Share

Love, Third
Love, Third
Author: sigmaxx

SIMULA

“SHEN! NASAAN KA NA!”

Agad siyang nagtago sa likuran ng aparador malapit sa may banyo. Nanginginig ang kaniyang kalamnan at nahihintakutan na isiniksik ang sarili sa makipot na parteng iyon. Dinig niya ang mga yabag nito at sa bawat hakbang nito ay mas lalong bumibilis ang pagtahip ng kaniyang dibdib.

“You want to play hide and seek? I'm gonna count one to ten!” sigaw pa nito na sinundan ng paghalakhak. 

She need to hide somewhere else! Sumilip siya sa pinagtataguan at tanaw niya mula ro'n ang bulto ng lalaki na naglalakad sa kanang direksyon ng pent house. 

“One!”

Her kness were shaking! Kung hindi siya gagawa ng paraan ay mamamatay siya rito! She can't believe that she went on a date with a psycho! 

“Two!”

Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong paligid. Hindi siya makahanap ng magandang pagtataguan. Kung tatawid siya sa kabila, agad siyang makikita ng lalaki. 

“Three!”

Napasalampak siya sa pinagtataguan at doon mahinang napaiyak. Ayaw pa niyang mamatay! Ang dami pa niyang pangarap sa buhay. Sa sobrang taranta ng kanyang isipan ay marahas niyang natampal ang kanyang mga hita. Doon niya nakapa ang cellphone. Aligaga niya itong kinuha at nanginginig ang mga kamay na hinanap sa contacts ang number ni Stephen. 

“Sagutin mo! Ano ba!?” mahina ngunit mariin niyang bulong sa sarili. Gayon na lamang ang kanyang tuwa nang sumagot si Stephen. 

“Hello, Shen?”

“Stephen! Tulungan mo ako!”

“Ha?” nataranta na ito sa kabilang linya. “A-Ano'ng nangyayari? Nasa'n ka?”

“Papatayin niya ako!” she said out of frustration and panic. “Tulungan mo ako, Stephen! Papatayin niya ako!”

Sa kasamaang palad ay hindi na sumagot sa kabilang linya si Stephen. Agad na nawala ang tawag. Kandapindot siya sa cellphone at hindi na alam kung paano pa ito matatawagan.

“Shit!” napamura na siya sa sobrang takot. Dahan-dahan niya pang sinilip ang lalaki kung nasa paligid pa ito. Ngunit hindi na niya ito makita. 

At gayon na lamang ang pagkataranta niya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sa lakas ng tunog niyon ay paniguradong narinig na nito iyon. Hindi siya magkamayaw kung paano patitigilin ang cellphone sa kakatunog. 

Muli niya pang pinakiramdaman ang paigid. Tanging ang tunog na lamang ng makina ng aircon ang pumapailanlang sa paligid. Hindi na niya naririnig ang marahang yabag nito sa marmol na sahig.  

Ngunit gayon na lamang ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niya ang isang pares ng itim na sapatos sa kanyang harapan. Wala sa sariling napa-angat siya ng tingin at kulang na lang ay panawan siya ng ulirat. Hindi niya napigilan ang sariling mapaluha.

Isang nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa mga labi ng lalaki. “Gotcha!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status