Share

Chapter 10

MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas. Naghuhugas ng plato si Sushi habang hinihintay na makabalik si Pierce. Tinawag kasi ito ni Kuya Bert kanina, nagpapatulong dahil mukhang hahagipin na nang malakas na hangin ang bubong ng bahay ng mga ito.

Sumilip siya sa bintana na malapit sa sink counter. Ang lakas ng hampas ng hangin sa mga puno. Tila hahaklitin pa yata ang yero ng bahay. Pero sabi naman ni Pierce ay matibay 'yon kaya 'di na rin siya masyadong nag-aalala.

This is the very first time na naramdaman niya ang isang bagyo. Away from the comfort and security of her well built mansion. Kinakabahan siya sa tuwing naririnig niya ang tunog ng yero at ang malakas na paghampas ng kung ano sa mga bintana.

"God, protect this place," she silently prayed.

Signal number two ang Guimaras sa bagyo. Kaya nga agad na nag-imbak si Pierce ng pagkain para sa kanila – good for a couple of days. Naging busy rin ito sa plantasyon ng mangga dahil tiyak apektado ang mga pun

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status