit niya habang nagda-drive.

"Talaga? Para saan daw?" gulat kong tanong.

"Hindi ko din alam eh. Ang sinabi lang tutugtog kami." Tumango-tango ako habang nag iisip.

"Sige! Gagawa ako ng tarpaulin. Sasabihin ko nalang sa mga member ko na magba-back- out na ako, ang pangit naman kasi ng ugali ng idol namin." Rant ko habang nakasimangot. Nag-cross arms pa ako at tumingin sa labas.

"Mabait naman si Darrel ah?" natatawa niyang sabi habang palingon-lingon sa'kin at sa daan.

"Hindi kaya! Palagi nalang siyang galit." Napa iling nalang siya sa sinabi ko.

"Pero sa'yo lang siya galit, Pen." Anya at napangisi pa.

"Wala naman akong ginawang masama sakanya ah?" napalabi ako habang sinasabi 'yon. Napaka OA niya lang siguro.

Magkasama kaming pumasok ni Yohan kaya napapatingin sa'min ang mga studyante at nagbubulungan. Tiyak chismis nanaman iteeyy. Sinabi ko kay Yohan ang mga nakikita ko kaya tawang tawa siya. 

"Alam mo ba? Okay nadin 'yun nuh! Minsan lang ako magka chismis." Sabi niya habang natatawa.  Pagpasok namin ng room ay malisyoso naman na napatingin ang mga kaklase namin.

"Yohan, bakit magkasama kayo lagi ni Peny? Kayo na ba? Ayiiiiieeee..." Sabi ng isa naming kaklase habang kinakantyawan kaming dalawa. Nagkatinginan lang kami ni Yohan at ngumiti.

"Secret. Malalaman niyo 'yan sa susunod." Kumindat siya agad sa kaklase namin kaya siniko ko siya sa tagiliran. Bahagya siyang napangiwi habang tumitingin sa'kin.

Bigla nalang tumayo at nag dabog si Darrel palabas. Natumba pa ang upuan niya ng tumayo siya. Kaya sinundan ko siya ng tingin hanggang sa labas.

"Kitammss galit na naman yata siya." Sabi ko kay Yohan. 

"Baka may emergency lang siya, hayaan mo na." Ngumisi siya at umupo na kami sa upuan namin.

Magkasama kaming dalawa ni Yohan hanggang lunch. Hindi ko alam pero masaya ako na nandiyan siya. Mas naging malapit kami sa isa't-isa.

Uwian na kaya magkasama kaming dalawa ni Yohan papuntang car park. Nakita ko si Darrel sa sasakyan niya na madilim na nakatitig sa amin.

"Yohan, hindi ako makakasabay sayo pauwi ah? May dadaanan pa kasi ako." Paagdadahilan ko habang nakayuko.

"Sige, Pen. Mag-ingat ka." Kumindat siya at nagpalaam sa'kin. Tiningnan ko siya hanggang sa maka-alis ang sasakyan niya. Mabilis niya itong pinaharurot. Naku, hindi man lang nag-iingat. 

Dumeretso agad ako sa sasakyan ni Darrel. Pumasok ako na hindi siya kinakausap o kumibo man lang.

Hindi padin siya umaalis sa hood ng kotse niya. Pinabayaan ko na lang. Bahala siya sa buhay niya. Makalipas ng halos limang minuto pero hindi padin siya umaalis. 

"Darrel, ano ba? Tutunganga kalang diyan? Mag gagabi na oh?!" singhal ko. Hindi padin siya kumikibo. Lumabas ako at hinarap ko siya habang tiningnan ng masama. 

"Hindi kapa din ba aalis?!" walang sagot galing sa kaniya.

"Sige mag ta-taxi nalang ako." Kinuha ko sa loob ang bag ko at amba na sanang aalis ng bigla siyang magsalita.

"Get in." Malamig niyang sabi. Pumasok na ako ng tahimik at sumunod nadin siya. 

"Nag-iinarte pa. Akala mo naman bagay sakanya." Bulong ko.

"Naririnig ko ang sinabi mo, Peny." Napakagat-labi ako.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status